[Queen’s POV]
Few moments ago…
It’s good to be back in the Philippines . Almost 5years din akong nawala dito sa bansang pinagmulan ko and all I can say is I’m so excited to see my old friends here. Speaking of old friends nasaan na nga ba yung sundo ko?
[Authors Note:]
Meet Queen Richelle Montealegre. International model in Italy . Bata palang siya hilig na niya talaga ang pagmomodel kaya naman ngayong 22 palang siya ay sikat na siya. Hindi lamang sa Italy kundi maging sa ibang bansa.
Dito sa Pilipinas yung mga super Elite lamang ang nakakakilala siguro sa kanya dahil hindi siya nagmomodel sa mga “cheap” na kumpanya.
[End of Author’s Note]
My God!!! Halos walang pinagkaiba ang Pilipinas mula noong umalis ako. Except na nga lang sa marami ng buildings at sasakyan sa kalsada.
Maya-maya ay may humintong sasakyan sa tapat niya at lumabas ang isang unipormadong driver.
“welcome back Miss Queen”
“ your late!” imbes na batiin ay sinungitan agad ni Queen ang driver at dire-diretsong pumasok sa backseat ng kotse. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito.
“ Sa bahay na po ba tayo didiretso Miss Queen?” tanong ng mabait na driver. Mukhang sanay na ito sa ugali ng pasahero niya.
“no! I want to seee Lance first. Sa school niya na tayo dumiretso.” At ipinikit ang matang sumandal siya sa headrest ng sasakyan.
Wala namang imik na pinaandar ng driver ang sasakyan.
“ my God! Wala na bang ibibilis ang takbo nitong sasakyan? I want to see Lance na!!!” impatient na sabi ng dalaga.
Napakamot nalang sa batok ang pobreng driver.
“ eh nasa Edsa po kasi tayo Miss Queen eh.”
“ wala akong pakialam kung nasaang lupalop pa tayo ng Pilipinas. Bilisan mo ang pagmamaneho.Hayy!!! kaya hindi umuunlad ang bansang ito eh.” Mataray na sigaw ni Queen.
Dahil sa pagod sa byahe nakaidlip ang dalaga sa sasakyan.
Marahang tapik sa braso ang nagpagising sa kanya.
“ Miss Queen nandito na po tayo”
Napansin ni Queen na nasa tapat na nga sila ng CSL.
“ haayy salamat after 50 years.” Sabi nito at agad na inilabas ang cellphone at tinawagan ang numero ni Lance.
“ heyy!!! Honeybunch!!! It’s me.” Bungad ni Queen sa telepono.
“ahhmmm sino po sila?” tanong ng nasa kabilang linya.
Napakunot-noo naman ang dalaga. Babae ang nasa kabilang linya.
“ Sunshine it’s that you?” kunot-noong tanong ko.
“Ahm, hindi po. Si Regine po. Si Lance po ba ang kailangan mo?”
“ malamang si Lance ang kailangan ko cellphone niya iyan diba? Except nalang siguro kung magnanakaw ka at ninakaw mo yan sa kanya. At saka sino ka ba ha? Bakit hawak mo cellphone ni Lance?” mataray na sigaw ko sa kabilang linya.
Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat yung mga slow na tao. Yun kasi yung mga walang pag-asenso sa buhay eh.
“ Redj, sino yan?” dinig kong tanong ng boses lalaki sa background. Boses iyon ni Lance ah…
“ hey you bitch! Give this goddamn phone to its owner!!!”
Grabe ha???!!! Nahahigh-blood ako!!!
Itinodo ko ang lakas ng aircon.
“oh!!! Para sayo daw!!! Astig yan makasigaw ah!!! Wagas!!!” narinig ko pang sabi nung girl sa kabilang linya bago iabot kay Lance yung Cellphone.
Napataas ang kilay ko.
Antipatika!!!
“hello. Who’s this?” tanong ni Lance sa kabilang linya.
“ Honeybunch!! It’s me”
Hindi ko na kailangang magpakilala kay Lance dahil ako lang naman ang nag-iisang tumatawag sa kanya ng Honeybunch.
“Queen???”
“ yup!!!”
“ teka!! Nasaan ka? Hindi naman ito international call ito ah?”
“ that’s because I’m already here in the Philippines Honeybunch”
“ what??? Nasa Pilipinas ka na?” grabe naman makareact itong si Lance. Imposible bang nandito ako sa Pilipinas???
“ yes..at nandito ako sa labas ng school niyo. Kaya lumabas ka na diyan.”
“ what??? Nasa CSL ka??? Teka wala ako diyan eh.”
“ ano??? At nasaan ka naman ha???di ba may klase ka dapat???” mataray na sabi ko sa kanya.
Saang lupalop naman kaya nagpunta itong lalaking ito.
Teka??? May kasama syang babae.
Could it be???
“ Lance Montealegre!!!! Don’t tell me nasa Motel ka at nakikipagsex at this hour????!!!!” sigaw ko sa kanya.
Grabe na ito ah!!! Hindi ko macarry!!! My Gosh!!!
“ Lower your voice Queen. Wala ako sa motel no! wag kang aalis dyan okay? Pupuntahan kita. Malapit lang naman ako.” Ani Lance at ibinaba na ang cellphone.
Napabuntong-hininga nalang ako.
No choice ako kundi ang maghintay sa kanya. Ayoko namang lumabas ng kotse at hindi ko kabisado ang lugar na ito at wala akong kakilala.
Wait!!! Dito rin sa school na ito nag-aaral si Sunshine diba?
[Authors Note: Si Sunshine si Aya… Read Chapter 22 of After All]
I dialed Sunshine’s number. After 3 rings ay may sumagot din ng linya.
“hello” bati nito.
“ Sunshine!!!!” tili ko sa cellphone.
My God! It’s been a long time since I hear her voice.
“ Ate Queen???”
“ yup!!! The one and only”
Isa si Aya sa close friend ko sa Pilipinas dahil narin sa pinsan kong si Lance.
“ ui!!! Kumusta??? Nasaan ka???” tanong ni Aya sa kabilang linya.
Buti pa itong si Aya nagagawa akong kumustahin samantalang yung pinsan ko andun sa kandungan ng ibang babae.
“ I’m here outside you school.”
“ Alam na ba ni Lance na nandyan ka?”
“ yeah! Pero wala daw sya dyan sa CSL eh. Papunta palang siya rito.” I pouted my lips after remembering how excited I am to see him tapos madidissappoint lang ako.
“ sige, wait lang puntahan kita diyan. Saan ka ba?”
Ang bait naman ni Sunshine..sabi ko na nga hindi ako nagkamali sa pagtawag sa kanya eh.
“ I’m still here in the car. I’m afraid to go outside kasi you know naman baka may makakilala sakin dito at dumugin ako. But I doubt kung meron nga kasi mga cheap ang tao rito.” Maarteng sabi ko.
Tinawanan lang ako ni Aya sa kabilang linya.
“ hindi ka parin nagbabago. ‘Neweiz sige antayin mo lang ako diyan palabas na ako ng building.”
“ okay!” sabi ko at ibinaba ko na ang cellphone.
Sumandal ako sa upuan while waiting for her.
[Lance POV]
Naman oh!!! Sa dami naman ng araw at oras na uuwi yun si Queen dito sa pilipinas bakit ngayon pa? at bakit nataon pang si Regine ang nakasagot ng tawag niya. Panigurado katakot-takot na tanong ang aabutin ko dun mamaya.
“ Redj, pasensya na kailangan ko ng mauna.” Paalam ko kay Regine.
“ Pupuntahan mo ba yung babaeng tumawag?” tanong niya.
“ yes and I need to hurry na” sabi ko at nagpauna na sa labas ng restaurant matapos iwanan sa table ang pambayad.
Kasalukuyan kasi kaming naglalunch ni Regine nang tumawag si Queen sakin and I know how impatient my cousin is. Ayaw na ayaw nun ng pinaghihintay siya.
“ pwede bang wag mo nalang siyang puntahan? I don’t like her. She called me Bitch” sumbong sakin ni Regine habang nakasunod sakin palabas ng Resto.
Napailing nalang ako. Nakatikim na pala ng katarayan ng pinsan ko si Regine.
“ Ako na humihingi ng pasensya, ganun lang talaga yun eh. Pero sorry kasi hindi kita mapagbibigayan na wag siyang puntahan. Kauuwi niya lang kasi from Italy . Gustuhin ko mang isama ka baka matarayan ka lang ulit nun.”
Hay!!! Ang hirap talagang mag-explain. Kaya ang hirap ng may commitment eh. Hindi ko pa man Girlfriend si Regine kailangan ko ng magexplain ng katakot-takot sa kanya.
“ sige. Kita nalang tayo bukas.”
“ I can’t promise you. Basta tatawagan nalang kita. I’ve got to go” paalam ko bago siya kinintalan ng halik sa pisngi at sumakay na ng sasakyan.
Habang nagmamaneho hindi ko maiwasang isipin ang sitwasyon namin ni Regine. Magmula ng pigilan ko siya umalis ay lagi na kaming magkasama. Although nasa “dating stage” palang kami ay nag-eenjoy naman ako kasama siya.
Nakakalimutan ko na din kahit papaano si Aya. Iniiwasan ko na din kasi siya magmula nang mangyari ang insidente samin .
Iwinaksi ko na siya sa isipian ko. For now I should focus my life with Regine.
[Aya’s POV]
Ate Queen called me na nandito na siya sa Pilipinas. Almost 4years ko din siyang hindi nakita mula nang magpunta ang family niya sa Italy .
She’s the only cousin of Lance kaya naman close din silang dalawa at dahil bata palang ay magkasama na kami ni Lance nagging malapit na din ako kay Ate Queen.
I know na pangarap niya talagang maging International model just like Avee kaya naman nung after iyang grumaduate ng Highschool at may nag-offer sa kanya to be a model abroad tinanggap niya agad kahit ayaw ng parents niya. Nag-iisang anak nga lang naman kasi si Ate
Queen kaya inaasahan ng parents niya na siya ang magmamana sa pagpapatakbo ng kumpanya nila but Ate Queen is not fond in Business. Mas lalo pang nagalit ang daddy niya ng ipagpalit niya ang pag-aaral sa pagmomodelo.
Lumabas na ako ng building para puntahan siya. Tinext ko nalang si Vince na may pupuntahan lang ako.
Agad ko namang natanaw ang sasakyan nila Lance na ipinagmamaneho ni Mang Berto. Ang Official driver ng Pamilya Montealegre.
Agad akong pumasok sa sasakyan.
“ Sunshine!!!!” nakangiting bati sakin ni Ate Queen.
Napangiti din ako. Pamilya lang naman ni Lance ang tumatawag sakin na Sunshine eh.
“ kumusta? Mas lalo kang gumanda Ate” nakangiting bati ko sa kanya.
“ syempre!!! Kailangan kong maging beauty lagi…ikaw din bruha ka dalagng dalaga ka na.the last time I saw you nene ka pa..hahaha”
That’s why I like Ate Queen masyado kasi syang kalog eh.
Kahit sikat na siya hindi parin siya nagbabago.
“ ikaw naman super sikat ka na. nababasa ko mga article mo sa Elite” ang Elite Magazine ang nagcocover sa mga sikat na personalities here and abroad.
“ yeah. Thank God naabot ko din yung pangarap ko”
“ wala ka bang regrets sa buhay Ate?” naisipan kong itanong. Nang minsan kasing nakapag-usap kami sa phone nabanggit niya sakin ang pagtatalo nila ng daddy niya.
“ pinaghirapan ko naman itong posisyon ko ngayon eh. Siguro ang tanging regret ko lang sana nakapagtapos ako ng college. Pero hindi pa naman huli diba? Baka kapag nagsawa na ako maging model mag-aral ulit ako”
“ tama!!! That’s the fighting spirit!!!”
“’neweiz, kumusta naman na kayo ni Lance?”
“ okay naman kami” at ngumiti ako ng pilit sa kanya. Ayoko nalang ipaalam kay Ate Queen na iniiwasan na ako ni Lance. Baka kung ano pa itanong niya.
“ Really? So Bestfriend pa rin kayo?”
“ Siguro…ewan..” sabay tawa ng pilit.
“ ha? Siguro? Ewan? Anong sagot yun? Is there something wrong?”
“wala naman. Ahm…busy lang kasi lately kaya hindi kami nakakapag-usap..yun!”
Napailing na tinitigan nalang ako ni Ate Queen as if reading my mind and soul. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya.
“ Tsk! Mukhang nagmamatured na kayong dalawa. How time really flies…”
Natigil lang ang pag-uusap namin ng may kumatok sa bintana ng kotse.
It's Lance. Kinabahan ako. Pakiramdam ko nanlalamig ang mga kamay ko. Since tinted ang sasakyan hindi agad kita sa labas ang loob ng kotse. Kaya malaya kong napagmasdan si Lance. Wala namang nabago sa kanya pero pakiramdam ko ang daming nabago.
Pinagbuksan ni Mang Berto ng bintana si Lance.
I decided na magpaalam na kay Ate Queen.
“ Ate, mauna na ako” paalam ko. At lumabas na ng sasakyan.
Sumunod naman si Ate Queen sakin sa labas.
“ teka Sunshine, marami pa tayong pag-uusapan.” Pigil niya sakin.
“ Saka nalang Ate, may Meeting kasi ako sa School Council eh” at nagmamadaling naglakad. Pero bago yun ay nagkatitigan pa kaming dalawa ni Lance.
Napansin kong parang may dumaang emosyon sa mga mata niya pero agad ding nawala kaya baka namamalikmata lang ako.
Agad-agad na akong umalis ng lugar na iyon kaya hindi ko na napansin na sinundan ako ng tingin ni Lance.
(O.o)
No comments:
Post a Comment