Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 3

[Lieu’s POV]


Sinundan na lang namin ng tinggin ang palayong si JM. Everybody was shocked na nagreact sya ng ganun. Masyado naman siyang OA kung magreact. Para nagbibiruan lang naman eh napikon na siya. Siya naman yung nagsimula.


“ Hindi niyo ba siya hahabulin?” I asked her friends.


Pansin ko kasing parang bale-wala lang sa kanila yung outburst ni JM.



“ a friend knows when to react or help. At this rate, JM is better off alone.” Sagot ni Aya. ( ganun???so hindi talaga niya hahabulin yung bestfriend niya?)


“ sa tagal na naming kasama si JM alam na naming kung kelan kami dapat makialam o hindi.” Segunda naman ni Madz. (parang tinagalog niya lang yung sinabi ni Aya eh.)


“ pero kayo naman yung may kasalanan diba? Inasar niyo siya.”sabi ko kina Madz at Avee.


“ correction Siya ang nagsimula.”


Umismid si Avee. Ang taray talaga nitong babaeng ito. Bakit ko ba ito naligaw-ligawan ?


Yup. I courted Avee. Many years ago. Mga elementary palang yata kami o highschool. Kaso binasted niya ako. At hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na binasted niya ako. Hindi parin ako makamove-on sa pambabasted niyang iyon. Walang nakakaalam sa mga friends ko na niligawan ko iyang si Avee at maski sya hindi rin naman yata niya ipinaalam sa mga kaibigan niya.


She’s the first girl that I’ve loved at siya din ang kauna-unahang bumasted sakin kaya naman sobrang hurt talaga ako doon. I promised to myself na hindi siya kawalan sakin at pagsisisihan niya na binasted niya ako at maraming babaeng pwedeng pumalit sa kanya sa puso ko. Yung mas better. Kaso hanggang ngayon mahal ko parin siya eh. Pero I don’t want her to know that I’m still that stupid boy na patay na patay sa kanya. Kaya nga kabi-kabila ang mga nalilink sakin na girls to cover up what I really feel for her.


Muli akong napatingin sa kanya. Napakaarte talaga niyang babaeng iyan. Biruin niyo nagwalk-out na nga yung kaibigan nila dahil sa pang-aasar nila dedma coma parin siya at busyng busy sa paglalagay ng nail polish sa kuko niya. Hayyy!!! Kahit kelan talaga hindi na nagbago si Avery Lopez.


Napatingin naman ako kay Madz. Iyan crush ko yan. ( lahat nalang crush ko..sige ako na..hehe) pero hindi ko siya niligawan at di ko ipinaalam na crush ko siya kasi alam ko may gusto siya kay West. Saka wala pa akong planong magseryoso sa lovelife dahil as long as hindi ako nakakamove-on kay Avee hindi ako magiging mabuting boyfriend sa iba.


Napakahinhin niyan dati ni Madz kaso nung napasama kina JM naging balasubas na..hehe joke lang.


Si Aya naman, eto yung pinaka madali mong makakasundo. Kumbaga siya yung babaeng binansagang apat na “M”. (matandang mayaman madaling mamatay..JOKE!!!) Maganda, matalino, mayaman at mabait. Dami ngang nagkakagusto diyan kaso di lang makaporma kasi kaw ba naman bantayan ng tatlong dragon eh. Hehe. Si West (kuya), Vince ( boyfriend) at Lance (bestfriend). Never ko naging crush iyan kasi iba leveling niyan sakin eh.


At yung babaeng nagwalk-out si JM. Iyon ang pinakmakulit at pasaway sa kanilang apat. Siya din yung pinaka matakaw. Kung minsan naiirita ako sa kanya but most of the time I found her so amusing. Para kasing napakacarefree at isip bata.


“Excuse me!!! Kung meron mang may kasalanan dito ikaw lang yun Eulysis at wala ng iba.” Mataray na sabi ni Avee.


Tapos na yata siya maglagay ng kyutiks at pinapatuyo na lang niya iyon kasi hinihipan hipan niya eh.


“ ako???” sabay turo sa sarili. ( bakit naman ako eh kararating ko lang diba?)


“ yeah. You laughed at her feelings. Pinagtawanan mo siya.”


“ but I’m not the only one who laughed. Lahat naman tayo tumawa ah.” Depensa ko.


“not me” singit ni Aya.


“ kahit na lahat kami tumawa hindi siya magrereact ng ganun. But coming from you masakit yun.”


“ masakit? Paano naman naging masakit yun?”


“ syempre ano bang mararamdaman mo kung yung taong gusto mo matapos malaman na gusto mo siya eh tatawanan ka lang. hindi ba insulto iyon? Nakakaoffend.”


Ha??? Ano daw???


“ teka, what do you mean?” (parang ang gulo yata hindi maabsorb ng utak ko.)


“Manhid ka ba o tanga? Can’t you see that JM likes you.” Nailing na wika ni Aya.


Awtz naman yun. Manhid na tanga pa..hehe.


“ she likes me? For real? But I thought it was only a joke kaya I didn’t take it seriously.” Nailing na sabi ko. Grabe iba na talaga kapag gwapo.


“ well, so what can you say that you already know that it was not a joke?” asked Vince.


“ I don’t know…” out of the blue wala akong masabi. Parang hindi kayang absorbin ng 2GB na memory ng utak ko ang nalaman ko.


JM likes me????


It’s not that I don’t like her but she’s a friend. Kahit ganun kabaliw yung babaeng yun, she’s still my friend. And a friend is a friend. No more. No less.


Ang daming friend nun ah..


(>o<)



[JM’s POV]


Nakakainis yung mga yun. Tama bang igisa ako sa sarili kong mantika? Pero mas naiinis ako kay Eulysis.


Wala syang puso!!!


Bampira!!!


Aswang!!!


Impakto!!!


Lahat na ng monster siya na din.


I hate the way he laugh at me when they told him that I like him. Aba! Kung makakapili rin lang naman ako ng mamahalin ayokong maging siya.


Teka!!! I just like him and not love him. Pero bakit ako nasasaktan? Eh ano naman kung pagtawanan niya ako? Eh ano naman kung hindi niya ako type? Eh ano naman kung hindi niya ako gusto? Eh ano naman kung wala akong appeal sa kanya? Hindi naman ako mamamatay nun di ba?


Sa dinami-dami naman kasi ng lalaki sa mundong ibabaw bakit sa isang tulad niya pang kasing landi yata ng reyna ng malalandi pa ako nagkagusto.


Bakit sa isang tulad niya pa pinana ni kupido ang puso ko?


Ang sarap ipabugbog niyang kupido na yan eh. Try ko kayang ihampas sa ulo niyang wala yatang laman yung pana niya at ng malaman niya kung gaano kasakit ang ipana ka sa maling tao.


Wag lang talaga syang magpapakita sakin dahil lintik lang ang walang ganti.


“ nagpapaka EMO ka na naman”


Nagulat nalang ako nung tabihan ako ni Jake. Sa pagkakaalam ko eh naiwan siya dun kasama nila Eulysis.


“ kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala sa gym.”


“ bakit mo ako hinahanap?para mang-asar?!”


“ hindi naman ako ganun kasama no’! dadamayan nga kita eh.”


Napakunot-noo ako at tumingin sa kanya.


“ bakit mo naman ako dadamayan?”


“ eh di ba? Dinamayan mo din ako nung binasted ako ni Rhapsody? (Authors Note: read chapter 18 of After All) kaya naman dadamayan din kita.”


“ hay naku tigilan mo nga ako Jake.Mamaya makita naman tayo ni Rhapsody mo eh magselos pa yun.”


“hayaan mo na yun. Ayaw naman niya sakin eh. Ayoko namang ipagsiksikan sarili ko sa kanya.” Bale-walang sabi ni Jake.


Napatingin ako kay Jake. Infairness mukhang nakapagmove-on na nga sya sa pambabasted na halos iyakan niya.


Tinapik tapik ko siya sa balikat.


“ good for you. Marami pang iba diyan.”


sana sinasabi mo din yan sa sarili mo.”


Natahimik ako bigla. Naman ito si Jake hindi marunong umintindi ng timing.


Biglang tumayo si Jake.


tara, kain tayo ng ice cream.” Yaya nito at inilahad sakin ang kamay niya.


“ libre mo?” nakangiting tanong ko.


“ mukha ka namang libre eh. Hehehe.”


“ syempre. Sino bang tatanggi sa libre?” I answered at inabot ang kamay niya.


Magkahawak-kamay kaming lumabas ng gym.


“ alam mo kapag may nakakita satin baka isipin nun mag-on tayo” biro ni Jake habang naglalakad kami palabas ng building.


“ asa ka naman! Sinabi ko na nga sayo na isa akong diyosa at ikaw ay isang hamak na tao lamang kaya wag ka ng mangarap diyan. Malamang iisipin ng mga tao na isa ka lang aliping sagigilid ko.” Sabi ko sabay tawa ng malakas.


“ ang tindi talaga ng ere mo noh? Hindi ko mareach..hahaha”


“ syempre naman. Ako pa!”


Sabay pa kaming tumawang dalawa.



[Jake’s POV]


Sa isang ice cream parlor kami malapit sa CSL napadpad ni JM. Ewan ko ba kung bakit niyaya ko siyang kumain. Siguro dahil naawa ako sa kanya dahil sa nangyari kanina.


“ pansin ko Jake madalas ka yatang manlibre. Mamamatay ka na ba at kailangan mo ng magpakabait sa mundong ibabaw?” tanong ni JM habang kumakain ng ice cream. (hindi halatang broken hearted sya ah..lakas pa ring mang-asar)


“wag mo nga akong asarin kung ayaw mong ikaw ang pagbayarin ko niyang kinakain mo.”


“ kuripot ka pa rin. Akala ko pa naman nagbago ka na..hehehe.paano ka magkakagirlfriend nyan?”


“ sus! Eh di sya pagagastusin ko problema ba yun?”


Hinampas ako ni JM sa balikat.


“ baliw ka talaga mahiya ka naman noh?!”


“ aba! Ang lagay ba naman eh ako nalang lagi? Ayoko sa girlfriend na BILMOKO no”


“ well, kunsabagay.”


Dumaan ang saglit na katahimikan samin. Pareho kaming busy sa pagkain ng ice cream.pero hindi ko maiwasang maya’t maya ay tignan si JM.


“ ok! Spill it out. Kanina ko pa napapansing parang may gusto kang sabihin eh.” JM said as she put down the spoon of her ice cream and look at me.


I caught off-guard. Kaya naman napabigla ang pagsubo ko ng ice cream.


“ wooohhh!!! Lamig…ouch!!!” ikaw ba naman sumubo ng maraming napakalamig na ice cream ewan ko lang kung di mangilo ang ngipin mo.


Inabutan ako ni JM ng tissue.


“ grabe ka naman dahan-dahan lang di naman mauubos ang ice cream dito.” Nailing na sabi ni JM


“ nanggugulat ka kasi” sisi ko sa kanya.


“ eh kasi naman para kang ewan na tingin ng tingin sakin eh. Wag kang mag-alala hindi ko naman uubusin ang pera mo eh.”


“ sira! Hindi yun.”


“ eh ano nga?”


Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Ayoko kasing maoofend siya eh.


“ why do you like Lieu?” I carefully asked.


Natahimik sandali si JM at nag-isip.


“ bakit nga ba?? Hindi ko rin alam eh” aniya at pilit na tumawa.


Hindi nalang ako kumibo. I know she didn’t want to talk about it.Tumingin nalang ako sa labas ng ice cream parlor para lang magulat sa nakita ko.


“si Lance yun di ba? Sino yung girl na kasama niya?” tanong ni JM. Mukhang nakita din niya si Lance na papasok din sa ice cream parlor.


“ ewan. Basta ang sure ko, hindi yun si Aya.” Sagot ko.


Nagkatinginan kaming dalawa ni JM. Parehong may tumatakbo sa isipan.


(O_o)

No comments:

Post a Comment