Monday, March 12, 2012

Stupid Cupid : Chapter 9

[Jake’s POV]

 
Hindi pamilyar sakin ang silid na kinaroroonan ko ng magising ako.

Medyo masakit din ang ulo ko dala siguro ng hang-over sa nainom ko kagabi.

Ano na kayang nangyari sakin? Ang huling natatandaan ko lang ay nagpunta ako sa bar at uminom.

After nun wala na akong matandaan.

Inot-inot na bumangon ako sa kama. Eksakto namang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Lance.

Teka? Paano ako napunta dito sa bahay nila Lance?

“Gising ka na pala ano bang nangyari sayo kagabi at naglasing ka? Pasalamat ka at nandun si Queen kaya naalalayan ka niya.” Sabi ni Lance habang nakasandal sa hamba ng pinto.

Tama…nakausap ko nga pala si Queen kagabi.

“Paano ako napunta dito sa bahay niyo?” naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Dito ka dinala ni Queen. Hindi naman daw kasi niya alam ang bahay mo. Hindi ka naman niya pwedeng iuwi sa kanila.”

“Ahhh ganun ba? Salamat”

“Wag ka sakin magpasalamat kundi kay Queen. Sige na mag-ayos ka na may banyo ditto sa kwarto iyon na ang gamitin mo. Bumaba ka nalang pagkatapos mo”

Lumabas na ng silid si Lance.

Naiwan nalang akong natulala.

Dapat pala akong magpasalamat kay Queen.

Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili.

* * *

Pagbaba ko ay naabutan ko si Lance na naglalaro ng Iphone niya.

“Si Queen?”

“Kanina pa umuwi…gusto mo bang kumain? Magpapahanda ako sa maid”

“Wag na..uuwi na din ako..salamat nga pala ulit”

“Ikaw ang bahala.”

Palabas na ako ng bahay nila Lance ng may makasalubong akong babaeng papasok.

Sa pagkakatanda ko ay siya yung babaeng kasama ni Lance nung pumunta sa ospital.

Regine yata ang pangalan nito.

Nginitian naman niya ako at nagtuloy-tuloy na sa loob ng bahay.

Nailing na pinagpatuloy ko na lang ang paglabas.

Nang makalabas ay saka ko lang naisip na magkapit-bahay nga lang pala sina Lance at Aya.

Since nandito na rin naman ako ay minabuti ko na din dumaan sa kanila para kumustahin ang lagay ni Aya.

The last time kasi ay sinugod si Aya sa ospital dahil ilang araw na siyang di kumakain at iyak lang ng iyak. Lahat naman kami naaawa pero wala kaming magawa.

Agad akong nagdoorbell sa gate nila.

Pinagbuksan naman ako nung guard. Kilala na din naman kasi ako ditto dahil madalas kaming tumambay dito kina Aya.

Nakita ko si West na nasa sala at nagbabasa.

“Brhaw…anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong nito pagkakita sakin.

“Wala naman dumaan lang ako. Galing ako kina Lance eh… kumusta na si Aya?” sagot ko matapos tapikin sa balikat si West.

Agad naman lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni West.

“malungkot pa din..hindi pa din siya kumakain..kung kakain siya pakonti-konti..nag-aalala na nga ako eh..”

“Puntahan ko siya”

“Sige…andun siya sa kwarto niya. Lagi lang din siyang nakakulong eh..kumbinsihin mo ngang lumabas”

“Sige”

Agad ko namang pinuntahan si Aya sa kwarto niya. Sanay na naman ako dito sa bahay nila West kaya alam ko na kung saan ang kwarto ni Aya.

Kumatok ako sa pinto at marahang pinihit ang seradura.

“Aya” tawag pansin ko.

Nakita ko siyang nakahiga.

Napalingon naman siya sakin.

“Ikaw pala Jake” anito at bumangon sa kama.

“Kumusta?” (dapat ko pa bang itanong iyon eh obvious na di siya okay?)

Kibit-balikat lang ang isinagot niya sakin.

Nilapitan ko siya at naupo sa kama niya.

“sabi ni West di ka daw kumakain…di ba sabi ng doctor sayo kumain ka? Lagi ka din daw nagkukulong dito sa kwarto…namumutla ka na oh”

Seeing Aya right now I feel my heart jump out for her.

Sa mga kaibigan ko kasing babae si Aya ang itinuturing kong parang kapatid. Kaya naman sa nakikita ko sa kanya naaalala ko bigla si kuya Jasper.

“Wala akong gana eh”

“kahit konti dapat kumain ka..di ka ba naaawa kay West? Nag-aalala na yung kakambal mo sayo eh”

“Jake ano bang gagawin ko? Nahihirapan na ako eh..una sina mommy at daddy..ngayon naman si Vince”

“Aya…walang gustong mangyari iyon..kailangan mong magsurvive…para saming lahat..para kay West.. Aya nandito pa kami…hindi ka namin iiwan.”

Niyakap ko si Aya…ramdam kong umiiyak na naman siya.

For a moment hinayaan ko siyang nasa mga bisig ko.

Gusto kong kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

“Pasensya ka na sa amoy ko di pa ako naligo eh” tinangka kong magbiro.

Napangiti ko naman siya kahit papano.

“Ang baho mo na..amoy alak ka nga eh…naglasing ka?”

Mabuti naman at mukhang medyo okay na siya dahil nagagawa na niyang makipag-usap sakin.

“Oo eh..napainom kagabi..di ko naman akalaing malalasing ako”

“bakit? Anong meron?”

Tumingin muna ako sa kanya bago nagsalita.

“wag ka maingay ah..secret lang natin ito”
Tumango naman si Aya.

“BH ako eh”

“Broken hearted? Kanino? Akala ko ba nakamove-on ka na kay Rhapsody?”

“Oo nga…di naman sa kanya eh”

“Kung hindi sa kanya? Kanino?”

“kay JM”

Halatang nagulat si Aya sa sinabi ko.

“Kay JM??? Seryoso ka? May gusto ka kay JM?”

“Oo…wag ka maingay ah…kagabi ko lang din narealized yun eh..kaya pal ganun nalang ang care ko sa kanya at ganun nalang ang inis ko kay Lieu…pero di ko naman gustong mapahamak siya ah…nagseselos pala ako”

“Alam ba ni JM?”

“Hindi…at wag mo sasabihin..kapag sinabi mo yun lagot ka sakin” pananakot ko.

“Okay sinabi mo eh”

“Kumain ka na..saka lumabas ka naman ng kwarto mo kahit dyan lang sa garden niyo para maarawan ka..mukha ka ng bampira eh”

“Sige…maligo ka na din. Ang baho mo na” pagtataboy niya sakin.

“hehe…oo nga eh…sige” sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

“Bye Jake…thank you”

“basta ikaw…nanginginig pa” biro ko at tuluyan ng lumabas ng silid niya.

Pagbaba ko ay naabutan ko si West na may kausap na ginang.

Pamilyar sakin ang mukha nito. Although di ko maalala kung saan ko siya nakita.

“Jake..si Aya?” tanong sakin ni West

Tinuro ko ang kwarto niya.

“sabi niya sakin bababa na daw siya eh”

“sige tawagin ko nalang…nga pala…mommy ni Vince” pakilala nito sa kausap na ginang.

Oo nga pala…siya yung mommy ni Vince. Minsan ko lang kasi siya nakita nun sa ospital eh.

“magandang araw po Tita…ikinalulungkot ko po yung nangyari”

Ngiti lang ang isinagot niya sakin. At tinapik ako sa balikat.

Alam kong masakit para sa kanya ang mawalan ng anak.

Nag-iisang anak pa naman niya si Vince.

Minsan ko ng naramdaman ang mawalan ng mahal sa buhay kaya alam kong di ganun kadaling mawala ang sakit.

Sana maging maayos din ang lahat.
* * *


[ LIEU’s POV]

Mula ng maaksidente ako ay hindi na umalis sa tabi ko si JM.

Matapos ang halos dalawang linngong pananatili ko sa ospital ay pinayagan na ako ng doctor na sa bahay na lang magpagaling.

At kahit sa bahay ay inaalagaan pa din niya ako.

Pagkagaling niya sa school ay dumidiretso siya sa bahay.

Kahit na pagbawalan ko siya ay di rin naman siya sumusunod.

Aminin ko na magaan ang loob ko sa kanya.

Pero alam kong di sapat iyon para mahalin ko siya.

Bilang kaibigan siguro oo…natuto akong pahalagahan siya.

Narealized ko yung worth niya as a friend.

Pero hindi ko talaga kayang turuan ang puso ko na mahalin siya dahil hanggang ngayon iisang tao pa rin ang tinitibok nito.

Kaya naman dapat lang na habang maaga ay ipagtapat ko na iyon sa kanya.

Ayoko namang patuloy siyang umasa dahil mas lalo lang siyang masasaktan.

Mahalaga na rin siya sakin kaya ayokong masaktan siya.

Nagsisisi nga ako sa nasabi ko noon kay Jake eh. Alam ko nagpakagago ako ng panahong iyon.
Kung hindi pa ako maaaksidente di ko pa marerealized na masyadong maikli ang buhay para gawing kalokohan.

Di pa naman huli ang lahat. Maitatama ko pa ang mali.
* * *


[AVEE’s POV]

Gustong-gusto ko ng dalawin si Lieu pero di ko magawa. Nahihiya kasi ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Minsan ko lang siya nadalaw sa ospital…nung kasama ko ang barkada.

Naging busy na din kasi ako sa mga projects ko.
Medyo nahihirapan na din kasi ako pagsabayin ang pag-aaral at pag-momodelo. Pero ayoko naming tumigil dahil ilang buwan na lang at gagraduate na ako.

Saka ang alam ko lagging nasa ospital si JM at inaalagaan si Lieu.

Alam ko namang may gusto si JM kay Lieu eh. Kaya hinayaan ko nalang siya.

Kung tutuusin gusto ko din naman si Lieu kaso di pa ako handa.

Hindi pa ako ready pumasok sa isang relasyon. Besides nakalagay sa kontratang pinirmahan ko hindi ako pwedeng magbuntis for atleast three years..kaya para makaiwas ay di nalng ako nagboboyfriend.

Noong unang beses na niligawan ako ni Lieu binasted ko siya kahit gusto ko siya kasi ang bata ko pa nun.

Elementary palang yata. Ewan ko ba dun kay Lieu at nanliligaw na agad.

Hindi ko nalang pinaalam sa barkada yun kasi alam ko naman dala lang ng pagiging teenager ang nangyari kay Lieu.

Hindi ako sure kung talagang gusto niya ako o trip niya lang.

Saka baka mamaya kapag sinabi ko sa kanila na niligawan ako ni Lieu noon ay itanngi niya lang masaktan pa ako kaya naman itinago ko nalang ang nararamdaman ko sa kanya.

Mas mabuti na yung ganun. Para di ako masyadong masaktan kapag nalaman kong iba ang mahal niya talaga.
* * *


No comments:

Post a Comment