Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 8

8: A Date


[Aya’s POV]

Abala ang lahat ng myembro ng student council maging ang mga myembro ng bawat organization at department ng CSL. Foundation week is coming. Kaya pala nagpatawag ng biglaang meeting ang chairman ng school ay para mapag-usapan ang nalalapit na foundation week ng CSL.

“ Miss Aya, totoo po ba na may darating na ibang school dito?” tanong ni Suzie, kasamahan ko sa student council

Mula sa pag-iisip ng plano para sa darating na foundation week ay napalingon ako kay Suzie.


“Yap..balita ko mga taga St. Joseph ang bibisita sa atin. Saka magkakaroon yata ng basketball tournament between CSL at St. Joseph.” Tugon ko sa kanya.

“ Talaga po Miss Aya?! Sa wakas may makikita akong bagong mukha..hahaha” excited na sabad naman ni Rose.

“ Bakit? Sawa ka na ba sa mga mukha ng estudyante dito?” tanong ko sa kanya

Saglit na napaisip si Rose.

“ hindi naman sa sawa… dedma kasi ang beauty ko sa kanila eh lalo na kay Papa Lance”
Napamulagat ako sa kanya.

“ crush mo si Lance?”

“oo..kaya lang alam ko namang kahit anong gawin ko eh hindi nya papansinin ang kagandahang ito. Kaya hahanap nalang ako ng iba. Pero ako pa rin ang number 1 fan nya.”

“ ako crush ko si Papa West, katawan palang ulam na..hehe” singit naman ni Suzie.

“ shhh..ano ka ba. Kapatid ni Miss Aya yung pinagnanasaan mo!” saway sa kanya ni Rose

“crush lang naman eh…saka boto ka naman sakin Miss Aya bilang hipag di ba?” nagpapacute na ngumiti pa sakin si Suzie.

“ mga luka luka talaga kayo…sige go lang kayo sa mga pantasya niyo..ichecheer ko pa kayo” tumatawang sabi ko sa kanilang dalawa.

“ excuse me po Miss Aya, may naghahanap po sa inyo” tawag pansin sakin ni Mae. Isang freshmen representative.

“ naghahanap? Sino daw?”

“ di ko po natanong ang pangalan eh pero gwapo,matangkad, maputi at macho”

“ grabe ha.. di mo natanong ang pangalan pero nagawa mo syang idescribe ng ganyan ah..”natatawang sabi ko sa kanya.

“eh kasi naman po nung makita ko sya natulala nalang ako bigla. Wala na akong nasabi”namumulang sagot ni Mae

“oh siya..siya.. papasukin mo nalang dito at busy ako eh”

“sige po” tugon  ni Mae at lumabas ng pinto.

Meron kasi akong parang maliit na opisina lang naman bilang president eng student council.

Ipinagpatuloy ko na ang pag-iisip ng mga gagawing activities habang naghihintay sa sinasabi ni Mae na naghahanap daw sakin. Isang buwan lang ang time naming para makapagprepare kaya dapat magmadali.

Napansin kong parang biglang natahimik ang opisina.maging sina Suzie at Rose na nagtatawanan eh nanahimik. Nacurious naman ako kung bakit.

“ oh! Bakit mga nanahimik kayo? May dumaang anghel ba?” pabirong tanong ko sa kanila. Trying to break the silence.

Sabay pang tumuro sa likod ko sina Suzie at Rose.

“ anghel nga Miss Aya” tulalang sabi ni Rose

“ pagkagwapo-gwapong anghel” segunda naman ni Suzie.

Nakakunot-noong lumingon ako sa likuran ko para tignan kung sino ang tinuro nila. Maski ako ay parang gusto ring matulala sa nakita ko.

“hi! Nakakaabala ba ako?” nakangiting bati ni Vince

“ oi! Hi! Ikaw pala..ahmm..hindi naman” agad naman akong nakabawi sa pagkatulala.
“ napadalaw ka? May kailangan ka ba?”

“ bakit? Bawal ka na bang dalawin?” nakangiting ganting tanong naman niya.

Grabe naming ngiti yan oh..nakakaadik..

“ ahh…hindi naman..medyo nagulat lang ako. Ngayon ka lang kasi nagpunta dito.”

“ namiss kasi kita eh”

biglang nanlaki ang mata ng mga kasamahan ko sa opisina. Batid kong nakikinig at nakatingin sila sa amin ni Vince.

“oi wag ka ngang magbiro ng ganyan. Madudumi utak ng mga tao dito. Baka kung ano pa isipin ng mga iyan.” Saway ko sa kanya. Pero deep inside gusto kong kiligin.

“Aya behave!!! Si Vince lang yan!!!” saway ng konsensya ko.

“ naku miss Aya malinis po ang mga utak naming ah..wala kaming ibang iniisip” kontra ni Suzie “ hindi ba mga kasama?”

Agad namang sumangayon ang mga ito.

“ pasensya ka na sa mga iyan Vince ah…hindi pa kasi natuturukan ng mga gamot eh”

“ok lang yun. Masaya nga yung ganun eh. Saka parang di ka pa nasanay eh ganyan din naman sila Jake”

“well..kunsabagay” kibit-balikat ko. “ By the way anong maipaglilingkod ko sa iyo Mr. Vincent Madrigal?”

“yayayain lang sana kita kumain sa labas” nakangiting anyaya ni Vince

Napatitig ako sa kanya.

“ Bakit? Anong meron? May lakad ba ang barkada?”

“Wala naman. May gusto lang sana ako itanong sayo. Kung busy ka hintayin nalang kita hanggang matapos.”

“ahm…baka matagalan ako eh”alanganing sagot ko sa kanya.

“Naku! Hindi busy yan si Miss Aya. Sa katunayan pauwi na nga sya eh” biglang sabad ni Rose.

“ oo nga poh Sir, kaya isama niyo na po sya. Hindi pa nga kumakain yan mula kanina eh” sang-ayon naman ni Rose

pinandilatan ko sila ng matang dalawa. Luka-luka itong mga ito. Ikokompromiso ako.

“ Vince kasi-”

Pero bago pa ako makatutol eh pinagtulakan na ako palabas ng mga kasamahan ko. Inabot naman ni Rose kay Vince yung bag ko.
“ Sige na po Miss Aya..kami na bahala dito.Enjoy your date.” Panunukso ni Suzie.
“ Sir Vince ingatan mo yung presidente naming ah..love naming yan.” Pahabol naman ng isa ko pang kasamahan na hindi ko na napansin kung sino.

“ yah.. I will.. thanks”

Hinawakan na ako ni Vince sa braso palabas ng opisina. Pero bago lumabas eh pinandilatan ko ang mga kasamahan ko . Flying kiss naman ang ibinato sakin nila Suzie at Rose.

Haay!! Hindi na ako nalayo sa mga luka-lukang tao. Mapa-barkada’t kasamahan sa student council.

Ohh sige..ako na..ako na talaga..hehe..

“ San mo gusto kumain?” tanong ni Vince

“ ikaw, kahit saan. Tutal ikaw ang may gustong sabihin sakin di ba? Confidential ba?”

“ ahhmmm…medyo”alanganing ngiti ang ibinigay niya sakin

“ kinakabahan naman ako sayo. Alam mo naming hindi ako mahilig sa mga suspense na bagay eh.Ano ba kasi yun” pamimilit ko sa kanya.

“ later” simpleng tugon niya.

Napansin kong papunta na pala kami sa parking lot ng school.
“ magkokotse pa tayo? Malayo ba pupuntahan natin?” tanong ko sa kanya.

“Basta. Relax ka lang okay? Ako bahala.”

“ Ako ang kawawa” pabirong dugtong ko.

Sabay pa kaming nagtawanan.

 Napansin kong hawak niya parin ang bag ko.

“ Akin na pala yan. Nakakahiya naman sayo.”akmang kukunin ko ang bag ko pero iniwas niya .

“ ako na. baka mabigatan ka eh”

“ sus! Ano namang mabigat dyan”

“ Alam mong ayoko nahihirapan ka eh….bagay ba?” nakangiting tanong niya sakin.

Napatawa ako bigla ng malakas ng makita sya.

Papaano ba naman ksi. Isinuot niya sa balikat niya yung bag ko. And take note…kulay Purple ang bag ko na shoulder bag. As in yung pambabae talaga tapos siya ang magdadala…

OMG so awkward sa mga nakakakita. Pansin ko nga na maraming napapatingin sa aming dalawa but it looks like Vince didn’t mind at all.
Ako pa ang nahihiya para sa kanya.

“ Vince, ako na lang.” pamimilit ko.

“ No. I insist okay?. Pagbigyan mo na ako. Its my first time to carry a woman’s bag..   hindi mo ba alam na matagal ko ng pangarap ito” nagbibirong sabi niya sakin.

“ hay naku hindi bagay sayo..wag mo ng tangkaing maging myembro ng federasyon dahil Im sure maraming luluha ng dugo” ganting biro ko din.

“ kung magiging bakla ba ako papayag ka?” nakangiting tanong niya sakin habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.

“thanks….ahhmmm… kung magiging bakla ka siguro isa ako sa magpoprotesta..hehe..at gagawa ako ng paraan para maging lalaki ka!” tumatawang sagot ko sa kanya.

No comments:

Post a Comment