Friday, May 25, 2012

Monster Couple : Chapter 9


“Dad’s Advice”


A few days ago…


“May problema ka ba hijo?” tanong ng daddy niyang si West ng abutan siya nitong umiinom sa veranda.


“Wala naman dad…nagpapaantok lang”



“May mabigat ka bang kasong kinakaharap ngayon anak?”

“Wala naman dad”


“Sigurado ka?” tanong ni daddy at tinitigan ako sa mata matapos kumuha ng alak at tumayo sa tabi ko sa veranda.


Hindi ako nakasagot. Tinungga ko lang ang alak na hawak ko.


“Eh yang kaso ng puso mo nasolusyunan mo na ba?”


Maang na napatingin ako kay daddy. Para kasing may laman ang sinabi niya.


“Napagdaanan ko na din yan kaya alam ko ang nararamdaman mo. Hindi man ako nangingialam tulad ng mommy mo eh anak pa rin kita.”


“Dad…paano mo ba nalamang mahal mo na si mommy?”


“Hindi mo naman maipapaliwanag iyan eh…kusa mong mararamdaman.”


“Eh paano mo naman nasabing si mommy na ang gusto mong makasama habang buhay?”


“Sinabi ko bang gusto kong makasama habang buhay ang mommy mo? Naku nagsisisi nga ako eh”


Gulat na napatingin ako kay daddy.


“Biro lang iyon…baka makarating sa mommy mo yan at maoutside the kulambo pa ako…pero sa totoo lang ilang beses man ako mabuhay ditto sa mundo ang mommy mo pa rin ang pipiliin kong makasama.”


“Eh paano mo nga nasabi dad na si mommy ang gusto mo?”


“Well…inimagine ko ang sarili ko nun ten years or twenty years in the future na hindi ang mommy mo ang kasama ko…ewan ko ba nakaramdam ako ng takot na di maipaliwanag. Saka parang ang lungkot.”


Ang hirap talagang mainlove. Madaming hirap.


“Alam mo anak…kung talagang mahal mo ang isang tao sabihin mo sa kanya. Ipagtapat mo”


“Eh paano kung bastedin niya ako? Paano kung di niya ako gusto?”


“Anak naman…isipin mo nga ito..mas malulupit na kaso na ang nahawakan mo…nalagpasan mo…ano nalang ba yung bastedin ka…hindi ka naman mamamatay nun eh.”


“Pero dad----“


“Hay naku anak kaya mo yan…lalaki ka diba? Eh ano kung masaktan ka? Parte iyon ng pagmamahal..walang nagmamahal ng hindi nasasaktan…ang mahalaga sumubok ka at wag sumuko…kung no choice ka na talaga daanin mo sa santong paspasan kung di madaan sa santong dasalan…magaling ka namang abugado diba? Kaya mo ng ibail-out ang sarili mo” natatawang sabi ni daddy.


Maging ako ay natawa na din sa sinabi ni dad. Sinong mag-aakalang ang napakaseryoso kong ama ay may kakayahan din palang magpatawa?


“Thanks dad”


Back to the present…


“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko kay Ruijin.


Wala akong pakialam kung may kasama man siya. Eh ano naman? It’s now or never!!!!


“Wala naman tayong dapat pag-usapan ah?”


“Meron” hinawakan ko siya sa kamay at hinila patayo.


“Pare wala namang bastusan oh..nakita mong magksama kami eh” awat nung kasama niya at hinawakan ang kamay ni Ruijin na hawak ko.


“Wag ka makialam dito ah…hindi ikaw ang kinakausap ko.” Asik ko sa kanya.


“Eh sira-ulo ka naman pala eh” pag-aangas naman nito.


As if naman uubra siya sakin kung angas rin lang ang pag-uusapan marami ako nun.


“Rodjun don’t… I know him” pigil ni Ruijin dito at sumama na sakin palabas.


Akma namang hahabol pa sana si Rodjun sa mga ito subalit hinarang na ito ng mga barkada ni Ran.


“Hanggang dyan ka lang pare!!”


“Paraanin niyo ako.”


“Sorry hindi pwede”


“Pwede ko kayong kasuhan sa ginagawa niyo” pananakot nito.


“Sorry ka nalang pare dahil iisang abogado lang ang kinikilala namin. At kung sakaling kasuhan mo man kami okay lang dahil magaling ang abogado naming walang iba kundi si Ran.”


“Oo nga..kaya kung ako sayo steady ka lang dyan”


“Don’t worry walang mangyayaring masama kay Ruijin lalo na at si Ran ang kasama niya.”


Wala ng nagawa si Rodjun kundi ang bumalik nalang sa kinauupuan. Palibhasa ay nakabantay ang tatlong kaibigan ni Ran dito.


+ + + + +


“Ano ba ang dapat nating pag-usapan ha at kailangang kaladkarin mo pa ako palabas ng CaPerona?!” asar na sabi ni Ruijin kay Ran.


“Tungkol satin” simpleng sagot ni Ran.


“Anong tungkol satin??? Wala namang tungkol satin ah”


“Kaya nga iyon ang pag-uusapan natin eh…sumakay ka na” anito at binuksan ang pinto ng sasakyan.


“At bakit naman ako sasakay dyan? For your information Mister Montreal may kasama ako sa loob kaya hindi ako pwedeng magtagal sa pakikipag-usap sayo”


“Sinong pinagmamalaki mo? Yung mistisong bangus na kasama mo?”


“Eh ano naman ngayon sayo??? Don’t tell me nagseselos ka?” nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.


“Eh kung sabihin kong Oo sasakay ka na ba sa kotse ha?!”


Natahimik naman ako bigla at walang imik na sumakay nalang sa kotse. Lumigid naman si Ran sa driver seat. Ganun nalang ang gulat ko ng simulan niyang paandarin ang sasakyan.


“Hey!!! Stop it Ran.! Saan tayo pupunta??!!” sigaw ko sa binata.

“Itatanan ka na”


“Ano?!!!!”

No comments:

Post a Comment