9: Ang Pagtatapat
[Vince POV]
There she is. The girl of my dreams. The love of my life. Ang first love ko.
Habang nagmamaneho di ko maiwasang mapatingin kay Aya na nakaupo sa passenger seat ng kotse ko. Para tuloy gusto kong kumanta ng Passenger Seat bigla. Hehe. Oo, si Aya. Si Aya na kaibigan ko. Si Aya na kapatid ng bestfriend ko. Si Aya na ang turing sa akin ay bestfriend. Magulo ba?
Mahal ko si Aya. Dati pa. Noon pa. Mula nung unang dumapo ang mga kamao niya sa mukha ko.
Nagulat kayo no?. OO. Nasapak na ako niyan ni Aya. At sya lang ang kauna-unahang babaeng nanapak sa akin. Ikukwento ko kung paano nangyari iyon.
Anak ako ng may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko. Wala akong matatawag na kaibigan. Maangas kasi ako noon. Wala akong hilig mag-aral. Lagi akong nag-cucutting classes. Pero walang magawa ang mga teachers’ dahil nga sa magulang ko. May pagka basagulero din ako.Lagi akong nakikipag-away. Halos lahat ng gulo napasok ko na. Pero hindi ko naman nasubukang magdrugs. Nagtry ako magyosi at uminom ng alak.
Pero hindi ko ineexpect na isang araw mababago ang takbo ng buhay ko.
Lunch break. Mag-isa lang ako pumasok sa canteen ng biglang may nabunggo akong babae. Tumapon sa damit ko yung pagkaing dala niya at namantsahan ito.Nanlilisik ang mga matang tinignan ko siya.
“ Sorry po hindi ko sinasadya.”
“sorry!!! Nakikita mo ba kung anong ginawa mo?! Ang mahal mahal nitong damit ko dudumihan mo lang! Tanga ka ba?!” galit na sabi ko sa kanya sabay tulak.
Natumba sya sa lapag. Alam kong lahat ng nasa canteen ay nakatingin sa amin. Pero walang naglalakas loob na lumapit.
Bigla kong kinuha yung juice na nakapatong sa table ng isang estudyanteng kumakain at ibunuhos sa ulo nung babaeng bumangga sa akin.Napasinghap ang mga nanonood sa amin sa ginawa ko. Napaiyak naman yung babae.
“ yan ang bagay sayo tanga! Sa susunod kilalanin mo kung sinong babanggain mo.!” Sabi ko at sinipa ang tray palapit sa kanya nang may biglang sumigaw.
“JM!!!” sigaw ng isang babae at agad inalalayan patayo yung tinawag niyang JM.
“ Anong ginawa mo sa kanya?!” tanong sa akin nung pangalawang babae at tinitigan ako ng masama.
“ Bakit? Lalaban ka?” sarkastikong sagot ko sa kanya “ kilala mo ba kung sino ako ha?!”
Hinarap ako nung babae.
“ Aya, wag na hayaan mo na. Umalis na tayo.” Akmang hihilahin na sya ni JM pero pinigilan siya ni Aya at walang kurap na tinignan ako.
“ oo.! Kilala kita. Anak ka ng may-ari ng eskwelahang ito. Vincent Madrigal. Pero hindi dahilan ang pagiging anak ng may-ari ng eskwelahan para umasta kang ganyan. Hindi ka Diyos at lalong hindi ikaw ang may-ari ng mundo. At higit sa lahat hnidi ko mapapalampas ang ginawa mo sa kaibigan ko.!” Galit na sabi ni Aya at bigla nalang akong sinapak.
Nagulat ako sa ginawa niya at napaupo nalang ako bigla sa sahig.
“ eto lang ang masasabi ko sayo. Madrigal! Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo.” Aniya at hinila na palayo sa lugar na iyon si JM.
Naiwan naman akong nakatulala habang hawak ang pangang sinapak ni Aya,
“ Saan ba kasi tayo pupunta?” narinig kong tanong ni Aya.
Mula sa pagbabalik-tanaw ay napatingin ako sa kanya. Medyo nagtaka pa ako kung anong ginagawa niya sa kotse ko.
“ Oi Vince saan ba tayo pupunta” muling tanong niya.
Saka ko lang naalala niyaya ko pala nga siya lumabas dahil may sasabihin ako.
Ngumiti ako sa kanya. “ Malapit na. Wag kang excited” biro ko.
“ eh kasi naman kinakabahan ako sa iyo eh.”
“ wag kang kabahan wala naman akong gagawing masama sayo no. harmless ako.”
“ ikaw harmless, ako hindi” biro niya at ngimiti ng malapad sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“ bakit? May balak ka bang gahasain ako? Sabihin mo lang para makapagprepare ako.” Ganting biro ko.
“ excuse me noh! Ano namang tingin mo sakin?” namumulang sagot niya.
Ang lakas tuloy ng tawa ko. Hinampas naman niya ako sa balikat.
“ Sira-ulo ka talaga. Kakainis ka.” Kunway nagtatampong sabi niya at humalukipkip na sumandal sa upuan.
“ Wag ka na magtampo…pumapangit ka”
“Tse!!! Ikaw nga diyan ang pangit eh”
“ hindi iyan ang nakikita ko sa salamin tuwing umaga.”
“ pwes sinungaling ang salamin niyo. Itapon mo na iyon”
“uyyy!! Napipikon na iyan.wag ka na mapikon. Andito na tayo.” At inihinto ko ang sasakyan.
Pinagbuksan ko si Aya ng pinto at inalalayang makababa.
“CCP??? Anong ginagawa natin dito?” takang tanong niya.
“ Manonood ng sunset” sagot ko at naglakad para makahanap ng pwedeng maupuan.
“ Vince, okay ka lang ba? Hindi ka ba nilalalagnat? Baka naman may dengue ka na. alam mo naming uso ang dengue ngayon.” Nag-aalalang tanong ni Aya.
Natawa nalang ako sa kanya.
“ wala akong sakit. Gusto ko lang talaga manood ng sunset kasama ka. Saka di ba may sasabihin nga ako sayo?” paalala ko sa kanya “oh ayan tamang tama may bakanteng upuan.”
Mula sa kinauupuan namin ay tanaw na tanaw ang dagat at ang araw na nagsisimula ng lumubog
“ tama ka. Maganda nga panoorin ang paglubog ng araw.” Humahangang sabi ni Aya habang nakatingin sa paglubog ng araw.
“ oo. Maganda nga” sagot ko naman pero sa kanya ako nakatingin.
Sakto namang napatingin sya sakin.Agad kong iniwas ang paningin sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita. For a while we both became silent.
Pagkakataon na din yun upang makapag-isip akong mabuti kung tama nga ba ang gagawin kong desisyon.
“ Vince” tawag pansin ni Aya.
Lumingon ako sa kanya pero hindi siya sakin nakatingin.
“ is there something bothering you?” tanong niya sakin habang pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw.
Napabuntong-hininga ako.
“ hindi ko kasi alam kung paano at saan magsisimula eh.” Nahihiyang sabi ko.
Peste naman oh. Sinong nagsabing madaling magtapat sa babaeng gusto mo. It takes a lot of courage to do so.
“ okay lang yan. Basta kung anuman ang gusto mong sabihin willing akong makinig.”
Muli akong napatingin sa kanya at sinimulan ko ng magsalita.
“ Aya, matagal na din naman tayong magkaibigan di ba? matagal mo na akong kilala.” Umpisa ko.
“ yah. 6 years to be exact.why?”
“ siguro naman sa anim na taong pagkakakilala natin eh nakilala mo na akong maigi. We even became the best of friends. We share a lot of memories. I just want you to know that I’m so glad that I met you that day. Kahit na ikaw lang ang babaeng nakasapak sa akin. You taught me a lot of things. You gave me the best things that a person could have. Friendship. For that, Im so thankful from the bottom of my heart”
“ what is your point Vince?” takang tanong ni Aya.
“ let me finish first okay? You can make me smile just by seeing you; you taught me the value of friends in life. And most importantly you are the one who show me what love really is. You taught me how to love Aya and would you be mad at me if I told you that I’m in love with you? Not as a friend but as a man who loves a woman like you.” Sinserong pahayag ko sa kanya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya.
“ would you be my girl Aya?”
No comments:
Post a Comment