He loves you… You love someone else… But “someone else” loves someone
else..
Life is really unfair and complicated.
Hindi ba pwedeng kapag mahal mo mahal ka rin at wala ng epal na iba?
Bakit kailangang may third party pa?
Bakit kailangang magulo kapag nagmahal ka?
We are the Victims of so-called LOVE.
“ Alam mo ang mabuti pa siguro tapusin na natin itong
relasyong ito eh…lagi ka namang walang panahon sakin…. Puro ka nalang work mo…
napapabayaan mo na ako” galit na
sabi ni Joseph sakin isang araw.
Great… so great… akala ko pa
naman okay kami… we even spent time together.. nanood ng
sine…nagpamassage..then nagdinner sa labas… tapos kung kelan nakauwi na kami sa
bahay saka niya pasasabugin ang bomba niya.
What a great way to end a
day.
Alam ko naman na lately eh hindi
kami okay. Medyo naging busy din kasi ako sa work ko dahil sa nalalapit na
anniversary ng company namin kaya medyo toxic talaga. Gabi na nga ako nakakauwi
ng bahay dahil puro overtime eh.
“Alam mo naman na kailangan kong magovertime diba?
Saka work iyon…sana
naman maintindihan mo ako di ba? kapag wala namang pasok magkasama tayo.. just
like today” katwiran ko naman.
“Pero mas mahalaga pa sila sayo.. mas mahalaga pa din
sayo ang mga kaibigan mo…ako? Mahalaga ba ako sayo?”
“Ano ka ba naman…mahalaga ka sakin alam mo yan pero
hindi lang sayo iikot ang mundo ko…ikaw nga hindi ko pinipigilang
makipagkaibigan sa ibang tao diba? Masasabi mo bang sa akin lang umiikot ang
mundo mo? Hindi rin naman di ba?”
dahil sa inis ay hindi ko na rin mapigilang sumigaw.
Nakakaasar na kasi. Lagi
nalang kaming ganito. Gusto niya siya na lang ng siya ang iintindihin ko.
“Ewan ko sayo…magbreak na tayo!” hamon niya.
“Okay fine!!! Break kung break…sinong tinakot mo?
Ako?!”
Dahil na rin sa sobrang taas
ng pride ko ay hindi ko na sinubukang pigilan siya sa gusto niya. If he wants
to break up with me…so be it… hindi ko siya pipigilan. Hindi naman sa dahil
masama ako kunde hindi ko lang talaga ugaling maghabol sa isang lalaking iniwan
na ako. Ayokong ipilit ang sarili ko sa ayaw na sakin.
“Ganyan ka naman eh..malakas ang loob mo… okay fine!” at walang sabi-sabing umalis siya ng bahay.
Pagkaalis naman ni Joseph ay
parang nanghihina akong napaupo sa sofa.
Ang sakit lang. Pero
gustuhin ko man umiyak ay walang luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi ko alam
kung bakit.
“Peste!! Kung ayaw na niya sakin eh di wag”
Ako nga pala si Jenna…at yung
lalaking iyon eh si Joseph. My boyfriend for four years. Sa totoo lang masyado
na din kasing complicated ang relasyon namin. Pinipilit nalang talaga naming
ayusin. Sayang din naman kasi ang apat na taong pinagsamahan namin.
Pero sadyang may mga bagay
talagang hanggang doon nalang yata talaga.
We just realized one day
that Love already left us.
= = = = =
Pero sabi nga nila…kahit na
tapos na ang isang bagay masakit pa rin talaga kapag naalala.
Parang sugat…kahit na
maghilom na may maiiwan pa rin marka.
Isang araw nakita ko nalang
sa Facebook na nagpalit na siya ng relationship status. “Single” na ulit siya…masakit
din pala na mabasa na ipinapangandalakan niya sa buong mundong Single siya.
“Sabi ko naman kasi sayo eh..iiyak mo na yan Bes” pangungulit sakin ng bestfriend kong si Miguel.
“Eh sa ayaw ko nga umiyak..okay nga lang ako”
“Hay naku Bes pati ba naman sakin magpepretend ka na
okay ka? I know your not okay…kaya nga okay lang na umiyak ka eh..para
pagkatapos niyan wala na yung sakit”
sermon niya sakin.
Minsan talaga may
pagkamakulit din itong bestfriend ko eh. Although ngayon lang siya nagreact ng
ganyan. He just really knows how hurt I am.
“Don’t worry Bes…im okay…I just need you to be here
by my side” sabi ko at naglalambing
na yumakap sa kanya.
Napabuntong-hiningang
ginantihan nalang niya yung yakap ko.
“I’m just here…don’t worry”
= = = = =
“Hay naku Jen..honestly speaking hindi ko alam kung bakit
nakipagbalikan ka pa kay Joseph eh wala na kayong spark” pagrereact ng college friend ko na si Celine.
Kasalukuyan kasi kaming nasa
bahay at nagmomovie-marathon….at nagkukwentuhan with a little help of alcohol.
Minsan lang naman kami magkasama-sama.
It’s been months mula nung
naghiwalay kami ni Joseph at iyon ang topic namin ngayon ng mga kaibigan ko.
Shock din kasi sila sa nangyari samin.
“ Akala ko kasi pwede pang ayusin eh.. sayang din
kasi kami ”
Minsan na din kasi kaming
naghiwalay dalawa ni Joseph pero nung nakipagbalikan siya ay tinanggap ko naman
dahil sa pag-aakalang mahal ko pa siya. Iyon pala may unfinished business lang
kaming dalawa. Pero ngayon nagkaroon na talaga ng closure.
“Atleast ngayon…may official closure na kayo” sabi naman ni Grace.
“Yeah right”
“Oh…shot mo na” alok ni Lanie.
“Ako na naman? Parang katatapos ko lang ah” nagtatakang tanong ko.
“Akala mo lang yun..umikot na kaya”
Wala akong nagawa kundi
tanggapin ang alak na ibinigay ni Lanie.
“so…kumusta naman kayo ni Bestfriend?” biglang tanong ni Celine
Mula kasi ng ipakilala ko si
Miguel sa mga barkada ko eh hindi na ako tinantanan ng pang-aasar ng mga ito.
Lalo na si Celine.
“Okay naman kami”
“bestfriend pa rin kayo?”
“Oo naman”
“Teka…sinong bestfriend?” nagtatakang tanong ni Lottie.
“Si Miguel…bestfriend-bestfriend-nan ni Jenna”
“Bestfriend-bestfriend-nan?”
“Oo…yung bestfriend niyang unang kita ko palang sa
kanilang magkasama eh ang lakas na ng chemistry nila…in short bagay sila” paliwanag ni Celine.
“Crush mo Jen?”
“Kulit niyo ah..sinabi ngang bestfriend ko lang yun”
“Gwapo ba?”
“Hmmm…yeah..saka ang lakas ng appeal at ang ganda ng
katawan ah infairness” sagot ulit ni
Celine
“kanina ko pa napapansin ah parang si Celine ang
panay ang sagot” natatawang sabi ni
Grace.
“Eh kasi nga type ko siya…sabi ko nga dito kay Jenna
kung talagang bestfriend lang sila ni Miguel eh kung pwede ko bang tikman…kahit
kiss lang…magtatry lang ako ng ibang putahe”
“Grabe naloloka na naman itong si Celine.” Nailing na sabi ni Lottie.
“hindi nga pwede” kontra ko
“aba aba??? Don’t tell me Jenna binabakuran mo na yun
si Miguel? Akala ko ba bestfriend mo lang yun ha?” nakataas ang kilay na tanong ni Celine.
“Hindi ko siya binabakuran okay? May girlfriend na
yung tao kaya wag ka ng umepal..mang-gugulo ka pa eh”
“Asus… girlfriend…asawa nga naaagaw girlfriend pa
kaya? Magbebreak din yun”
“ewan ko sa takbo ng utak mo Celine”
“Baka naman may gusto ka dun Jenna?”tanong ni Lottie
“kanino?”
“sa bestfriend mo”
“kulit niyo…bestfriend nga lang kami”
“bakit? Hindi ba pwede magkagusto sa bestfriend?”
Napaisip naman ako sa
sinabing iyon ni Lottie. May point nga naman siya….pero…
“hindi ako pwedeng mainlove sa kanya”
Nagulat naman ang mga
kaibigan ko sa sinabi ko.
“ha? Bakit naman?”
“kasi bestfriend ko siya”
= = = = =
“hindi ako pwedeng mainlove sa kanya”
Iyon ang isinagot ko sa mga
kaibigan ko nung tanungin nila ako kung may gusto ba ako kay Miguel
“ha? Bakit naman?”
Bakit nga ba hindi? Marami
namang cases na ganun diba?
“kasi bestfriend ko siya”
“And so??? Eh ano kung bestfriend mo siya? Nakasaad ba
sa saligang batas ng Pilipinas at sampung utos ng Diyos na bawal ka magkagusto
sa bestfriend mo?”
“adik ka ba? Hindi nga iyon nakasaad sa dalawang
bagay na binanggit mo pero number one rule ng magbestfriend iyon. BAWAL
MAINLOVE”
“Ikaw na din ang nagsabi hindi siya nakasaad sa two
important laws…meaning pwede siyang baliin…pwedeng ibreak yung rule ng
magbestfriend na bawal mainlove.”
“hay naku..kahit ano pang sabihin niyo…hindi ako
maiinlove sa kanya….” Napabuntong-hininga
ako “….nangako kasi ako”
“ahhhhhrrrrgggg...pesteng pag-ibig yan…tama na
nga..nadedepress lang ako” reklamo
ni Grace.
= = = = =
Kinabukasan ay tinawagan ako
ni Miguel.
“Hey…nanjan pa mga friends mo sa bahay niyo?”
“kaaalis lang nila..antok pa ako” nakapikit pa ang matang sagot ko sa kanya.
“Hey gising na…samahan mo ako”
“saan na naman?”
Kung minsan itong bestfriend
ko hindi rin makaintindi eh…sinabing inaantok pa ako…hallerrr?? Napuyat kaya
kami kagabi ng mga kaibigan ko…saka medyo may hangover pa ako sa ininom namin.
“ang daya mo…diba sinabi ko na sayo dati iyon? Bibili
tayo ng barong para sa kasal nila Ate”
Arrrrgggghhhh…
Oo nga pala… last week pa
niya ako sinabihan. How could I forget that?
“Ngayon na ba yun? Sige give me an hour maliligo na
ako”
“okay sige…ayoko ng pinaghihintay ako ah”
“Ang kapal ng mukha mo”
“sige na bye na” at ibinaba na niya ang cellphone.
Natutulala naman akong tumitig
sa kisame sa kwarto ko. Tinatamad pa talaga akong bumangon. Balak ko sanang
ipikit ulit ang mga mata ko ng biglang nagring ang cellphone ko.
“oh?”
pasensya na hindi uso samin ang hello eh.
“Hindi ka pa bumabangon noh?”
Great paano niya nahulaan
iyon? Hindi kaya may CCTV camera itong kwarto ko?
“babangon na…nag-uunat lang eh”
“One hour lang
ang ibibigay kong oras sayo ah..bilis na bangon na”
“Yes Boss!!!” at ibinaba ko na ang cellphone.
“Napakademanding..siya na nga lang itong magpapasama
eh…hmfpt!! Kainis” reklamo ko habang
naghahanda ng pampaligo.
After one hour ay dumating
nga si Miguel. Sakto namang tapos na din ako mag-ayos.
“Ang ikli yata ng dress mo…nakashort ka ba?” sita nito pagkakita sa suot ko.
“Oo…kaya wag mo ng tangkaing pagpalitin pa ako ng
damit dahil matatagalan pa tayo. Tara na” at inakay ko na siya palabas ng bahay.
Sa isang mall kami nagpunta
para bumili ng barong na gagamitin ng mga abay sa wedding ng ate niya.
“bes ikaw na mamili..ito yung mga size oh” sabi niya sakin at inabot sakin ang papel na
naglalaman ng mga measurement ng abay.
“At bakit ako? Anong alam ko jan eh hindi naman ako
lalaki” tanggi ko.
“tignan mo lang kung maganda ang design.”
Wala akong nagawa kundi ang
magtingin-tingin sa mga barong na nakadisplay.
“Eto poh Mam..Sir… best seller po namin ito” sabi nung sales lady at inabot samin ang mga barong.
“what do you think Bes?” tanong sakin ni Miguel.
“Okay lang…kaya lang parang masyado namang OA ang
design nitong isa….itong isa okay lang simple pero may dating” sabi ko.
“ate…itong isa ang kukunin namin…may mga sizes ba
kayo nito?”
“meron po sir”
Ganun ng ganun ang ginawa namin.
Tagalait…tagapili at taga comment lang ako nung mga inooffer nung saleslady.
“Ikaw ba may isusuot ka na?” tanong ko
“wala pa nga eh”
“naku Mam..I’m sure magiging gwapo yan si Sir sa
kasal niyo” biglang singit ni Ateng
saleslady.
“ahhh ano daw??? Kasal?” natatawang sabi ko. “Naku ate nagpapatawa ka ba?”
“Hindi po ako pakakasalan niyan” sagot naman ni Miguel
“bakit naman mam? Hindi niyo pakakasalanan si Sir?”
Napagkamalan pa yata kaming
magjowa nito eh.
“Eh kasi Ate…hindi ko po boyfriend yan”
“ay sorry po”
Yan kasi si ate
eh..echusera.. tSk!!
“Sa walong napili natin Bes..ano sa tingin mo ang
bagay sakin?” tanong ni Miguel
habang nakatingin sa mga napili naming barong.
Sa wakas ay natapos na din
kaming mamili.
“Hmmm…lets see..” sagot ko at tinignan din ang mga barong.
Kinuha ko ang isang barong
na maganda sa paningin ko.
“Here…try to fit this one”
Ipinatong naman ni Miguel
ang barong sa damit na suot niya.
“Bes…what do you think?”
Tinitigan ko siya… Well he
looks perfect.
“I like it….yan nalang sayo…ang gwapo mo jan eh” sagot ko habang inaayos ang butones ng barong.
“talaga? Sige…sabi ko na eh gwapo talaga ako” pagyayabang nito.
“wala na…nagkakalokohan na tayo..hubarin mo na yang
barong”
Binalingan naman ni Miguel
si Ateng Saleslady.
“diba ate gwapo ako? Kapag sinabi mong hindi di ko
bibilhin ito?” pagbibiro niya.
“Gwapo naman talaga kayo Sir eh”
“uy!!! Si Ate nagkakacrush sakin”
Nakatikim tuloy ito ng kurot
mula sakin.
“Adik ka talaga.. pati si Ate niloloko mo. Hubarin mo
na yan ng matapos na tayo at gutom na ako” sita ko at tinulungan na siyang hubarin ang suot na barong.
“Bes wag dito…nakakahiya” again…another kurot from me.
Luko-lukong lalaki ito.
“oh ate pakibilisan nalang at gutom na itong bestfriend
ko. Nangangain ng tao yan pag nagugutom”
Agad namang ibinalot ni Ate
ang mga pinamili namin.
= = = = =
“saan mo gustong kumain?” tanong sakin ni Miguel
“kahit saan…ahhmmm…gusto ko ng halo-halo…Chowking
nalang tayo”
“Okay”
Sa may Chowking nga kami
kumaing dalawa… since pareho naman kaming mahinang kumain eh konti lang ang
pinaorder ko sa kanya.
“bilisan mong kumain ah…pupunta pa tayong Dangwa” sabi niya habang kumakain kami.
“bakit? Anong gagawin natin dun?”
“magca-canvass ng flowers”
“Ganun? Okay sige…papagurin mo na naman ako”
“Puro ka reklamo”
“Hanggang reklamo lang naman ako eh” kasi sa ayaw at sa gusto ko sumusunod pa din naman
ako sa gusto niya.
“Kaya nga wag ka ng magreklamo”
Wala rin akong nagawa kundi
sumama sa kanya.
= = = = =
Isang linggong nawala si
Bes. Umuwe kasi siya sa province nila para sa kasal ng ate niya. Isang lingo ko
siyang hindi nakita at nakasama. Namimiss ko na si Bes. Matext nga muna.
“Kumusta Bes?”
“I’m with Vera” iyon ang isinagot niya sa text ko.
Ouch! Kasama pala niya si
Girlfriend kaya hindi siya nagtetext sakin.
“Ahhh ganun ba? Okay sige..enjoy” reply ko.
“Call you later” sagot niya.
Hindi ko na siya nireplyan.
Magkasama pala sila ng girlfriend niya. Minsan lang silang magkasama kaya ayoko
ng umepal pa. saka baka magselos yung girlfriend niya sakin.
Minabuti ko nalang manood ng
TV.
Hanggang gabi ay naghihintay
ako ng text o tawag mula kay Bes. Pero wala. Nang matutulog na ako ay sinubukan
ko siyang itext ulit.
“Bes…”
Iyon ang itinext ko sa
kanya.
“Bes sorry..I’m still with Vera” pagkatapos ng ilang minute ay reply niya.
“ok. Gudnyt’
Hindi na niya ako nireplyan
kaya ipinasya ko nalang na matulog na. may pasok pa ako bukas.
= = = = =
“Uy si Miguel oh” sabi ng officemate ko habang kumakain kami sa canteen.
Agad naman akong napatingin
sa likod ko. Pero wala akong nakita. Pagtingin ko sa officemate ko ay napailing
nalang siya.
“Ngayon mo sabihing wala kang gusto sa kanya” napapailing na sabi nito.
“Mikko naman eh”
“May gusto ka ba kay Miguel? Yung totoo”
Hindi ko siya sinagot at
ipinagpatuloy ko nalang ang kumain. Nakakainis. Alam ko namang sa susunod na
araw pa ang uwe ni Bes kaya bakit lumingon pa ako. Namimiss ko nalang kasi
talaga siya.
“Jenna…nandito naman ako eh. Hindi ka kayang mahalin
ni Miguel. Pero ako kaya kitang mahalin”
Tinignan ko si Mikko.
Honestly wala namang masama sa kanya. He’s kind, sweet at gwapo din naman. Pero
ewan ko ba at wala akong madamang special sa kanya.
“I’m sorry Mikko pero alam mong hanggang friendship
lang kaya kong ibigay sayo”
Kung minsan naisip ko na
ding sagutin ang panliligaw ni Mikko at baka sakaling madistract ako. Pero
hindi ko talaga kayang pilitin ang sarili kong magmahal ng iba.
“Naiintindihan ko. Basta if you need me..i’m just
here”
Ngiti lang ang isinagot ko
sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.
= = = = =
Everythings back to normal.
Nakauwe na si Bes. Lumipas ang ilang buwan na ganun parin ang set-up naming.
Magkaibigan pa din kami. Si Mikko naman ay tumigil na din sa panliligaw sakin.
He’s too good for me. Balita ko ay may iba na siyang pinopormahan.
“alam mo ba Bes…nakakatawa kasi tinatanong ako ni
Doktora kung tayo daw ba” sabi nito
minsang pauwe na kami.
“Oh? Anong sabi mo?”
“sabi ko imposibleng maging tayo dahil hindi kita
papatulan kasi may girlfriend ako at magkaibigan lang tayo”
“Ahhh..okay”
Alam mo yung feeling na
gusting sumabog ng dibdib mo sa sobrang sakit? Iyon ang naramdaman ko. Bumaba
na ako ng sasakyan.
“Sige dito na ako” paalam ko.
“Oh? Hindi naman dito ang bahay niyo ah”
“may pupuntahan pa ako..mauna ka na” sabi ko at nagmamadaling umalis na.
I don’t want him to see me
crying. I don’t want him to know that I’m hurt.
Sobrang sakit. Iba pa rin
talaga pala yung feeling na maririnig mo sa kanya na hindi pwedeng maging kayo.
Kahit alam mong sa umpisa palang ay iyon na ang totoo.
Iyak ako ng iyak habang
naglalakad. Eksakto namang umulan. Mukhang nakikisimpatya ang panahon sa
nararamdaman ko. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pagbuhos din ng
lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Kaya hindi ko masyadong
iniiyakan ang paghihiwalay naming ni Joseph…kaya hindi ko magawang mahalin si
Mikko…iyon ay dahil may ibang gusto ang puso ko.
Mahal ko si Miguel. Matagal
na..pero dahil sa nangako ako sa kanyang magiging kaibigan ko siya ay itinago
ko ang nararamdaman ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Kahit kapalit
nun ang sakit na nararamdaman ko.
Sunod-sunod na text at tawag
mula kay Miguel ang natanggap ko. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko sinagot.
I just want to have some time for myself.
Nang makauwi ako ng bahay ay
agad akong umakyat sa kwarto ko matapos magpalit ng damit. Pagcheck ko ng
cellphone ko ay 50 misscalls at 10 messages ang natangap ko mula kay Miguel.
Ipinasya kong replayan siya.
“I’m home”
Tawag naman ang isinagot niya sakin.
“Saan ka ba galing? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo
ah! Ang lakas ng ulan. Nagpakabasa ka na naman ba??? Pasaway ka talaga! Saan ka
galing??!!”
“Jan lang”
“Anong jan lang? kanina pa ako nag-aalala sayo eh”
“Stop caring”
“Ano??!! Ano bang problema mo?”
“Stop caring..stop acting concerned to me” nararamdaman kong gumagaralgal na ang boses ko.
“Bes, ano bang problema mo? Umiiyak ka ba?” tanong niya.
“Gusto mong malaman ang problema ko?”
“Oo. Ano ka ba?! Bestfriend mo ako diba?”
“Ikaw! Ikaw ang problema ko”
“Ako? Bakit ako?”
“Kasi bestfriend kita”
“Ha???ano bang pinagsasabi mo jan hindi kita
maintindihan.”
“Mahal kita bes…matagal na..pero alam ko namang
hanggang bestfriend mo lang ako eh..okay lang naman sakin yun eh..i’m just
hurt…and broken…hindi ko naman kasi alam na ganito pala kasakit. Kahit na
umpisa palang naman alam kong hindi mo ko magagawang mahalin tulad ng
pagmamahal mo kay Vera iba parin pala yung sakit kapag mismong sa bibig mo na
nanggaling. Ang sakit-sakit” umiiyak na sabi ko.
“Bes…”
“wag…wag kang maawa sakin. I don’t need that. I just
need time to cope with myself…I just want to cry… I don’t want this pain…I
don’t deserve this…pero wala eh..minahal kasi kita..so I guess I deserve this
pain..pero hindi ako nagsisisi because knowing you and loving you is the best
thing that ever happened in my life.”
Katahimikan ang dumaan sa
pagitan naming dalawa. Tanging hikbi ko lang ang maririnig.
Maya maya ay nagsalita siya.
“I’m sorry Bes…I’m really sorry” iyon ang huli kong narinig sa kanya bago ko ibaba
ang telepono at muling umiyak.
The End
No comments:
Post a Comment