Wednesday, June 19, 2013

My Song Presents 4 : Nicole (Kung Pwede Lang by : Eurika)







Highschool ang stage kung saan marami sa mga kabataan ang natuto ng ibat-ibang bagay. At isa na rito ang umibig. Hindi man masabing “true love” na ito... para sa mga batang tulad ko...pareho lang ng kahulugan iyon.

Ako si Nicole. At ito ang aking kwento.


***

Second year highschool ako ng una akong tamaan ng pana ni kupido. Naks! Ang lalim diba? Simple lang akong estudyante. Tipikal lang. Tamang aral, tamang tambay with friends. Pero hindi naman ako nagbubulakbol. Pangarap ko pa rin namang makapagtapos ng pag-aaral.

Ayun nga... second year highschool ako nun.  Tandang-tanda ko pa ang eksena kung saan una ko siyang nakilala. Ang lalaking unang nagpabilis ng tibok ng puso ko....

“Uy Nicole, nakita mo na ba yung bago nating teacher sa English?” tanong ng kaibigan kong si Hikari.

“Hindi pa” tipid na sagot ko naman. Abala kasi ako sa pagbibilang ng nakolekta kong contribution mula sa mga kaklase ko para sa foundation day namin. May exhibit kasi kaming gagawin at ako ang treasurer ng klase.

Hindi nalang ako pinansin ni Hikari at nakipagkwentuhan na lang siya sa iba naming kaklase. Napansin niya sigurong busy ako.

“Is this Section Ruby?” mula sa pinto ay may tinig na nagsalita. Dahil malapit ako sa pinto ay ako ang unang napatingin dito.

Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ng masilayan ko siya. Siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita ko. Para tuloy akong tanga na nakatulala sa kanya.

“Ahh excuse me? Is this Section Ruby?” ulit niyang tanong.

Medyo inayos ko naman ang sarili ko. Nakakahiya ako.

“Yes”

“Thank You” iyon lang at nawala na ulit siya. Gusto ko pa sana siyang habulin kaso magmumukha naman akong tanga.

“Sino kaya siya?” mahinang bulong ko.

“Huy! Nabaliw ka na dyan” sita sakin ni Hikari.

“Tse!”

Pinilit kong alisin na sa isipan ang gwapong lalaking nagtanong sakin. Baka magkamali pa ako ng bilang sa mga perang hawak ko.

Dahil masyado akong absorb sa ginagawa ko ay hindi ko namalayan ang pagdating ng bago naming guro.

“Okay class, I’m Vincent Francisco and I’m your new teacher in English”

Napaangat naman ang paningin ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Shocks!

Inalog-alog ko pa ang braso ni Hikari sabay turo sa lalaking nakatayo sa harap ng klase namin.

“Ano ba Nicole!” angal nito.

Hindi ako makapaniwala na ang gwapong lalaking nagtanong sakin kanina eh walang iba kundi ang bagong teacher ko pala.

***

Everyday kapag darating ang oras ng subject niya ay inaabangan ko. Super attentive ako sa klase niya. Papansin kumbaga. Ang bait naman kasi niya. Saka newly graduate lang pala siya sa college. 13 years old ako... 22 years old naman siya...nine years age gap? Pwede pa yun...ayyiiieee.. wala lang... crush ko siya eh.

Nalaman kong hindi lang pala ako ang nag-iisang may gusto sa kanya sa school namin. Magmula sa mga estudyante hanggang sa mga guro ay may crush sa kanya. Pero lamang ako sa kanila. Kasi close kami. As in super close.

Ang bait-bait niya sakin. Tapos lagi pa siyang nakangiti. Kapag may bakanteng oras ay nakikipagkwentuhan siya sakin. Naging malapit kaming dalawa dahil na rin sa iba kong teachers. Teachers pet kasi ako. At magmula ng nalaman ng mga teacher ko na  crush ko si Sir Vincent ay madalas na nila akong asarin dito. Ako naman kunwari naiinis pero deep inside, kinikilig.

Hanggang ang simpleng crush ay lumalim.
♪♪♪Nang ikaw ay makilala, laging habol ng kaba
‘Di malaman kung ano ang gagawin ‘pag nand’yan ka
Lagi kang naiisip ‘pag hindi ka nakikita
Pero natatahimik ‘pag ika’y malapit na♪♪♪

Unti-unti kong naramdaman na naiinlove na pala ako sa kanya. Alam kong mali. Hindi pwede. Estudyante ako at teacher siya. Bawal talaga.

Pero nung mga panahong iyon ay hindi ko na naisip iyon. Basta ang alam ko inlove ako sa kanya. Wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao.
♪♪♪Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Sasabihin ang pangalan mo; ito ay totoo
Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Mapagod man ay gagawin pa rin basta mapansin mo
Alam ko na ito ay hindi isang laro
Kung puwede lang naman marinig mo ang aking puso♪♪♪

***

Dumating ang araw ng Foundation day. Isang linggo itong sinecelebrate sa school namin. At sa huling araw ng foundation day ay mayroong Acquaintance Party para sa mga Freshmen at Sophomore na tulad ko. Para daw hindi kami maingit sa mga Seniors at Juniors namin na nagdaraos ng JS Prom.

Super excited akong pumunta. First time ko kasing makakapunta rito dahil nung first year ako eh nagkasakit ako kaya hindi ako nakapunta sa Party. At isang bagay din kaya excited ako ay dahil nandun din sa Party si Sir Vincent. Gusto kong makita niya kung ano ang hitsura ko kapag hindi ako nakauniform.

“Hikari, dumating na ba si Sir Vincent?” bulong ko.

Aware naman si Hikari na gusto ko si Sir.

“Oo nakita ko na siya kanina eh. Bakit ngayon ka lang?”

“Ang tagal kasi ni kuya eh”  inihatid pa kasi ako ng kapatid ko papunta sa Party.

Iginala-gala ko ang paningin ko sa paligid sa pagbabakasakaling makita ko si Sir Vincent. Marami na rin namang nasa dance floor eh. Marami ng nagsasayaw. Hindi naman nakakahiya kung yayayain ko si Sir.

“Ayun siya oh!” turo sakin ni Hikari mula sa kumpol ng mga tao.

“Sir!” akma sana akong lalapit sa kanya ng lapitan niya ang isang guro sa third year department. English Teacher din ito.

“Mukhang naunahan ka na ah” pansin ni Hikari.

“Alam mo bang balita ko eh sila na daw ni Miss Garcia” biglang singit ng isa kong kaklase na si Ailee.

“Hindi kaya totoo yun” kontra ko naman. Ayokong isiping totoo yun.

“Totoo kaya. Kapatid ko kasi eh estudyante ni Miss Garcia. At siya mismo ang nagsabi sakin na sila na nga daw ni Sir Vincent” sabi pa ulit ni Ailee. Hindi ko alam kung may galit ba sa akin itong kaklase kong ito at talagang ipinagdiriinan niya pa talaga sakin.
♪♪♪Dati ay walang gumugulo sa isip ko
Bakit ba ngayon ikaw na lagi ang laman nito
‘Di ko naman sinasadyang maramdaman ito
Kahit sinasabi nila na bata pa ako♪♪♪

Pakiramdam ko eh biglang gumuho ang mundo ko lalo pa’t nakita kong sweet na sweet na nagsasayaw sina Sir Vincent at Miss Garcia. Ilang sandali pa ay di ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Agad naman akong niyakap ni Hikari.

“Tahan na Nicole... Mas maganda ka naman dun eh”

Patuloy ako sa pag-iyak. Ewan ko nga ba kung ano talaga ang dahilan ng pagtulo ng mga luha ko. Kung para saan iyon. Basta ang alam ko ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.
♪♪♪Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Sasabihin ang pangalan mo; ito ay totoo
Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Mapagod man ay gagawin pa rin basta mapansin mo
Alam ko na ito ay hindi isang laro
Kung puwede lang naman marinig mo ang aking puso♪♪♪

Ang sakit-sakit.

***

First time.

First time kong naranasang maging masaya, yung tipong nasa ulap ka.

First time kong kiligin, yung tipong maiihi ka.

First time tumibok ng puso ko, yung tipong may naghahabulang daga sa dibdib ko...

At higit sa lahat, first time kong masaktan at umiyak.,,,ang sakit-sakit.

Akala ko noon, masaya lang ang mainlove. Nakakakilig. Pero dun ko lang narealized na kasama pala ng Love ang sakit. Bakit nga ba kailangang masaktan pa? Hindi ba pwedeng hindi na? Bakit laging buy one take one sila?

Buy love take pain.

Hindi ba pwedeng for every purchase of love, you get your love one for free?

After the Acquaintance Party ay hindi ko na masyadong kinikibo si Sir Vincent. Hindi na ako nakikipagkulitan sa kanya. Hindi na rin ako masyadong attentive sa klase niya. Sakto lang. Tamang kinig at aral na lang. Di tulad ng dati. Kinumpirma din kasi sakin nung kaclose kong teacher na may relasyon na nga sina Sir Vincent at Miss Garcia.
♪♪♪‘Di ko alam kung hanggang kailan ganito
Sana lang malaman mo ang lihim kong ito♪♪♪

“Nicole may problema ka ba?” minsan ay tanong sakin ni Sir Vincent.

“Ako Sir? Wala po” kaila ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya.

“Sigurado ka?”

“Opo”

“Hay naku Vincent, sinaktan mo kasi iyan si Nicole” singit ng isang guro namin na medyo close ko na si Miss Jenny.

“Sinaktan kita? Paano kita sinaktan?” gulat na tanong ni Sir Vincent. Mukhang wala talaga siyang alam sa pinagdaraanan ko.

“Wala po iyon Sir. Sige po mauna na po ako”

At iniwan ko na silang dalawa. Pero bago pa ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang nagsalita si Miss Jenny.

“Nalaman niya kasing kayo na ni Miss Garcia. Eh alam mo namang may gusto sayo yung batang iyon eh”

Hindi ko na narinig ang sinabi ni Sir Vincent dahil umalis na ako sa lugar na iyon.

***

Natapos ang taon at nalaman kong magreresign na din pala si Sir Vincent. Ang sabi ni Miss Jenny ay pupunta daw sa Canada si Sir Vincent upang doon na magtrabaho.

“Hindi ko na pala siya makikita”

Bago tuluyang umalis si Sir Vincent ay sinadya ko siya sa opisina niya.

“Oh Nicole ikaw pala. Bakit? May problema ba?”

“Wala po. Sir, totoo po bang aalis ka na?”

“Oo eh. Kailangan ko kasing samahan ang kapatid ko sa Canada.”

“Mamimiss kita Sir”

“Ako din. Mamimiss ko din kayo ng mga kaklase mo. Kayo ang una kong tinuruan eh.”

Mula sa bag ko ay inilabas ko ang isang handmade mitten at iniabot kay Sir Vincent.

“Para sa inyo Sir. Pasensya na po kung panget ang pagkakagawa ko. Hindi pantay yung mittens”

“Wow! Ikaw ang gumawa nito? Ang galing mo naman Nicole”

“Hindi naman po. Pasensya  na po kayo at iyan lang ang maibibigay ko”

“Ano ka ba? Super gusto ko ito. Thank you Nicole”

“Sir, may sasabihin po pala ako sa inyo”

This is it Nicole! It’s now or never!

“Ano yun?”
♪♪♪Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Sasabihin ang pangalan mo; ito ay totoo
Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Mapagod man ay gagawin pa rin basta mapansin mo
Alam ko na ito ay hindi isang laro
Kung puwede lang naman (kung puwede lang naman)
marinig mo ang aking puso
♪♪♪

“Ahh...kasi Sir... ano po.... I love you Sir Vincent”

There. Nasabi ko rin kahit na pakiramdam ko eh namumula ang buong mukha ko.

Hindi naman agad nakapagsalita si Sir Vincent. Nakatingin lang siya sakin.

“Sige Sir. Ingat nalang po kayo lage” sabi ko at nagpaalam na. Nahihiya na ako eh.

Palabas na sana ako ng pinto ng biglang magsalita si Sir Vincent.

“Bata ka pa Nicole. Aral mabuti ah... wag ka munang magboyfriend”

Tango lang ang isinagot ko at tuluyan na akong umalis ng opisina niya.

Pigil na pigil ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

***

Mula ng makaalis si Sir Vincent ay mas ipinokus ko na ang sarili sa pag-aaral. Hanggang sa makagraduate ako ng highschool ng Valedictorian. Hindi ko muna inintindi ang pagboboyfriend. Sapat na sakin na minsan akong nagmahal at nasaktan.

Journalism ang kinuha kong course nung college. Pangarap ko kasi ang magsulat o di kaya ay maging isang newscaster. Kahit nung nasa college ako ay wala akong pinapansin na mga lalaki. Puro ako aral. Nawalan ako ng interes sa mga lalaki.

Okay,. Aaminin ko. Hanggang ngayon, si Sir Vincent pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

Tanga man akong tawagin dahil alam kong napakaimposible. Baka nga may asawa na ito ngayon eh. Kung hindi man sila ni Miss Garcia ang nagkatuluyan, baka Canadian ang nakatuluyan nito. Wala na kasi akong balita kay Sir Vincent. Umiwas akong umattend ng mga reunion dahil ayoko ng maalala pa ang sakit na naramdaman ko. At hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin.

“Nicole, wala ba talaga akong pag-asa?” minsan ay tanong sakin ni Bryan. Ang masugid kong manliligaw.

“Sorry Bryan, ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan lang ang turing ko sayo”

Pang-ilan na si Bryan sa mga binasted ko pero ito ang pinakamasugid. Okay naman sana ang binata. Matangkad, gwapo din naman, mabait at galing sa disenteng pamilya. Pero hindi ko talaga maturuan ang puso kong mahalin ito.

Dahil kasabay ng pag-alis ni Sir Vincent, tinangay na nito ang puso ko.

***

Matuling lumipas pa ang mga araw. Hanggang sa dumating ang araw ng graduation ni Nicole. She graduated with honors kaya naman super proud ang family niya sa kanya.

“Ang galing talaga ng anak ko. “ tuwang-tuwang sabi ng nanay niya.

“Mana sa tatay eh” proud ding sabi ng tatay niya.

“Sa akin kaya”

“Mana po ako sa inyong dalawa nay, tay” sagot ni Nicole at niyakap ang mga magulang.

“Sis, May nagpapabigay pala sayo” sabi ng kuya niya at inabot sa kanya ang isang regalo.

“Kanino galing?”

“Ewan ko eh. May nag-abot lang sakin. Mukha  namang hindi bomba ang laman eh”

Curious man ay ipinasya ni Nicole na sa bahay na buksan ang regalong natanggap. Dahil nagkaroon ng handaan sa kanila ay hindi agad napagtuunan ni Nicole ng pansin ang regalong iniabot sa kanya ng kuya niya. Madaling araw na halos ng matapos ang kasiyahan sa kanila.

Nahiga na si Nicole sa kama ng mapansin ang kulay pulang kahon sa ibabaw ng lamesa.

Curious na iniabot ito ni Nicole at binuksan. Isang bracelet ang laman ng kahon. May kasama itong postcard.

HAPPY GRADUATION NICOLE!

Iyon lang ang nakasulat sa likod ng postcard.

“Wait! Pamilyar sakin ang postcard na ito ah.”

Agad hinanap ni Nicole sa kahon ang postcard na kapareho ng postcard na natanggap niya.

Parehong-pareho halos ang dalawang postcard maging ang handwritten ng sumulat ay pareho.

“Pero kanino naman kaya ito galing?” naguguluhang tanong ni Nicole.

Ibig sabihin eh iisa lang ang nagpadala ng postcards na iyon.

Noong graduation niya ng highschool hanggang ngayon.

Pero sino kaya?!

***

Hindi nalang ginawang bigdeal ni Nicole ang nangyare. Instead, she doesnt care kung sino man ng nagpapadalang iyon sa kanya. Kung sino man ito na ayaw magpakilala eh hindi na kawalan ni Nicole. Inisip na lang niya na isa ito sa mga nanligaw sa kanya noon.

Agad naman siyang nakahanap ng magandang trabaho mula sa sikat na network. Nagsimula siya sa pagiging staff lang hanggang sa mabigyan siya ng magandang break. ngayon nga ay isa na siyang field reporter. Medyo delikado ang trabaho niya pero masaya naman siya kaya okay lang.

“Uy Nicole! Nakita kita sa TV ah” bati sa kanya ng kapit-bahay niyang si Zane.

“Adik ka tol?! Natural reporter si Nicole eh!” sabi naman ni Lewis at binatukan pa ito.

Napangiti naman si Nicole sa kakulitan ng dalawa niyang kapit-bahay. Matatanda sa kanya ang mga ito ng dalawang taon pero kung umasta ay akala mo mga highschool students sa kakulitan.

“Ang aga-aga ginugulo niyo si Nicole” saway sa dalawa ng paparating na si Lantis. Kasama nito ang ngayon nga ay girlfriend-slash-fiancee na nito na si Empress. Nakakakilig ang ginawang pagpopropose ni Lantis dito kahapon sa court.

“Hindi naman nila ako ginugulo eh” nakangiting sabi ni Nicole sa dalawa.

“Oh? Narinig mo yun tol? Hindi namin ginugulo si Nicole” nagmamalaking sabi ni Zane.

“Nicole kapag ginulo ka ng dalawang iyan eh sabihin mo sakin at dadalhin ko sa Mental yan.” Sabi ni Empress. Nurse kasi ito sa Mental Hospital eh.

“Tatandaan ko yan”

“Grabe ka naman Nicole” kunwa’y nagtatampong sabi ni Lewis.

Kapag ganitong holiday at wala siyang pasok ay mas minamabuti ni Nicole na tumambay sa clubhouse ng village. Nagkakaroon kasi siya ng opportunity para makipagkwentuhan sa mga residente rito na tulad niya ay wala ring mga pasok sa trabaho.

“So Nicole.. hanggang ngayon ba eh wala ka pa ring boyfriend?” biglang tanong ni Empress.

“Wow!!! Ang yabang ni Empress ah.. palibhasa may Lantis ka na ngayon” biglang sabi ng kadarating lang na si Gracey.

“Syempre naman” nakangiting sabi nito at tinignan ang nobyo na kasalukuyang naglalaro ng basketball kasama sina Zane at Lewis.

“Ikaw na teh!” sabi naman ni Vanie.

Napangiti naman si Nicole. Nakakatuwa ang mga tao rito sa village dahil kahit mga sikat at professionals na ay hindi mo aakalaing ganito magsipag-asta.

“Wala pa din akong boyfriend eh” sagot ni Nicole.

“Bakit naman? Don’t tell me na walang nanliligaw sayo? Maganda lang ako sayo ng isang paligo pero hindi ka naman panget eh”  sabi naman ni Denny.

“Para sa isang babaeng lumaking panget at tomboy...ang lakas ng loob mong mang-asar” sita rito ni Gracey.

“Excuse me ate Gracey... hindi ako panget noh! May nanliligaw nga saking gwapo eh” pagmamalaki pa ni Denny.

“May nakaraan nga sila ni Zeke eh” pang-aasar naman ni Empress.

“Ate Empress naman eh!” angal ni Denny.

“Oh? Ayun na pala si Zeke eh” turo ni Vanie sa pinto ng clubhouse.

Nagulat naman sila ng biglang magwalk-out si Denny. Pero maya-maya ay sabay-sabay din silang tumawa.

Si Denny ang pinakabata sa kanila kaya ito ang madalas nilang asarin.

“Now, balik tayo sayo Nicole...bakit nga ba wala ka pa ring boyfriend?”

“Ayoko kasing masaktan eh”

“Normal lang naman ang masaktan kapag nagmahal ka eh”

“Normal nga..pero hindi normal ang sakit” sabi ko at malungkot na ngumiti.

Natigilan naman ang mga kausap ko.

“Don’t get me wrong Nicole ah. But the way you talk, nasaktan ka na ba? Nagmahal ka na ba?” maingat na tanong ni Gracey.

“Yes” pag-amin niya “Minsan na akong nagmahal. At minsan na rin akong nasaktan”

At ikinuwento niya sa mga kausap ang pangyayare sa buhay niya na walang mag-aakalang hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.

“But that was long ago pa Nicole... don’t tell me hanggang ngayon mahal mo pa rin siya? You cant even say na true love na nga yung naramdaman mo eh. You’re only 13 years old that time.”

“Love knows no age Gracey. Hindi mo alam kung kelan ka tatamaan ng love” sagot ni Empress.

“So wala ka ng balita kay Sir Vincent after that?” tanong ni Vanie

“Wala na eh.”

“So kung 13 ka noon at 22 siya, ibig sabihin 9 years ang age gap niyo. So ibig sabihin ulit nun. 33 years old na siya ngayon tama ba? Eh baka naman may asawa na yun” sabi ni Empress.

“naks! Ang galing mo pala sa math Empress” pang-aasar ni Vanie dito.

“Baka naman naghihintay ka sa wala. Dapat ipinopokus mo na ang atensyon mo sa iba. Try loving other person. Baka naman yang taong hinihintay mo eh masaya na ngayon sa asawa niya at mga anak” sabi ni Gracey. Trying to ignore Vanie.

“Ewan ko ba. Baka tumandang dalaga na lang ako”

“Hay naku Nicole sayang ang genes noh! Mag-asawa ka. Hahanapan ka namin ng lalaki”

Natawa nalang si Nicole sa pinagsasabi ng mga kausap.

Kumusta na kaya nga siya?

***

“Miss Nicole, may nagpapabigay nga po pala sayo” sabi ng isang crew at iniabot sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak at isang postcard.

Postcard na naman?!

Kapareho na naman ito ng postcard ng natanggap niya noong graduation ng highschool at college. Iisang tao na naman ang nagbigay. Pero sino?

“Excuse me? Sinong nagbigay nito?” tanong niya sa crew.

“Inabot lang po sakin nung matangkad na lalaki kanina eh”

Lumabas si Nicole ng station at tinangkang habulin ang lalaking nagbigay ng postcard at bulaklak. Walang makita si Nicole. Pero may nakita siyang matangkad na lalaki na ngayon nga ay pasakay na ng sasakyan nito.

“Wait!!!” tumakbo si Nicole upang habulin ang lalaki.

Pero bago pa niya tuluyang mahabol ang lalaki ay nakaalis na ang sasakyan nito.

“Hey Nicole! Anong ginagawa mo dito sa labas?” tanong ng kasamahan niya sa network na si Queen.

“Nakita mo ba yung hitsura nung lalaking sakay nung kotseng umalis?” pagbabakasakaling tanong niya kay Queen.

“Hindi eh. Sino ba yun?” napatingin ito sa hawak niyang bulaklak. “Secret admirer?”

“Ewan ko”

“Wag mo ng pansinin yun. Ganyan talaga ang mga sikat” sabi ni Queen at marahang tinapik sa balikat si Nicole bago tuluyang pumasok sa loob ng building.

Naiwan namang nag-iisip si Nicole.

***

Hanggang makaalis ng opisina ay dala ni Nicole ang pag-iisip sa kung sino man ang lalaking nagpapadala sa kanya ng mga postcard pero wala talaga siyang maisip na tao na pwedeng magpadala sa kanya nito.

Nagulat si Nicole ng pagbaba niya ng kotse ay may isang di pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay nila.

“May bisita ba kami?” tanong niya sa sarili matapos i-park ang kotse sa tabi.

Nagtataka man ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay.

“Oh? Andito na pala si Nicole eh” ang tatay niya ang unang nakapansin sa kanya. Kausap nito ang isang nakatalikod na lalaki.

Dahan-dahang humarap ang lalaki sa kanya.

Ganun nalang ang gulat ni Nicole ng mamukhaan ang lalaki.

“Oh paano maiwan ko na muna kayo” paalam ng tatay niya at umakyat na sa itaas.

“Sige po. Salamat po”

Hindi makapagsalita si Nicole. Hindi rin siya makapaniwala sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

“Kumusta ka na Nicole?” tanong nito.

“Sir Vincent?”

“Mabuti naman at nakilala mo pa ako”

“Sir Vincent....anong ginagawa mo dito sa bahay namin?”

“Dinadalaw ka” nakangiting sabi nito.

Halos walang naging pagbabago sa hitsura ni Sir Vincent mula nung huli ko siyang makita 11 years ago. Gwapo pa rin ito. Mas lalo nga lamang siyang tumangkad at lumaki ang katawan.

Wait... kasing tangkad niya yung lalaking nakita ko sa network kanina.

“Nanggaling ka ba sa network kanina?” tanong ni Nicole. Nagbabakasakali lang.

Nakangiting tumango naman si Sir Vincent.

“Anong ginawa mo dun?”

“’Nagbigay ng bulaklak” sabi nito sabay tingin sa dala niyang bulaklak.

“Bulaklak?” napatingin din si Nicole sa hawak niya. “Eh yung post cards ba sayo din galing?” pagbabakasakali niyang tanong.

“Oo”

“Pero bakit? Bakit mo ako pinapadalhan nun? Pati ba yung postcards at regalong natanggap ko nung grumaduate ako ng highschool at college sayo din galing yun?”

“Oo”

“bakit?”

Nararamdaman ni Nicole na nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya.

Hanggang ngayon nga ay ramdam niya pa rin na mahal niya pa rin si sir Vincent. At ngayon nga na muli niya itong makita ay iba ang ibayong nararamdaman ni Nicole sa puso niya.

Kinuha naman ni Sir Vincent ang bulaklak na hawak ni Nicole at inilapag sa mesa. Nakatayo pa pala silang dalawa.

“Marami akong gustong sabihin sayo Nicole  pero hindi tayo matatapos kung iisa-isahin ko lahat iyon.. pero ang kabuuan ng sasabihin ko eh mahal kita”

Nagulat naman si Nicole sa sinabi ni Sir Vincent.

“Mahal mo ako? Pero may asawa ka na”

Napakunot naman ang noo ni Sir Vincent.

“Sino namang may sabing may asawa na ako?”

“Wala naman. Hula ko lang...wala ka pang asawa?”

“Wala pa. Mag-aasawa palang”

“Oh? Eh mag-aasawa ka na pala bakit nandito ka pa? Iimbitahin mo ako sa kasal niyo?”

“Kasi nandito ang mapapangasawa ko. Ikaw yun Nicole”

“Ako?!”

“Oo”

“Teka nga.. naguguluhan ako. Bigla ka nalang susulpot sa bahay namin at sa buhay ko tapos sasabihin mong mapapangasawa mo ako? Niloloko mo ba ako?”

“Hindi kita niloloko. Seryoso ako sa sinasabi ko. Okay. Ganito kasi yun” napabuntong-hininga si Sir Vincent.

“Nung una pa lang kitang makilala ay iba na ang naramdaman ko sayo. Pero sadyang napakabata mo pa noon. At higit sa lahat estudyante kita. Bawal magkaroon ng relasyon ang guro at estudyante. Alam ko na gusto mo ako. Natuwa ako pero ayokong iacknowledge ang feelings mo dahil ang bata mo pa. Baka hindi mo rin alam ang nararamdaman mo. Baka simpleng crush lang yun. Baka paglipas ng mga taon eh mawala din yun. Niligawan ko si Michelle at naging kami para na rin iiwas ka sakin. Alam kong nasaktan kita pero iyon lang ang alam kong paraan para lumayo ka sakin. Nagresign ako bilang teacher sa school niyo at pumunta ng Canada para lumayo sayo dahil hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong-gusto kita kahit na si Michelle ang girlfriend ko. Bago ako umalis patungong Canada ay naghiwalay kami ni Michelle. Nararamdaman daw niya na hindi ko naman talaga siya mahal” saglit na huminto si Sir Vincent sa pagkukwento at tinignan siya.

Naalala ni Nicole na medyo mainit nga ang dugo sa kanya noon ni Miss Garcia. Iyon pala ang dahilan.

“Tumira ako kasama ng kapatid  ko sa Canada at doon na nagtrabaho. Pero nung araw ng graduation niyo sa highschool ay pumunta ako. Pero hindi ako nagpakita sayo.  Pinaabot ko lang ang regalo ko sayo sa kuya mo. Kahit nung graduation mo nung college ganun din ang ginawa ko. Ayokong magpakita sayo hanggat hindi pa tamang oras. Gusto ko munang maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay. Ayokong magsisi ka pagdating ng araw. Kaya naman kahit na masakit at mahirap para sa akin na wag kang lapitan at makipagkita sayo ay sinunod ko ang payo ng mag magulang mo na hayaan ka muna”

So may kinalaman pala dito ang mga magulang at kapatid niya.

“Kinausap ko sila sa intensyon ko sayo. Na malinis ang hangarin ko. Pumayag naman sila na babantayan ka nila para sakin at swerte ko na nga lang dahil wala kang ibang nagustuhang lalaki. Mdalas kitang sulyapan sa malayo. God knows how much I wanted to get near you. Pero pinigilan ko ang sarili ko”

“Pero bakit ngayon lumapit at nagpakita ka?”

“Hindi ko na kayang pigilan at kontrolin pa ang sarili ko. Saka natatakot ako na baka dumating ang araw na may magustuhan ka ng iba. Masayang ang lahat ng paghihintay ko. Kaya naman kinausap ko muli ang mga magulang mo at pumayag naman sila. Nasa tamang edad ka na rin daw naman. Mahal kita Nicole. Mahal mo rin ba ako?”

Puno ng pagsusumamo ang boses at mata ni Sir Vincent. Naantig naman ang kalooban ni Nicole. Damang dama niya ang sincerity sa boses ng binata.

“Mahal din kita Sir Vincent. Ni minsan hindi nawala ang pagmamahal ko sayo” umiiyak na sabi ni Nicole. Siya na ang naunang yumakap kay Sir Vincent.

“Vincent lang. Hindi mo na ako teacher” nakangiting sabi din ni Vincent at ginantihan ang yakap ni Nicole.

“Okay Vincent. Mr. Vincent Francisco”

“I love you Mrs. Nicole Francisco”

Napatigin naman si Nicole kay Vincent.

“Will you marry me Nicole?” tanong ni Vincent ang mula sa bulsa ng pantalon ay naglabas ito ng kahon na may lamang singsing.

Shock naman si Nicole at hindi agad nakasagot.

“Hindi ba parang ang bilis naman yata? Ngayon lang tayo nagkaunawaan eh”

“I’ve waited long enough Nicole. At ayoko ng mawala ka sakin. So please say yes” nagsusumamong sabi nito.

“Okay Yes. I will marry you”

Deep in her heart alam ni Nicole na iyon din naman ang gusto niya. Ang makasama ang lalaking bukod tangi niyang minahal.

Mula noon hanggang ngayon.

“I love you Nicole”

“I love you too Vincent”

They sealed their love with a kiss.

A kiss that they will cherish forever.

***

“What??!! Kuya Vincent is getting married?” gulat na tanong ni Princess.

Nakatanggap siya ng overseas call from her mom na ikakasal na nga ang kuya niya at pinapauwe siya ng Pilipinas.

Nawalang lahat ang antok ni Princess sa nalaman.

First, her loveable brother is getting married.

Second, she’s going back to a place she hated the most.

What’s worst will be coming next?!

Iritableng ibinaba ni Princess ang telepono matapos ang tawag ng Mommy niya.

She have to pack her things dahil bukas na bukas din ay uuwe siya ng Pilipinas.

Pipigilan niya ang kasal ng kuya niya.

=The End=

No comments:

Post a Comment