Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 2

[JM’s POV]


“wow!!! Grabeh!!! Baguio!!! Antayin mo ako!!!!” sigaw ko habang nakatambay kami sa garden ng school.


Wala na kasi kaming klase at nagkakatamaran pa umuwi kaya tambay mode muna.


May kanya-kanyang agenda din itong mga kasama ko sa pagtambay dito.


Si Madz nagbabasa ng libro.


Si Vaughn at Jake naglalaro ng dota sa laptop nilang dala.


Si Avee naman eh naglalagay ng nail polish sa kuko.


Si Aya busy sa pagtetext.


At syempre ako naglilista ng mga things to bring ko sa Baguio.


Baguio, here I come… ang napakagandang Diyosa sa balat ng lupa ay dadalawin ka!!!”


Nagtinginan sakin lahat ng mga kasama ko.


“ pwede manahimik? Sinisira mo yung tranquility ng lugar na ito eh.” Mataray na sita sakin ni Avee.


Napakunot naman ang noo ko at  kinalabit ko si Aya na malapit sakin.


“ ano yung tranquility?”


Bago pa makasagot si Aya eh inunahan na sya ni Jake magsalita.


“ ano ka ba?! Yun ang ginagamit sa mga nagwawalang pasyente.”



Tumango-tango naman ako.


“ ahh…yun pala yun. Grabe ka naman Avee hindi naman ako nagwawala eh..medyo excited lang”


“ gaga!! Naniwala ka naman dyan kay Jake!”


Bakit? Mali ba yung sinabi ni Jake?


“ Tranquilizer yung sinasabi niya!”


Tranquilizer? Tranquility? Ano difference?


“ Jake niloloko mo ba ako?”
( naku magkamali ka ng sagot eh uupakan kita)


“ bakit naman kita lolokohin hindi naman kita nililigawan?”(teka! Parang narinig ko na yan ah)


Napatingin ako kay Aya. Nakataas ang kilay.


“Tranquility means a disposition free from stress and emotions. It is also a state of peace and quiet.”


“Wow!!! Grabe..ang galing!!! The best ka talaga Best friend!!!” sabi ko at niyakap si Aya.


“tsk! Ikaw lang yata ang hindi nakakaalam ng ibig sabihin ng tranquility eh” sita ni Madz matapos lagyan ng bookmark ang librong binabasa.


“ eh paano naman niya malalaman ang ibig sabihin ng tranquility eh hindi naman uso sa kanya yun” asar naman ni Vaughn.


“ wala nga yata iyang state of peace and quiet. Masyadong hyper at maingay kasi.” Dag-dag naman ni Jake.


“ hay naku sinabi niyo pa” sabay na sabi naman nila Avee at Aya.


Teka mukhang napagkakaisahan ako ah dahil lang dyan sa lintik na TRANQUILITY na iyan!!!


“ inaapi niyo ba ako???!!!” tanong ko sa kanila. Mga baliw na ito pinagkakaisahan ako.


Walang sumagot sa kanila pero sabay-sabay naman silang tumawa.


“ WAAAHHHH!!!! INAAPI NIYO NGA AKO!!!”


Ang sasama ng mga ito. Parang hindi ko lang alam ang ibig sabihin ng tranquility inaapi na nila ako.


Kung sino mang peste ang nagpauso ng salitang iyan siguraduhin niyang patay na siya kung ayaw niyang ako ang pumatay sa kanya.


“ I HATE YOU!!!!”


Sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.


Sabagay alam naman nilang hindi yun totoo eh.


Ako kaya ang pinakaloving samin.


Additional factor na ang pagiging maganda.


“ looks like your enjoying the day ah”


Mula sa kung saan eh may biglang nagsalita.


Sabay sabay kaming napalingon. There we saw Lieu and Vince. May hawak na plastic si Vince na may lamang food.


“ wow! Pagkain. Ang bait mo talaga Vince. Kanina pa kami dito pero hindi man lang nagkusa itong dalawang kumag na lalaking ito para bumili ng pagkain namin.” Sabi ko at inunahan ko na sila sa pag-abot ng food mula kay Vince.


Mahirap na at baka maubusan ako. Certified Matatakaw pa naman itong mga taong ito.


“ tinext ako ni Babydoll na magdala daw ako ng food eh” sabi ni Vince at tinabihan si Aya.


“ ohhhh!!! Ang sweet!!!” sabay sabay na sabi namin.


“ nilalangam na kayo sa sobrang tamis” biro ni Vaughn.


“ anong langgam antiK na kamo” segunda naman ni Jake.


“ mga inggitero” tumatawang sagot naman ni Vince.


“ nga pala  bakit kayo lang? Nasan sina West at Lance?” tanong ni Avee.


Hindi ko napigilang mapatingin kay Aya at nakita ko na may bumakas na emotion sa mga mata niya pagkarinig sa pangalan ni Lance.


Mukha namang hindi ito napansin ng mga kasama namin.


Sabagay kung meron mang nakakakilala kay Aya talaga ako lang iyon…at si Lance..Mukhang may something talaga.


“ May training si West. Alam niyo naman iyon eh basta tubig hindi palalampasin. Si Lance naman may hinatid sa airport”


“ airport???”


Sino naman kayang ihahatid ni Lance sa airport?


“oo, babae eh. Regine ata ang pangalan.” Sagot ni Lieu


“ Regine? Sino yun?”


Nagkibit balikat si Lieu.


“ Ma at Pa. kelan ba naman nag-open  yun si Lance satin.”


“ kung sabagay. Malay mo lumalovelife si Lance”


Hindi nalang namin binigyang pansin ang pagalis ni Lance.


Ipinagpatuloy nalang namin ang pgkukwentuhan.


“ nga pala, pupunta kaming Baguio ni Jake sa Friday hanggang Sunday kami dun.” Imporma ko sa kanila.


“ bakit? Magha honeymoon kayo? Uunahan niyo pa kami” biro sakin ni Vince.


“ honeymoon your face!” ( kami??? Ni Jake??? Naku!!! End of the world na siguro kapag nangyari yun!)


“ eh ano ngang gagawin niyo dun? Tapos dalawa lang kayo? Wag niyo sabihing mgalalaro kayo ng taguan sa Baguio?”


Taguan sa Baguio??? Pwede rin..hehehe.


“ kasama kami sa seminar dun for three days. Dapat kasi sila ni Aya ang pupunta kaso ipapadala pala itong si Aya sa Australia para lumaban.”


Bakit ba ako nag-eexplain sa mga mokong na ito?


“ Aya, punta kang Australia?” tanong ni Lieu


Teka rhyme yun ah..hehe..


“ yup. One week”


“ eh di hindi pala kayo magkikita ni Vince ng isang lingo. Kawawang Vince.” Pang-aasar ni Lieu.


“ anong silbi ng chat di ba?”


“ sabagay. Nga pala yung seminar na sinasabi niyo kasama kami dun ni Vince.” Sabi samin ni Lieu.


Nagulat naman kami. Makakasama pala namin ang mga ito.


“ participants din kayo?” tanong ni Jake.


“ yup.tayo tayo din ang magkikita sa finals.”


Nilapitan ni Lieu si Avee.


“ Avee baby, gusto mong sumama sa Baguio?”


Hay naku mukhang nakikipagflirt na naman itong si Lieu.


“ ano namang gagawin ko dun eh hindi naman kami Participants sa seminar.”


“ pwede naman kayong pumunta eh. Bakasyon lang. parang outing na rin natin sama na kayo.” Yaya naman ni Vince.


“ oo nga ano?! Join ako dun. Kayo?” tanong ni Vaughn.


“ ok lang sakin”


“ sakin din”


“ ako hindi”


Napatingin kaming lahat kay Aya.


“ ok lang yun ikaw nga sa Australia ka pa pupunta kami Baguio lang.” pakonswelo ko sa kanya.


“ atleast kayo mag-eenjoy ako paduduguin ko pa utak ko dun.”


“ ganyan talaga kapag matalino. Kaya nga ako mas gusto kong normal na estudyante lang eh.”


“ oh paano settled na? kitakitz nalang tayo sa Baguio. Text niyo kung saang hotel kayo magstay para dun na din kami.” Sabi ni Vaughn.


“ tanungin niyo na din sina West at Lance kung gusto nilang sumama.” Sabi naman ni Madz.


“ ui!!! Si West talaga gusto niya makasama” pang-aasar ko sa kanya.


Agad namang namula si Madz.


“ tumigil ka JM ah. Kapag ikaw inasar ko diyan.” Banta nito.


(Haha! As if naman matatakot niya ako)


“ eh di asarin mo sinong tinakot mo?” pang-aasar ko pa lalo.


“ ahh ganun ah,,” nagkatinginan sina Avee, Aya at Madz.


Teka mukhang hindi ko gusto ito ah.


Mukhang alam ko na binabalak ng mga alien na ito.


“ Lieu may gusto sayo si JM” sabay na sigaw nila Avee at Madz at sabay pang tumawa.


“crush na crush ka kaya niya”


“nagseselos nga sya sa mga babaeng dumidikit sayo”


Aba?!!! At talagang ibinuking ako ng mga baliw na babaeng ito ah.


Nakakainis!!!!


Hiyang-hiya na ako. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko dito kay Eulysis!!!


“ crush mo si Lieu, JM?” (aba?! At talagang nagtanong pa itong si Vince. Hindi ba niya narinig iyong pinagsisigawan nila Avee at Madz?!)


“ patay na patay kamo sya kay Lieu” pang-aasar ni Avee.


May mga itinatago din palang pang-aasar sa katawan itong mga babaeng ito.


“ bestfriend tulungan mo ako.” Sabi ko kay Aya.


Agad naman silang sinaway ni Aya.


“ iiyak na yan si JM tigilan niyo na yan.”


Nanahimik naman yung dalawang alien kaso hindi ang mga hinayupak na mga lalaking ito.


“ brhaw kakaiba ka, ano namang masasabi mo ngayong nalaman mong crush ka pala ni JM?”


Tumingin muna sakin si Lieu.


“ ewan. Natatawa lang ako.” Tumatawang sagot nito.


Pakiramdam ko eh may libo libong kutsilyong sumakasak sa puso ko nung tumawa si Lieu at nakipagsabayan pa sa pagtawa ang mga lalaking iyon.


Inis na tumayo ako at hinampas sa kanya ang librong hawak ni Madz.


“ Wala kang karapatang pagtawanan ang nararamdaman ko. Dahil maski ako hindi ko ginusto ito. Kung makakapili rin lang ako ng mamahalin ayokong maging ikaw yun dahil isa kang malaking gago!!!” Sigaw ko sa kanya.


Natahimik naman ang mga kaibigan ko. Pawang mga nagulat sa ginawa ko.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon dahil ramdam ko any minute from now tutulo na ang luha ko.

(T_T)

No comments:

Post a Comment