Kung naipagtapat ko
lang sana
Mahirap magmahal ng
isang kaibigan
Palagi ka na lamang
masasaktan
Ang iyong puso’y
masusugatan
Sapagkat sa puso
niya’y iba ang laman.
Hindi mo malaman ang
iyong gagawin
Upang maiparating ang
iyong damdamin
Natatakot kang iba ang kanyang isipin
Katwiran mo’y
pagkakaibigan niyo’y ayaw mong sirain.
Nagpasya kang magmahal
ng iba
Dahil baka sakaling
makalimutan mo siya
Pero kahit marami pa
sila
Puso mo’y hinahanap pa
rin talaga siya.
Isang araw may
natanggap ka
Isang balitang wala na
siya
Sa mata mo’y may
pumatak na luha
Nang mabasa mo ang
huling sulat niya.
“Minamahal kita aking
kaibigan
Sa puso ko’y ikaw ang
laman
Subalit pag-ibig ko’y
walang katugunan
Sapagkat puso mo’y may
ibang laman”
“Nais ko sanang
sabihin sayo
Ang nadarama nitong
puso
Subalit natatakot ako
Kaya naman akin na
lamang itinago”
“Sana maging maligaya
ka
Kahit ako’y mawala na
Lagi mo lamang
pakatandaan sana
Sa puso ko ika’y
nag-iisa.”
Walang humpay ang
iyong naging pagluha
Nang mabasa mo ang
huling sulat niya
Laking pagsisisi ang
iyong nadama
At ika’y marahang
bumulong;
“Kung naipagtapat ko
lang sana”
No comments:
Post a Comment