Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 42

42 : Can’t Help Fallin’


[Regine’s POV]

Kaasar naman itong si Lance.

Kung kelan naman feel na feel ko na itong swimsuit ko saka ako pagpapalitin.

“saan ka pupunta?” tanong sakin ni Queen ng makasalubong ko sila ni West.

Napatingin ako sa kamay nilang magkaholding-hands.

Agad naman sanang tatanggalin ni Queen ang kamay niyang hawak ni West pero di siya binitawan nito.

“Magpapalit ako ng damit” inignore ko nalang silang dalawa.

Tutal mukhang wala naman silang balak magsalita eh.

“Bakit naman? Okay naman yang swimsuit mo ah”

“Ayaw ni Lance eh.”

“Pati ba naman damit na isusuot mo kailangan pa niyang pakialaman?”

“ganun talaga. Ayoko namang mag-away kami dahil lang dun noh”

“ang babaw niyo kung pag-aawayan niyo yun.”

“Sige na…ikaw magpalit ka na din ng pampaligo. Don’t tell me naligo ka sa dagat ng ganyan ang suot mo.” Sabay tingin ko sa kanilang dalawa ni West na parehong basa ng tubig.

Ano naman kayang ginawa ng dalawang ito?

Naglaro ng tubig?


Hindi ko nalang sila pinansin at dire-diretso na ako ng pasok sa bahay.

One-piece swimsuit nalang ang isinuot ko. Siguro naman hindi na ako masisita ni Lance dito.



[Queen’s POV]

Hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng mga kasama naming ay hawak pa din ni West ang kamay ko. Parang bale-wala sa kanya ng binibigyan na kami ng kakaibang tingin ng mga kaibigan niya.
Napansin ko pa sa sulok ng mata ko si Madz na nakatingin samin.

“So, you want to play the role of the bad guy here?” tanong ko kay West habang kinukuha niya ako ng pagkain.

“What do you mean?” alam kong alam niya kung anong ibig kong sabihin pero tinatanggi niya lang.

“Gusto mong ikaw ang lumabas na masama at hindi si Madz. Gusto mong palabasin na may iba ka na at ikaw ang nakipagbreak sa kanya. Ayaw mong lumabas siyang masama sa paningin ng mga kaibigan mo. Pati ako dinadamay mo pa”

Hindi nakaimik si West.

So, totoo nga. Para tuloy gustong sumama ng loob ko.

“tama ka…ayokong lumabas na masama si Madz sa kanila.pero mali ka din because I’m not using you.”

“Eh ano lang pala kung ganun?”

“Wala lang. I just want to.”

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o tatawa.

Oh sige Queen..okay lang na kiligin.

Hindi nalang ako nagsalita pa.
Maski si West ay nanahimik nalang din.

“Guys…laro tayo ng tennis…sino gusto? May nakita kami ni Jake na court dun” yaya samin ni JM.

“ayoko magpapawis…dito nalang ako..magsasunbathing” tanggi ni Avee

“magsuswimming pa kami eh” sagot naman ni Ching.

“Ako gusto ko” prisinta ko kahit na wala naman akong alam sa tennis.

Basta gusto ko lang makalayo muna sa lugar na yun.

Feeling ko kasi kahit na wala naman akong ginagawang masama ang pangit ng tingin sakin ng mga kasama ko dahil dito kay West.

“marunong ka ba magtennis?” tanong sakin ni Lance “eh takot ka nga sa bola eh”

Sipain ko itong si Lance eh.

So talagang kailangang ipagdiinan niya di ba?

Mas lalo akong napapahiya eh.

“marunong ako noh!”

Nagulat ako ng biglang tumayo si West at hinila ang kamay ko patayo.

“Sige…doubles tayo..kampi kami ni Queen..kayo ni Jake ang magkakampi”

Lahat kami napatingin sa kanya.

Ano ba itong lalaking ito. Mas lalo kaming pag-uusapan niyan eh.

“call…naku West baka magsisi ka ha? Alam mo naming pareho kaming expert tennis player ni JM”

“Oo nga..dapat may parusa sa matatalo”

“bahala kayo” sagot ni West at hinila na ako paalis sa lugar na iyon.

Ewan ko ba kung bakit nagpapadala ako sa mga sinasabi at ginagawa nitong si West.

“Anong problema ng kuya mo Aya?” narinig ko pang tanong ni Rhapsody.

“Ewan ko…malaki na siya alam na niya ang ginagawa niya.”

“Madz..break na ba kayo ni West?” tanong ni Vince

Hindi ko na narinig ang isinagot ni Madz dahil nakalayo na kami ni West.




Doubles nga ang nilaro namin.

Partner sina JM at Jake.

Partner naman kami ni West.

At katulad nga ng sinabi ni Jake kanina…parehong expert tennis player silang dalawa ni JM.

Nasa likuran ko si West. Dahil sa nagmamagaling nga ako ako ang nasa harapan.

Mukhang alam nung dalawa na hindi naman talaga ako marunong maglaro ng tennis dahil imbes na paluin ko ang bola ay iniiwasan ko pa ito kaya naman ako ang lagging pinupuntirya nung dalawa.

Sa akin nila laging ibinabato ang bola.

Puro tama tuloy ang inabot ko.

Nariyang tamaan ako sa ulo, sa balikat, sa katawan.

Kahit na medyo masakit na ay hindi pa rin ako sumusuko.

Epal ka kasi eh..masyado kang nagmamagaling eh wala ka namang alam.

Bigla nalang binato ni West ang hawak na raketa dahilan para matigil ang laban.

“Game is over.” Anito at naglakad na palabas ng court.

“wait!! Hindi pa tapos”

“tapos na.puro pasa ka na nga eh”

“Syempre naglalaro tayo eh”

“hindi ka naglalaro Queen..naghahanap ka ng sakit ng katawan.”

“saan ka pupunta?” tanong ko.

Pero hindi man lang ako sinagot nito.

“Brhaw!!! Don’t forget na natalo kayo ah” sigaw ni Jake.

“Whatever!!!” ganting-sigaw ni West

Haay!!! Ano bang drama ng isang ito at kanina ko pa hindi maintindihan?

Naiwan nalang akong tulala sa court kasama sina JM at Jake.

Parang pagod na pagod na naupo ako sa bench.
Agad namang lumapit sakin yung dalawa.

Inabutan ako ng bote ng tubig ni JM.

“Thanks” at parang isang libong taon na hindi nasayaran ng tubig ang lalamunan ko ng inumin ko yun.

“Grabe. Ganito pala maglaro ng tennis. Nakakapagod”

Natawa nalang bigla si JM.

“Tama si West, Queen…hindi ka naglalaro..naghanap ka ng sakit ng katawan”

“hay naku!!! Ewan ko ba hindi ko maintindihan iyon si West..kanina lang ang bait sakin..tapos ngayon parang bumalik na naman yung pagiging masungit niya. Daig niya pa ang babaeng nireregla eh” nakasimangot na sabi ko dahilan para matawa ng malakas ang dalawang kasama ko.

“Ano ka ba? Nag-alala lang yun si West sayo kaya ipinatigil na niya yung laro…di ka naman kasi marunong eh..”

“Nag-alala? Eh kita mo ngang iniwan ako nun dito”

“Pustahan tayo Queen babalik yun. Hindi ka matitiis nun.”

“hay ewan!”

“we’re talking about William Montreal here Queen..sa mga boys dito iyon ang pinakamabait. Kaya I’m sure babalikan ka nun.”

Babalik nga kaya si West para sakin? Parang hindi naman eh.

“alam mo bang kanina pa masama ang tingin samin ni West sa tuwing tatamaan ka ng bola? Para ngang gusto niyang ibato samin lahat ng tennis balls dito eh”

Hindi ko naman mapigil ang matuwa sa narinig kong iyon.

Kaya tuloy hindi ko rin napigil ang ngiting kumawala sa mga labi ko.

Kasehodang pinagtitripan lang ako ng dalawang ito.

“talaga?”

“Oo noh..kung nakamamatay lang ang tingin bumagsak na siguro kami ni Jake kanina pa.”

Grabe ibang level na talaga ito.

“Queen..umamin ka nga…may gusto ka ba kay West?” tanong ni Jake bigla sakin.

Nakangiting hinarap ko sila ni JM.

“Obvious ba?”

“di ba sila padin ni Madz?”

“break na sila” biglang sabi ko kaso bigla ko ding natutop ang bibig ko.

Hindi ko dapat inunahan si West na sabihin yun sa kanila.

“Talaga? Break na sila? Mabuti naman kung ganun”

Napatingin ako kay JM. Nahulaan niya naman yata kung anong gusto kong itanong kaya nagsalita na siya.

“Matagal na naming alam na ikakasal na si Madz sa pinagkasundo sa kanya ng family niya. Ayaw lang naming magsalita.”

“Sino-sino kayong nakakaalam?”

“ako, si Avee at si Aya lang”

“alam din ni Aya?”

“Yup. Pero ayaw kasi naming unhan si Madz sa pagsasabi kay West kaya di kami nagsasalita.”

“Ngayong break na sila may pag-asa ka na Queen”

Bago pa ako nakasagot ay tinuro na sakin ni Jake si West na papasok ng court at may dalang first aid kit.

“See??? I told you” nakangiting sabi ni JM.


No comments:

Post a Comment