Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 40

40: The Break-up


[Regine’s POV]

Mukhang super excited na ang lahat sa pagsuswimming dahil mula ng sinabi ko na kung saan yung magiging kwarto nila eh nagpulasan na silang lahat kahit na panay ang reklamo nung iba. Lalo na yung mga boys. Pero wala na naman silang nagawa nung tinitigan sila ng masama ni Lance dahil kinokontra nila ako.

Hayyy!!! How I love that guy…


Twin bed ang room na ginagamit namin. Avee said na silang dalawa nalang ni Aya ang magkatabi at kaming dalawa naman ni Queen. Wala namang problema.

“Oh? Tapos na ang lambingan niyo ni Vince?” pabirong tanong ko kay Aya pagpasok niya sa kwarto.

“Mamaya na ulit magbibihis lang ako” sagot ni Aya at pabagsak na nahiga sa kama.

Kaloka itong babaeng ito ang ganda ng pagkakangiti. Abot hanggang tenga.

“Mukhang ang saya mo yata?” puna ni Avee

“Oo naman..super saya”

“Dahil ba kay Vince?”

“May iba pa bang dahilan?”

“Pwede namang dahil samin di ba?”

 “Nagpapatawa ka ba?” pabirong tanong ni Aya.

“Ahh ganun?” nauwi sa kilitiian tuloy silang dalawa ni Avee.

Sinong mag-aakalang ang dalawang ito eh sikat hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa?

For sure hindi alam ng mga fans ng mga ito na ganito sila kakulit.

“Hey! Redj, I like your swimsuit” puri ni Avee.

Mukhang tapos na silang magkilitiang dalawa dahil napansin din nila ako.

Katatapos ko lang magpalit ng swimsuit. May sariling banyo naman kasi ang kwarto namin.

“Thanks. Regalo ito ni Aya eh” nakangiting sagot ko.

It was a two piece aquamarine swimsuit kaya lalo akong pumuti. Tuwang-tuwa nga ako ng ibigay ito sakin ni Aya kasi ang ganda niya talaga yun nga lang medyo revealing nga lang ng konti.
Sexy masyado ang dating.

“Bigay ni Aya yan?” tanong ni Avee sabay baling kay Aya “Bakit ako di mo binigyan ng swimsuit?” nakasimangot na tanong nito.

“Bag naman ang binigay ko sayo diba? Di pa ba sapat yun? May kasama pa ngang perfume yun eh”

“Eh gusto ko swimsuit eh..tulad nung kay Regine. Ang ganda kasi eh dapat binigyan mo din ako nun” nakasimangot pa ding sabi ni Avee, With matching pouty lips pa talaga.

Gusto ko nga sanang tumawa dahil para siyang bata sa asal niya.

“Ang dami mong arte. Ambisyosa ka alam mo yun. Binigyan ka na ng bag at perfume gusto mo pa ng swimsuit?” natatawang sagot sa kanya ni Aya.

“Ah basta gusto ko nun eh”

“Next time nalang padadalhan kita pag balik ko sa Japan

“Promise?”

“Promise”

“Yehey!!!” tuwang sabi ni Avee at hinalikan pa sa pisngi si Aya.
Natatawa talaga ako sa kanya. Kasi ang pagkakakilala ko kay Avee eh maldita at mataray di ko alam may pagka-isip bata din pala siya.

“Bagay sayo Redj..lalo kang pumuti” puri ni Aya.

“Thanks Aya..ang galing ng taste mo sa damit”

“Kailangan eh..alam mo naman model modelan ang drama ko sa Japan.hehehe”

“sabagay”

“lalong maiinlove sayo si Lance niyan pag nakita ka niya” sabi ni Avee.

“hahaha..maglaway siya” natatawang sagot ko naman.

Infairness kinikilig ako sa ideyang iyon ah.

“Pustahan tayo Redj…pagagalitan ka ni Lance”

“Ha? Bakit naman niya ako pagagalitan Aya?”

“para namang di mo kilala si Lance..sa tagal kong naging kaibigan iyang lalaking iyan eh mas conservative pa sakin iyon eh”

“Talaga? Parang hindi naman eh”

“Just wait and see..ano? Pustahan?”
“Parang baliw ito si Aya…ano ka sugarol para makipagpustahan?” sita ni Avee

“it’s just a game..for fun”

“Okay sige game..pustahan tayo” sagot ko sa sinabi ni Aya ignoring what Avee said.

“Mas baliw pala itong si Regine..pinatulan si Aya..hay naku ewan ko sa inyong dalawa magpapalit na nga ako ng swimsuit at maloloka ako sa inyo.” Nailing na sabi ni Avee at bitbit ang swimsuit na pumasok ng banyo.

Nagpatuloy naman kami sa pag-uusap ni Aya.

“Sige deal kapag pinagalitan ka ni Lance panalo ako kapag hindi naman panalo ka” sabi ni Aya sakin.

“Deal”

At nagshake-hands pa kaming dalawa to close our deal

Sabay din kaming natawa dahil narealized namin na para nga kaming baliw.

“ano pustahan natin?” tanong ko

“pipitikin sa tenga ng twenty times ang talo” natatawang sagot ni Aya.

Pitik sa tenga? Parang masakit yata yun?
Pero sige..a deal is a deal..

“Game!”

“Okay sige magpapalit na din ako ng swimsuit. Nasaan nga pala si Queen?”

“Oo nga noh? Kanina ko pa din siya di napapansin eh..baka naglibot lang iyon. Nauna na kasi siyang pumasok dito sa kwarto kasi pagdating ko nandito na ang gamit niya eh.”

“Ahhh..siguro nga naglibot lang iyon.”

Sakto namang lumabas na si Avee sa banyo kaya pumasok na din si Aya para makapagpalit na.

Kulay pulang two-piece swimsuit (or bikini yata ang tawag dun dahil masyadong revealing) ang suot ni Avee. Wala akong ma-say sa kaseksihang taglay niya. Kapag siguro itinabi ako dito kay Avee magmumukha akong patpat kahit na di naman ako super payat. Pero di din naman kasi ako yung tipong malaman. Slim type lang ako.

Purple two-piece swimsuit naman ang suot ni Aya. Sexy ang dating kahit na hindi siya revealing. O talagang sexy lang si Aya kaya nadadala niya kahit ano pa ang isuot niya. Pinatungan pa niya ito ng sarong. Doon nalang daw niya tatangalin kapag maliligo na siya.

Grabe wala akong laban sa kasexyhan ng dalawang ito. Ano nga ba naman kasi ang laban ko eh parehong modelo itong dalawa? Kaya malamang sexy talaga.

Sexy din naman ako ah…Slim nga lang..pero atleast sexy…hahaha..saka carry ko naman magsuot ng mga sexy na swimsuit.

Kaya carry ko ito!!!

Sabay-sabay na kaming lumabas ng kwartong tatlo.

(^_^)


[West POV]

Niyaya ko si Madz na mag-usap dahil sa tingin ko eh may dapat kaming pag-usapan.

Almost a month na din kami hindi nakakapag-usap ng sarilinan. Pareho kasi kaming naging busy. Kaya nga sana I want to make it up to her.

Naglakad-lakad kami sa paligid ng resort. Wala naman masyadong taong nagagawi dito dahil private nga ito. Dun sa kabilang side yung for public.
Mga busy din ang barkada kaya hindi siguro nila kami mapapansin na mawala.

Magkaagapay kaming naglalakad habang hinihipan ng hangin ang mahabang buhok niya.

“upo muna tayo West”

“pagod ka naba? Sige maupo na muna tayo”

Sa may batuhan kami naupo. Inalalayan ko siya habang paupo sa batuhan.

Dumaan ang katahimikan saming dalawa. Parang nagkahiyaan pa kami.

“Ang ganda dito no?” panimula ni Madz.

Tumingin muna ako sa paligid bago magsalita.

“Yeah..sa tuwing gusto kong takasan ang gulo sa Maynila dito ako nagpupunta”

“West…may sasabihin ako sayo” maya-maya sabi niya

“ano yun?”

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

“I-I think … I think we should end this”

Nagulat ako sa sinabi niya? Although alam ko na dun ang kahahantungan nito.

“Why?” di ko pa rin mapigilang itanong. “Look Maddy..i know that lately naging busy ako masyado..lalo na sa pagdating ni Aya..napabayaan kita…I’m sorry..let me make it up to you..mag-leleave ako sa Office so that we could have a moment together”

“No West…It’s not about you…It’s me”

“Come on Maddy…”

“It’s true..” putol niya sa sasabihin ko. “I’m…I’m getting married”

Kulang ang salitang shock sa narinig ko mula sa kanya.

She’s getting married?

My girlfriend is getting married but not with me?

Oh F**k!!!

“sabihin mong nagkakamali ako ng rinig” mabuti nalang at nagagawa ko pa ding kontrolin ang emosyon ko kaya kahit sobrang shock at galit ako idagdag pang nasaktan eh hindi ko ipinakita.

“Totoo yun..I’m getting married..maybe next month..kapag balik niya sa Pilipinas”
Huminga muna ako ng malalim.

So it’s really true.

“kanino? Kanino ka ikakasal?”

“He’s name is Ivan Clark.. Family friend sila nila Daddy at Mommy.”

“Ang parents mo ba ang may gustong ipakasal ka sa Ivan na yun?”

Malamang dahil alam ko kung gaano kaistrikto ang magulang ni Maddy. Kaya alam kong sila ang may dahilan nun.

“Yeah..it is an arranged marriage. Mga bata palang daw kami ay nakatakda na kaming ipakasal balang araw. At ngayon na nga iyon.”

I really cant believe it.. napakabilis ng pangyayari.

“Pwede ka naman sigurong tumanggi diba? Maddy buhay mo at kinabukasan ang nakasalalay dito..hindi naman siguro masama na once and for all sa buhay mo eh sundin mo ang sarili mo. Hanggang kelan ka susunod sa dikta ng parents mo may sarili ka ding buhay Maddy.”

Ako ang pinakakalmado saming magkakaibigan pero sa mga oras na ito parng gusto kong maghurumentado.

“I’m sorry West..but I can’t. Hindi ko kayang suwayin ang parents ko. May sakit sa puso si daddy at hindi siya pwedeng magalit.”

“Pero paano ka naman diba? Paano tayo? Papayag ka nalang ba na magpakasal sa taong di mo gusto?”

Kailangan ko lang siguro paliwanagan itong si Maddy. Baka sakaling matauhan siya na hindi tamang magpakasal siya sa iba.

Ako ang boyfriend niya for Pete’s sake!!!

“I’m sorry West…pero natutunan ko na ding mahalin si Ivan” nakayukong sabi niya.

“What? Anong sabi mo?”

Ilang nakakashock na bagay pa ba ang dapat kong marinig mula sa kanya? I didn’t expect na napakarami na niya palang itinatago sakin.

“Nung mga time na hindi tayo nagkikita noon ipinakilala kami ni Ivan sa isa’t-isa. It was a mutual admiration. Mabait si Ivan at alam ko na hindi niya ako pababayaan kaya naman nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko naman ginusto yun eh. I’m so sorry West” umiiyak na sabi niya sakin.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. But seeing her cry eh hindi ko kayang ibalewala.
“Tama na…hindi kita niligawan noon para lang paiyakin ngayon. Alam mong ni minsan hindi kita pinaiyak diba?”

Mali yata ang sinabi ko dahil mas lalo pa siyang umiyak. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Nasasaktan din naman ako.

“I feel guilty West.. Naging mabuting boyfriend ka sakin and yet ganito pa ang isinukli ko sayo. I’m so sorry”

“wala yun. Okay lang ako. I wish na sana maging Masaya kayo”

Ano pa nga bang magagawa ko kundi palayain siya. Ayokong mas lalo pa siyang mahirapan. And besides sa kanya na nanggaling na gusto na niya yung Ivan na yun. Ano pa nga bang laban ko? Wala na diba?

“makakatagpo ka din ng babaeng nararapat para sayo West. Yung hindi ka iiwan kahit anong mangyari.”

“Yeah…I know..thanks”

Bumaba na siya sa kinauupuan naming bato.

“Mauna na ako sayo West. Ako nalang ang bahalang mag-explain sa kanila. Sorry ulit”

Tango at kiming ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Napabuntong-hiniga nalang ako ng mawala na siya sa paningin ko.
And now it’s time para harapin naman ang salaring lihim na nagmamasid samin.

“Lumabas ka na dyan. Alam ko nandyan ka.” Sigaw ko sa taong kanina ko pa naramdamang nagmamasid samin ni Maddy.

Maya-maya ay lumabas din siya. Nagulat pa ako ng malaman ko kung sino ang taong nagtatago sa likod ng batuhan.

“Ikaw?”

(O_o)


[Queen’s POV]

Dahil mukhang busy naman ang mga kasama ko eh ipinasya ko munang maglakad-lakad sa paligid ng resort. Hindi naman ako lumalayo kaya alam kong safe pa rin naman.

Nakasalubong ko pa sina Rhapsody at Ching na papunta na sa beach para maglunoy sa tubig.

Kaloka din yung dalawang iyon eh. Narinig ko kanina maghahanap daw sila ng partners eh private beach ito paano sila makakakita? Unless nalang kung tatawid sila doon sa kabilang bahagi ng resort kung saan located yung for guest ng resorts.

Sina Vince at Lance naman eh nag-iihaw ng barbeque. Infairness ah mukhang nagkakasundo na yung dalawa.

Sa isang bahagi naman eh napansin kong sinusuyo ni JM si Jake. Napikon nga yata talaga ito sa pang-aasar namin kanina. Kaya todo suyo ngayon si JM sa kanya. Pasimuno kasi siya eh kaya dapat lang.

Yung dalawang kapatid ni JM hindi ko napansin kung nasaan pati na din sina Aya. Siguro nagbibihis pa ang mga iyon.

Sina Lieu at Vaughn naman parehong may dalang surf board. Feel pa yata nilang magsurfing dito kundi ba naman mga baliw Ewan ko lang.

Teka..nasaan nga pala sina West at Madz? Hindi ko sila napansin mula pa kanina.

Sa paglalakad-lakad ko hindi ko namalayang napalayo na pala ako. Babalik na sana ako sa resort ng may matanaw akong isang babae at lalaki na nakaupo sa batuhan.

Sina West at Madz pala iyon

Nakatalikod sila sakin kaya hindi nila ako napapansin. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Dala ng curiousity at pagiging eshusera eh lumapit pa ako sa kanila para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

Buti nalang at may malaking batong nakaharang kaya hindi ako nila mapapansin.

Mukhang seryoso nga ang pinag-uusapan nila dahil narinig kong nakikipaghiwalay na si Madz kay West.

Ang dahilan ikakasal na siya. Hindi kay West kundi sa ibang lalaki.

OHEMJI!!!

Kakashock naman marinig iyon. For sure sobrang nahurt si West dun.

Kawawa naman siya.

May tinatago din palang pagiging maldita itong si Madz eh. Akala mo kung sinong santa. Yun pala santa-santita.

Biruin mo ba naman may boyfriend sya tapos magpapakasal siya sa iba ngayon lang niya sasabihin kung kelan planado na ang lahat?

At anong tingin mo sa sarili mo Queen mabait ka ganun?

Epal talaga itong kunsensiya ko minsan eh.

Pinagbuti ko pa ang pakikinig sa kanilang dalawa.
HMMFPT!may paiyak-iyak pa siyang nalalaman dyan eh niloko na nga niya si West.

Ewan ko ba basta naaasar ako sa kanya.

Sus!!! Ang sabihin mo mula nang malaman mong girlfriend siya ni West eh naasar ka na sa kanya kasi nagseselos ka.

Ang Epal talaga oh?!

Hindi ako nagseselos noh? Saka ano naman sakin kung girlfriend siya ni West eh mas maganda naman ako sa kanya.

Maganda ka nga siya naman yung girlfriend.

Correction!!! Break na sila.

Nagulat ako ng tumayo si Madz at iniwan si West sa batuhan. Tatalilis na sana ako ng alis kaso biglang nagsalita si West.

“Lumabas ka na dyan. Alam ko nandyan ka.” Sigaw nito.

Syet! Nabuking na pala niya ako.

Paano niya kaya nagawa iyon? May sa ESP pa yata itong si West eh.

No choice na ako kundi lumabas sa pinagtataguan ko.

“Ikaw?” 


No comments:

Post a Comment