“The Most Handsome Devil in the World”
Inabala nalang ni Ruijin ang sarili sa pagsususulat. Mahigit
isang buwan na rin ang nakalipas mula nung pumunta sya sa engagement party ni
Ayesha.
Mahigit isang buwan na rin ng magkausap sila ni Ran.
Mula ng mangyari ang pag-uusap sa pagitan nila ay hindi na
niya nakita ang binata.
Iniiwasan na rin niya kasing magtagpo ang landas nila.
Nagbakasyon siya para na rin malibang ang utak niya at makapabalik na siya sa
pagsusulat.
“Kumusta na ang
paborito kong writer?” bati sa kanya ni Perona. Ang may-ari ng CaPerona. Ito na rin ang may
bitbit ng order niya.
Kapag ganun eh gusto nitong makipagkwentuhan sa kanya.
“Okay naman…maganda pa
rin”
“Nice naman..eh may
Papa ka ba namang nabingwit sa pagbabakasyon mo?”
“Sus.! Wala nga
eh..puro mga baka at isda ang nakita ko”
“It’s good to see you
back in writing Ruijin…pero parang may kulang eh”
“Ano naman ang kulang?”
“Hindi ko na yata kayo
nakikitang nagbabangayan ni Ran…wala na tuloy ang favorite loveteam namin dito
sa CaPerona” anito
at sinabayan ng tawa.
Favorite loveteaM??? Oh come on..isang malaking kalokohan
iyon.
“Hay naku Perona…tigilan
mo ang pag-iilusyon na may loveteam samin ni Ran okay? That guy is not worth of
my attention”
“Asus…aminin mo
namimiss mo din siya”
“Have a life Perona”
“Mas exciting ang life
mo eh”
“Ewan ko sayo”
“Well…well..well…
speaking of the devil…here comes the most handsome devil in the world” nakangiting sabi ni Perona habang
nakatingin sa papasok na si Ran.
Hindi ko naman maiwasang titigan ang binata. Ewan ko kung
imahinasyon ko lang ba o talagang nakatitig din siya sakin na parang ako lang
ang taong nag-eeexist sa lugar na iyon.
Titig na titig siya sakin. Sa mahigit isang buwan na hindi
ko siya nakita ay parang ang laki na agad ng pinagbago niya. Mas lalo siyang
nagmukhang matured dahil may mangilan-ngilang balbas at bigote na tumutubo na
sa mukha niya.
Pero kahit ganun ay hindi parin ito nakabawas sa kagwapuhang
taglay ni Ran. In fact mas lalo nga yatang lumakas ang appeal nito.
Hoy Ruijin.! Ano na naman iyang pinagsasabi mo. Nababaliw ka
na naman!!
Oh shuddap!!!
“Hello Ran..kumusta ka
na? ilang tao ba ang pinakulong mo ngayong araw?” biro ni Perona dito.
“Gusto mo bang
dumagdag sa listahan?” tanong naman ni Ran.
“No thanks..mahal ko
pa ang beauty ko at may balak pa akong mag-asawa.”
Hindi naman ako kumikibo. Kunwari ay di ko siya napapansin.
“Hi, Ruijin”
Umangat ang tingin ko kay Ran.
“Hi back”
“Kumusta ka na?”
“Okay lang”
Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Pareho lang kaming
nakatingin sa isat isa. Si Perona naman ay ngingiti ngiti lang habang
nakatingin samin.
“You know what..maiwan
ko na kayong dalawa dyan. Aasikasuhin ko lang yung ibang customers.” Paalam ni Perona.
Pero para kaming may sariling mundo ni Ran dahil ni hindi
man lang namin siya binigyang pansin.
“Hay naku…may sarili
na silang mundo. Oy Ran ikaw na bahala dyan kay Ruijin ah..miss na miss ka na
niyan.” Nang-aasar
na sabi ni Perona bago pumunta sa counter area.
Naiwan naman akong namumula ang mukha sa sinabing iyon ni
Perona.
Luka-lukang babaeng iyon.
Naupo si Ran sa mismong tabi ko sa may couch.
Syete naman oh..bakit kailangang sa tabi ko pa talaga siya
maupo???
“Ahhh Ran..excuse lang
ah pwede bang lumipat ka ng upuan?”
“Bakit naman?? Mas
gusto ko dito eh”
“Dun ka nalang sa
kabila. Dun sa lagi mong inuupuan”
“Ayoko nga. Mas gusto
ko dito”
“Then kung ayaw mo
pwede bang umusog ka naman kasi kanina mo pa ako sinisiksik eh”
“Ayoko din”
Aba??? Ano bang problema nitong
lalaking ito???
“Ran ano ba?!” asar na sita ko at hinarap ang
binata.
Wrong move dahil halos isang inches nalang ang pagitan ng
mukha naming dalawa.
Hindi ako nakakibo. Parang may pumipigil sa hininga ko habang
nakatitig sa mukha ni Ran at may naghahabulang daga sa puso ko.
“Namiss kita” sabi ni Ran.
Para tuloy mas lalong bumilis ang paghahabulan
ng mga daga sa puso ko. Daig pa ang hinahabol ng pusa.
Inilapit ni Ran ang mukha niya sa mukha ko lalo. Halos
magdikit na ang mga noo namin.
“R-Ran…lu-lumayo k-ka
s-sakin”
“Don’t you know how
lovely you are especially when you’re blushing like that?”
“I’m not blushing!!” tanggi ko kahit ramdam ko ang pamumula ng
mukha ko.
“Yes you are
Ruijin…yes you are…and do you also know how much I wanted to kiss you?”
“Ran ano bang
pinagsasabi mo?”
Teka nga..lasing ba itong lalaking ito??? Pero hindi naman
siya amoy alak. Ang bango-bango pa nga ng hininga niya eh.
“I said…I want to kiss
you”
No comments:
Post a Comment