Monday, March 12, 2012

Stupid Cupid : Chapter 10

[JM’s POV]


Nakalabas na ng ospital si Lieu. Natutuwa akong maayos na ang lagay niya. Although si Vince hindi pa rin namin natatagpuan.


Ipinagpalagay na ng mga rescuers na patay na siya.


Hindi ganun kadaling tanggapin iyon lalo na kay Aya.


I supposed to be happy kasi napapansin na ako ni Lieu. We’ve been close since that accident happened. Pero hindi ganun ang nararamdaman ko.


Although Masaya…parang may kulang na hindi ko mabigyan ng paliwanag.



Ilang linggo ko na din pala hindi nakikita si Jake mula ng huli ko siyang Makita sa ospital. After nun hindi na kami ulit nagkita.

Hindi ko alam kung sadyang busy lang ba talaga o iniiwasan niya ako.


After graduation ay nagapply ako sa isang malaking bangko. Madali naman akong nakapasok. Although sinabihan ako ng mga kaibigan ko na sa company na nila mag-apply ay tinanggihan ko.


Nahihiya din kasi ako eh.


Saka gusto ko makakapasok ako sa kumpanya dahil sa galing ko not because dahil kaibigan ko ang may-ari.


“Hey JM…are you free tonight?” tanong ni Lieu matapos kong sagutin ang tawag niya.


Nagkausap na naman kaming dalawa. Naipagtapat ko sa kanya na gusto ko siya pero di ko maramdamang mahal ko siya. At maging siya ay nakapag-open na din sakin regarding sa feelings niya.


Kaya naman nalaman ko na mula noon pa mang mga bata sila ay si Avee na talaga ang gusto niya. At kaya siya nagpapakaplayboy ay para mapansin siya ni Avee.


Mukhang may something pa sa dalawang barkada kong iyon ah.


Ewan ko pero nung nalaman ko yun hindi naman ako nasaktan. Parang natuwa pa nga ako ng malaman kong matagal na siyang may gusto kay Avee eh. Atleast front lang pala niya iyon. Saka ang mahalaga he’s been honest to me.


“Hindi ko alam eh. Bakit? May gala ka?”


We’ve been close after that heart to heart confrontation between the two of us. Hindi man kami matatawag na magbestfriend.


Para kasing medyo nagkakawatak-watak na din ang barkada eh. May mga kanya-kanyang buhay na.


Lalo na nung nagpunta ng Japan si Aya para makamove-on sa pagkawala ni Vince.


“May nakita akong bagong Resto-Bar puntahan natin.” Yaya ni Lieu sakin.


“Asus! Wala ka na namang kadate noh?”


“Paano mo nalaman?”


“Eh niyayaya mo lang naman ako pag wala kang kadate.”


“hahaha…you got me…pero this time gusto talaga kitang yayain. Congratulatory gift ko na din sayo dahil sa new work mo.”


“Naks! May ganun pa talaga ah? Sige. What time ba?”


“After office hours. Puntahan nalang kita dyan sa bangko”


“Okay…see you then”


Binaba ko na ang awditibo ng telepono.


Sa pagkakalapit naming iyon ni Lieu narealized kong napakakulit din pala niya at napakacaring. Maswerte si Avee sa kanya.


Fifteen minutes before 5:00 PM ay nag-retouch na ako. Nakakahiya naman kung mukha akong ewan. Napakagwapo pa naman ni Lieu.


Saka kapag siya yung kasama ko kung saan-saan niya ako dinadala eh.


Saktong 5:00 ay nag-ring ang cellphone ko.


It was Lieu.


“Nandito na ako sa tapat ng bank ah…yung pinakamagandang kotse akin yun” biro nito.


“Sige ikaw na..ikaw na mayabang” natatawang sagot ko naman.


Dinampot ko lang ang bag ko at lumabas na din ako ng bangko.


Agad ko namang nakita ang black Camry ni Lieu.


“Yoh!” bati ko.


“Yoh too” nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.


“Saan tayo?”


“Sa Timog… Seatbelt please”


Mula sa bangkong pinapasukan ko sa Ortigas ay nagbyahe kami hanggang Timog.


“Kumusta na si Jake?” tanong ni Lieu sakin habang nasa byahe kami.


“Ewan ko. Hindi nagpaparamdam eh.” Kibit-balikat ko.


Thinking of Jake made me feel lonely.


Namimiss ko na din kasi ang kakulitan niya.


“Hulaan ko…siguro iniisip mo na sana si Jake ang kasama mo ngayon at hindi ako”


Napatingin ako kay Lieu. Halata namang nang-aasar lang siya base sa pagkakangiti niya.


“Hindi bagay sayo ang maging chismoso Lieu kaya wag mo akong intrigahin ha?”


“Whatevah!!!”


Malakas na tawa ang isinagot ko sa kanya.


+ + + + +


Isang bagong bukas na Bar nga ang pinuntahan namin ni Lieu.


Pero kahit bago pa ay halatang dinadayo ito ng mga tao dahil maganda ang pwesto nito.


“Teka Lieu hindi pa yata bukas eh” awat ko kay Lieu paglabas namin ng sasakyan.


“Don’t worry kilala ko ang may-ari” hila sakin ni Lieu at dire-diretsong pumasok sa loob ng bar.


Kahit nagtataka man ay sumunod na din ako.


Since pinapasok naman kami ng guard kilala nga siguro si Lieu dito.


“Bakit ang dilim?” tanong ko ng makapasok kami.


“kalma lang..nandito lang yung switch ng ilaw eh”


Saktong pagbukas ni Lieu ng ilaw ay bumulaga sakin ang buong barkada.


“HAPPY BIRTHDAY JM!!!!” sabay-sabay na sigaw ng mga ito.


Hindi ko naman alam kung paano magrereact.


Sa sobrang busy ko nakalimutan ko na birthday ko na nga pala. Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko.


Isa-isang naglapitan ang mga kaibigan ko sakin at nag-abot ng regalo.


“Thanks guys..nag-abala pa kayo” maluha-luhang pasasalamat ko sa kanila.


“Si Jake ang pasalamatan mo dahil siya ang nagpumilit sa aming lahat na pumunta” sagot ni Avee.


Hinanap naman ng mga mata ko si Jake.


Nakita ko siya sa likod at may hawak na cake.


Nagkantahan naman ang mga kaibigan ko paglapit ni Jake.


“Blow the candle JM”


“Make a wish first”


After uttering a wish ay hinipan ko na din ang kandila.


“Happy birthday” bati sakin ni Jake.


Ohhh!!! How I miss this man.


“Bakit hindi ka nagpapakita sakin ah” sita ko sa kanya at marahang hinampas siya sa braso.


“awww!!!! Sorry naman..medyo busy lang eh”


Kinuha ni Madz mula kay Jake ang hawak nitong cake.


“Kainan na!!!!” sigaw ni Vaughn.


Habang nagkakatuwaan naman ang mga kaibigan ko ay hinila ko sa tabi si Jake upang makausap.


“Ang dami mong kasalanan sakin ah” simula ko.


“wag mo ng isa-isahin at baka hindi tayo matapos…pero all in all kaya di ako nagpapakita sayo kasi medyo naging busy ako sa pagtatayo ng Bar na ito.”


Nagulat naman ako sa sinabi niya. Siya pala ang may-ari nito kaya pala malakas ang loob ni Lieu.


“sayo ito???”


“Yup..nanghiram muna ako kay daddy ng puhunan”


“Wow..congratz…saka thank you din dahil ikaw ang nagorganized nito. I know how hard it is to get an appointment from our friends pero ginawa mo pa din. I’m thankful for that.” Seryosong sabi ko.


“Tinakot ko lang naman sila na guguluhin ko ang mga buhay nila kapag di sila nagpunta ngayon..hehehe…kung pwede ko nga din sanang papuntahin si Aya ginawa ko na eh. Pero di ko makontak eh..mukhang sa malayong lugar talaga nagpunta yun.”


“Thank you talaga Jake. Pati si Lieu walang sinabi sakin”


“surprise nga eh”


Dumaan ang katahimikan saglit sa aming dalawa.


“So kumusta na kayo ni Lieu? Kelan ang kasal?”


Nagulat naman ako sa sinabi niya.


“Kasal? Kami ni Lieu???”


“Oo”


“Wait..you think may something samin ni Lieu?”


“Bakit? Wala ba?”


"Ano ka ba magkaibigan lang kami at may ibang gusto yun/ pero di ko sasabihin dahil nangako ako sa kanya” natatawang sabi ko sa kanya.


“Hindi mo boyfriend si Lieu?”


“Hindi”


Nagulat ako ng biglang tumawa si Jake na parang baliw.


“Hoy! Ano ng nangyari sayo?”


“Masaya lang ako”


“Masaya saan?”


“Nothing”


“Hoy!!!! Makijoin naman kayo dito” sigaw samin ni Lieu.


Hinila naman ako ni Jake palapit sa kanila.


“I’ll give you my gift later and we’ll talk” bulong nito sa tenga ko.


Parang may kiliting hated sakin ang sinabing iyon ni Jake.


I can’t wait to talk to him.


Masayang lumapit kami sa mga barkada kong nagkakatuwaan.

(^_^)

No comments:

Post a Comment