[JM’s POV]
May mga tao talagang sadyang tamad gumising ng maaga.
Kanina pa paulit-ulit na tumutunog ang alarm clock sa tabi ng kama ko pero paulit-ulit ko rin siyang pinapatay. Ayoko pa kasing bumangon eh.Napuyat kasi ako sa panonood ng Korean Drama na He’s Beautiful.
Si Aya ang nagsabi sakin na panoorin ko yun. Sa kanya nga galing yung CD eh. Sya naman kasi ang mahilig sa mga ganyang bagay. Kilig na kilig ako sa eksena nila Mi Nam at Taek Yung Oppa…hahaha… nakiki Oppa na din ako. Crush ko kasi sya eh…kagwapong nilalang.
“ LINTIK NA HINAYUPAK KANG BATA KA BUMANGON KA NA NGA DIYAN AT KANINA PA TUMUTUNOG IYANG LINTIK NA ORASAN NA YAN!!!”
Hala ka boses ni Mama yun. Ang aga aga high blood na naman siya. Dedma pa din ako. Ang sarap ng panaginip ko eh. Kakissing scene ko daw si Taek Yung..
Ambisyosa talaga ako kahit kelan.
“ HOY!!! ANAK NG TETENG KA MARIE JANE BUMANGON KA NA!!!”
Parang mas lalo yatang lumakas ang boses ni mama?
Hay kaya naman pala eh nandito na sya sa loob ng kwarto ko.
“ MARIE JANE!!! MALELATE KA NA SA ESKWELA!”
“ Five minutes na lang Ma” request ko at ibinaon ang mukha ko sa unan.
Subalit sadyang malupit ang nanay ko dahil inalis niya ang unan ko at inihampas sa akin dahilan para magising ako.
“LINTIK NA FIVE MINUTES YAN! KELAN BA NAMAN ANG FIVE MINUTES MO HA?!!!”
“ eto na nga po eh” bumangon na din ako at nakakaturete talaga si Mama.
“ kumain ka muna Marie Jane bago ka pumasok”
“ opo” animo masunuring anak na sagot ko.
Ako nga pala si JM o Jane Marie Ventura.. tama po. Jane Marie at hindi Marie Jane. Ewan ko ba dyan kay mama at naturingang anak niya ako at sya ang nagbigay ng pangalan ko eh hindi masabi ng tama.
Kwento niya sakin dapat daw kasi Marie Jane talaga ang name ko kaso hilo din yata yung tatay ko nun at Jane Marie ang ibinigay na pangalan ko. Mas cool daw pakinggan.
Ewan ko sa kanila. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Buti nalang at mukhang tapos na si Kuya kaya hindi ko kailangang makipag-agawan pa sa kanya.
Pagkatapos maligo ay bumaba na ako sa kusina upang kumain. Nandun na sina mama at papa pati na rin ang kuya kong si Kuya John at ang bunsong kapatid ko na si Jigger.
Sa totoo lang nakakatuwa ang pangalan namin.
John. Jane. Jigger at sina mama at papa eh Jerry and Judy.
Ja,Je,Ji,Jo,Ju…
May pattern diba??hehe..kaya di na kami pwede magkaroon pa ng ibang kapatid dahil wala na sya sa alphabet
.
“ anong oras ka na naman natulog kagabi Jane” sita sakin ni Papa habang nagbabasa ng dyaryo.
“may tinapos lang po ako eh… Jigz paabot ng hotdog”
“kumusta naman ang pag-aaral mo?”
“ okay naman po”
Hindi kami mayaman. Pero hindi rin kami mahirap. Si papa isang government employee samantalang si mama naman eh merong isang maliit na grocery sa ibaba ng bahay namin. Pero dahil gusto nila kaming mabigyan ng magandang future eh sa isang sikat na eskwelahan nila kami pinapasok.
Sa CSL ako ngayon nag-aaral ang eskwelahan ng mga totoong mayaman. Pero wala naman akong pakialam dun kasi ang mahalaga eh maganda ang turo dun at mga facilities. Aware naman ang mga barkada ko kung anong status ko sa buhay at tanggap naman nila ako kahit na mga saksakan sila ng yaman.
“ kumusta na nga pala yung bestfriend mo?” tanong ni Kuya John.
Si Aya ang tinutukoy niya. Ang bestfriend ko since highschool.
“ okay naman” may crush kasi yang si Kuya kay Aya eh.
“sabi ko sayo ilakad mo ako dun eh”
Tinitigan ko si Kuya John. Yung tinging parang nagsasabing “okay ka lang??”
“ Kuya, dahil kapatid kita ayokong masaktan ka dahil mababasted ka lang. Sa gandang yun ni Aya sa tinngin mo papatulan ka nun? Hay naku kung makikita mo lang mga manliligaw nun eh manliliit ka”
“ ang yabang mo naman.”
“ hindi ako mayabang nagsasabi lang ako ng totoo. Liars go to hell”
“ Magtigil nga kayong dalawa diyan at nasa harap kayo ng pagkain” saway samin ni mama.
Sabay pa kaming binelatan ang isat-isa.
Nagulat nalang kami ng sa kalagitnaan ng pagkain eh may narinig kaming busina ng sasakyan.
“ may bisita ba kayong inaasahan?” tanong samin ni Mama
Sabay sabay kaming umiling.
“ hala sige matignan nga” at lumabas na si Mama ng kusina upang silipin kung sino ang dumating.
After 10 years bumalik si Mama. Hehe biro lang mga 5 years lang kasama niya si Aya.
“ hi tito, hi Kuya John hi Jigz”
“ Hi ate Aya”
“ ikaw pala Aya upo ka kumain ka naba?” alok ni papa sa kanya.
“tapos na po pero pwede bang makikain ulit?”
“ oo naman saluhan mo kami.” At kinuhanan siya ni Mama ng plato.
“ anong masamang hangin nagtaboy sayo dito?” tanong ko sa kanya.
“ sinusundo ka. Kasi panigurado malelate ka na naman eh dahil wala kang masasakyan”
“ wow!!! Ang sweet mo naman pakiss nga” biro ko sa kanya.
Sinita naman ako ni Papa.
“ Jane Marie umayos ka nga”
Pero hindi ko pinansin si Papa.
“ Best friend araw-araw mo nalang ako sunduin para sabay na tayo saka para tipid pamasahe” ( kapal muks ko noh??)
“ OO nga ate Aya para sasabay na din ako sa inyo sa school. Para araw-araw ako nakasakay sa kotse.” Singit naman ni Jigz.
“ kayo hindi na kayo nahiya kay Aya” sita samin ni Mama. “oh iha kumain kang marami ha wag mahiya”
“ thanks po tita. Okay lang po yun sige lagi ko na kayong dadaanan ng Ate mo Jigz tutal on the way naman kayo sa bahay eh”
“ yehey!!! May service na akong kotse”
Binatukan ito ni Kuya John.
“ ano namang tingin mo kay Aya driver mo?”
Napasimangot nalang si Jigger.
Nang matapos kumain eh umalis na kami ng bahay.
( ^_^)
“ friendship bakit mo nga pala ako dinaanan?” tanong ko kay Aya nang nasa sasakyan na kami.
Pareho kaming sa backseat nakaupo si Jigz naman ang sa unahan katabi ng driver ni Aya.
Wala eh mayaman may sariling driver.
“ para nga hindi ka malate” sabi niya pero hindi naman sya makatingin sakin ng diretso.
At kilala ko yan si Aya kapag ganyan yan may problema iyan.
“ako nga wag mo dramahan ng ganyan at hindi iyan bebenta sakin. Sa walong taon na magkaibigan tayo eh ngayon ka lang naging concern sa oras ng pasok ko eh. Kay alam kong may problema ka.” ( aba! Eh magkarugtong na yata mga bituka namin kaya hindi sya makakapagsinungaling sakin.)
“ may iniisip lang ako. Basta kailangan ko lang ng distraction.” ( bakeetttt???? Mukha ba akong distraction???)
“ at ako ang best na distraction para sayo??? Niloloko mo ba ako ha AYA??!!!”
“ bakit naman kita lolokohin hindi naman kita boyfriend”
( aba??? Pinipilosopo ako???)
“alam mo ikaw sinabi ko na sayo na iwasan mo magdidikit dyan kay Jake dahil nahahawa ka na sa pagiging pilosopo nun eh.”
“ sssshh…quiet…let me sleep wala pa akong tulog.” At ipinikit ang mga mata nya.
Tama ba yun???
Pero napansin ko na para ngang masyadong malungkot yung aura niya kaya hinayaan ko nalang sya magpahinga. Alam kong may kinalaman sa lovelife niyang kasing colorful ng color wheel ang problema nyan.
“Manong patugtog tayo.” Sabi ko nalang sa driver at nang may mapagtripan ako.
“ Boy you’ve got my heart keep running..cant you feel the boomerang bass a super bass” feel na feel ko kumanta kahit na hindi ko naman alam yung lyrics ng kinakanta ko.
“ Ate, utang na loob naman patahimikin mo nga yang bunganga mo.” Sita sakin ni Jigz
“ walang pakilamananan!!!!”
( ^_^ )
“ hello every body in the room!!!! ” masiglang bati ko pagpasok namin sa classroom ni Aya.
Dire-diretso ako sa umpukan ng mga barkada kong sin Madz, Avee, Vaughn at Jake.
“ parang mukhang byernes santo ang mukha ni Aya?” pansin ni Vaughn.
“ wag nyo ako umpisahan ah” at tahimik na umupo sya sa upuan at iniyukyok ang ulo sa desk.
“ problema nun?” tanong ni Vaughn. ( hay naku tol kung alam ko rin lang kanina ko pa sinabi sayo yun)
“ hayaan niyo nalang siya baka stress lang” sabi ko sa kanila.
“ bakit maga yata ang mata mo JM? Puyat ka noh? Ang laki ng eye bag mo eh” (sa dami naman ng mapapansin nitong si Avee eh mata ko pang nananahimik)
“ anong eye bag? eye sack kaya tawag dyan.” Singit naman ni Jake.
“ eye sack???”
“ eye sack..kasi sa laki nyan hindi na sya bag kundi sako na kaya eye sack”
“ ahhh… so joke yon?tatawa na ba ako?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
Kinurot ni Jake ang pisngi ko.
“ pikon ka masyado…chillax!!!”
“ kakahigh blood ka eh..”
“sus! Pareho lang kayo eh” sagot naman ni Madz.
Sasagot pa sana ako nang biglang dumating si Mam. Back to seat na muna kami.
“ okay Class I’ll have an announcement to make. Our school will be having a three day seminar in Baguio this coming Friday to Sunday. I need two representatives in your class.” Sabi ni Miss Reyes.
Nagtaas ako ng kamay.
“ yes Miss Ventura?”
“ Mam, si Aya po representative namin.”
Since sya ang class president automatic sya na din ang representative.
“ Miss Montreal will not be around that time because the school will send her for a convention in Australia . She will compete with different schools internationally.”
Naghiyawan ang mga kaklase namin. Ang galing talaga ng bestfriend ko pang-international ang dating..hehehe…
“ so, I need a replacement for Miss Montreal. Sino ba ang vice-president niyo dito?”
Nagtaas naman ng kamay si Jake.
Oo, kahit na sira-ulo at mapang-asar iyan si Jake eh active sa klase yan.
Nagtaas ng kamay si Aya.
“ yes, Miss Montreal?”
“ Mam, I recommend Miss Jane Marie Ventura to fill my position as the class representative because I believe that she can do my duties well Maam.”
Napatingin ako kay Aya. Luka-luka iyon ah napasubo ako dun? As if naman papayag si Miss Reyes na ako ang pumalit sa kanya eh isa ako sa pasaway na estudyante sa klase niya.
Tinignan ako ni Miss Reyes. Mukhang diskumpiyado pa yata.
“ well, since you’re recommended by Miss Montreal I guess you could do the job.”
Parang gustong tumaas ang kilay ko dun ah? Masyado naman niyang pinapahalata na di niya ako gusto.
Pero hulog talaga ng langit si Aya dahil first time kong makakapunta sa Baguio.hehe.
Natapos ang klase ni Miss Reyes nang hindi ko namalayan dahil ang lumilipad sa utak ko eh kung anong plano ang gagawin ko sa Baguio para mag-enjoy.
No comments:
Post a Comment