Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 39

39: Friends Day Out.


[Aya’s POV]

Next week babalik na ako sa Japan para tapusin yung mga nakapending kong contract doon. May one-year contract pa kasi ako doon sa clothing and accessories company kaya hindi ko pwedeng ibalewala yun at baka makasuhan pa ako ng breach of contract. Kaya naman I decided na bumalik nalang muna.

Pero syempre hindi ibig sabihin noon na maghihiwalay na kami ulit ni Vince after being reunited. He decided to come with me.

Oh di ba ang saya?

Sasama daw siya sakin papuntang Japan para di na kami ulit maghiwalay. Then after ng contract ko saka namin aayusin ang pagpapakasal. Mukha ngang mauunahan pa kami nila Lance at Regine eh dahil two months from now eh ikakasal na sila kaya sobrang preparation ang ginagawa nila.


Tumutulong din ang barkada sa pag-aayos ng wedding kaya naman I’m sure maganda ang kalalabasan noon.

And since aalis na nga ulit ako we decided to throw a party today. We’re on our way now in Tagaytay for the night swimming ang barbeque party.

Since para makapagbonding kami habang nasa byahe  nagrent nalang kami ng sasakyan kung saan kasya kaming lahat. Isang mini-bus ang nakuha ni Lieu. Yung driver namin eh yung ever loyal driver ni Avee mula pa noon.

May kanya-kanyang dala nga ang barkada eh..hindi naman sila super excited diba? Para tuloy kaming magpipicnic nito.

Ganito ang setting ng upuan naming sa bus.

Magkatabi sa upuan sina Lance at Regine. ( as usual mukha silang dadapuan ng langgam any minute from now..haha..nakahilig kasi si Regine sa balikat ni Lance at nakapatong naman ang ulo ni Lance sa ulo ni Regine…..ayiiiieeeee…ang sweet..hahaha)

Nasa tapat naman nila si Avee. (Solo lang siya dahil ayaw daw niyang may katabi at ang laki ng dala niyang bag eh may balak yatang maglayas yun)

Nasa likuran naman nila Lance sina West at Madz. ( ewan ko ba dito sa dalawang ito kung anong drama sa buhay at kanina pa hindi nagpapansinan)

Katapat naman nila sina Queen at Raffy. (pansin ko lang kanina pa nakatingin si Queen banda kina West eh at si Raffy naman panay ang lingon sa likod na animo kiti-kiti)
Syempre kami naman ng mahal ko eh nasa likod nila West at dahil napuyat si Vince hinayaan ko muna siyang matulog habang nakayakap ang kamay niya sa bewang ko.

Sa tapat naman namin nakaupo sina Vaughn at Lieu (na parehong tulog)

Katapat naman nila sina JM at Jake (na kanina pa nag-iingay)

Kasama din namin sa papuntang Tagaytay sina Ching (yung nagligtas kay Vince noon), sina Kuya John at Jigger (mga kapatid ni JM) at syempre pa ang pinaka mabait na yaya sa buong mundo…sina Yaya Miling at Yaya Ena. Ang loyal na yaya namin ni West at yaya ni Lance mula pa pagkabata. Magbestfriends na nga din yung mga yaya namin eh.

Noong una sobrang ingay namin sa sasakyan sa pangunguna nila Jake at JM pero napagod din yata kaya nanahimik din.

“Ate Aya…malayo pa ba tayo?” tanong ni Jigger.

Nakakatuwa itong batang ito dahil noong huli ko siyang Makita eh bata pa siya ngayon binatilyo na.

“Medyo malapit na..naiinip ka naba?” nakangiting sagot ko kay Jigger

“Hindi naman..excited lang ako…” binalingan nito si Vaughn na naalimpungatan sa ingay. “Kuya Vaughn...basketball tayo ah”

“oo ba”

“Dumayo pa kayo ng Tagaytay para lang magbasketball” komento ni JM

“Hoy Jigger wag kang makulit kung ayaw mong iwan ka namin sa Tagaytay” pananakot ni Jake

“ hoy Kuya Jake wag mong manyakin yung ate ko” ganti naman ni Jigger na nagging dahilan ngpagtatawanan naming lahat.

Maski yung mga natutulog ay nagising dahil sa ingay nila Jake.

“Anong manyakin ka dyan? Ako nga minamanyak ng ate mo eh”

Binatukan naman ito ni JM

“Ang kapal naman ng mukha mo noh?! Buti sana kung kasing gwapo ka ni Vince o kasing lakas ng sex appeal ni Lance..o kasing macho ni Vaughn..baka sakaling manyakin pa kita..” ganting pang-aasar ni JM.

“Ngayon ko lang nalaman JM pinagnanasaan mo pala ako” pang-aasar ni Vaughn.

“wag ka mag-alala Vaughn ngayon ko lang din nalamang macho ka pala” ganti ni JM

“Teka JM..paano naman kami ni West? Kung si Vince gwapo..si Lance malakas ang sex appeal..at si Vaughn macho..eh kami ni West ano?” singit ni Lieu

“Si West..the best yan…poging-pogi…ikaw cute ka lang”

“Sus!!! Kaya pala patay na patay ka sakin noon”

“dati yun”

Nagtawanan tuloy kaming lahat. Pansin kong nakasimangot na si Jake.

“oy!!! Pikon na si Jake oh..lagot ka JM” pananakot ko

“Sinong pikon? Hindi ako pikon noh!”

“kaya pala namumula na yang ilong mo sa sobrang asar..haha..wala ka pala eh”

“Rudolf..the red nose reindeer”

“Oo nga brhaw...at least ako kahit papaano cute..eh ikaw pangit” pang-gagatong ni Lieu

“Wala kasing taste yang babaeng iyan eh.”

“Hindi rin” sabay-sabay pa kami nila Regine, Queen, Avee at JM nagsalita kaya sabay-sabay din kaming tumawa.

Lalo tuloy nadagdagan ang simangot ni Jake.
“nandito na tayo” putol ni West sa kaguluhan namin.

Nasa loob na nga kami ng resort na pag-aari ng pamilya namin.

“hay salamat..nandito na din..kanina pa sumasakit ang pwet ko eh” reklamo ni Raffy.

(@_@)

[Queen’s POV]

Uber sa party itong si Aya...di ko kineri..parang katatapos lang nung party noon sa bar ni Jake ngayon naman swimming ang trip nitong babaeng ito.

Well kunsabagay…limang taon din siyang nawala at babalik na siya ng Japan kaya okay lang.

Sa isang resort kami sa Tagaytay pumunta. Pag-aari yun ng pamilya nila Aya. May sariling guesthouse sila doon kaya di na namin kailangang pumunta pa sa hotel dahil yung bahay eh mismong nasa resort na.. may private pool na din iyon..pero sa kabilang side eh may beach kung saan may mga nagsuswimming.. dahil summer ngayon medyo maraming tao.

“Sino-sino ang magkakasama sa kwarto?” tanong ni Regine

“hiwalay ang boys sa girls ah” sagot ko pagkakuha sa gamit kong ibinaba ni Lieu.. “thanks”
“welcome” nakangiting sagot ni Lieu
Nagulat nalang ako ng biglang dumaan sa gitna namin si West.

“Wag nga kayong humarang sa daanan”

Nanlalaki ang matang tinitigan ko nalang ang pagdaan ni West.

“Antipatiko”

“alam mo nagtataka ako dyan kay West..kasi sa totoo lang si West na ang pinakamabait at gentleman sa grupo pero bakit pagdating sayo parang sobrang allergic nyan..gaano ka ba kasama nung bata kayo at ganun nalang ang asar sayo ng pinakagoodboy sa barkada namin?”

“hindi ko nga din alam eh…ganoon ba ako kasama?” sagot ko habang nakatingin sa mga kasama naming busy sa pag-akyat ng mga gamit.

“Ewan ko sayo…di naman kita nakilala noon eh..pero ngayong nakasama kita hindi ka naman Masama eh…siguro masyado lang talagang natrauma si West sayo or…”

“Or ano Lieu?”

“Wala…never mind…sige…mauna na ako sayo” at iniwan na ako ni Lieu para sumama sa iba naming kasama.

Ano naman kayang drama yun at may pabitin bitin pang nalalaman? Ayan tuloy…hayyyy!!!
Bahala nga sila basta ako..ieenjoy ko nalang yung pagstay muna dito.

(^_^)

[Regine’s POV]

“Okay everyone ganito ang magiging set-up natin dito kung sino ang magkakasama sa kwarto” sabi ko sa kanila ng makapasok na kami sa loob ng bahay.

Ang ganda ng guesthouse na ito..magaan sa mata ang kulay at presko sa pakiramdam ang loob ng bahay. Kaya naman I’m sure hindi masasayang ang pagpunta namin dito. Ang yaman talaga nila Aya pero biruin mo yun iniwan niya lahat ito five years ago???

Mabuti nga at okay na ang lahat ngayon.

“Since may limang room dito sa bahay ang magkakasama sa room eh ako, si Aya, si Queen at si JM” isa-isa ko silang tinuro. “sa 2nd room naman eh sina Avee, Madz, Ching at Raffy”

“I refused!!” kontra ni Avee.
Napatingin tuloy kami kay Avee.

“You’re what???”

“I refused…I disagree… I will join in you’re room with Aya and Queen. Si JM nalang dun sa kabilang room”

“At bakit naman???!!” kontra din ni JM “ako na naman ang nakita mo”

“Kasi naman my dear JM..a princess like me should be treated like a princess..syempre kanino pa ba ako sasama kundi dun sa may-ari ng bahay”

“Ikaw Avee kahit kailan talaga ang dami mong kaartehan sa katawan. Pati kwarto nag-iinarte…at anong princess ka dyan?! Bratinella ka kaya!”

“Whatever..mas maganda pa rin ako sayo”

“Ikaw na!!!”

Umawat na ako sa dalawa…itong dalawang ito talaga laging nagtatalo. Mula ng makilala ko sila ganyan na talaga sila.

“Awat na okay..sige para wala ng gulo…sa amin na sasama si Avee”

“Ang daya naman” angal ni JM

“Teka nga bakit ikaw ang nagsasabi kung saan at kung sino ang magkakasama ha Regine? Bahay mo ba ito?” komento ni Jake.

Mula ng magkaasaran sa bus eh mainit na ang ulo non ni Jake eh.

“Kasi po wala tayong aasahan dahil busy ang may-ari ng bahay na ito.” Tinuro ko si Aya na busy sa pakikipagkulitan kay Vince..si West naman kausap yung katiwala nitong resort. “kaya ako nalang ang nagkusa..and besides…wala akong pakialam sa inyo boys..bahala kayo kung sino gusto niyong makasama okay?”

“Ang daya talaga”

“iniisip ko nga sasabihin ni Regine magkasama silang dalawa ni Lance sa kwarto eh” pang-aasar ni Vaughn.

“Well..that’s not a bad idea..hahaha..pero wholesome tayo ngayon..maraming panahon para dyan” pakikiride-on ko sa pang-aasar niya.

“bahala kayo basta ako gusto ko na magswimming” sabi ni Raffy.

“Oo nga..mukhang madaming guest ang resort eh..baka sakaling may Makita akong gwapo. Raffy magboys hunting tayo” yaya naman ni Ching.

“Oo ba” at agad ng pumasok ang dalawa sa kwartong itinuro ko para sa kanila.

“Sige mag-aayos na din ako ng gamit” sabi ni Madz at umalis na din.

Pero nakita ko pa ng habulin siya ni West para kausapin.

“Okay..sige...ako, si West, si Vince at si Lieu nalang ang magkakasama sa kwarto.” Sagot ni Lance “the rest dun kayo sa last room okay?”

Para ngang silang dalawa ni Regine ang may-ari ng bahay” pabulong na sabi ni Vaughn pero dinig din naman namin kaya natawa nalang kami.

“angal kayo ng angal eh susunod din naman kayo”

“may choice ba kami?”

“Wala”

“See? Hay naku naman oh..lagi nalang kaming naaapi..makapaghanap na nga ng partners.”

“Ano ka ba Lieu..partners talaga ah..with ‘s’?”

“Oo naman atleast sakin walang magagalit..wala naman akong keychain eh di tulad ng iba dyan” sabay tingin kina Lance

“Inggit ka lang”

No comments:

Post a Comment