Tuesday, May 29, 2012

Monster Couple : Chapter 10


“The Finale”


“Itatanan ka na” sagot ni Ran habang nagmamaneho.


“Ano?!!!!” ganun nalang ang gulat ni Ruijin ng sabihin iyon ni Ran.


Itatanan siya ni Ran??? Pero bakit???



“Ran ano na namang kalokohan ang sinasabi mo dyan? This is kidnapping!!! Abogado ka! Alam mong masama iyon.”


“Alam ko. At pupwede akong makulong sa ginawa ko pero ito lang ang tanging paraang naisip ko para paniwalaan mo ako. So would you please calm down? Magpapaliwanag ako.”


Saan ka naman nakakita ng mangingidnap na magpapaliwanag? At saka sinabi ni Ran na itatanan na niya si Ruijin. Pero bakit?!


Medyo kumalma ang sistema ni Ruijin. Kung paiiralin niya ang galit at bugso ng damdamin ay wala siyang mapapala. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang makaalis sa sasakyan. Kaya lang sa bilis ng pagmamaneho nito ay malamang patay siya kung hindi man ay lasog-lasog ang katawan niya kapag naisipan niyang talunin ang sasakyan.


“Ano ba talagang problema mo Ran? Why do you have to do this?”


“Because I have no choice. You don’t want to talk to me..you don’t want to listen to my explanations…ilang beses kong tinangkang kausapin ka pero tinataguan mo ako. Eto nalang ang tanging paraang naisip ko”


Medyo nakonsensya naman si Ruijin. Kaya nanahimik siya at hinayaan nalang sa pagmamaneho si Ran.


Sa isang private resort sa Tagaytay sila nakarating. Mukhang kilala si Ran ng may-ari dahil agad silang sinalubong nito.


“Naku Ran..ikaw na ba iyan? Ang laki mo ng mama ah” tuwang-tuwang sabi ng matandang babaeng sumalubong sa kanila.


“Ako nga po Manang Dely…kumusta na po kayo?”


“Eto awa ng Diyos eh malakas pa naman…sino ba ireng kasama mo Hijo? Nobya mo ba ire?” tanong nito pagkakita kay Ruijin.


“Siya po si Ruijin Manang…hindi ko po siya nobya….hindi pa..” sagot ni Ran at tinitigan siya sa mga mata.


Agad namang namula ang mukha ni Ruijin.


“Aba? Eh napakabagal mo namang kumilos Hijo…ikaw rin baka may mauna pang iba sayo” panunukso naman ng asawa nitong si Mang Berto.


“Mang Berto talaga oh…Ruijin sila ang caretakers ng lugar na ito. Sina Manang Dely at Mang Berto”


Mukha namang mababait ang mga matatanda kaya magaan ang loob agad ni Ruijin sa mga ito.


“Magandang araw po”


“Maganda ka pa sa araw ineng”


“Tara pumasok na tayo sa loob” yaya ni Ran.


Wala ng nagawa si Ruijin kundi ang sumunod.


+ + + + +


“Okay ka lang ba dyan?” tanong ni Ran pagkahatid kay Ruijin sa silid na tutuluyan nito.


“Yeah…pero ayoko dito Ran. Iuwi mo na ako samin. Baka nag-aalala na si Rodjun sakin.”


Nalukot naman ang gwapong mukha ni Ran.


“Mas iniintindi mo pa yung lalaking iyon kesa sakin?”


“Ran..naguguluhan ako sayo..ano ba talagang gusto mong mangyari?”


Tahimik na pumasok si Ran sa loob ng silid at naupo sa kama.


“Ýou know..i’m not good at this things” hinawakan niya ang kamay ko “I Know I’ve been stupid at that time nung engagement party ng pinsan ko…when you tried to talk to me and asked me if we can still be friends…”


“Yeah..and you said no…you refused being my friend…being close to me again”


“Yeah…I refused being your friend because I just don’t want us to be friends”


“Then bakit inilalapit mo pa ang sarili mo sakin kung ayaw mo naman pala akong maging kaibigan?”


“You still don’t get it do you?”


“Get what??? Alam mo Ran mas magulo pa yata ang utak mo kesa sakin eh…tatanggihan mo ang pakikipagkaibigan ko and yet you want to get close to me?? Adik ka ba?!”


“I don’t want to be your friend because I….. because i…..”


“Your what?!”

“I LOVE YOU!!!” ani Ran at huminga ng malalim. “There…hindi naman pala mahirap sabihin”


Mukha namang nasabugan ng bomba si Ruijin sa narinig.


“Hey!!! I’m here telling you that I Love You and yet titignan mo lang ako ng ganyan?! Pambihira naman oh!!!”


“You said what?”


“I love you”


“You love me?”


“Oo nga…bingi ka ba?”


“You love me??? Really?”


“Yeah… I’ve been secretly loving you ever since we’re kids… I wanted to tell you what I feel for you pero naunahan ako ng takot…when I finally got the courage to tell you what I feel, bigla ka nalang umiwas sakin..bigla ka nalang nagalit sa mga lalaki… I wanted to ease your pain..i wanted to comfort you..i wanted to tell you that I’m still here loving you pero hindi mo ako hinayaang gawin iyon..you pushed yourself away…you put a wall to us na ang hirap tibangin…I tried to act cool..i tried to act tough in front of you so that you wouldn’t how how much it hurts for me when you treated me that way….kaya sinusungitan din kita para hindi mo mahalatang may gust ako sayo…sinusungitan kita dahil gusto kong mapansin mo ulit ako…”

 Nararamdaman kong tumutulo na ang luha ko sa mga naririnig kong sinasabi ni Ran. Agad naman itong pinunasan ng binata.


He cupped my face with his hands.


“Tinanggihan ko yung friendship na offer mo dahil ayoko ng kaibigan lang..ayokong maging kaibigan ka lang kasi mahal kita…medyo mali nga lang yata ang dating sayo ng pagtanggi ko kaya iniwasan mo na naman ako…but I don’t want things to be ruined again..i don’t want that to happen again for the two of us…I wanted to be with you…gusto kitang mahalin…papayagan mo ba ako?”


“R-Ran…I-I don’t know what to say”


“Just say that you love me…. Hindi ko man maipangakong ibibigay ko sayo ang bituin at buwan ipapangako ko naman sayong mamahalin kita at hinding hindi sasaktan”


Napangiti ako sa sinabi ni Ran. Sinong mag-aakalang ang isang tulad nitong top caliber lawyer ay may itinatagong kakornihan sa love??


“Hindi ko naman kailangan ang bituin at buwan dahil on the first place ano namang gagawin ko dun?...sapat na sakin ang mahalin mo ako”


“So pumapayag ka ng mahalin kita? Na maging akin ka?”


“Oo”


Tuwang-tuwa naman si Ran na niyakap si Ruijin at kinintalan ng mabilis na halik sa mga labi.


“Ang bilis mo ah” saway ni Ruijin dito “nakahalik ka na agad?!”


“Ganun talaga..kailangang bumawi…” akmang hahalikan sana nito ulit si Ruijin ng biglang may maalala. “Siya nga pala….i just want to tell you that I only want you for myself..meaning wala akong kahati..so ayoko ng lalapit at sasama ka pa dun sa mestisong bangus na kasama mo kanina.”


“Seloso ka pala”


“Oo..kaya wag mo akong pagseselosin”


“Speaking of Rodjun kailangan ko pa pala siyang tawagan” akmang kukunin ni Ruijin ang cellphone sa bag pero inagaw ito ni Ran.


“Kakasabi ko lang eh”


“Ran ano ka ba?! Para kang sira..akin na yang cellphone ko”


“Ayoko”


“Ran..kailangan kong matawagan si Rodjun dahil baka nag-aalala na sakin iyon…mamaya magsumbong pa kay daddy iyon”


“Bakit ba?! Ngayon lang tayo nagkasundo tapos mas mahalaga pa sayo ang lalaking iyon?”

“Ran ang OA mo” naglalambing na yumakap si Ruijin sa binata. “Wala ka namang dapat ipagselos kay Rodjun eh…dapat ka pa ngang maging close sa kanya eh”


“At bakit kailangan kong makipaglapit sa lalaking iyon?!” nakasimangot at kunot-noong tanong nito.


Nakakatawa ang hitsura ni Ran dahil daig niya pa ang torong handing manugod.


“Kasi po..kapatid ko si Rodjun sa ama.”


“Your what??”


“kapatid ko..kaya wala kang dapat ipagselos sa kanya okay? So pwede ko na bang makuha ang cellphone ko?”


Ibinigay naman ito ni Ran sa kanya. Agad na tinawagan ni Ruijin ang kapatid.


“Hello Ate!!! Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sayo ditto. Alalang-alala na ako…sinabi ko na tuloy kay daddy na may kumidnap sayo”


“Grabe ka naman Rodj…okay lang ako”


“Nasaan ka ba? Saan ka dinala ng lalaking iyon ah?!”


“We’re here at Tagaytay so don’t worry about me..pasensya ka na din pala kung di kita nasabihan agad. Patawagan nalang si dad na okay lang ako at hindi niya kailangang tumawag ng pulis”


“Hay naku naman ate bakit ka ba sumama sa lalaking iyan?! Hindi naman gwapo eh!! Mas gwapo pa ako dyan eh”


Magsasalita pa sana si Ruijin pero nawala na sa kamay niya ang cellphone niya. Hawak na ito ni Ran at kasalukuyang kausap na nito ang kapatid.


“Anong mas gwapo ka pa sakin? Mas gwapo ako sayo noh….saka pakisabi sa daddy mo pakakasalan ko ang ate mo. Wag sya mag-alala” iyon lang at ibinaba na nito ang cellphone.


“Pakakasalan mo ako?” nanlalaki ang matang tanong ni Ruijin sa binata.


“Oo..bakit? ayaw mo?”


“Gustong-gusto ko!!!”


“Pero sa isang kundisyon”


“Bakit may kundisyon pa?”


“Ganun talaga”


“Oh anong kundisyon iyon?”

“Sabihin mo munang mahal mo ako”


“Mahal mo ako”


“Ruijin!!!!”


Tatawa-tawa naman si Ruijin habang nakasimangot na ang binata.


“I LOVE YOU RANZELL MONTREAL!!!! AND YES I WILL MARRY YOU”


“I love you too my cute little monster”


And they sealed their love with a kiss.


=The End=

No comments:

Post a Comment