Friday, February 10, 2012

After All: Chapter 43

43 : Ching’s Side


[Ching’s POV]

Napakaganda ng lugar na pinuntahan namin. Nakakainggit naman si Aya kasi napakayaman ng pamilya nila. Saka ang swerte niya kay Vince.

Hay!!! Ako kaya kelan makakatagpo ng lalaking magmamahal sakin?

Naalala ko pa nung unang beses na nakita ko si Vince. Sobrang nagwapuhan talaga ako sa kanya kahit na puro sugat pa ang buong katawan at mukha niya.

Aaminin kong nagkagusto ako sa kaniya.

Sino ba naman kasi ang hindi?

Bukod sa gwapo na ay napakabait pa nito.

Kaso simula pa lang alam ko ng kapatid lang ang tingin niya sakin. Lalo na nung bumalik na ang ala-ala niya. Mas lalo akong nawalan ng pag-asa.

Kung pwede ko nga lang hilingin na sana dina bumalik ang memorya ni Vince para kasama nalang namin siya parati. Kaso hindi eh.

Bumalik ang ala-ala niya at kailangan niyang balikan ang pamilya niya sa Maynila.


Lalo pa akong nawalan ng pag-asa ng malaman kong may naiwang girlfriend pala itong si Vince.

Noong di ko pa nakikilala si Aya medyo naiinis pa ako sa kanya kasi feeling ko di siya karapat-dapat kay Vince. Kaso nung nalaman ko ang lahat ng hirap at sakit na dinanas ni Aya naawa naman ako. Mas lalo na nung makilala ko na siya ng personal.

Hindi ako makapaniwala na isang sikat na tao pala ang girlfriend ni Vince.

At hindi lang iyon…maging mga kaibigan nito ay mayayaman at sikat din.

Kaya nga minsan naiilang pa din ako makisama sa kanila eh. Mabuti na nga lang at mababait at di sila matapobre.

Haaayyyy!!!! Wala ba akong makikilalang lalaki dito sa beach?

Kahit sereno sana papatulan ko na.

Nakakainggit naman kasi sila dun eh..ang sweet sweet nila..partner-partner pa..ako lang ang walang partner at saka si Rhapsody. Pero mukhang ang isang iyon eh may tinatarget na…paano naman ako diba?

Kaya ang ginawa naming ay naglibot nalang kami sa paligid ng beach.
Sayang naman kung palalampasin ko ang ganitong pagkakataon.

Minsan lang ako makakatapak sa lugar ng mayayaman.

“Ching…ang gwapo niya talaga noh?” tawag pansin sa akin ni Rhapsody.

Kasalukuyan kaming naglulunoy sa dagat. Hindi naman kami talaga nagsuswimming dahil nasa mababaw na parte lang kami. Pinaglalaruan lang namin ang tubig.

“Sino?”

“Ayun oh…si Vaughn” sabay turo.

Tinignan ko yung lalaking tinuro niya.

Dalawang lalaking nagsusurfing sa ibabaw ng alon ang nakita ko.

“Sino dyan?”

“Si Vaughn…yung matangkad na macho gwapito” kinikilig na sabi nito.

“Ahhh…yung basketball player?”

“Siya nga!”

“Okay lang”


“Anong okay lang? bulag ka ba? Gwapo yun..pero di ka pwedeng magkacrush dun dahil akin na siya”

Napailing nalang ako.

“Ambisyosa ka..asa namang papansinin ka niyan..eh for sure maraming nakapalibot dyan na magaganda at sexy na babae”

Ganoon naman talaga kadalasan ang nangyayari diba?

Ang mayaman napupunta sa kapwa mayaman.

Ang gwapo napupunta sa maganda.

Bihira nalang ang fairy tale Cinderella sa panahon ngayon.

“Wag ka na nga kontrabida dyan….masama bang mangarap?”

“Hindi ka nangangarap te!!! Nag-iilusyon ka”

“Lunurin kaya kita dyan!!! Panira ka ng moment eh”

“nagsasabi lang ako ng totoo”

“Ahhh basta!!! Ewan ko sayo”

Maya-maya pa ay napansin naming tumigil na sa pagsusurfing si Vaughn at lumangoy papunta sa pampang.

Malapit sa kinaroroonan namin.

Infairness….gwapo nga siya..at ang ganda ng katawan.

May kasabihan ngang :

“Katawan palang ulam na”

Sinabuyan naman agad ako ng tubig ni Rhapsody ng mapansin niyang nakatulala ako kay Vaughn.

“baka matunaw yan!!! Utang na loob wag ka na dumagdag sa nagkakagusto sa kanya. Ibalato mo na siya sakin.”

“Ewan ko sayo. Di ko naman siya type eh..iyong iyo na!”

“Good!!! Mabuti kung ganun. Magkakasundo tayo”

“Hi girls..mukhang nag-eenjoy kayo ah” hustong makalapit samin na sabi ni Vaughn.

Nginitian naman namin siya ni Rhapsody (kaso si Rhapsody kakaiba ang ngiti eh).

“Oo naman…ang saya nga dito eh ang ganda ng lugar” sagot ko.

“saka maganda din ang view” sagot naman ni Rhapsody pero kay Vaughn padin nakatingin.

Nginitian lang niya kami.

“Sige enjoy…mauna na ako”

“Sige” paalam namin.

Bago ulit tuluyang umalis ay muli siyang ngumiti.

So hindi naman pala siya suplado sa personal.

“Ayyyiiieeee….nakita mo ba yun Ching..nginitian niya ako and those muscles…OMG!!!...yummy!!!” nanggigigil na sabi ni Rhapsody at may kasama pa talagang panggigigil sa braso ko.

“Aray ko naman masakit!!” angal ko sa kanya. “saka dalawa tayong nginitian niya..hindi lang ikaw kaya wag kang ambisyosa”

Hinampas naman niya ang braso ko.

“Panira ka talaga!!! Para sakin lang iyong ngiting iyon. Nadamay ka lang..Dyan ka na nga” sabi nito at umahon na sa tubig.

“Oh? Saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito?” reklamo ko sa kanya.

“Oo…dyan ka na..susundan ko muna si Vaughn…bobosohan ko lang saglit” at parang kinikiliti na tumawa pa ito.

Napailing nalang ako. Mukhang malala ang tama nun ni Rhapsody kay Vaughn.

Nang makaalis si Rhapsody ay ipinagpatuloy ko nalang ang paglulunoy sa tubig.

Napansin kong nagkakatuwaan sina Vince sa isang bahagi ng beach kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Hay!!! Ang saya naman nila.

Kung malulunod kaya ako ngayon may makakaalam kaya eh masyado silang busy to notice me.

Magdrama daw ba?

“Bakit mag-isa ka na lang?” nagulat pa ako ng may magsalita sa tabi ko.

Isang lalaki ang nakita ko.

Sa pagkakatanda ko eh kuya siya ni JM.

Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.

Ganon ba kalalim ang iniisp ko para di siya mapansin?

“Ikaw si???” kunot-noong tanong ko.

Di ko kasi matandaan ang pangalan niya.

“John” sagot nito at inilahad ang kamay.

“Just call me Ching” pakilala ko din at tinanggap ang pakikipag-kamay niya.

“Bakit mag-isa ka nalang? Nasaan yung kasama mo?”

Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

“How did you know na may kasama ako kanina? Don’t tell me pinagmamasdan mo ako?”

Kibit-balikat lang ang isinagot nito sakin.

So basically I was right.

“Bakit mo ako tinitignan?” tanong ko.

“kailangan bang laging may dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?”

“Pwede naman”

Mula sa kinauupuan nila ay dinig nila ang tawanan ng mgakakaibigan.

“Ang saya nila noh?” sabi ko kay John.

Napatingin naman si John sa mga ito.

“Yeah…mga bata palang sila ganyan na kagugulo ang mga iyan. Thankful nga ako at nagkaroon si JM ng mga tunay na kaibigan eh.”

“Matagal mo na ba silang kilala?”

“Medyo…mula ng maging kaibigan sila ni JM”

“Eh si Aya? Anong klaseng tao ba siya?” curious na tanong ko.

“Si Aya? Hmmmm…ang masasabi ko lang eh napakabait niyan. Siya yung bestfriend ni JM kaya mas nakilala ko siya kasi madalas din tumambay iyan sa bahay namin . Matalino saka maaasahan. True friend talaga”

Napatango nalang ako.

Mukhang nasa mabuting kamay naman pala si Vince eh.

“bakit interesado ka kay Aya? Don’t tell me lesbian ka?”

“of course not!!” mariing tanggi ko. Todo iling pa talaga.

“Mabuti kung ganun. Sayang ka kung magiging lesbian ka”

“Curious lang ako..saka ang ganda niya noh? Nakakainggit siya.. I’m sure maraming girls na naghahangad na maging katulad ni Aya” (Isa na ako dun)

Napailing si John.

“Aya maybe famous and pretty but she’s just also a normal girl. Nasasaktan at umiiyak. Hindi naman siya bato. May mga pagkakamali din siya. Hindi siya perpekto. Pero sa lahat g iyon nagagawa niya pa din maging matatag. Dun ako bilib sa kanya.”

Natahimik ako.

“hindi mo naman kailangang gayahin ang ibang tao eh..you just have to be yourself…oo nga at may mga bagay sila na wala ka pero may katangian ka naman na wala sila.”

Napatingin ako sa kanya. Ang galing niya naman mag-advice.

Nakakahanga.

“Teka..may asawa ka naba?” biglang tanong ko dahilan para mapatawa siya.

“Akala ko naman seryoso na pinag-uusapan natin. Kung may asawa ako malamang wala ako dito”

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast walang mang-aaway sakin na bigla nalang akong susugurin at sasabunutan.

“Eh girlfriend?” napapangiting tanong ko.

Umiling siya. “Wala din eh”
“Bakit naman?” interesadong tanong ko.

“Walang nagkakamali eh” sagot niya pero alam ko namang biro lang iyon.

“Asus!!! Pahumble!! Sa hitsura mong iyan? Naku!! Wag naman sanang ikalalaki ng ulo mo pero gwapo ka naman eh. Matikas..kaya imposibleng wala kang girlfriend”

Natawa nalang siya sakin.

“Dati meron. Pero ngayon wala na”

“bakit naman?” (ayan masyado na akong intregera)

“Pinagpalit ako sa matandang mayaman”

“Owww…ouch”

Nagkibit-balikat lang ito.

“Okay lang. matagal nay un. After nun wala na ulit akong naging girlfriend. Nawalan kasi ako ng time para maghanap pa. busy sa work eh. Saka naniniwala ako na hindi dapat hinahanap ang love. Kusa iyong darating sa takdang panahon.”

She could not help but agree.

“Tama ka dyan…kasi minsan natatrapik lang kaya dapat lang maging matyagang maghintay. Makakasakay ka din sa byaheng pag-ibig.”

Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

“Ang corny noh?”

“Yeah..pero totoo”

“Ikaw may boyfriend ka na?”

Napangiti ako.

“Bakit interesado kang malaman?”

“Masama ba magtanong?”

“Hindi naman…wala akong boyfriend”

“ahhh…ahmm..Ching..after natin dito pwede ba kitang ayain lumabas?”

“like a date? Bakit naman?”

“Coz I like to know you better…okay lang ba?”

OMG!!! Mukhang magkakalove-life na din ako sa wakas.

“Sure!!! Ikaw ang bahala.” I couldn’t hide my smile.


No comments:

Post a Comment