Friday, March 01, 2013

Friends Zone : Chapter 23



 [ The Promise]



[Jeirick’s POV]


Nandito ako ngayon sa bar. Tinext kasi ako ni Laxus na magkita daw kami. May problema yata si mokong.


Naabutan ko siyang mag-isang nakaupo sa bar counter.


“Hey bro! what’s up” bati ko sa kanya at marahang tinapik siya sa balikat. Pansin kong may baso na ng alak sa lamesa niya.


“Yow!”


“Problem?”


I seat at his side and ordered a light drink. Ayokong maglasing.


“Bro…bakit ganun? Bakit ang sakit sakit?” simula ni Laxus.



Hindi ko naman alam kung anong dapat sabihin kaya nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa kanya.


“Anong masakit? Ulo mo? Mukhang madami ka ng nainom eh” tinangka ko pang magbiro.


“Hindi bro..eto oh…eto” sabi ni Laxus at hinampas hampas pa yung dibdib niya.


Nagetz ko naman ang ibig niyang sabihin. Pero I didn’t expect lang na makikita siyang ganun.


“What is it Laxus?”


“Jeirick…hindi ko siya niligawan kahit gustong gusto ko siya..kahit na mahal ko siya kasi nangako ako sayo. Nangako akong hindi ako manliligaw kahit kanino sa kanila para hindi magkaroon ng problema… pero Tol…bakit ang sakit sakit makita siya na pag-aari na ng iba? Pesteng pangako kasi iyan eh!”


Nanatili akong tahimik. Partly may kasalanan ako kung bakit nagkakaganito si Laxus. Kaya hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya.


Isang pangako….


Dahil sa isang pangako.


=flashback=


15 years old palang kami nun. 4th year highschool. Panahon kung saan uso ang mga ligawan..syota…asaran…


“Uy tol balita ko nililigawan mo daw si Vanessa ah..yung taga section 3?” tanong ko kay Laxus.


“Ano ka ba tol…break na kaya kami nun..huli ka na sa balita.”


“Hala..eh kanina ko nga lang nalaman na nililigawan mo tapos ngayon break na kayo?..tindi mo tol” nailing na sabi ko.


“Ganun talaga ang mga gwapings” pagyayabang niya pa sakin.


Kilala bilang babaero si Laxus sa school namin, hindi ko nga din maintindihan kung bakit hinahabol iyan ng mga babae kahit alam nilang babaero. Sa amin kasing magkakabarkada… si Laxus ang parang naunang magbinata… siya ang pinakapopular nun sa eskwelahan.. laging inilalaban sa mga contest ng pagwapuhan.


“ikaw na tol… ikaw na”


“kuya!!!!” napalingon kami sa tumawag sa akin.


Ang kapatid kong si Jhonah kasama ang mga kaibigan nitong sina Regine at Richelle ang papalapit sa amin.


“Hoy! Bulinggit!” pang-aasar ni Laxus dito.


“Panget” ganti naman ni Jhonah


“anong panget ka dyan..mamaya marinig ka ng mga fans ko magalit sayo yun”


“Ewan ko sayo…..kuya libre mo kami ice cream” paglalambing ni Jhonah sakin.


“Oo nga kuya Jeirick…libre mo kami…si Jhonah kasi ayaw manlibre eh...highest score siya kanina sa test” segunda naman nina Regine at Richelle.


“Oy teka nga..kelan ko kayo naging kapatid ah?”


“Ngayon lang”


“May klase pa kami eh…kayo nalang”


“Pengeng pera”


“itong bulinggit na batang ito mukhang pera” pang-aasar ni Laxus sa kapatid ko at ginulo pa ang buhok nito.


“Tigilan mo nga ako panget”


Dumukot ako ng pera sa wallet ko.


“Oh ito na..lumayas na kayo..darating na teacher namin…congratz dahil highest score ka sa exam”


“Sus! Anong bago dun? Eh kalahi yata ni Einstein yang kapatid mo” nailing na sabi ni Laxus


Tuwang-tuwa naman yung tatlo sa ibinigay kong pera. Sadyang kuripot lang talaga iyang kapatid ko. Ayaw gumastos.


Napansin kong sinusundan ng tingin ni Laxus yung tatlong papalayo.


“hoy!” untag ko sa kanya dahilan para mahulog siya sa upuan.


“Tol naman eh”


“Ang layo ng tingin mo eh..baka matunaw yun”


“Sira”


Nagseryoso ako ng mukha.


“Laxus…”


“Oh?”


“Mangako ka sakin..”


“Ng ano?”


“Mangako ka..na kahit anong mangyari…hindi mo liligawan ang kahit sino sa tatlong iyon…mangako ka”


“Ha? Okay ka lang?”


“Mangako ka” mariing sabi ko.


“Fine! Hindi mo kailangang sabihin sakin iyan..dahil wala naman akong balak ligawan kahit sino dun sa tatlo”


Saka lang ako nakahinga ng maluwag.


“Mabuti kung ganun”


=end of flashback=



“Alam mo ba kung gaano ko katagal itinago ito sa dibdib ko tol? Matagal na..bago pa man ako mangako sayo nun..may gusto na talaga ako sa kanya…kaso torpe ako eh..pagdating sa kanya nahihiya ako…mula kasi pagkabata kilala ko na siya..we almost grew up together…sa sobrang tagal naming magkakilala nawalan ako ng loob na sabihin sa kanyang gusto ko siya..na mahal ko siya..pero ang sakit sakit palang makita siya sa iba…ang sakit dito..”


Tinapik tapik ko nalang sa balikat si Laxus. Sa tagal naming magkakilala ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito kaya seeing him like this..masakit din para sa akin bilang kaibigan niya.


“Mahal ko siya tol…mahal ko si…Richelle napayukyok nalang si Laxus sa ibabaw ng mesa.


Nakatulog dala ng sobrang kalasingan.


Kinuha ko ang cellphone ko at idinayal ang numero ng kapatid ko.


“hello Jhonah? Pumunta ka nga dito sa bar ni Tito Jake sa Makati… wag ka na magdala ng kotse…magtaxi ka nalang”


“Kuya..paano ako magdadala ng kotse eh hiniram mo kaya kotse ko”


“Oo nga pala” nasa talyer kasi ang sasakyan ko. Nabangga kahapon.


“Basta pumunta ka nalang dito.. now na..bilisan mo”


“Bakit ba? Anong meron? Lasing ka? Di ka makauwe?”


“Hindi ako..si Laxus”


“Ha? Si Laxus? Lasing?”


“Oo..kaya pumunta ka dito..ikaw magdrive ng kotse mo..ihahatid ko si Laxus sa kanila.”


“Bakit pa? puntahan mo nalang sa itaas si Tito Jake… dyan mo muna palipasin ang kalasingan niyan ni Laxus… wag na kayo umuwe. Ayokong pumunta dyan.  Gabi na..baka makidnap ako”


“Hay naku kahit kelan ikaw bata ka wala akong maasahan sayo”


“Sige na kuya babye na..matatalo na ako ni Earl oh”


“Magkasama kayo ni Earl?” gulat na tanong ko.


“Oo. Hinihintay ka niya eh habang wala ka pa hinamon ko muna siyang maglaro ng Xbox.”


“Asus! Kaya naman pala ayaw mo ng lumabas eh..andyan si Earl” pang-aasar ko sa kanya.


“Kuya!!! Ang epal mo! Babye na!” at pinatay na niya ang telepono at kinausap ang bartender.


“Nandyan ba si Tito Jake?”


“Si Sir Jake po? Nasa itaas po”


“Pwede pakisabi nandito si Jeirick? Pamangkin niya ako”


“Sige po.


Muli kong pinagmasdan ang tulog na si Laxus.


“I’m sorry tol”


* * *


♪♪♫ Silent night! holy night!
All is calm all is bright
Round yon virgin mother and child
Holy infant so tender and mild
Sleep in heavenly peace
Sleep in heavenly peace♫♪♪


Nakatitig ang batang lalake sa batang babaeng kumakanta sa simbahan. Hindi niya maialis ang tingin niya dito… Christmas week noon at naisipan ng magulang niya na bumisita at magpalipas ng pasko sa lola niya…at ngayon nga ay nasa simbahan silang buong pamilya. First time ni Gray na magcelebrate ng Christmas sa Pilipinas. Kaya naman medyo tahimik lang siya. Nalulungkot kasi siya dahil hindi niya nakasama ang mga kalaro niya sa America.


Habang abala ang mga magulang sa pagkausap sa mga kakilala ay naglibot libot muna ang batang lalake sa paligid ng simbahan. Napansin niya ang isang batang nakaupo lang sa labas ng simabahan. Ito yung batang babaeng kumakanta kanina.


Dahan-dahan siyang lumapit dito.


“ahhhmmm excuse me?” tanong niya paglapit dito.


“Anong kailangan mo?” sagot nung batang babae.


“Are you crying? Are you lost?” magkasunod na tanong niya. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nung bata. “Do you understand English?”


“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Nawawala ka ba? Dun ka magtanong sa pulis” sagot nung bata.


He can understand Tagalog dahil minsan iyon ang salita sa bahay nila sa America kaya naman his parents see to it na marunong siyang magsalita ng sarili niyang wika.


“Hindi ako nawawala. Baka ikaw iyon?” sagot ng batang lalake.


“Marunong ka naman palang magtagalog eh. Hindi ako nawawala. Tagarito ako eh.”


“Talaga? Napanod kitang kumanta kanina. Ang galing mo”


Bumakas ang lungkot sa mukha ng batang babae.


“Hindi naman ako napanood nila Inay at Itay.”


“It’s okay.. I’m sure they will be proud of you.” Sabi ng batang lalake at nginitian yung batang babae.


Sa wakas ay nakita ko ding ngumiti siya. Ang cute cute niya. Sana lagi nalang siyang ngumiti.


“What’s your name? Im---“ bago pa niya masabi ang pangalan niya dun sa bata ay may isa pang batang babae na lumapit dito. The new girl looks like a spoiled brat.


“Where have you been?! Mom is looking for you all over the church! I want to go home!” maktol nito.


Napayuko nalang yung batang babaeng kausap ko.


“Sorry”


Bago tuluyang umalis ay ngumiti pa muna sa batang lalake yung batang babae.


“Sayang I didn’t have a chance to ask her name.” nasabi niya sa sarili. “Will I ever see her again?”


***


[Gray’s POV]


Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip lang pala. Hindi ko maintindihan kung bakit parang madalas ko yatang mapanaginipan ang pangyayaring iyon sa buhay ko. That was a very long time ago. Six years old palang yata ako nun or seven. Anong reason at bakit napapanaginipan ko na naman siya?


Dahil naputol na din naman ang tulog ko ipinasya ko nalang na bumangon na.


It’s already 7:00 in the morning. 10:00AM pa naman ang pasok ko sa eskwela.


Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang doorbell sa labas ng condo unit ko.


Sino naman kaya itong posibleng nang-iistorbo sakin?


Baka yung katabi kong unit na naman. Baka manghihingi na naman ng asukal.


Without bothering to put my t-shirt on at tanging boxer shorts lang ang suot ay binuksan ko ang pinto para lang mashock sa kung sino ang makikita ko.


“Yvette?”


“Hi Gray… it’s nice to see you again”


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. I just stood there looking at her as if I’ve seen a ghost.


Well actually I really think she’s a ghost.


“Hindi mo ba ako papapasukin?” nakangiting tanong niya.


“Sorry…pasok ka”


Nang makapasok si Yvette ay nag-excuse muna ako sa kanya upang magsuot ng t-shirt.


Prente na siyang nakaupo sa sofa ng bumalik ako.


“Drinks?” alok ko.


“No thanks”


“What do you want?” tanong ko sa kanya.


“I need your help Gray…. I want Trace back” mariing wika ni Yvette.


***


No comments:

Post a Comment