“Ui..nakita niya yung crush niya…uyyy!!!! Kinikilig…first crush never dies” nang-aasar na sabi sakin ni Rence habang naglalakad kami pauwi ng bahay.
Galing kami sa hotel dalawa. Sinundo niya ako sa pinagtatrabahuhan ko. At ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote nitong adik na lalaking ito at napagtripang maglakad mula sa kanto ng exclusive village na tinitirahan namin.
“Gusto mong ikaw ang ma-die ha?! Tigilan mo ako RJ ha!” naiinis na sita ko.
Kung alam ko lang na aasarin lang ako ng lalaking ito ay hindi na ako pumayag na sunduin niya.
“Aminin mo na kasi Yabz…kinikilig ka” patuloy na pang-aasar nito.
“Hindi nga ako kinikilig okay? Bakit ba ang kulit mo..saka matagal na yun. Hindi ko na crush yung si Xian.”
Mula ng malaman ng lalaking ito na crush ko ang kapit-bahay naming si Xian ay inulan na ako ng tukso at pang-aasar nito.
Bakit ba kasi nasabi sabi ko pa eh..saksakan nga pala ng sira-ulo at pang-asar itong si Rence.
Napatingin ako sa kasama kong hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar sakin.
Siya si Rence… Rence Jeirick Montealegre…o mas kilalang RJ para sakin.
Isang mayabang…babaero…makulit at saksakan ng pang-asar na tao.
Oh sige na nga…gwapo at macho na din (napilitan lang)
Nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montealegre.
At higit sa lahat…
Siya ang bestfriend ko.
Kung bakit ko siya naging bestfriend ay hindi ko rin alam. Isang malaking palaisipan sakin yun. Basta ang alam ko magbestfriend ang mommy ko at ang daddy niya. At dahil lagi siyang nakatambay sa bahay namin ay naging close na din kaming dalawa.
I know him since time immemorial. Kaya kilalang kilala ko na siya mula ulo hanggang paa. Alam ko ang lahat ng kalokohan sa buhay niyan lalo na pagdating sa babae.
“Ibig mong sabihin hindi mo na crush si Xian ngayon?”
“Grabe ka RJ hindi ka makamove-on???”
“Syempre naman… ngayon ko lang kasi nalaman na nagkakacrush ka din naman pala eh. Akala ko kasi abnormal ka” sabay tawa. Yung tawang nakakaloko.
“Pwede ba RJ?! Marunong din akong magkagusto sa lalaki.”
“Pero wala kang taste imagine?? Si Xian??? Oh come on!!!”
“Bakit?? What’s wrong with Xian ah?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Well…gwapo siya…macho…matangkad…pero kung ikukumpara sakin magmumukha siyang langaw.”
“Ang yabang mo noh! Ikaw na!!! ikaw na gwapo at macho!” sarkastikong sabi ko.
“Totoo naman eh..walang wala si Xian kung ikukumpara sakin”
“Kung sa inyong dalawa rin lang mas okay na si Xian dahil hindi siya babaerong tulad mo”
“Excuse me Miss Madrigal…hindi ako babaero..generous lang akong tao.”
“Generous your face!”
“Syempre alam mo namang mahal na mahal ko ang mga babae eh”
“Hay naku RJ tigilan mo na yang pagiging babaero mo at ako ang napapagod kakatulong sayo”
“You’re my bestfriend right?” nagpapacute na sabi nito at inakbayan ako.
Bilang bestfriend..marami akong papel sa buhay ng lalaking ito.
Kasamang gumala at maglakwatsa pag tinatamad siyang magtrabaho.
Tagagawa ng project at book report nung college.
Karamay kapag sinesermunan siya ng daddy niya.
At higit sa lahat tagataboy ng mga babaeng inaayawan niya.
Kapag medyo nakakaramdam na kasi si Rence na nagiging attached na sa kanya yung babae gumagawa na ito ng paraan para madispatsa yung girl.
At ako ang lagi niyang kasabwat.
Nariyang magpapanggap akong asawa o girlfriend niya.
Okay lang naman dahil nagagamit ko ang talent ko sa pag-arte.
Pero minsan nagdadalawang isip na din ako kung dapat ko pa ba siyang tulungan dahil naaawa din ako sa mga kabaro ko. Pero kapag naiisip ko kung anong klaseng mga babae ang dinedate nitong si RJ ay nagbabago ang isip ko.
Mga socialites…magaganda..matangkad..sexy. yun ang tipo ng babae nitong si RJ..yung mga tipong naliligo sa pabango at pinangpapaligo ang gatas…at kadalasan yung mga walang utak. Puro mukha at katawan ang ginagamit.
Ibang-iba sakin. Kaya nga kampante ako na kahit kelan hindi ako mapapabilang sa babae niyang si Rence dahil hindi ako ang tipo niya.
Hindi ako tipong pang-model. Hindi ako mahilig makipagsocialite. Ang buhay ko trabaho-bahay lang. Nagkakaroon lang ako ng social life kapag niyayaya ako ni RJ. At higit sa lahat…wala din akong lovelife.
Hindi naman big deal sakin kung wala akong lovelife. Mas gusto kong magpayaman nalang. Sagabal lang sa buhay ang mga lalaking iyon. Kay RJ pa nga lang nakukunsumi na ako..bakit pa ako kukuha ng batong ipupukpok ko sa ulo ko.
Saka spoiled ako sa daddy ko. Only child lang kasi. Kaya naman hindi na ako naghahanap ng boyfriend.
“Yabz…paano kapag niligawan ka ni Xian anong gagawin mo?”
“Hay naku RJ…tumigil ka na…”
Yabz ang tawag sakin ni RJ since bata pa kami... bulol na salita daw ng “Loves” kasi nung bata pa ako eh bulol talaga ako (sinong bata ba ang hindi) kaya ang tawag ko daw nun sa “I Love You” eh “ ay Yab you”.
Sakto namang nasa tapat na kami ng gate namin kaya pumasok na ako. Kaso sumunod pa din sakin ang makulit na lalaking ito.
“Eh bakit ba kasi ayaw mong sagutin?”
“kasi napakanonsense ng tanong mo.”
“Nonsense….umiiwas ka lang…. Hi tito.. hi tita” bati ni Rence sa mga magulang ko pagpasok ng bahay at naabutan namin sa sala sina mommy at daddy.
Humalik naman ako sa pisngi nila. Ganun din ang ginawa ni Rence.
“Hindi ko yata narinig yung tunog ng sasakyan mo Rence?” tanong ng ama kong si Vince Madrigal.
“naglakad kami Tito.” Sagot nito at kampanteng naupo sa sofa.
“Pinaglakad mo ang baby girl ko?” gulat na tanong ni daddy.
“Okay lang yun tito para naman sumexy yang si Yesha.” Sagot naman ng sira-ulong si RJ
Naiiling na umakyat nalang ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Tambay naman dito sa bahay iyang si Rence kaya hindi na yan maa-out of place.
“Dito ka na kumain Rence” narinig ko pang yaya ng mommy kong si Aya Montreal- Madrigal
“Sure Tita…Namiss ko na ang luto ni Manang eh”
“Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga” iiling-iling na bulong ko sa sarili ko habang nagpapalit ng damit pambahay.
Humarap ako sa full-length mirror sa loob ng silid ko ng tanging underwear lang ang suot at pinagmasdan ang katawan ko.
Kung tutuusin hindi naman ako mataba pero hindi rin payat. May shape naman ang katawan ko. Pero nung nagbigay ng malaking hinaharap na biyaya yata ang Diyos eh tulog ako dahil hindi gaanong kalakihan ang dibdib ko.
Walang-wala kung ikukumpara sa mga babae ni Rence.
“Hi naku bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahong ikumpara ang sarili ko sa mga babaeng iyon eh mas matalino naman ako sa mga iyon” sita ko sa sarili. “Gutom lang at pagod ito” sabi ko at nailing na ipinagpatuloy na ang pagbibihis.
wooah! yan na yung kwento ng anak namin na si rence! lels!!! 1st commentor ako sis!
ReplyDeletehahaha...pasensya na kung wala pa yung sa inyo ni Ran ah..anak mo naman si Rence eh haha...yung kina Jen at Ian nga di ko pa din maupdate haha..
Delete