Tuesday, February 07, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 5

[The dragon witch in the tower]


Katatapos lang ng exams nila sa Literature kung saan iyon na ang huling klase niya sa araw na iyon. Medyo masakit sa utak magbigay ang professor nila kaya namang ganun nalang ang katuwaan niya ng mapag-aralan niya lahat ng nasa exams.

TRISH : Sama ka sakin Jen puntahan natin yung bagong bukas na gift shop.

JEN : Ikaw nalang muna Trish…kailangan ko pa kasi magreport sa CROSSROADS eh.

TRISH : Ganun ba? Sayang naman. Sige ingat ka mauna na ako sayo. Next time nalang.

JEN : okay. Sige. Ingat ka din.

Nang mawala sa paningin niya ang kaibigan ay tumalikod na din si Jen. Pero bigla nalang siyang napaatras ng lumitaw sa harapan niya si Ian.


IAN : Hi Jen, uwian mo na?

JEN : (tutop ang dibdib na nagsalita) Ano ka ba naman?! Bakit ba basta ka nalang sumusulpot dyan? Ano ka ba kabute? Baka mamaya mabunggo nalang kita bigla eh.

IAN : kapag ba nabunggo kita Jen sasabihin mo pa rin bang bulag ako? Kahit na may pagtingin ako sayo? (sabay ngiti ng matamis)

Hay!!! Ian wag kang ngumiti ng ganyan at baka di ko mapigilan ang sarili ko at mainlove ako ng tuluyan sayo.

JEN : Banat ba yan? Sorry ah…di effective eh (kunwa’y dedmang sabi ko..pero deep inside kinikilig naman ako dun sa sinabi niya)

IAN : Ganun? Di ba effective? (sabay bulong sa sarili) Langyang Sanji na yun sabi niya effective daw yung linya na iyon eh. Badtrip naman oh.

Napangiti nalang si Jen ng lihim. Nakakatuwa itong lalaking ito.

JEN : Oh paano Ian maiwan na kita may pupuntahan pa ako eh.

Agad namang humabol ito kay Jen.

IAN : Samahan na kita.

JEN : Wag na.

IAN : Sige na.

Biglang hinarap ni Jen ang binatang nakasunod sa kanya.

Wrong move dahil isang inches nalang siguro ang pagitan nito sa kanya.

Mabuti nalang at matangkad ang lalaki dahil kung hindi ay baka nahalikan na niya ito ng wala sa oras.

Agad namang napaatras si Jen. Nahawakan naman agad siya ni Ian sa braso sa pag-aakalang maa-out-of-balance siya.

JEN : Don’t touch me. (agad na tinabig ni Jen ang kamay ng binata)

IAN : I was just trying to help.

JEN : Who says I need your help? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo Mr. Saldana? Didn’t I tell you to stay away from me? Bakit buntot ka pa din ng buntot?

IAN : Wala naman akong natatandaan na nag-agree ako sa sinabi mo eh.

JEN : Whatever!!! Hindi choice yun okay? Kaya di ko kailangan ang opinion mo. Uulitin ko. Stay away from me dahil sa susunod ipapabugbog na kita sa kuya ko.

Wala ng nagawa si Ian ng umalis ang dalaga.

Napabuntong-hiningang sinundan na lamang niya ito ng tingin.

IAN : Ang hirap intindihin ng mga babae.

YUUKI : Hoy!!! Kuya!!! Anong ginagawa mo ditto sa building namin?

IAN : Oh Yuuki ikaw pala.

YUUKI : Mukhang seryoso ka ah. Bakit ka nga pala nandito at sinong tinitignan mo dyan?

Nakitanaw na din si Yuuki sa tinitignan ni Ian.

IAN : As if naman kilala mo diba?

YUUKI : wait!! Si Ate Jen yun ah.  Siya ba ang tinignan mo kuya?

Gulat na napatingin si ian sa kapatid.

IAN : kilala mo si Jen?

YUUKI : Oo..pareho kaming myembro ng CROSSROADS eh…kaso siya writer..ako naman photographer. Pero madalas din kaming magkita since parehong MassCom ang course namin. Bakit Kuya? Type mo ba si Ate Jen?

Naging pilyo ang ngiti sa labi ni Ian.

IAN : Yuuki…diba inaalok mo ako na mainterview ng dyaryo niyo?

YUUKI : Oh? Eh di ba sabi mo ayaw mo kaya sabi ko sa editor namin na maghanap nalang ng iba?

IAN : Payag na ako…pero sa isang kundisyon.

YUUKI : Anong kundisyon?

Ngiti lang ang isinagot ni Ian sa nagtatakang kapatid.


* * *


Lakad-takbo ang ginawa ni Jen papunta sa building kung saan naroon ang opisina ng CROSSROAD. Iyon ang pangalan ng school paper nila kung saan kabilang siya bilang writer-slash-interviewer.

Nagtext kasi sa kanya ang editor nilang si Ruijin na kailangan niyang bilisan ang pagpunta dahil may ibibigay daw itong assignment sa kanya.

Napakataas pa naman ng opisina ng CROSSROADS. Located iyon sa fifth floor ng admin building. At dahil talamak ang mga estudyanteng tamad gumamit ng hagdan ay punong-piuno ang elevator. No choice si Jen kundi ang gumamit ng hagdan kung ayaw niyang malate at mapagalitan ni Ruijin.

May pagkamasungit kasi ang editor nilang iyon. Kaya naman inisang hakbang na niya ang bawat dalawang baiting ng hagdan.

Ang gawain niya bilang writer ng school paper ay magsulat ukol sa mga taong sikat sa eskwelahan o magandang pangyayari sa school nila.

Ano naman kayang assignment niya ngayon?

Humihingal na sa wakas ay narating din niya ang opisina nito.

RUIJIN : Your late!!! (as usual nagsusungit na naman sya)

JEN : Pasensya na katatapos lang ng klase ko eh.

Napakasungit nitong si Ruijin. Sayang nga lamang dahil ang ganda pa naman sana niya.

Kaya siguro siya walang boyfriend eh. Dapat sa kanya nagboboyfriend para nababawasan ang kasungitang taglay.

Napangiti tuloy ng lihim si Jen sa kapilyahang naisip.

Kung malalaman lang siguro ni Ruijin ang iniisip niya baka katakot-takot na pagtataray ang inabot niya dito.

RUIJIN : Ok sige..i’d like you to interview this person.

Sabi nito at may ibinabang larawan sa ibabaw ng table.

Curious namang dinampot ito ni Jen.

Ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng mapagsino ang taong nasa larawan.

JEN : Si Ian???

RUIJIN : Looks like kilala mo na siya kaya din a ako mahihirapan pang ipakilala siya sayo.

JEN : Pero bakit siya?

RUIJIN : (tinignan siya nito na parang nagsasabing ang tanga niya para magtanong ng ganun) Ian Saldana is the most famous student here in the university. Siguro naman aware ka na madaming babae ang nahuhumaling sa kanya. Girls call him Prince Charming. Tall, dark and handsome. Boys envied him. I’m sure maraming interesadong makilala siya ng lubusan. Kapag naifeature natin siya sa Crossroads…kikita tayo. Dahil im sure kahit na mahal pa natin ibenta ang dyaryo natin ay bibilhin pa din yun ng mga stupid people na nahuhumaling sa lalaking iyon.

Ang mean talaga nitong si Ruijin.

JEN : So inshort pagkakakitaan natin siya?

RUIJIN : Not necessarily pagkakakitaan. Aware ka naman siguro na kulang ang budget natin diba? Kailangan natin makalikom ng pondo para sa mga activities natin. And this guy is the solution to our problem (anito at pinukpok pa ang mesa)

JEN : naniniwala ka ba Ruijin na Prince Charming nga iyang si Ian? He’s just an ordinary guy.

Tumawa ng bahagya si Ruijin pero parang sa pandinig ni Jen ay evil laugh iyon.

RUIJIN : Do you believe in Prince Charming? They don’t exist. Sa mga libro at fairy tales lang sila nabubuhay.

JEN : Iyon naman pala eh..bakit gusto mong iconsider na prince charming si Ian?

RUIJIN : Hindi ako…kundi ang mga baliw na babae dito sa Academia ang kumo-consider na Prince Charming iyang si Ian.

Parang gustong masaktan ni Jen sa sinabi ni Ruijin dahil isa din siya sa baliw na nagconsider kay Ian bilang Prince Charming.

Mabuti na nga lang at magaling siya magpanggap.

Tumayo si Ruijin at sumilip sa labas ng bintana kung saan tanaw ang school ground.

RUIJIN : Mga baliw ang mga babaeng naniniwala sa Prince Charming. Hindi nila alam babaero yun…isipin mo nalang…si Cinderella…si Snow White at si Sleeping Beauty…hindi nila alam iisang tao lang pala ang pinakasalan nila. Si Prince Charming. See??? Akala nila happily ever after na ang drama nila…yun pala hindi sila nag-iisa sa buhay ni Prince Charming.

Maang na napatingin nalang si Jen sa editor niya. Grabe ang tindi ng imagination kasi nito. Pati nananahimik na fairy tales ay initriga pa. bagay na bagay nga ditto ang maging isang media men baling araw.

RUIJIN : mabuti pa si Shrek eh..loyal..si Fiona lang ang babaeng minahal niya…pero alam niyang kay Prince Charming nakalaan si Fiona. Mabuti na nga lang at di tanga si Fiona para patulan si Prince Charming dahil kung nagkataon madadagdag lang siya sa listahan ng babae nun. At least kay shrek sigurado na siya.

JEN : Ruijin..ogre si Shrek (paalala niya sa editor niyang galit yata sa fairy tales)

RUIJIN : Eh ano naman? Atleast yun talaga ang happily ever after.

Napailing-iling nalang si Jen. Kung saan-saan na napunta ang usapan nilang dalawa. Ang sumatotal lang naman ay kailangan niyang interviewhin si Ian Saldana.

Ang Prince Charming ng Academia.

JEN : How sure are you na papayag si Ian magpainterview?

RUIJIN : okay na. nakausap na siya ni Yuuki. Papayag daw ang kuya na magpainterview sa isang kundisyon.

JEN : Anong kundisyon?

RUIJIN : Kung ikaw ang mag-iinterview sa kanya.

Sinasabi na nga ba niya eh. Hindi basta-basta titigil at susuko ang isang Ian Saldana.

RUIJIN : Meron pa pala.

JEN : Ano na naman?!

RUIJIN : Siya daw ang mamimili kung saan place mo siya iinterviewhin.

JEN : Akala ko ba isa lang? dalawa na yun ah.

RUIJIN : Iyon ang sabi niya eh..baka di siya marunong magbilang.

Napasapo nalang sa noo si Jen.

Alam niyang di ganun kadaling iwasan si Ian. Lalo pa’t mukhang maraming kuneksyon ito.

JEN : Ruijin…pwede bang di nalang ako?

RUIJIN : hindi pwede. Wag ka na umangal dyan. Isipin mo nalang para sa crossroads ito. Ano bang problema mo? Hindi mo naman first time mag-interview.

JEN : Wala lang (kaila niya)

RUIJIN : many girls would trade their position to you alam mo ba yun?

JEN : What do you mean?

RUIJIN : Mukhang type ka kasi ni Prince Charming eh. Kung hindi ba naman ay bakit mahigpit na bilin niya na kapag hindi ikaw ang nag-interview sa kanya hindi siya magpapainterview.

JEN : Kung alam mo lang Ruijin.

RUIJIN : Hindi mo siya type?

JEN : ayokong mainlove sa kanya.

Tumawa si Ruijin..evil laugh ulit.

RUIJIN : well goodluck my dear…sana  nga di ka mapabilang kina Cinderella. Binigay ko na din ang number mo kay Ian..itetext ka nalang daw niya kung saan kayo magkikita to set your interview with him.

Wala ng nagawa si Jen kundi ang sumunod.

RUIJIN : And Jen…remember..be nice to him okay? Saka mo na siya isumpa kapag tapos na ang interview.

Iiling-iling na lumabas nalang si Jen ng opisina nito.

Para talagang isang dragon sa tore na nagbabantay sa prinsesa itong si Ruijin. Galit kay Prince Charming. Galit sa prinsesa.

JEN : paligawan ko kaya siya kay kuya? Baka sakaling bumait. (sabi ni Jen sa sarili pero agad ding napailing) Wag na kawawa naman ang kuya ko pag nagkataon. Malahian pa kami ng dragon.

Napatingin siya sa hawak na litrato ni Ian na hindi niya pala naibalik kay Ruijin kanina.

JEN : Alam mo ikaw…hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari eh. Bakit kailangan mo pang guluhin ang buhay ko? Nananahimik ako dito sa Academia. Bakit kailangan mong pumasok sa eksena.

Tunog ng cellphone ang pumukaw sa diwa ni Jen dahilan para itigil niya ang pagkausap sa litrato ni Ian.

Agad niyang isinilid ito sa loob ng bag bago sinagot ang tumutunog na cellphone.

No comments:

Post a Comment