Friday, March 01, 2013

Friends Zone : Chapter 24



 [ The Sin]



[Richelle’s POV]


Simple lang ang pangarap ko. Ang magkaroon ng happy ending ang story. Sino ba naman ang may ayaw nun diba? Magmula ng maging kami ni Trace okay naman ang lahat.. He’s kind, gentleman and super sweet..idagdag pa na saksakan din ng gwapo at macho ng boyfriend ko..san ka pa? worth it naman pala ang biglaan kong pagsagot sa kanya.


Anyways..nagkaayos na kami ni Jhonah… ganun naman talaga kami nung babaeng iyon eh.. after magbangayan akala mo wala ng nangyari after..hehe..syempre sila na nga lang ni Regine ang bestfriend ko eh… then yung second cousin kong si Jiyeon..okay naman ang pagtanggap sa kanya ng iba kong friends.. they treat her nice naman.


***



“Hi Babe” nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si Trace sa harapan namin. Kasama niya si Paul.


“Hello” nakangiting sabi ko at humalik sa pisngi niya.


“Gusto ko dito” turo ni trace sa lips.


“ano ka ba nakakahiya” saway ko. Kasama ko kasi sina Regine at Jhonah.


“Oh..dont mind us” balewalang sabi ni Regine at nagkiss din sila ni Paul.


Sa lips. Smack.


Oh sige na..sila na ang magaling mag-PDA.


“Babe…kiss ko” paglalambing ni Trace.


“Okay sige..pikit ka”


Sinunod naman ako ni Trace kaya pa-smack na hinalikan ko siya sa lips.


“Eeewww!!! Nanginginig ang balahibo ko sa inyo ah. Naku makalayas na nga dito at baka dapuan pa ako ng madaming madaming langgam sa inyong apat.” Masama ang mukhang dinampot ni Jhonah ang mga gamit niya.


“Inggit ka lang” pang-aasar ni Paul habang nakayakap sa bewang ni Regine.


“Magboyfriend ka na din kasi para hindi ka na ma-OP” pang-gagatong naman ni Regine.


“Sagutin mo na kasi si Earl…ay mali..ligawan mo na pala si Earl” nang-aasar na sabi naman ni Trace.


Ako naman pangiti-ngiti lang..mahirap na at baka mapikon na naman ito si Jhonah at mag-away na naman ulit kami.. kababati lang namin eh.


“Tse! Mga panget kayo!” binelatan pa talaga kami ni Jhonah bago umalis.


Napailing nalang kami ng makaalis si Jhonah.


“Oh paano Richelle, Trace mauna na din kami ni Regine ah” paalam samin ni Paul.


Agad ko namang pinandilatan ang binata.


“Saan mo dadalhin si Regine? Wag niyong sabihing pupunta kayo sa biglang liko ah?!”


“OA mo bespren ah..magdedate lang kami.. monthsary kasi namin.” Sagot ni Regine sakin.


“Bakit mo alam yun ha Richelle? Siguro madalas kayo dun ni Trace” pang-aasar naman ni Paul.


“Siraulo!”


“Wow naman..ilang months na ba kayo?” tanong ni Trace sa kanila.


“Five months na” proud na sagot ni Paul


“Five months na kayong naglolokohan?” biro ko sa kanya.


“Grabe ka naman Richelle.. seryoso kami noh.”


“Sus! Five months? Sisiw!!!! Tatalunin namin kayo ng Babe ko..di ba Babe?” nakangiting sabi sakin ni Trace.


“Oo na..ikaw talaga..” nanggigigil na kinurot ko siya sa pisngi at pasmack na hinalikan sa lips.


Ngingiti-ngiti naman samin sina Paul at Regine.


“Ang sweet nila Hon noh?” narinig ko pang sabi ni Regine kay Paul.


“Sweet din naman tayo eh”


“Oy..tama na muna yang lambingan niyo..mamaya niyo na ituloy at lalarga na kami ng Honey ko” paalam ni Regine at hinalikan ako sa pisngi.


“Bye..ingat kayo…Paul ingatan mo yan ah”


“Naman!!!”


Nakangiting sinundan nalang namin ng tingin sina Paul at Regine.


“So..tayo anong balak natin? Punta tayong biglang-liko?” nakangiting tanong sakin ni Trace.


“Siraulo!!! Uwe na tayo.. nagluto si Mommy ng carbonara.. masarap gumawa ng carbonara si Mommy”


“Pwede bang ikaw nalang kainin ko? Gawa ka din naman ng mommy mo eh”


“Trace gusto mong masaktan?” banta ko at iniumang ang kamao ko sa kanya.


“Ito naman naglalambing lang eh..tara na nga at ng matikman na ang carbonara ni Tita”


* * *


[Trace POV]


“Anong sinabi mo??” gulat na tanong ko kay Gray.


Weekend noon at nakatambay ako sa condo unit niya. May lakad kasi ang girlfriend ko at mga parents niya.


“I saw Yvette.. pinuntahan niya ako dito sa condo. She’s looking for you” Gray answered calmly.


“Yvette” nanghihinang napaupo ako sa sofa. Inabutan naman ako ng beer ni Gray. “How is she?”


“Well… she’s fine..still pretty as ever…sexy.. and hot”


“What does she wants?” tanong ko habang tumutungga ng alak.


“You”


Napahinto ako at napatingin kay Gray.


“What???”


“You. She said she wants you back”


Natahimik kami pareho ni Gray. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin o kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa nalaman ko.


“Where is she?” maya-maya ay tanong ko. Mas nanaig ang kagustuhan kong Makita siya muli.


“Why?” tanong din ang isinagot sakin ni Gray at mataman akong tinitigan.


“I want to see her”


“Dun siya nag-stay sa condo ni Alaine.. yung bestfriend niya.. you still know the place?”


Agad naman akong tumayo at inilapag ang bote ng alak sa lamesa.


“ Yeah.. I have to go”


“Trace” palabas na ako ng tawagin ako ni Gray.



“What?” pero hindi naman siya sakin nakatingin. His eyes are focus on the bottle of beer.


“What about Richelle?”


I paused for a while. Thinking what he said.


“I’ll talk to her” sagot ko at lumabas na ng condo.


Hindi ko na nakita na marahang napamura si Gray.


* * *


Habang nagmamaneho ay muling bumalik sa ala-ala ko ang nakaraan.


Yvette was my ex-girlfriend. She’s been my girlfriend for almost three year. She’s my first love…and the only girl that I loved so much. I gave everything for her. Kaya ganun nalang ang sakit na naramdaman ko ng biglaan siyang nakipaghiwalay sakin without giving me reason. I’ve been living in hell for almost many months. Muntik na nga din akong magpakamatay nun. Uminom ako ng madaming sleeping pills. Kung hindi pa ako nakita ng maid namin at nadala sa ospital malamang patay na ako ngayon.


And now she’s back…hell but I really miss her…


Halos takbuhin ko ang condo unit ng bestfriend ni Yvette para lang makarating agad at makita siya.


I pressed the doorbell three times.


“Trace?” gulat na sabi ni Alaine ng mapagbuksan niya ako ng pinto.


“Yeah.. Nandyan ba si Yvette?”


“Oh yeah..pasok ka” she fully opened the door to let me in.


“Yvette…you’ve got a visitor.” Tawag ni Alaine.


“Who?” mula sa loob ng silid ay lumabas si Yvette.


“Trace!!!!” bakas ang katuwaang sabi niya at agad akong niyakap.


She’s still as pretty as ever…


Micro mini-skirt at hapit na sleeveless ang suot niya. Mas lalo siyang sumexy mula nung huli kaming magkita.


“I miss you Babe” she said and kissed me fully on the lips. She doesn’t care even her bestfriend can see us.


Noong una ay hindi agad ako nakapagreact ng halikan niya ako. Nakakabigla naman kasi talaga and another factor din na alam kong nandun lang si Alaine sa harap namin. But Yvette is a very good kisser. She can awake my sleeping senses kaya naman di ko na din napigilan ang sarili ko at ginantihan ko na din ang halik niya.


Napapailing na iniwan nalang kami ni Alaine.


“I’ll go ahead Yvette…ikaw na muna bahala dito. Punta lang ako sa boutique… asikasuhin mong mabuti iyang si Trace ah.. Entertain him.” Sabi niya at nakakalokong tinignan ako bago lumabas ng pinto.


Agad na inilock naman ni Yvette ang pinto ng makaalis si Alaine.


“So…where do we stop?” she asked me with a flirting smile on her lips.


“Yvette..we need to talk” seryosong sabi ko.


“Oh come on Babe… there’s a lot of time for us to talk… Right now… all I want is to feel you” she said as she kissed me again.


“Look Yvette---” I still try to control myself not to give in to the temptation she’s giving me.


“Hhmmm” her lips are now kissing my neck…her hands are touching my chest.


“I miss you Trace…so much”


“Yvette….Oh God” hindi ko na napigilan ang sarili ko. I finally gave in to the temptation.


Ako na ngayon ang mas gumagalaw sa aming dalawa.


I removed her clothes and start kissing her.


“Where’s your room?” I asked while still kissing her.


She gave me a naughty smile and led me to the room upstairs.


* * *


We continue kissing when we’re inside the room. I removed the two remaining piece of clothes that covered her sexy body.


“Do you like what you see?” Yvette asked me and slowly run her fingers to my chest.


“Yeah…it’s beautiful” I answered and start kissing her nape. “You’re so beautiful”


I kiss her shoulder blades down to the top of her chest while my hands are touching the softness of her skin.


“I miss you so much Babe..so much” I said and removed my shirt.


“Let me” she said and start unclothing me.


While Yvette was removing my clothes, I don’t know but the image of Richelle was strike on my mind kaya naman napigilan ko ang kamay niyang nakahawak sa zipper ng pants ko.


“Why?” kunot-noong tanong ni Yvette.


“No..nothing” I smiled and kiss her on the lips.


Saka ko na iisipin si Richelle… Right now…all I want is to be with Yvette.


No need to think for tomorrow. What’s important is today.


* * *


“You’re great” humihingal na sabi ko at pabagsak na nahiga sa tabi ni Yvette sa kama.


“You too”


Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.


“Kumusta ka na?” maya-maya ay tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kisame.


Napatawa naman ng mahina si Yvette.


“Is that the right question to ask to a girl after having sex?”


“I just want to ask how have you been…since you’ve left me”


She got up on the bed. Ignoring even if she’s naked. May kinuha siyang sigarilyo sa loob ng drawer niya at sinindihan ito.


“Yvette” mahinang tawag ko sa kanya.


“Yvette? What happened to Babe?” nakakalokong tanong niya sakin.


Hupa na ang tension sa pagitan naming dalawa. It’s time to be serious now.


“Okay don’t get mad Babe…what’s important is now that I’m here.. There’s no need for us to talk about the past…I’m here now Babe.. and I’m not gonna leave you again” nakayakap na sabi niya sakin.


Tinanggal ko ang mga braso niyang nakayakap sakin.


“I already have a girlfriend Yvette”


Halatang nagulat ang dalaga sa sinabi ko.


“You have a girlfriend and yet you hooked on me?” di makapaniwalang tanong niya. “How dare you!!!”


“Ikaw ang nagsimula Yvette. Inakit mo ako…Tinukso”


“Do you really think na inakit at tinukso kita? None of this would happen Trace kung hindi mo rin ginusto. Aminin mo.. you still want me.. you still love me” puno ng kumbiksyong sabi ni Yvette.


Napabuntong-hininga ako.


“Okay..sabihin na nating ginusto ko din itong nagyare sa atin.. pero lalaki lang ako Yvette”


“No Trace…being a guy is not a reason para may mangyari satin.. you just don’t really love your girlfriend… I’m still the one you love..admit it Trace”


Hindi ako nakapagsalita. I just look at her.


“I don’t care even if you have a girlfriend Trace.. what I care is you..only you… I love you Trace… I’m not asking you to break up with her…but I will prove to you that I’m still the one you love…and not her”


At muli…naulit na naman ang isang kasalanang mahirap pigilan.


* * *

No comments:

Post a Comment