Monday, March 12, 2012

Queen of his Heart : Chapter 2




QUEEN RICHELLE MONTEALEGRE


Present Time


Biruin mo yun? May ibang babaeng pinopormahan na ang ugok kong pinsan na si Lance? I thought sila ni Aya ang magkakatuluyan. Pero mukhang mali yata ako dahil as far as I can see nag-iiwasan na silang dalawa.


Hayy!!! What a bunch of love-idiots!



After 5 years of spending my life in Italy as a fulltime model hindi ko maramdamang fulfilled na nga ba talaga ang buhay ko.


Parang there’s something missing.


Gusto kong mag-aral ulit ng college. Para naman maging proud na sakin ang daddy ko. Kasi kahit sabihing sikat na ako sa buong mundo walang saysay kung hindi naman proud sakin ang pamilya ko.


Hayyyy!!! Nakakalungkot naman. Hindi tuloy ako makauwi samin. Mabuti nalang at always welcome ako dito sa bahay nila Lance.


Hoy Queen ano na namang drama yan ha? Anong tingin mo dito sa bahay namin? Beach????!!!” galit na sita ng pinsan ko.


On second thought..parang hindi yata ako welcome.


Sa sobrang boring kasi eh naisipan ko mag-improvise ng sarili kong beach. Tinatamad kasi akong magpunta sa mga beach dahil wala akong kasama. Ayaw naman ako samahan ng magaling kong pinsan dahil malapit na daw graduation nila.


Kasalukuyan akong nagsa-sunbathing sa tapat ng bakuran nila Lance. I’m wearing a sexy two piece bikini, a wide brim hat, sunglasses and complete lotions and sun blocks are on my side. Naglagay din ako ng beach chair at malaking payong.


Don’t disturb me Lance” hindi tumitinging sagot ko sa kanya.


Anong don’t disturb you? Nakakaiskandalo ka jan. mamaya isipin pa ng mga taong nag-aalaga ako ng baliw dito..lumayas ka nga jan.”


Ayoko. Can’t you see that I’m enjoying myself here?”


Queen nababaliw ka na ba talaga? Kung gusto mong magswimming o magsunbathing dun ka sa swimming pool. At hindi dyan sa bakuran ko…pinagtitinginan ka na ng mga taong dumadaan eh. At tignan mo nga yang suot mo! Naiiskandalo ang mga tao dito.”


I removed the sunglasses in my eyes and look at him.


What’s wrong with my swimsuit?”


Everything!!!” mariing wika ni Lance. “ang swimsuit ginagamit sa pool o sa beach at hindi sa bakuran. Now get out at my sight. Hindi ko mailabas yung kotse ko dahil nakabalandra ka dyan.”


Naiinis na dinampot ko ang mga lotions ko.


I hate you!”


If you hate me get out of my house”


Nakakainis ka! Paano ba kita naging pinsan? Sana hindi nalang ako nagkaroon ng cold-blooded na pinsang tulad mo!”



Well sana natupad yang wish mo para hindi ako nagkaroon ng maarteng pinsan tulad mo” at bigla nalang akong nilayasan ng kumag.


AAAAAArrrrrrrrgggggghhhhhh!!!! I hate you Lance!!!” nang-gigigil na wikang sabi ko. Naibato ko tuloy sa labas ng bahay ang hawak kong lotion.


Hoy! Bawal magkalat dito” biglang sita sakin ng baritonong boses mula sa labas ng bahay.


Agad naman akong napatingin sa istorbong bwisit na pakialamero. Nakahanda na sana ang pagtataray ko nang matigilan ako ng makita kung sino ang taong sumita sakin.


Walang kahirap-hirap na nakatalon ito sa mababang pader at iniabot sakin ang bote ng lotion na ibinato ko.


Sa susunod na magkakalat ka ipapahuli na kita sa homeowner’s association dito.”


Hindi ako nakapagsalita. It’s been years since I last saw his face. Halos wala pa din siyang pinagbago. He’s still having those boyish looks on him. Medyo nagmature na nga lang ng konti.


Overall he’s damn good looking.


I noticed his eyes travel on my body at parang bigla naman akong nakaramdam ng hiya.


Agad kong dinampot ang robang nakapatong sa upuan at ibinalabal sa katawan ko.


Bastos!”


He gave me a sarcastic laugh.


Kung ayaw mong mabastos ka magsuot ka ng disente.” At walang sabi-sabing tumalon ulit sa mababang pader.


Kung gaano ito kabilis nakarating dun ay ganun din ito kabilis nakaalis.


West…” I muttered to myself.


+ + + + +


Flashback….


Nakakainis si Daddy…Bakit ba lagi niyang ipinagpipilitan na tigilan ko ang pagmomodel eh yun ang pangarap ko? Paulit-ulit nalang ang usapan namin eh. Paulit-ulit din naman ang sagot ko.


Ayoko.


I want to be a model. I want to be famous all over the world and nobody could stop me.


Pero dahil sa pakiusap ni Mommy ay sinunod ko na din sila na mag-aral ng fulltime muna. Magpa-part-time nalang muna ako sa pagmomodelo.


At ngayon nga ay ipinasok nila ako dito sa CSL bilang freshmen student. Dito din kasi nag-aaral ang pinsan kong si Lance. Ginawa iyon ni daddy para mabantayan ako ni Lance kung nag-aaral ba ako o nagmomodelo pa din.


How I hate them. Why can’t they understand me?


And since halos lahat ng mga students ditto ay magkakakilala na I feel alone. Para akong pusang inilagay sa kulungan ng mga aso. Hindi ko din naman kaklase ang pinsan ko which is I’m thankful dahil walang asong babantay bantay sakin. Saka mukhang may ibang binabantayan na ito eh.


Sa classroom I noticed how my boys classmates look at me with full of admiration. Mga stupids! They all look like a dog that’s willing to get his victim. Ang mga girls naman yung tingin sakin parang inagawan ko sila ng laruan.


Stupid stupid stupid!!!


Well I can’t blame them. I’m so beautiful unlike them. They are all a bunch of stupid’s!


I noticed my seatmate giving a glance at me.


What do you want?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.


Isoli mo yang notebook ko pagkatapos ah” he said referring to the notebook that I borrowed from him a while ago.


Dahil inaatake ako ng pagiging bitter sa daddy ko eh tinatamad din ako mag-aral. And that includes tinatamad ako magsulat.


Yeah I know. Pero kung mabait ka eh ikaw nalang ang magsulat for me” then I smile at him. Yung ngiting madalas kabaliwan ng mga lalaki.


Even though I’m only a first year highschool student I know how to use my assets to get what I want.


Ako? Kaya mo na yan. Pinahiram ko na nga sayo ang notebook ko eh”


Sasagot pa sana ako ng biglang tumunog ang bell. Tinawag na din siya ng mga kaibigan niya kaya di ko na siya nakausap.


I didn’t even ask his name.


Napatingin ako sa notebook na hawak ko.


William Montreal..Hmm… I think I found some happiness here” I said to myself and gave out a sheepish grin.


+ + + + +


I saw my cousin Lance talking with a girl. Well she’s beautiful and she looks smart. And the way they talked with each other mukhang may something sa kanila at hindi simpleng magkakilala lang. knowing my cousin..he’s a total jerk when it comes to girls.


I walked towards the, at sabay pa silang napalingon sakin. Even their movements are simultaneous. Mukhang may something talaga.


Bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila ay may lumapit ng girl sa girl na kausap ni Lance at niyaya itong umalis. Naiwan namang mag-isa ang pinsan ko.


Is she your girlfriend?” bungad na tanong ko paglapit sa kaniya.

Ang sama naman ng tingin sakin ng pinsan ko.



No she’s not and stay away from her”


I gave her an innocent look.


Why? Wala naman akong gagawing masama sa kanya.”


I know you Queen. And I know you’re capabilities to make other lives miserable. So I want you spare her.”


Why? Is she special?”


Yes”


Is she your girlfriend?”


No”


Is she your crush?”


No”


Is she your ex?”


No”


Then sino siya sa buhay mo kung ganun?”


She’s my bestfriend”


Ang lakas naman ng naging tawa ko. Of all the choices that thing didn’t ever occur to me.


Bestfriend??? You have a bestfriend?”


Parang nainsulto naman si Lance sa sinabi ko kaya ang sama ng tingin niya sakin.


Don’t get me wrong honeybunch I just can’t believe that you have a bestfriend and it’s a girl”


I called him Honeybunch just to annoy him. Masyado pa namang pikon itong pinsan kong ito.


We know each other since we’re four years old. Aya is my only bestfriend so I don’t want you to bully her”


Well since she’s your bestfriend I’m gonna spare her this time. But I’d like to know her more.”


Nagkibit-balikat si Lance. Maya-maya lang ay narinig naming may tumawag sa pangalan niya. It’s my classmates. Kasama na din ang seatmate ko.


I didn’t know na kilala pala sila ni Lance. Lumapit sila samin totally ignoring my presence.


Matapos maiparating ang presensiya ko sa mga ugok nalalaking ito eh iniwan ko na sila kasama si Lance.


+ + + + +


Present Time


Dahil nasira na din ni Lance ang araw ko at nakita ko din si West ay itinigil ko na ang pag-iilusyong beach resort ang bakuran nila Lance.


Papasok na sana ako ng bahay when I saw JM walking. So I decided to call her.


Queen…ikaw pala” ani JM paglapit sa bahay nila Lance. Napatingin siya sa ayos ko at sa mga gamit kong nakakalat sa bakuran.


Smile curved in her face.


Ang lakas ng trip mo ah.. Gawain ko din yan.hehe”


Talaga? Hindi lang pala ako ang abnormal dito” natatawang sabi ko. Mula talaga ng makilala ko si JM ay nagkasundo agad kaming dalawa. Napakakulit naman kasi eh.


kanya-kanyang trip lang yan.”


Sinabi mo pa…by the way saan ka pupunta?”


Ahh..kina West. May kukunin lang ako naiwan kasi ni Aya yung notes na kailangan ko.”


Ahh..ganun ba? Nasa Australia nga pala si Aya.”


Sige..Queen una na ako…enjoy mo nalang yang power trip mo”


Yeah right..thanks JM…nice to see you”


Nang makaalis si JM ay pumasok na din ako sa loob ng bahay.


+ + + + +

4 comments:

  1. ate!.. saan na po yung UD?.. matagal pa po bah?..

    ReplyDelete
  2. ang adik mo lang queen, tama bang mag-sunbathing sa bakuran ng asawa kong si lance? dapat sinagasaan na yan eh, joke!!! peace and love on earth para kay queen!

    at tsaka keribels lang, nakita ka naman ni west eh! napangiti pa, kahit sarcastic pa yung dating nun! ayiiiieh~ potek, kinikilig ako!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas kinikilig ako sa nakakakilig na comment mo sis haha..

      Delete