[JM’s POV]
Akala ko magiging masaya at memorable ang pagpunta naming sa Baguio .
Memorable nga pero hindi masaya.
Naaksidente ang sinasakyang kotse nila Lieu at Vince.
Malubha ang lagay ni Lieu at nawawala ang katawan ni Vince. Ipinagpalagay na ng mga pulis na patay na siya.
Awang-awa ako kay Aya kasi sobrang sakit ng nangyaring iyon para sa kanya kaso wala naman akong magawa eh.
Naaawa din ako kay Lieu kasi ang daming nakatusok sa katawan niya. Kaya nga I decided to myself na alagaan nalang muna siya.
“You don’t have to do that you know.” Pigil sakin ni Lieu habang sinusubuan siya ng ponkan.
“Do what?” inosenteng tanong ko habang isinusubo sa kanya ang prutas.
“This.”
“gusto ko ang ginagawa ko kaya wag ka ng umangal diyan.”
At ipinagpatuloy ang pagpapakain sa kanya.
“Anong sinabi ni Jake. Magagalit yun sa ginagawa mo.”
Napakunot ang noo ko.
“Ano namang kinalaman ni Jake sa ginagawa ko?”
Hindi sumagot si Lieu at nag-iwas ng tingin.
“Bakit mo ginagawa ito JM?” seryosong tanong niya sakin.
Napatigil ako. Bakit ko nga ba ginagawa ito?
“kasi gusto ko.”
“umaasa ka ba na magugustuhan at mamahalin kita kaya ginagawa mo ito?”
Tumingin ako sa kanya at inilapag ko ang ponkan sa ibabaw ng lamesa.
“Kailangan ba lahat ng bagay na ginagawa ng isang tao may dahilan? Bakit hindi mo nalang tanggapin na gusto ko ang ginagawa ko? Wag mo na akong tanungin kung bakit, ano, o paano ko nagustuhan dahil hindi ko rin naman sasabihin.”
Napangiti si Lieu.
“You’re so stubborn you know that?”
“I know. Alam ko din na maganda ako.”
“Ang yabang mo.”
“Mas mayabang ka.”
At napuno ng tawanan naming dalawa ang silid na iyon.
This is the first time na nag-usap kami ni Lieu ng hindi nagbabangayan o nag-aasaran and it feels good.
(>_<)
[Jake’s POV]
Papasok na sana ako sa silid na inookupa ni Lieu nang may marinig akong tawanan. Medyo nakaawang yung pinto kaya sumilip muna ako.
There I saw Lieu and JM. Mukhang ang saya-saya nila.
Hayy naku!!! Nagagawa nga naman ng inlove oh.
Napailing nalang ako at nilisan ang lugar na iyon. Hindi na nila kailangang makita ako. Ayoko ng makaistorbo pa sa kanila.
Sa isang bar ako dumiretso pagkagaling ko ng ospital. Ewan ko ba pero I have this feeling na gusto kong uminom. Diretso ako sa counter. Wala pang masyadong tao dahil hindi pa naman peak night kaya okay lang.
“Miss, isang hard nga diyan.” Sabi ko sa waitress.
“May pambayad ka ba?” atribidang tanong sakin nung waitress.
“Ikaw?!” badtrip naman oh sa dami ng pwede ko pang makita ngayong gabi ito pang babaeng ito.
“Nice to see you here Jake. Pero hindi ka dapat naglalasing. Brokenhearted ka ba?” nang-aasar na tanong ni Queen.
“That’s none of your business.” Asik ko.
“Well, it’s mine dahil baka kapag nalasing ka eh manggulo ka pa dito.”
“Ano bang ginagawa mo dito? Wag mong sabihing waitress ka dito at hindi ako maniniwala.”sarkastikong sabi ko sa kaniya.
“tama lang na hindi ka maniwala dahil hindi naman talaga ako waitress eh. My friend owns this bar kaya naman dinadalaw ko lang siya.”
Umalis ito sa likod ng bar counter at naupo sa tabi niya.
“So, anong ginagawa mo dito? Brokenhearted ka noh?”
Hindi ko ito pinansin at tinanggap ko ang alak na ibinigay nung bartender sakin.
“sinong bumasted sayo? Yung girl ba na kasama mo nun sa Ice cream parlor?” pangungulit pa rin niya.
Asar na tinignan ko siya.
“Pwede ba wag ka ngang makulit.”
Nanahimik naman siya. Tinablan din yata sa pambabara ko.
Napabuntong-hininga ako at inubos ang laman ng alak sa baso ko.
Bakit nga ba ako asar na asar kay Queen?
Si Queen kasi ang dahilan kung bakit namatay ang kuya ko. Or rather si Queen ang sinisisi ko kung bakit nagpakamatay ang kuya ko.
Highschool palang yata ako nun tanda ko. Schoolmate ko si Queen. Namin ni Kuya pero si Queen graduating na nun samantalang kami ni Queen ay sophomore lang. Sikat si Queen sa buong school namin. Ang ganda niya kasi kaya halos lahat ng boys may gusto sa kanya. Hindi naiba doon ang kuya ko.
Mahal na mahal ni Kuya si Queen kahit na bata palang siya . Naging sila ngang dalawa eh. Pero isang araw bigla nalang nakipaghiwalay si Queen kay Kuya dahil pupunta siya ng Italy para magmodel at sinabi niya kay kuya na hindi ang isang tulad ni kuya ang papangarapin niyang maging asawa.
Sobrang dinibdib ni kuya Jasper ang lahat ng iyon kaya naman nung mismong araw na umalis si Queen ay siyang araw din na natagpuan naming patay si kuya.
Nagpakamatay siya.
Galit na galit ako nun kay Queen at siya ang sinisisi ko kung bakit nagpakamatay ang kuya ko. Mula ng mamatay si kuya naging malungkutin na si mama kaya nga ginawa ko ang lahat para mapasaya siya .
Mabuti nga at nakarecover din si Mama sa nangyari.
Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pagpapakamatay ni kuya tanging ako lang kaya hanggang ngayon hindi ko parin mapatawad si Queen.
“Jake, I heard what happened to your brother. And even if it’s too late I want to say sorry for what happened.”
Hindi ako tumingin sa kanya at nagorder pa ako ng alak.
“Believe me or not but I really love you’re brother that time.. it’s just that…”
“It’s just that you’re dream is much more important to you.” Sarkastikong dugtong ko sa sinasabi niya.
Napayuko nalang si Queen.
“Yeah you’re right. I’m still young at that time and I have many dreams in life.”
“Kahit ano pang sabihin mo hindi na mababago pa ang nangyari. Ilang beses ka mang humingi ng sorry hindi na mabubuhay ang kapatid ko.” Mapait na sabi ko.
Medyo nahihilo na ako. Mukhang napadami yata ang nainom ko.
“Jake tama na yan lasing ka na.” pigil niya sakin pero tinabig ko lang ang kamay niya.
“Wag mo nga akong pakialaman.!!!”
Pinilit kong makatayo but the last thing I remember ay bumagsak ako sa sahig ng bar at nawalan na ako ng malay.
[Queen’s POV]
Hay naku naman oh!! Ang lakas ng loob uminom eh hindi naman pala kaya. Ayan tuloy napala mo bulagta ka ngayon at kahalikan mo yang sahig.
At dahil mabait ako hindi ko naman maaatim na pabayaan ang lalaking ito na makipagkissing scene na lang sa sahig.
Humingi ako nag tulong sa bartender na napatanga nalang saming dalawa ni Jake para ipasok ito sa loob ng kotse ko. Ako na din ang nagbayad ng mga ininom niyang alak.
Sa laking mama ba naman ng lalaking ito ay talagang mahihirapan akong buhatin siya.
Nang mailagay na sa passenger seat ng kotse si Jake ay lumigid na ako sa driver seat.
“Hay! Ano bang gagawin ko sayo? Alangan namang iuwi kita samin.”
Kinapa ko yung bulsa niya para kunin yung wallet niya at nang malaman ko kung saan siya nakatira.
“Ui Jake wag madumi ang isip mo ah kukunin ko lang yung wallet mo dahil may utang ka sakin.Ako nagbayad ng alak na ininom mo.”
Kumuha ako ng saktong halaga ng binayad ko sa wallet niya.
“Ayan. Sakto lang itong kinuha ko ah hindi pa kasama ang interes dyan at dahil lasing ka eh libre na yung interes. Mahal na ang bilihin ngayon kaya hindi na pwede ang libre at utang.”
“Infairness Jake ah…lumaki kang gwapo. Kamuha mo si Jasper.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng binata.
Chineck ko yung wallet niya sa paghahanap ng address kung saan ko ihahatid ang binata. Sa paghahalungkat ko sa wallet niya ay isang larawan ang nakita ko. Nakilala ko naman ang babaeng nasa picture. Ito yung babaeng kasama niya nung una ko siyang makita.
JM yata ang name nun.
Napatingin ako kay Jake na hangang ngayon ay tulog pa din.
“Ikaw ha?! Siguro crush mo itong girlalu na ito at kaya ka naglalasing kasi binasted ka noh?!” nakangiting pang-aasar ko.
Marahang gumalaw ang binata kaya agad ko namang ibinalik ang larawan sa loob ng wallet.
“Naku naman oh saan kita ihahatid eh hindi ko naman alam ang bahay niyo.” Problemadong sabi ko. “Pasalamat ka at mabait ako. Kung hindi pinabayaan na sana kita dun sa bar at ng marape ka ng mga baklang umaaligid dun. Pero swerte mo dahil mabait ako”
Patuloy ako sa pagtitig kay Jake.
“Kahit hindi mo ako naririnig dahil bulagta ka pa rin hanggang ngayon gusto ko pa ring humingi ng sorry sayo sa nangyari sa kapatid mo. Alam ko namang ako yung sinisisi mo eh sana mapatawad mo ako.”
Napakaamo ng mukha ni Jake ngayong tulog siya.
“Ilang babae na kaya ang pinaiyak mo noh? Sinong mag-aakalang lalaki kang gwapo eh samantalang nung highscholl tayo ang pangit mo na ang payat mo pa. Mukha kang tutubing karayom. Samantalang yung kuya mo eh saksakan ng gwapo. Ugly duckling ka siguro noh? Pero ngayon you turnede into a handsome swan.” Nakangiting sabi ko.
“Teka..meron bang handsome swan? Naaadik na naman ako. Makaalis na nga…antok na ako.”
At dahil hindi ko alam ang bahay ni Jake ay diniretso ko nalang siya sa bahay nila Lance.
Gising pa si Lance nung dumating ako sa bahay nila kaya naman napakunot ang noo nito ng makitang buhat buhat ni Manong Guard ang hanggang ngayon ay tulog parin na si Jake.
“Hoy! Queen anong ginawa mo dyan kay Jake?! Wag mong sabihing pipikutin mo yan!” gulat na sabi ni Lance.
“haha!!! Very funny Lance. Tinulungan ko lang yang kaibigan mo at nakita kong naglalasing dun sa bar ng friend ko. Ikaw na bahala dyan. Kaibigan mo naman yan eh.” I said as I headed the stairs.
“Bakit ako eh ikaw ang nagdala niyan dito? Ikaw ang mag-asikaso dyan. Tutal gusto mong magpakabait diba? Lubus-lubusin mo na.” at iniwan na ako ni Lance at pumasok na sa kwarto niya.
Nanggigigil na inutusan ko nalang si Manong Guard na ihatid si Jake sa guest room.
“Dumarami ang utang mo sakin Suarez!!!”
(@_@)
No comments:
Post a Comment