[Pa-Re’s Crazy Love Story Part 4]
[Paul’s POV]
“Paul umamin ka nga sakin…may gusto ka
ba kay Regine?”
“Anooo???”
Ayan
namatay tuloy bigla yung character ko.
Nandito
ako ngayon sa bahay nila Jeirick at Jhonah at kasalukuyan kaming naglalaro ng
X-Box ni Jeirick ng magulat ako sa tanong na iyon ni Jhonah dahilan para mawala
yung concentration ko sa laban namin ni Jeirick.
“Ano-ano ka dyan…may gusto ka nga ba
kay Regine?” tanong ulit ni Jhonah.
“Ha??? Ahhh…” hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa pinsan ko
na may gusto ako kay Regine eh bestfriend niya yun eh.
Teka..bakit
kay Richelle nasabi ko? Well alam ko kasing si Richelle hindi talaga
magsasalita iyon..eh itong pinsan ko..numero unong madaldal ito eh.
“May gusto ka nga”
“Hoy wag ka ngang magconclude agad
hindi pa ako sumasagot”
“tol kahit hindi mo na sagutin…sa bagal
mong sumagot obvious na yung sagot eh..hanudaw??” natatawang sabi ni Jeirick.
“Kung may gusto man ako kay Regine..ano
naman sayo?”
“Eh adik ka pala eh.matagal ko ng alam
na may gusto ka kay Regine…matagal na tayong magkakabarkada..at sobrang obvious
ka kaya”
“hindi naman eh”
Kung
obvious ako eh di dapat matagal ng alam ni Regine yun diba?
“Ang sabihin mo torpe ka”
Itinigil
ko muna yung nilalaro ko at hinarap ang pinsan kong prenteng nakataas ang mga
paa sa sofa habang nagbabasa ng Manga na binigay ko sa kanya.
“Hindi ako torpe”
“Tsk! Kaya pala…kung hindi ka
torpe.magpakalalaki ka..manligaw ka ng matino kay Regine..kasi yung babaeng yun
may pagkamanhid din at slow ang loading ng utak nun…kaya diretsahin mo na
agad..wag ng paligoy-ligoy pa”
“Wow ah..kung makapagadvise ka wagas
ah…base on experience ba yan?”
“Mukha mo!”
Pero
infairness may point naman si Jhonah eh…kelan ba ako magkakaroon ng lakas ng
loob na magtapat kay Regine? Kapag may isa na namang “Jeirick” na dumating?
***
[Regine’s POV]
“Regine anak may bisita ka” marahang katok ni Mommy sa kwarto ko.
“Sige My..bababa na ako” sagot ko at inoff ang computer.
Sino
kaya ang posibleng bisita ko eh gabi na? imposible namang sina Richelle at
Jhonah kasi didiretso na yun dito sa kwarto ko eh.
Habang
pababa sa sala ay iniisip ko kung sino ang maaring maging bisita ko. Ganun
nalang ang gulat ko ng makitang si Paul ang naghihintay sa akin. Agad siyang
tumayo ng makita ako.
“Goodevening Regine” bati ni Paul at inabot sa akin ang bulaklak na
nakapatong sa mesa “flowers for you”
“Oh? Ano namang drama iyan Paul at may
flowers effect ka pa?” nagtatakang
tanong ko.
“Ito naman nambabara agad…tanggapin mo
nalang”
Kahit
naguguluhan eh tinanggap ko na din naman yung mga bulaklak…sayang eh.
“Thanks..upo ka…bakit nga pala
napadalaw ka?”
“Ahhmmm..ano kasi..ahhh,,”
“Ano?”
“p-pwede…bang…manligaw?”
Bigla
naman akong nagulat sa sinabi niya…teka…tama ba ang pagkakarinig ko?
“Manliligaw?? Ikaw??? Kanino?”
“Syempre sayo…magpapakahirap ba akong
humarap sayo…pumorma..at magdala ng bulaklak bilang props kung sa iba ako
manliligaw…??? Common sense lang eh”
“Aba???
Sa lahat naman ng kilala kong manliligaw ikaw ang demanding at pilosopo ah..”
“Hehe…sorry naman…kinakabahan kasi ako
eh” napapakamot nalang si Paul sa
batok.
“Umayos ka! Bakit ka manliligaw?”
“Ano bang dahilan ng lalaki para manligaw?”
“Aba
malay ko?? Hindi naman ako lalaki”
Nagseryoso
bigla si Paul.
“Redge…alam kong si Jeirick ang mahal
mo…pero gagawin ko ang lahat para lang mapatunayan sayo na seryoso ako
sayo…I’ve been inlove with you since highschool…pero hindi ko magawang magtapat
sayo kasi puro nalang si Jeirick ang nakikita mo..tapos lagi ka pang inis
sakin..lahat na ng pagpapapansin ginawa ko na..pero wa epek pa din..okay lang
sakin kahit na sa tuwing makikita mo ako eh maiinis ka sakin..atleast
napapansin mo ako…pero Redge…hindi okay sa puso ko eh..kasi nasasaktan na
ako..pero wala eh..mahal talaga kita eh”
Napakaseryoso
ni Paul sa mga sinabi niya. Hindi ko alam pero parang may malamig na kamay na
humaplos sa puso ko. All those years pala Paul is inlove with me..pero dahil si
Jeirick lang ang nakikita ko hindi ko man lang napansing mahal ako ni Paul…
napakaironic talaga ng buhay.
Minsan
nasa harapan mo na kaso hindi mo pa nakikita,
Wala
namang shape,size, texture, color at smell ang love kaya hindi madaling marecognized
eh.
Iyon
ang salitang sinabi sakin ni Richelle noong kasalukuyan akong nagluluksa sa
pagkabigo ko kay Jeirick.
Tama
siya..
“Kahit okay lang sa akin na lagi kang
galit kapag nakikita mo ako…mas gusto ko din naman na kapag narinig mo ang
pangalan ko..mapapangiti ka…kahit man lang sa simpleng bagay na iyon…masaya na
ko.”
Sinong
mag-aakalang ganito kacorny ang lalaking ito?
“Huwag ka ngang magdrama dyan..hindi
bagay sayo..mas…mas gusto ko kapag nakangiti ka” nahihiyang sabi ko.
Agad
namang ngumiti si Paul dahil sa sinabi ko.
“Sabi ko na gwapo ako eh”
“Wala akong sinabing gwapo ka”
“Hehe…wala nga…so..pwede na ba kitang
ligawan?”
“Kapag sinabi ko bang hindi pwede
titigil ka?”
“hindi”
Nagkibit-balikat
ako.
“See? Bahala ka..manliligaw ka lang
naman eh..wala naman akong sinabing sasagutin kita”
“Okay lang…hindi ko naman hinahangad na
mapasaakin ka eh…ang sa akin lang eh mapasayo ako” nakangiting pahayag ni Paul dahilan para mapatawa
ako.
“ang corny mo” tukso ko sa kanya.
“Ganun talaga kapag inlove…nagiging
corny”
“Sabi mo eh”
Tumayo
na si Paul at nagpaalam.
“sige gabi na…gustuhin ko mang makausap
ka pa eh baka mapuyat ka…kita nalang tayo bukas” paalam ni Paul.
“Oo nga eh..istorbo ka kasi” biro ko.
Nginitian
ako ni Paul. Adik na lalaki ito porket sinabi kong mas gusto kong makitang
nakangiti lagi na ngang nakangiti.
“Goodnight Regine…paalam mo na din ako
kina Mommy…..mo hehe”
“Sige….Mommy..uuwi na si Paul” sigaw ko
Mula
naman sa kusina eh lumabas si Mommy.
“naku Paul uuwe ka na? hindi ka man
lang pinakain nitong si Regine”
“Okay lang po yun tita…masyado po talagang hospitable yang anak
niyo”
Marahang
hinampas ko naman sa braso si Paul gamit ang bulaklak na bigay niya.
“Uy! Sayang yung flowers..mahal iyan” pag-iwas naman ni Paul
“Hay naku….lovers….naalala ko tuloy ang
kabataan ko” kinikilig na sabi ni
Mommy.
Ano
namang nakakakilig sa aming dalawa? Abnormal din si mommy eh.
“Sige tita..bye po” paalam ni Paul at humalik sa pisngi ni mommy.
“bye..mag-ingat sa pagmamaneho ah…may
dala ka bang sasakyan?”
“Opo tita..mag-iingat po
ako..pakakasalan ko pa po yang anak niyo eh”
“Hindi ka pa nga nagsisimulang manligaw
kasal ka na agad dyan” nakairap na
saway ko.
“Futuristic kaya ako”
“Sige na..lumayas ka na..matutulog na
ako”
“Okay..byebye…goodnight”
Napangiti
nalang ako habang tinatanaw ang papaalis na si Paul.
“Luko-luko”
“Mas gusto ko si Paul kesa kay Jeirick
para sayo”
“Mommy!”
Nagulat
pa ako dahil ang akala ko eh nasa loob ng bahay si Mommy. Di ko alam na
sinundan pala niya ako dito sa garahe.
“Alam mo My na may gusto ako kay
Jeirick?” nagtatakang tanong ko.
Inakbayan
ako ni Mommy habang papasok kami ng bahay.
“Syempre naman Mommy mo ako eh..saka
natatandaan mo ba dati everytime na aalis tayo nun lagi kang may dalang
pasalubong para kay Jeirick?”
“Hindi mo ba gusto si Jeirick Mommy?”
“Gusto ko naman kasi mabait at
responsableng bata iyon…pero alam ko din na kapatid lang ang turing niya sayo…at
alam ko din na may gusto sayo si Paul kasi kinausap niya kami ng daddy mo noon.”
“what? Kinausap kayo ni Paul?”
Hindi
ko yata alam iyon? Kelan nangyare iyon??
“Oo..kaya nga napahanga niya kami ng daddy
mo eh”
Sira
ulong Paul iyon…kinausap niya ang parents ko without my knowledge.
“Think carefully Regine..pero kung
magustuhan mo man si Paul eh wala kaming tutol ng daddy mo…sige na…ikaw na ang
magsara ng bahay at matutulog na ako…matulog ka na din”
“Yes Mommy…goodnight”
Matapos
ilock ang pinto eh umakyat na ako sa kwarto ko. Sakto namang tumunog ang
cellphone ko.
1 message received
Goodnight
Regine…sweetdreams..iloveyou <3 –Paul
I
lay down in my bed with a smile on my face.
***
Dear Diary,
Mukhang nagkakamabutihan na sina Regine
at Paul…mabuti yan…
Sabi na eh…99.9% ang probability na
magkakaayos din sila..
Yung 1 % incase pumalpak ang plano ko..
Kailangang nga lang talagang tanggalin
ang sore eyes sa mata ni Regine..
Happy ako para sa kanila…
Sino naman kaya ang isusunod ko?
Yours truly,
-Alias Kupido
No comments:
Post a Comment