Wednesday, April 10, 2013

My Song Presents 2 : Empress (I’ve Fallen For You by Toni Gonzaga)





“Hay naku Em.. sinasabi ko naman kasi sayo tigilan mo ang masyadong pagkausap dyan sa mga pasyente mo at nahahawa ka na sa kanila eh.” Sermon sa kanya ng kapatid na si Celine.


“Ate...kung hindi ko sila kakausapin sino ang kakausap sa kanila?” katwiran naman niya.


“Alam kong may sayad ka talaga sa utak noon pa man Empress pero I can’t believe na pipiliin mong magtrabaho sa isang Mental Hospital? Come on Empress.. you graduated with flying colors.. maraming hospital kang pwedeng pagtrabahuhan but why did you choose Mental Hospital?”


“Simply because they need me”





Siya, si Emily Presea Ibaviosa o mas kilala sa tawag na Empress, 28 years old, single  and very much available ay isang nurse sa isang Mental hospital. Maraming nagtataka sa desisyon niyang doon magtrabaho after she graduate. Pero hindi nalang niya pinapansin ang mga ito. Noong college kasi sila ay nagkaroon sila ng tour sa hospital na iyon at doon niya nasaksihan ang kakulangan ng mga nurses na nag-aalaga sa mga pasyente dahil karamihan sa mga ito ay nangingibang bansa upang kumita ng malaking pera. Well, she didnt need money that much. Mayaman ang pamilyang pinagmulan nilang magkapatid. Dalawa lang silang magkapatid ng ate Celine niya. Kung tutuusin ay mabubuhay sila kahit hindi na sila magtrabaho. But she love her job. Kaya nga after niyang grumaduate at makapasa sa board exam ay nag-apply na agad siya sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Ngayon nga ay tatlong taon na siyang resident nurse ng ospital.


“Ate.. ang tagal ng issue iyan ah.. just leave me alone.. sina Mommy at daddy nga di ako kinuwestyon sa desisyon ko eh.”


“Bakit kaya hindi ka nalang sumunod kina Mommy sa Canada? I heard nangangailangan sila ng nurse dun?”


Their parents are now living in abroad. May ari ng ospital sa Canada ang parents nila.


“Eh bakit kaya hindi mo nalang patahimikin ang buhay ko ate?”


“Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko sayong bata ka” suko ng kapatid niya.


“Ate naman kasi masyado mong pinapahirapan ang sarili mo sa pag-intindi sakin eh..besides bakit ka ba nandito ngayon? Wala ka bang pasok?”


May sariling business ang ate niya. Pero kabaligtaran niya, her sister Celine hobby na yata nito ang magpayaman kaya naman at the age of 32 ay wala pa din itong asawa. Pero may boyfriend naman ito. Thankfully. She’s afraid na tumandang dalaga ang ate niya.


“Gosh! Oo nga pala. Supposed to be i had an appointment with one of our clients. Okay sis.. i’ve got to go.. take care of yourself okay?” at humalik ito sa pisngi niya’t niyakap siya


“I will ate.. thanks sa pagdalaw”


Hanggang sa makalabas ang ate niya ay nanatili pa din siyang nakatitig sa pintuan. It’s been two years since she decided na bumukod ng bahay. At first ay hindi pumayag ang ate niya dahil dalawa na nga lng silang magkapatid at sila nalang ang nandito sa Pilipinas since their parents are now living in Canada. Pero dala ng natural na pagiging persuasive ay napapayag na din niya ang ate niya na bumukod siya.


At first ay hindi ganun kadali. Ever since her life she’s living with a golden spoon. Lahat ng kailangan niya naibibigay sa kanya. May mga maids siyang nagaasikso ng kailangan nilang gawin. Pero ng bumukod siya ay siya na lahat ng umiintidi. From her foods, bills, utilities, laundries.. everything. Mabuti nga ay hindi na siya nagbabayad ng bahay eh. This house that she’s living is a gift from her parents. Ng malaman kasi ng mga ito ang plano niyang pagbukod ay binilhan siya ng mga ito ng bahay. Mabuti na nga lamang at maganda ang bahay na napili ng mga ito. Tahimik, may mga puno, may maayos na komunidad at facilities...at higit sa lahat... may gwapo siyang kapitbahay.


“Hi There” bati niya sa kapitbahay niyang si Lantis ng abutan niya ito sa labas.


Tango lang ang isinagot nito sa kanya. Well, natural na suplado yata talaga ito kasi ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti man lang sa tuwing babatiin niya. Mabuti na nga lang at kahit papano ay tinatanguan siya nito bilang pagbati. At mabuti nalang at gwapo ito.


“Pupunta kang court?” may hawak kasi itong bola ng basketball at nakapang basketball na damit din ito.


Tango lang ulit ang isinagot nito sa kanya.


Balewala naman kay Empress kahit na habang buhay hindi magsalita ang lalaki. Just looking at him is enough for her.


Lantis Zalderiaga is enough to make Empress stressful day okay. He stood 6’2, with a well built body na halatang alaga sa ehersisyo. Kulang ang salitang gwapo kung idedescribe mo si Lantis.  Dahil gwapong gwapo siya.  Bahagyang alon-alon ang buhok, may malalantik na pilik-matang daig pa ang sa babae. Makinis ang mukha na takot yatang dumapo ang pimples at may mamula-mulang labing parang kay sarap halikan.


Isa din siguro sa nakadagdag ng appeal ng lalaki ang pagiging bihira nitong magsalita.


“Biceps palang ulam na kanin na lang ang kulang”


Naibulong ni Empress sa sarili ng mapagmasdan ang mamasel na braso ng lalaki.


Hmmm.. i wonder kung ilang packs kaya ang abs niya.


Napangiti nalang si Empress sa kalokohang naisip. Napakunot noo naman si Lantis ng mapagmasdan ang dalagang ngumingiti out of the blue.


“Nababaliw na yata” naibulong nito sa sarili.


“Hey bro!  Kanina ka pa namin hinihintay” tawag pansin ni Lewis.


“Sinundo ka na namin kasi baka indyanin mo na naman kami” ani naman ni Zane.


Pawang nakabasketball jersey din ang mga ito.


“Hi Empress” bati ng dalawa sa kanya ng makalapit.


“Hi Zane, hi Lewis” nakangiting bati niya din.


Parehong nakatira din sa village ang mga ito at sa two years niya dito ay naging kabatian na din naman niya ang mga ito. Parehong gwapo at macho rin naman but that wasn’t enough to get her attention. Because somebody already has her attention.


She look at Lantis who now has a frown to his face.


“Papunta na ako dun. Hindi niya na ako kailangang sunduin pa” anito sa dalawa.


“Okay lang yun. Mabuti nga at sinundo ka namin. Nasilayan tuloy namin si Empress” pagpapacute ni Zane sa kanya.


“Hi Empress galing kang ospital?” tanong naman ni Lewis.


Pinagitnaan siya ng mga ito.


“Ahh yeah. Night shift ako this week eh”


Agad namang hinawakan ni Lantis ang dalawa at inilayo sa kanya.


“Zane, I thought you already courting Vanie? And Lewis...”


“Single ako” singit agad ni Lewis dito.


“...i thought we’re going to play?”


“Oo nga. Ito namang si Lantis masyadong masungit. Nagpapacute lang naman kami dito kay Empress eh”


“Oo nga. Wag mo namang masydong solohin si Empress”


Mas lalong sumama ang mukha ni Lantis sa sinabi ng dalawa.


“Hindi ko siya sinosolo. I don’t even care kung magpacute kayo sa kanya. It’s just that you’re wasting my time”


“Whatever Lantis”


Ang sungit talaga.


Nauna ng maglakad si Lantis patungo sa court ng village. Sumunod naman ang dalawang lalaki dito.


“Hey Em...if you have time punta ka sa court. Panoorin mo kaming maglaro” pahabol pa sa kanya ni Zane.


“Oo nga.. that would be nice” dugtong naman ni Lewis.


“I’ll try” nakangiting sagot niya.


Pero ng mapatingin siya kay Lantis ay nakasimangot ito sa kanya. Matamis na ngiti naman ang iginanti niya dito.


“Bye Lantis. Goodluck”


Tinalikuran lang siya nito.


Great.


***


Dahil hindi rin naman makatulog ay minabuti ni Empress na lumabas nalang ng bahay at pumuntang court. Medyo maraming tao din ang nabutan niya doon. Sabagay. Saturday ngayon at walang pasok ang karamihan sa mga trabaho at eskwela.


“Empress!!!” tawag sa kanya ng grupo ng kababaihan na pawang nanonood din.


She decided na lumapit sa mga ito.


“Mabuti naman at naisipan mong pumunta rito. Ilang araw ka na ding di nagpapakita ah” bati sa kanya ni Gracie.


“Oo nga. Buti at nagpunta ka. Laban nila Zane ngayon” sabi naman ni Vanie.


“Excuse me.. sina Jack kaya ang mananalo” singit naman ni Lianne.


Napangiti nalang si Empress at naupo sa tabi ni Gracie.


Gracie, Vanie and Lianne are residents of this village too. Sila din ang mga naging kaibigan ni Empress mula ng mapatira siya dito. They are nice people kaya madali niyang nakasundo. Actually all the people of this village are nice naman.


“Wooohhh!!!! Go Zane!!!!” sigaw ni Vanie.


“Go Jack!!!!” di naman nagpatalo si Lianne.


Obviously Vanie and Lianne are cheering on opposite sides. Nalaman niya mula kay Gracie na napagtripan palang magkaroon ng “friendly game” ang mga boys sa village na iyon. Kaya nga ayun at halo ang suporta ng mga tao sa village.


“Ikaw? Sino ang bet mo?” tanong niya kay Gracie.


“Hmm.. wala.”


“Asus! Wala daw.. eh obvious namang si Lewis ang bet mo eh” pang-aasar ni Vanie dito.


“Excuse me.. hindi noh! Why would i betting on him. Obviously matatalo naman siya” nakalabing sagot ni Gracie.


“kunwari pa siya....if i know deep inside you’re cheering for him” pang-aasar din ni Lianne.


“Stop it you two! Pag di kayo tumigil magwowalk out ako.” Banta nito.


“Sinong tinakot mo?” nakataas ang kilay na sabi ni Vanie.


Agad namang nagulat ang dalawa ng biglang sumigaw si Empress.


“Nice one Lantis!!!”


Napatingin naman sina Gracie at Vanie sa naglalaro. Lantis is guarding by two of the villagers. Bantay sarado ito.


Nang makakita ng tyempo at bakante ay agad na ipinasa ni Lantis ang bola kay Zane and run as fast as he could after he escape from the two that’s guarding him. Zane pass the ball back to Lantis and immediately shoot it outside the perimeter. Three points.


“Woohhhh!!!!”


Maging ang mga tao sa court ay naghiyawan. Lantis team won.


“Nice pass!” at nag-apir sina Zane at Lantis.


Tumitili namang nagyakapan silang dalawa ni Vanie.


“Looks like you’re happy that Lantis team won” pansin sa kanya ni Gracie.


“Oo naman” sagot ni Empress.


“Well, looks like you’re not the only one” singit ni Lianne.


Napatingin sila sa direksyong tintignan ni Lianne.


They saw Lantis habang nakayakap dito ang isang babae.


It’s his girlfriend Cheryl.


“Ewww!! Talking about PDA” nakangiwing sabi ni Gracie ng halikan ni Cheryl sa labi si Lantis.


“I wonder kung anong nakita ni Lantis dyan sa girlfriend niyang iyan.” Komento naman ni Vanie.


“baka magaling sa kama” sagot ni Lianne.


“Lianne ang bibig mo” saway dito ni Gracie.


“Come on!! Hindi na kayo mga bata noh!”


“Pero may mga bata dito. Baka may makarinig sayo”


“Guys awat na... tara let’s congratulate them” yaya ni Vanie at hinila na si Empress palapit sa mga players.


Ayaw man ni Empress na lumapit ay wala na syang nagawa. Sumunod na din kasi sa kanila sina Gracie at Lianne.


“Hey Zane! Congrats” bati ni Vanie.


“Thanks! Hey Empress.. buti naman at nanood ka”


“Yeah. Nakakatamad sa bahay eh.” Napatigin si Empress kay Lantis.


“Ahhmmm congrats. That was a good shot” puri niya dito.


Tango lang naman ang isinagot ni Lantis at naglakad na ito palabas ng court kasama ang girlfriend nito.


“Alam mo Empress... i wonder kung anong nakita mo dyan kay Lantis. Eh obvious namang dedma ang beauty mo sa kanya” tanong ni Gracie.


“Hindi ko rin alam eh. Siguro dahil gwapo siya?” Nakangiting sagot naman ni Empress.


Open book sa buong village ang pagkakaroon niya ng crush kay Lantis. Kung sineseryoso ito o hindi ng mga kapit bahay niya ay wala ng pakialam si Empress doon.


“Guys! Let’s celebrate” yaya ni Lewis.


“Kung makapagcelebrate naman ito akala mo world championship ang napanalunan nila” komento ni Gracie.


“Ikaw naman. Pagbigyan mo na” natatawang saway niya sa kaibigan.


“Hey guys, are you coming with us? “tanong ni Zane.


“Sorry Zane, I can’t. May shift pa ako mamayang gabi eh. I need to rest” tanggi ni Empress.


“Ganun ba? Okay sige.. thanks sa panonood”


“No problem..bye Girls”


“Bye”


***


Nang makarating sa labas ng bahay ay tanaw ni Empress sina Lantis at Cheryl. They were kissing outside. She decided to catch their attention. Napatingin naman ang mga ito sa kanya.


“You know, if you’re going to kiss you should do it inside. Maraming bata ang dumadaan dito and it’s not good if they saw you” aniya.


Tinaasan lang siya ng kilay ni Cheryl.


“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong nito sa kanya.


“Sayo wala, pero sa mga tao rito meron”


Sasagot pa sana si Cheryl para tarayan siya pero agad itong napigilan ni Lantis.


“I think you should go now Cheryl” anito sa nobya.


“What?” gulat na tanong nito.


“You should go now. I’m tired na din. I need to rest” anito.


Inis na sumakay naman ng kotse si Cheryl. Hindi naman mapigilan mapangiti ni Empress. Lantis actually told his girlfriend to go. Nakakatuwa.


“What’s funny?” kunot-noong tanong ni Lantis sa kanya.


“Nothing” kibit-balikat niya. “I need to go inside. That was a nice game Lantis” ani Empress at pumasok na sa loob ng bahay.


Naiiling na sinundan nalang ni Lantis ng tingin ang papasok na dalaga.


“Weird” naibulong nito sa sarili at pumasok na din sa loob ng bahay.


***


Nag-iinat na itinaas ni Empress ang mga kamay. It was a very tiring day. Whole day halos ang ipinasok niya kasi wala yung reliever niya. Nag AWOL kaya naman napilitan siyang pasukan ang shift nito. Mukha na siyang zombie sa laki ng eyebags niya.


“Hey Empress pauwe ka na?” tanong ng kasamahan niyang nurse na si Michael.


“Hindi. Papasok palang ako” pambabara niya “Obvious bang mukha na nga akong zombie tatanungin mo pa ako kung pauwe na ako”


Dala marahil ng pagod at antok ay nakakapagsungit na siya.


“Ang sungit naman. Don’t worry maganda ka pa din naman kahit mukha ka ng zombie”


“Ewan ko sayo Michael. Umalis ka na nga sa harapan ko at asikasuhin mo na ang mga pasyente mo” pantataboy niya.


“Oo na. aalis na. ang sungit talaga” nailing na lumabas na ng nurse station si Michael.


“I really need to get a good sleep talaga” sabi niya sa sarili. Mabuti na lamang at rest day niya tomorrow kaya mahaba ang pahinga niya.


“Oh Empress pauwe ka na?”


Another idiot! Pero syempre di naman niya ito pwedeng sungitan kasi boss niya ito.


“Oo Sir. Antok na ako eh” sagot niya.


“Mamaya ka na umuwe. Magpapalunch ako”


“Talaga Sir? Manlilibre ka?” tanong ng mga kasamahan niyang nurse na nakatambay sa nurse station.


“Basta libreng pagkain ang bilis niyo talaga” nailing na komento ng boss nila.


“Eh ganun talaga Sir. Minsan ka lang manlibre eh”


“Sir, pass na muna ako. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang antok ko eh” tanggi niya.


“Ikaw din Empress bahala ka.”


“Sige Sir…next time nalang”


Lumabas na siya ng nurse station. Mukhang hindi na rin niya kakayanin pang magdrive. Mabuti na lang at iniwan niya pala ang kotse sa bahay. Eksakto namang may dumaang taxi sa harapan niya kaya nakasakay siya agad.


“Pasig lang po Manong” sabi niya sa driver.


***


Pagbaba niya sa taxi ay inilabas niya ang susi ng bahay.


Dala ng sobrang antok marahil ay natagalan siya sa pagbubukas ng pinto. Hindi na rin napansin ni Empress na may nahulog mula sa bag niya.


Papasok na sana si Lantis ng bahay ng may may mapansin siyang isang maliit na bagay sa sahig. Nagtatakang dinampot niya ito.


“Sino namang tanga ang nakahulog sa cellphone niya?” nailing na sabi ni Lantis.


He tried to open the phone. Unfortunately walang security lock ang cellphone kaya nabuksan niya ito. He was surprised to see his face as the wallpaper of the cellphone.


“Kanino kaya ito?” he asked himself although may idea na siya kung sino ang may-ari ng cellphone na iyon.


“Pero bakit?”


He shrugged his shoulders and enters his house.


***


“Nasan na ba yung cellphone na iyon?” tanong ni Empress sa sarili. Hinalungkat na niya lahat ng laman ng bag niya but she cant find her cellphone. Kung hindi pa nga siya tinatawagan sa landline ng ate Celine niya ay hindi niya pa marerealized na nawawala pala ang cellphone niya. Masyado kasi siyang inaantok kaya hindi na niya ito nabigyang pansin.


“Hay naku wala talaga. Nasa mabuting kamay na siguro iyon.”


“Eh di bumili ka nalang ng bago. Hindi naman big deal sayo yun eh” sabi ng kaibigan niyang si Queen.


Kasalukuyan itong nakatambay sa bahay niya at nanggugulo.


“Eh kasi naman eh may importante akong bagay dun”


“Alin contacts mo?”


“Hindi”


“Eh ano?”


“Yung picture ng crush ko”


Nasamid naman bigla si Queen.


“Crush? Uso pala sayo yun?”


“Mayabang ka ah!” binatukan siya nito.


“Ang bigat talaga ng kamay nitong babaeng ito” reklamo ni Queen.


“Ano bang tingin mo sakin? Abnormal para hindi magkacrush?”


“Oo”


“Adik!”


“So anong lahi naman nitong crush mo?”


“Ano namang tingin mo dun aso?”


“Hindi nga ba?”


“Ewan ko sayo Queen Richelle”


“Seriously speaking..tao ba ito?”


“Mamundok ka na Queen”


Inis na sabi niya at ipinagpatuloy ang paghahanap sa cellphone ulit niya. Kulang nalang ay baligtarin niya ang buong bahay para lang Makita ito.


‘Wala talaga” napabuntong-hininga nalang si Empress.


Sayang naman yung picture ni Lantis na palihim ko pang kinuha sa kanya nung minsang makita ko siyang nakatambay sa labas ng bahay. Sayang talaga.


“Eh di humingi ka nalang ulit ng picture sa crush mo o di kaya picturean mo nalang ulit siya” suggestion ni Queen.


Hinarap niya ang kaibigan.


“Alam mo ikaw ang bright mo. Eh palihim ko nga lang kinuha yung picture na yun eh.”


“Ayun!!! Kaya ka tuloy nakarma.”


“Saktan kaya kita dyan! Umuwe ka na nga wala ka namang pakinabang sakin eh. Imbes na tulungan mo akong maghanap dyan inuubos mo pa ang pagkain ko”


“Ang damot nitong babaeng ito. Buti nga at nakarma ka”


Hindi nalang niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. Maya-maya ay tumunog ang doorbell ng bahay niya.


“Ako na ang magbubukas” prisinta ni Queen.


“Mabuti nga at ng magkasilbi ka”


Lumapit ang kaibigang si Queen sa pintuan upang tignan kung sino ang nagdodoorbell.


“Ahhmmm Empress.. may naghahanap sayo” sigaw ni Queen.


“Sino?” sigaw din niya.


“Ahhhmm sino ka daw?” narinig niyang tanong nito.


“Pakisabi kapit-bahay niya”


“Kapit-bahay mo daw”


Kapit-bahay? Iisa lang naman ang kapit-bahay niya.


Dali-daling lumapit si Empress sa pintuan.


“Hi Lantis” bati nito sa kapitbahay.


Maang na napatingin naman si Queen sa kaibigan. Parang buteteng di mapakali ito sa harapan ng lalaking bisita.


Magpacute daw ba?


Naiiling na pumasok nalang sa loob ng bahay si Queen at iniwan si Empress habang kausap yung lalaking nagngangalang Lantis.


“Yes what can I do for you?” tanong ni Empress kay Lantis.


“I think you forgot something” anito at mula sa bulsa ng pantalon ay inilabas ang cellphone niyang kanina pa nawawala.


“Cellphone ko!!!!” tuwang-tuwang sabi ni Empress at agad na kinuha sa lalaki ang cellphone.


“Wait…hindi mo naman siguro pinakealaman ito noh?” sita niya sa binata.


“And why would I do that? Magpasalamat ka pa nga at may mabuti akong loob at sinoli ko pa sayo yan” nakasimangot na sabi nito.


“Ang sungit mo talaga.. para kang laging nagmemenopause eh..siguro matanda ka na” pang-aasar niya sa binata.


Lalo namang sumama ang mukha ni Lantis.


“If I know you’d be this ungrateful sana tinapon ko na lang yang cellphone na yan”


“Oy! Importante sakin itong cellphone ko noh! Nandito yung picture ng crush ko” ani Empress at inilapit pa sa dibdib ang cellphone at niyakap.


Napapantastikuhan namang tinignan lang siya ni Lantis na parang baliw siya sa paningin nito.


“Whatever! Kung importante pala yan sayo eh di dapat iniingatan mo” anito at naglakad na paalis.


Nagmamadali namang hinabol ni Empress ang binata.


“Lantis…sorry.. saka thank you nga pala. I’m so grateful kasi nakabalik ito sakin”


Tango lang ang isinagot ni Lantis sa kanya at tuluyan ng pumasok sa bahay nito.


Parang nangangarap naman sa ulap na naglakad papasok ng bahay si Empress.


“Hoy!” binato ni Queen ng unan ang natutulalang kaibigan. “Natulala ka na dyan. Para kang namatanda”


“Queen…Queen…Queen…”


“Hay naku Empress tigilan mo nga yang ginagawa mo. Natatakot ako sayo dahil baka matuluyan ka na niyang mabaliw eh”


“Nakita mo ba yun Queen? Kinausap niya ako.. kinausap ako ni Lantis.. isn’t he’s sweet?”


“Sweet? Yun??? Eh as far as sa nakita ko sinupladuhan ka niya” pagtatama ni Queen.


“Ano ka ba?! Ganun lang talaga maging sweet si Lantis”


“Wow ah.. iba na ba ang definition mo ng sweet?”


“Siguro may crush sakin si Lantis” parang nangangarap na nakatingin sa kawalan si Empress.


“Okay ka lang ba? Anong may crush ang pinagsasabi mo dyan? That guy is a jerk. Sinungitan ka at sinupladuhan tapos sasabihin mo may crush sayo. Gumising ka nga!” sermon ni Queen dito.


Binato naman ni Empress ng unan ang kaibigan.


“Don’t call Lantis a jerk because he’s not! Kita mo nga at sinoli niya pa ang cellphone ko” ani Empress at tinignan ang maliit na aparato.


“On the first place paano napunta sa kanya ang cellphone mo? Is he a theft?”


“Queen gusto mong masaktan?”


“Nagtatanong lang naman”


“Napulot daw niya.. ang sweet diba?”


“Ewan ko sayo Empress baliw ka talaga”


“Ewan ko din sayo Queen. Bitter ka talaga”


“Shut up!”


“Same to you”


Normal na sa kanilang magkaibigan…or rather normal na sa kanya ang ibully si Queen. Hehe.


“Teka nga Empress… don’t tell me siya ang crush mo?” tanong ni Queen sa kaibigan. Tinignan lang siya nito at nginitian ng matamis confirming her question.


“Ewww… tigilan mo nga yan. Nakakasuya ka… what did you see to that man?”


“Well aside from being super handsome and super yummy ang lakas din ng appeal niya”


“Kaya pala panay ang pagpapaflirt mo sa kanya”


“Ngumingiti lang flirt na? hindi ba pwedeng nagpapacute muna?”


“Hindi ka na bata para magpacute”


“Baby face parin naman ako.. kaya hindi mapagkakamalang 28 na ako”


“Ang sabihin mo maliit ka kamo”


Empress stood 5”3 compare to Queen whose height is 5”8. pero sa kabila ng height difference nila..nauunang sumuko si Queen pagdating sa kakulitan at debate kay Empress. She can’t beat her when it comes to arguments.


Sabi nga niya dapat naglawyer or politician nalang ang kaibigan instead of being a nurse.


“Epal ka Panget!”


Isip bata din.


Hay naku!


“So inlove ka na sa kanya?” tanong ni Queen


“Inlove?”


“Oo. Nagpapacute ka eh”


“So kapag nagpacute inlove na agad? Hindi ba pwedeng may crush lang?”


“Ang dami mong arte talaga”


“Epal ka”


“So hindi mo siya mahal? Crush lang ganun? Akala mo ba teenager ka pa? para magkacrush?”


“Queen.. masyadong malalim ang salitang inlove.. hindi ko kayang arukin yun. Hanggang crush lang ako”


Come to think of it. Her friend Empress never had a boyfriend ever since.


“Em.. NBSB ka diba?”


“So kailangang ipangandalakan?”


“Nagtatanong lang naman”


“Asus! Palibhasa may Raileyboy ka eh”


“Don’t say bad words.. I hate him”


Natawa nalang si Empress. She knows very well that her friend is lying. How could she hate the man she loves?


“Well mukhang crush na crush mo nga yung guy na yun.. infairness gwapo naman talaga sya no wonder…alam ba niya?”


“Na crush ko siya? Ewan ko.. parang wala naman siyang idea eh.. pero buong village alam na crush ko siya”


“What? Ang tibay mo ah.. yung taong crush mo hindi alam na crush mo siya pero buong village alam na? bakit kaya hindi mo sabihin sa kanya diba?”


“Hmm no pwede eh.. deadma ang beauty ko sa kanya. Baka mabasted ako..hehe”


“Bakit naman?”


“May key chain eh”


“Ahhh may sabit na? Stay away ka na nga”


“Bakit naman? Crush ko lang naman siya eh”


“Kung crush lang okay lang. eh paano kung mahalin mo?”


“Ang bilis naman ng takbo ng utak mo. Kumbaga sa basketball nasa first five minutes palang kami ng game.. ikaw nasa last two minutes na.” nailing na sabi ni Empress.


“Hay naku bahala ka nga. Basta malaki ka na. alam mo ang tama at mali”


“Thank you Queen. Ang bait mo talaga.. Touch na touch ako sa kasweetan mo bilang kaibigan” sarkastikong sabi ni Empress.


“I know” tinawanan lang ito ni Queen.


***


Palabas na sana si Empress ng bahay ng makita niyang parang nagtatalo si Lantis at ang girlfriend nito. She tried to ignore them but curiousity attacks her kaya naman nagtago muna siya sa likod ng gate. Dinig naman niya ang usapan ng mga ito.


“May sakit ka? I’m sorry hindi ako pwedeng lumapit sayo kasi baka mahawa ako” narinig niyang sabi ni Cheryl.


“Hindi naman nakakahawa ang sakit ko. Hindi naman Aids o TB ito. Simpleng trangkaso lang” sagot ni Lantis


“Love… alam mo namang super bawal akong magkasakit diba? Baka kasuhan ako ng agency ko”


Sa pagkakaalam kasi ni Empress isang modelo ito.


“Okay. Naiintindihan ko”


“Sige bye.. pagaling ka” at narinig niyang umalis na ang sasakyan nito.


Mukhang pumasok na naman ng loob ng bahay si Lantis dahil narinig niya ang pagbukas ng pintuan nito.


Natigilan naman si Empress.


May sakit si Lantis???


Agad niyang tinawagan ang kaibigang si Queen.


“Hello Queen, hindi pala muna ako makakasama sa lakad niyo. May importante lang akong aasikasuhin”


“Anong importante yun? Eh diba nakaleave ka?” tanong nito sa kabilang linya.


After kasi ng reunion nila ay napagpasyahan ni Empress na magfile ng leave. Tutal sa tagal na niyang nagtatrabaho sa ospital ay ni minsan hindi niya pa ginamit ang mga leave niya kaya naman naipon na ito ngayon.


“Oo nga. Basta importante. Babay na” sagot ni Empress at ibinaba na ang telepono.


Agad siyang lumabas ng bahay matapos ilapag ang bag sa sofa at lumipat sa kabilang bahay.


Hindi nakalock ang gate kaya agad nakapasok si Empress. Sabagay mababait naman ang mga tao dito sa village kaya okay lang kahit hindi ka maglock ng pinto.


“Lantis?” tawag niya ng makapasok sa loob.


Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng sala.


“Infairness ah.. ang linis ng bahay niya. Mas malinis pa yata sa bahay ko” natatawang sabi ni Empress.


“Yoohoo… Lantis where are you?” hindi pa rin sumasagot ang binat. Imposible namang lumabas ito dahil narinig niyang pumasok ito sa loob ng bahay kanina.


Napatingin si Empress sa second floor ng bahay. Nandun siguro siya.


“Lantis papasok na ako ah.. ay nakapasok na pala ako.. aakyat pala ako” paalam niya kahit hindi siya sigurado kung naririnig nga ba siya ng binata.


Nang makaakyat ay sinilip niya ang loob ng kwarto na una niyang nakita. At doon nga ay natanaw niyang nakahiga ang binata. Agad siyang lumapit rito.


“Lantis?”


Napatingin naman ito sa kanya.


“What are you doing here?” kahit nanghihina ay nagawa pa nitong tignan siya.


Akmang babangon ito pero agad niya itong nilapitan at pinigilan.


“wag ka ng bumangon. Mukhang hindi na maganda ang pakiramdam mo eh”


“wala ito. Simpleng trangkaso lang.. you can go now”


“Ano bang simple ang sinasabi mo dyan ayan nga at super init mo na oh” akmang iiwas ito ng hawakan niya ang noo nito pero marahil nanghihina ay hindi ito nakaiwas sa kanya.


“Humiga ka lang dyan. Nakainom ka na ba ng gamot?” tanong niya at inayos ang pagkakakumot dito. Hininaan niya din ang aircon sa kwarto nito upang hindi ito lamigin.


“Kaya ko ang sarili ko”


‘Well I assume hindi ka pa nga uminom ng gamot” sabi niya. “May medicine cabinet ka ba dito?”


“Wala”


“Tingin ko nga eh.. sige wait ka lang dyan. Punta lang ako sa bahay kuha lang ako ng gamot. Kumain ka na ba?”


“Wala akong gana”


“Tsk! Hindi pwede yan. Stay put ka lang dyan saglit lang ako. Kuha lang ako ng gamot mo sa bahay” anya at bago pa makasagot si Lantis ay nakalabas na siya.


***


Pagbalik ni Empress sa bahay ni Lantis ay naabutan niyang natutulog ang binata. Ipinasya niyang wag na muna gisingin ito. Bumaba siya sa kusina nito upang tignan kung ano ang pwede niyang maipakain sa binata. Alam niyang walang ganang kumain ito kaya sopas nalang ang iniluto niya.


“Lantis” ginising niya ang binata. “Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot”


“Wala akong gana” tanggi ng binata.


“Kumain ka kahit konti para makainom ka ng gamot”


Siya na mismo ang nagsubo ng pagkain sa binata. Akmang iiwas ito pero hindi niya ito hinayaan.


“Lantis.. saka ka na makipagsungitan sakin kapag gumaling ka na. sa ngayon ako na muna ang masusunod pwede?”


Walang nagawa ang binata kundi sumunod.


“Why are you doing this?” tanong ni Lantis kay Empress.


“Doing what?”


“Taking care of me. Hindi ka ba natatakot na baka mahawa ka sakin?”


“Come on Lantis. I’m a nurse remember? Malakas ang immune system ko. Saka hindi naman ako takot sa sakit. Mas malala pa nga dito ang naeencounter ko eh kaya ako na muna ang personal nurse mo”


“Hindi ko alam kung dapat ba akong maflattered na ikaw ang nurse ko to think na sa Mental ka nagtatrabaho. Pakiramdam ko pasyente na din ako tuloy dun”


“Sira. Mababait naman sila eh.. saka masarap ding kausap”


“Mukha ngang nahawa ka na sa kanila eh”


Napangiti nalang si Empress. It was the first time that she and Lantis talk this way. Dati rati kasi ay tango lang ang isinasagot nito sa kanya. Dapat pala laging may sakit ang binata eh. Hehe.


Matapos maubos ang kinakain ay pinainom niya din ito ng gamot.


“Magpahinga ka na muna dyan para bukas or mamaya okay na ang pakiramdam mo”


Tumayo na din siya upang bitbitin palabas ang mga pinagkainan nito.


“Empress…thank you”


Napangiti nalang si Empress.


“No problem”


It was the first time she and Lantis talked that way.


The first time she entered Lantis house and room.


The first time she cooked food for someone other than herself.


The first time Lantis calls her by her name.


And the first time he said Thank you.


What else could she wish for?


Worth it naman pala ang di niya pagsama sa lakad nila ni Queen. Worth it naman pala ang pagleave niya.


***


“Hi. Magaling ka na?” bati ni Empress kay Lantis ng mabungaran niya ito habang nakadungaw siya sa terrace ng bahay.


“Yeah. Magaling yung nurse ko eh”


Napangiti naman si Empress sa sinabi ni Lantis.


“Ngayon lang yan. Next time maniningil na ako ng talent fee” biro niya.


It’s been three days mula ng magkasakit si Lantis. And all those time na may sakit ito ay siya ang nag-aalaga sa binata. Hindi kasi man lang ito binisita ng girlfriend nito. Well, she doesn’t care at all. Masaya na siya at kahit papaano ay nagkasama sila ng binata.


“Em.. thank you ah”


“For what?”


“For taking care of me kahit na hindi naman tayo ganun kaclose”


“Okay lang yun. Magkapit-bahay naman tayo eh.”


Dumaan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nailang naman si Empress dahil nakatitig sa kanya ang binata. She tried to look away.


Ano ba itong nararamdaman ko?


What is this I’m feelin’
I just can’t explain
When you’re near
I’m not just the same
I’m tryin’ to hide it
Try not to show it
It’s crazy
How could it be







“Ahhmm… so kumusta naman kayo ng girlfriend mo?” out of the blue ay tanong niya.



Tama yan Empress isingit mo ang babaeng yun. Ang bright mo talaga! Sarap mong saktan!


Parang naririnig pa ni Empress na sigaw ng kunsensya niya.


“Okay naman”


“Matagal na ba kayo?”


Peste wala akong maisip na topic eh.


“Hmm actually, she’s not really my girlfriend”


Napatingin naman si Empress sa sinabi nito.


“Come again?”


“Cheryl is not my girlfriend. We’re just dating. Pero wala kaming relasyon”


“Ha? I thought she’s your girlfriend.. Well everybody thought”


“Ayaw din naman kasi niya ng serious relationship due to her career. Besides I didn’t court her”


“Ahhh I see”


“Ikaw? Kumusta na kayo ng boyfriend mo?”


“Why do I have this feeling that you’re just fishing for information?” biro niya sa binata.


“Hindi ah. I’m just asking. If you don’t want to answer okay lang”


“Wala”


“Huh?”


“Wala akong boyfriend”


“Hindi nga?”


“Oo nga.”


“bakit?”


“Anong bakit?”


“Bakit wala kang boyfriend?”


“Ahh.. walang magkamali eh”


“Imposible”


“Ganun talaga masyado daw kasi akong maganda, matalino, mabait, sexy at mayaman”


“Ang gaan siguro ng bangko ko mo kaya nagagawa mong buhatin”


“Oo naman. Gusto mo buhatin ko din yung sayo eh…anyways.. I never thought na you could be this talkative Lantis”


“Bakit naman?”


“Feeling ko kasi suplado ka at masungit saka hindi ka mahilig magsalita”


“Masungit at suplado naman talaga ako at hindi mahilig magsalita”


“Then why are you talking to me now?”


“Because I like talking to you”


That statement made her smile.


“Alam mo bang mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka?” biglang sabi ni Lantis sa kanya.


“So nagagandahan ka sakin?”


Kibit-balikat lang ang isinagot ni Lantis sa kanya.


“Thank You”


“For what?” kunot noong tanong ng binata


“wala lang. Gusto ko lang mag thank you”


“You’re weird you know”


“Yeah. I know. Marami ngang nagsabi sakin” tumatawang sagot naman niya.


“Hey Love Birds!”


Napatingin naman sina Empress at Lantis sa sumigaw.


They saw they’re neighboors below.


“Anong drama yan ah.. feeling niyo kayo sina Romeo at Juliet?” sigaw ni Zane.


“Kayo na ba?” tanong naman ni Lianne.


Bigla namang natawa si Empress upon looking at their situation.


She was there at the terrace of her house while Lantis was looking and talking at her from below. Mukha nga silang sina Romeo at Juliet. If only it’s real.


“I’m not his Juliet” sagot niya sa mga ito.


“Awww… wala pa rin ba? Hindi ka pa rin ba sinasagot ni Lantis?” pang-aasar ni Lewis.


“Shut up boy!” tumatawang saway niya rito at nahihiyang di makatingin kay Lantis.


“What are you doing here?” tanong ni Lantis sa mga ito.


“Dadalawin ka sana namin kasi may sakit ka” sagot ni Zane


“Ang bait niyo naman. Parang di kapani-paniwala” sagot ni Lantis.


“Ang sama nito. Ikaw na nga ang inaalala eh”


“Hay naku wag nga kayong sinungaling. Ang sabihin niyo kaya kayo nagpunta rito eh para usyosohin sina Empress at Lantis at di dahil concern kayo kay Lantis” pagsusungit ni Gracie sa mga ito.


“Eh bakit sumama ka? Gusto mo ring makiusyoso eh” sagot naman ni Vanie.


“Ano.. ahhh medyo lang”


“Kayo talaga. Ano bang uusyosohin niyo samin ni Lantis” nailing na tanong ni Empress.


“well nakarating kasi samin na madalas ka nga daw sa bahay ni Lantis” ani Lianne.


“At saan niyo naman nabalitaan iyan? Sinong nagsabi?”


Sabay sabay na tumingin ang mga ito kay Zane.


“Hey! I just saw you one time” depensa naman nito.


“Ikaw talaga Zane kalalaki mong tao tsismoso ka” sita ni Lantis sa binata.


“May sakit kasi si Lantis..at dahil nurse ako at kapitbahay niya I decided to look after him since on leave naman ako” paliwanag niya sa mga ito.


“Ahhh kaya naman pala…so kayo na?”


“Ang kulit niyo. Hindi nga kami”


“Tagal naman”


“Lantis kasi manhid na torpe pa” ismid ni Vanie.


“What?”


“Wala. Sabi ko gwapo ka sana bingi ka lang”

“Alam niyo umalis na nga kayo. Nakakaistorbo na kayo eh” pagtataboy ni Lantis sa mga ito.


“Oh narinig niyo yun? Nakakaistorbo na daw tayo sa kanila.. tara na at iwan sila” yaya ni Lewis sa mga ito.


“Hey! Mukhang iba yata ang pagkakaintindi niyo eh” pigil ni Empress.


“Don’t worry Empress. Naiintindihan namin” at nagtatawanang lumakad palayo ang mga ito.


“Hay naku. Namisinterpret yata” nakasimangot na sabi ni Empress.


“hayaan mo sila. Sige. Pasok na ako sa loob” paalam ni Lantis.


“Okay. Pahinga ka muna. Baka mabinat ka”


“thanks” papasok na sana si Lantis ng bigla itong huminto at tumingin sa kanya. “By the way…I look good in your phone” at tuluyan na itong pumasok sa loob.


Naiwan namang tulala si Empress sa sinabi ng binata.


“By the way…I look good in your phone”


Ibig sabihin tinignan niya ang cellphone ko at nakita niyang siya ang wallpaper ko?

“Oy! Importante sakin itong cellphone ko noh! Nandito yung picture ng crush ko”

Naalala niya pa ang sinabi niya noon sa binata.

Gosh! Nakakahiya.!

Kahit gaano pa kaopen si Empress sa pagsasabi sa ibang tao na crush niya si Lantis hindi naman niya ito kayang sabihin ng harapan sa binata. Hindi rin naman niya magawang ipaalam ito rito.

Naitakip nalang ni Empress sa mukha ang mga palad. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang buong mukha niya sa pagkapahiya.

“Alam na niyang crush ko siya. Asar naman”

***


“Hi”


“Hello”


Parang biglang naging ackward si Empress sa harapan ni Lantis after he tells her about the picture.

“Going to work?” tanong ng binata.

“Ahh yeah. Tapos na yung leave na finile ko eh. Saka namimiss ko na mga alaga ko” nakangiting sagot niya.

“Ahh I see. Tara hatid na kita” prisinta nito.

“No I can manage”

“Nasa talyer yung kotse mo diba?”


Nung isang araw kasi ay natamaan ng bola ang winshield ng sasakyan niya kaya ipinaayos niya pa ito.

“Ahh yeah right”


“So tara hahatid na kita”

“Wala ka bang pasok sa work?”


“Kauuwe ko lang”


“Ahh okay”


Sumakay na din sya sa kotse ng binata.


“Night shift ka pa rin pala” pansin ni Lantis habang nagmamaneho.

“Ahh yeah next month pa yata magbabago ang schedule ko eh”

“Hindi ka ba nahihirapan?”

“Hindi naman. Sanayan lang”


Tumango naman ang binata.

“Oy! Sensya na ah.. imbes na nagpapahinga ka na eh napapagod ka pa sa paghatid sakin”


“Wala yun. Delikado na rin kasi gabi na”


“Ahh.. thank you”


Dumaan ulit ang katahimikan sa pagitan nila.


“Lantis… hindi ko na yata nakikitang pumupunta dyan yung girlfriend mo” pansin niya.


“Girlfriend? Si Cheryl?”


“Oo”


“Hindi ko nga girlfriend yun”


“Okay. Special friend”

Napailing naman si Lantis.

“She decided to call it off. May bago na siyang dinedate”

“Is it okay with you?” nag-aalalang tanong ni Empress.


“Oo naman. As what I’ve told you hindi naman kasi seryoso ang relasyon namin kung meron man”

“Ahh okay.. eh di loveless ka pala ngayon”

“Loveless talaga ah… I don’t care. Ayoko pa rin namang pumasok sa seryosong relasyon”

Nalungkot naman si Empress sa narinig. He doesn’t want to enter in a serious relationship.


“eh ano naman sayo?”

“wala naman. Masama bang malungkot?”

“Hey! Okay ka lang” tawag pansin sa kanya ng binata.

“Yeah I’m okay”

“I see”

Habang nagmamaneho ay napatingin si Empress sa binata. He’s really handsome. Even his profile is good. Hindi niya napigilan ay inilabas niya ang cellphone niya.

“Hey Lantis. I have a new phone with camera. Testing nga natin”

“That was your old phone”

“Bago ito. Marunong ka pa sakin. Smile”

Kahit na naweweirduhan sa kanya eh nagawa pa ring tumingin ni Lantis sa camera ng kuhanan niya ito. Kahit na hindi ito ngumiti, still he really look handsome.

“Ang gwapo mo talaga” sabi niya habang nakatingin sa larawang kinuha.

“Let me see” ani Lantis pero agad niya itong inilayo sa binata.

“Wag na. mamaya burahin mo pa” agad na niyang itinago sa bag ang cellphone.

Hindi naman nagsalita nag lalaki kaya napatingin nalang si Empress sa labas ng bintana.

“Wait.. si Queen ba yun?”

“Who’s Queen?” tanong ni Lantis.

“Wait lang Lantis bagalan mo ang takbo” utos niya sa binata.

She saw Queen and Railey. Mukhang nagtatalo ang mga ito or naglalambingan whatever.

“Hey Lovers!!! Get a room!!!” sigaw niya sa mga ito.


“Empress???” sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.


“Hi Queen…Hi Raileyboy!”

“Hi Empress” bati ni Railey.

“Railey… if you want to kiss Queen then do it…hindi naman iyan papalag eh” pang-aasar niya sa mga ito. She’s happy teasing her friend.

Namula tuloy si Queen sa sinabi niya.

“Emily Presea!!!” saway nito pero tinawanan lang niya ito.

“Goodluck Railey…tandaan mo yung sinabi ko sayo.. kung di madaan sa santong dasalan daanin mo sa santong paspasan..haha.. babush!!!”


Then he instructed Lantis to drive off the car.

Nakita niya pang sumigaw si Queen. Malamang badtrip na naman ito sa kanya.

Ever since the reunion came, she and her friend Ruijin do all their best to make Queen and Railey together. Because they know that only Railey can make Queen happy.


Alabyu espren!!!

“That was mean” pansin ni Lantis sa kanya.

“Mean? Hindi noh. I’m just doing them a favor”


“Is that your friend?”


“Yes. The girl. She’s Queen and my college friend. The boy was her ex boyfriend Railey”


“I assume you want them to be together again?”


“Yup”


“Mind if I ask why?”


“Simply because they still love each other”


“I see. We’re here”


Nasa hospital na pala sila ng di niya namalayan.


“Thanks Lantis”


“Your welcome”


Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya at bigla niyang hinalikan sa pisngi si Lantis. Nang matauhan ay bigla siyang bumaba ng sasakyan nito.



What did I do?


I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels


***


“Iniiwasan mo ba ako?” tanong sa kanya ni Lantis isang araw.

“Ha? Bakit naman kita iiwasan?” tanggi ni Empress.

“Pakiramdam ko lang”

“Pwes mali yang pakiramdam mo.. di kita iniiwasan. Busy lang ako”

“I see….so tara hatid na kita sa work mo”

“Wag na Lantis. Kaya ko na sarili ko saka nandito na din naman yung kotse ko eh”

Tinitigan siya ni Lantis. Agad na iniwas naman ni Empress ang paningin sa lalaki. It’s been one month mula nung huli siyang ihatid ni Lantis sa ospital. At mula noon ay iniwasan na din niya ang binata. Iba na kasi ang nararamdaman niya. Alam niyang hindi lang ito simpleng crush.

She was inlove with Lantis.

“You’re avoiding me nga”

“Hindi nga”

“Then bakit ayaw mong magpahatid?”

“Magagalit ang boyfriend ko”

“You don’t have a boyfriend”


“Meron na ngayon”

“You’re lying”

“No I’m not”

“I don’t believe you”

“Okay fine! Wala nga akong boyfriend. Pero ayoko pa ring magpahatid sayo”

“Bakit nga?”


“Eh bakit gusto mo akong ihatid?”

“Wala lang. Concern lang ako”

“See? Bakit ka concern sakin?”

“Kasi kapit-bahay kita. At tumatanaw lang ako ng utang na loob sa pag-aalaga mo sakin nung nagkasakit ako”

She feels depressed upon hearing his answer. Masakit palang marinig. Maybe she’s expecting something.

“ano namang ineexpect mo? Na kaya siya concern sayo kasi may gusto siya sayo? Kasi mahal ka niya? Ambisyosa ka talaga. Sinabi na nga niyang ayaw niya ng seryosong relasyon diba? Tumatanaw lang daw ng utang na loob… tumigil ka na kung ayaw mong masaktan ka”


“Wala na yun. Kalimutan mo na yung utang na loob na yun. That was a long time ago okay? Sige na malelate na ako” at sumakay na siya ng kotse at iniwan ang binata.

Habang maaga dapat na siyang umiwas para hindi siya masaktan.


***


When you said hello
I looked in your eyes
Suddenly, I felt good inside
Is this really happ’nin
Or am I just dreaming
I guess, it’s true
I can’t believe




“Lantis”

He was there standing outside her doorsteps.

“Yoh!”

“Bakit ka nandito?May kailangan ka ba?” alanganing tanong niya. Hindi makatingin sa binata.

“Hindi ko rin alam eh. Dinala na lang ako ng mga paa ko dito”


“Ganun ba? Ahhh bakit naman?”


“Ewan ko. Siguro namimiss ka niya”


“Ng mga paa mo?”

“Funny…. I miss you Empress”


Without a word bigla na lang siyang hinalikan ni Lantis sa mga labi. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang ikot ng mundo. It was the first time that someone kissed her. Iba pala ang pakiramadam ng hinahalikan.


Do I need to close my eyes? Do I need to open my mouth?

Shocks! Hindi ko alam ang gagawin ko! Paano ba humalik?

Pero mukhang hindi ko na kailangang matuto ng matagal sa larangan ng halik dahil magaling ang nagtuturo sa akin. I was shocked to notice na nasa loob na pala kami ng bahay ko. Hindi ko alam kung paano kami nakapasok without ending the kiss we shared. Isinandal ako ni Lantis sa likuran ng pinto habang patuloy pa rin sa paghalik sakin.

But wait…is it really alright?

Tama bang makipaghalikan ako sa lalaking hindi ko naman boyfriend o manliligaw man lang? pero shemas! Hindi ko kayang pigilan. Hindi ko kayang pahintuin siya sa ginagawa niya. Maybe because deep inside this is what I’m wishing for.

Nagulat pa ako ng biglang tapusin ni Lantis ang halik. Kapwa kami habol ng aming mga hininga.


“Lantis…”


For the first time in my life. I saw him smile at me.


“That was great Empress. That was one hell of a kiss”


“W-why? Why did you kiss me?”

“ I don’t know. Basta when I saw you I just want to kiss you”


Well he doesn’t sound like a pervert.


“Let’s be together Empress”


“What?? What are you saying?”

Hinawakan ni Lantis sa mga balikat si Empress.


“I want you and me to be together”

“Like a couple? Eh hindi ka nga nanliligaw man lang sakin eh”

“Not really a couple. No strings attached”

Pakiramdam ni Empress parang biglang bumagsak lahat ng ilusyon niya.


No strings attached.


What do you expect ba? Eh malinaw pa sa sikat ng araw sa umaga ang sinabi ni Lantis noon na ayaw niya ng serious commitment diba? Kaya malamang no strings attached talaga ang drama niyo.

Empress removed Lantis hands to her shoulders.

“I’m sorry Lantis”

“Sorry?”

“If I want us to be together I want it for real. Not with no strings attached. Sorry kasi matino akong babae. Hindi ako kaladkarin para pumayag sa ganyang set-up”

“I’m not saying na kaladkarin ka. It was not my intention”

“I want a serious relationship Lantis. Kaya mo bang ibigay sa akin yun?”

Hindi nakaimik ang binata.


“Why do you want to make things complicated? Commitment only makes things so complicated.”


“But those complications will make life interesting and happy.”

Mukhang hindi sila magkakasundo ng binata. Wala nga yata talagang role ang lovelife sa buhay niya.


Nakakalungkot.

Binuksan ni Empress ang pinto.

“You can leave now Lantis. I don’t want to talk to you ever again.”

Tinitigan lang siya ng binata. And without uttering a word leave the house.

***


Empress is happy for her friend dahil matapos ang pakikipagkumperensya nito sa puso nito ay mas nanaig pa din ang pagmamahal nito sa dating nobyo. Well Queen is so lucky to have someone like Railey na talaga namang mahal na mahal ito. She was indeed very happy for both of them. Kaya naman ng makasiguro na hindi na muling maliligaw ang puso ng kaibigan ay iniwan na niya ito sa mga kamay ni Railey. She drive her way off at the hotel.


Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ayaw naman niyang magsabi ng problema sa kaibigan dahil masyado itong busy sa pagpapakasaya. Ayaw din naman niyang bulabugin si Ruijin dahil may sariling pamilya na din ito.


Well, atleast her friends are happy with the path that they took. Maybe may mga tao talagang walang swerte sa lovelife. At isa siya sa mga taong iyon.


***

Lantis was busy drinking his beer when somebody sat beside him. He didn’t even bother to look to know who it was.


“Maybe life really sucks” narinig niyang sabi ng katabi niya habnag tinutungga ang bote ng alak.


Kasalukuyan siyang nasa bar na iyon upang libangin ang sarili. Actually he doesn’t even know why he’s here. Basta dito na lang siya pinadpad ng mga paa niya. He didn’t know why but he keeps on thinking Empress. About what she said.


Doesn’t matter where I am
Thoughts of you still linger in my mind
No matter what time of day
I’ve really, really
Fallen for you



“Why do girls so complicated?” himutok pa din ng katabi niya.


“Yeah right” di napigilang sagot niya dahilan para mapatingin ito sa kanya.


“Looks like I’m not the only one who’s confused right now”


Kibit-balikat lang ang itinugon ni Lantis sa lalaki.


“I’m Gabe. What’s your name?”


“Lantis”


Magaan ang loob ni Lantis sa lalaki. Marahil dala na rin ng nainom na alak o dahil batid niyang pareho silang may malalim na iniisip.


“I want her to be mine. I want to spend my forever with her. Pero ayaw niya. Hindi pa daw siya ready to enter in a serious relationship. Ayaw niya ng komplikasyon. Pero napakacomplicated naman niya. No strings attached? Friends with benefits? Duh! I don’t want that. I want her exclusively mine” kwento ng lalaki. Marahil sa sobrang sama ng loob nito ay nagawa nitong maglabas ng nararamdaman sa tulad niya.


But there’s something on what he said strike him.


No strings attached.


“Can I ask you a question?”


“Sure. What is it?”


“Nung sinabi niya sayo na what she wants is no strings attached. Anong naramdaman mo?”


Humingi muna ng isa pang bote si Gabe bago siya binalingan.


“Masakit. Kasi wala akong magiging karapatan sa kanya eh. Hindi ako pwedeng magselos or magalit or mainis kasi hindi naman kami official na amy relasyon. She can date whoever she wants. And thinking of thoughts that other boys will touch her or spend time with her or kiss her. Hindi ko kaya. I want her to be exclusively mine. I want her to be my wife”


Natahimik si Lantis sa sinabi ni Gabe. Mukhang may pagkakapareho nga talaga silang dalawa ng sitwasyon. Ang pagkakaiba nga lang. He’s the one who doesn’t want commitment.


“Ikaw? Anong problema mo?” tanong nito sa kanya.


“I’m the one who doesn’t want commitment.”


“Really? Then what happened?”


“She threw me out of her life and out of her house. Literally”

“Really?? She sounds like a tough woman”

“She’s a nurse at Mental Hospital”

Bigla namang natawa si Gabe.


“Well no wonder she sounds tough. Hindi biro ang maging nurse dun ah. Mind if I ask you bakit ayaw mo ng commitment?”

“It will only bring complications. Kung wala kayong commitment you can easily part ways. No strings attached. No feelings involved. Just enjoy the time that you have with each other. Para kapag ayaw niyo na eh di walang problema”

“Paano ka naman nakakasiguro na hindi kayo magkakaroon ng feelings sa isat-isa? What if dumating sa time na ikaw mahal mo na pala siya? Pero para sa kanya wala lang yun? Hindi ka ba masasaktan? Oo nga at nagiging complicated ang isang bagay dahil sa commitment. Pero isipin mo nalang kung mahal mo talaga ang isang tao hindi mo iintindihin ang complicated complicated na iyan. Basta kasama mo yung taong iyon lahat ng bagay kaya niyong lampasan. That’s what you called love.”


Hindi nakaimik si Lantis. Pinag-isipan niya ang sinabi ni Gabe.


“…eto ngayon ang tanong ko sayo Pare. Do you love her? If you said yes then wag kang pumayag or magsuggest ng no strings attached. Kalokohan yun.”


***


“Yuck Empress!!! Ang panget mo na!” panlalait sa kanya ng kaibigang si Ruijin.


They decided na dalawin ang ngayon nga ay preggy na friend nilang si Queen. Kasam nito ang dalawang anak nito.


“Makapanlait wagas ah” irap niya sa kaibigan.

“Totoo naman eh. Naturingang single ka pero mukha ka ng may isang dosenang anak sa sobrang stress”

“Ewan ko sayo. Busy ako sa ospital kaya stress”

“So kumusta naman kayo ni Lantis na yun?” mula sa kusina ay tanong ni Queen.

“Wala. Ewan ko dun”

“Umamin ka nga Emily Presea. Inlove ka noh?”

“Hindi noh!” tanggi niya.

“Mukha mo Em! Kami pa ang lolokohin mo eh sobrang obvious naman sa mukha mo na inlove ka”

“At baket aber??”

“Hindi makatulog. Hindi makakain. Para kang teenager”

“PBB Teens yan eh” pang-aasar ni Queen.

“Hoy buntis wag ka masyadong matuwa dyan at baka mapwersa yang tyan mo at kami pa ang sisihin ni Raileyboy!” sita niya sa kaibigan.


“Malakas ang kapit ng baby ko.”

“So ano ng score sa pagitan niyo?”

“Wala. Bokya”

Unconciously she looks at her cellphone. Mukha agad ni Lantis ang nakita niya. Ito yung picture na kinuha niya sa binata nung araw na ihatid siya nito sa ospital.


“Sya ba yan ha?” tanong ni Ruijin. Hindi niya napansing nakikitingin na din pala ito sa cellphone niya.

Gaano ba kalalim ang iniisip niya para di niya mamalayan ang kaibigan.

“Infairness ah ang gwapo niya. No wonder nainlove ka”

“Hindi siya yan. Pasyente namin sa Mental yan” tanggi niya at tinangkang ilayo dito ang cellphone. Pero maagap na nakuha naman nito iyon at ipinasa kay Queen.

“At kelan pa naging pasyente sa Mental ang gwapong kapit-bahay mo? Sya ito diba? Yung crush mo?” sabi naman ni Queen.


“Ewan ko sa inyo. Akin na nga yan”

Ibinalik naman nito sa kanya ang cellphone niya.

“So what happened? Naalala ko nung araw na bago ko puntahan si Railey sa hotel parang may problema ka nun. Hindi nga lang kita nakompronta kasi busy ako sa lovelife ko that time. Pero nagpromise ako na once na okay na ang lahat ikaw naman ang tutulungan ko sa lahat ng tulong na ibinigay mo sakin”

Napabuntong-hininga nalang si Empress. Wala na siyang nagawa kundi ang umamin.

“What? Sinabi niya yun? Adik ba siya at ikaw naman bakit nagpahalik ka na agad. Mamaya baka iniisip nun cheap ka” sermon sa kanya ni Queen matapos niyang ikwento dito ang huling pangyayareng naganap sa pagitan nila ng binata.

“Eh nagulat kaya ako. Saka ewan parang nagustuhan ko din eh”


“Malandi ka!!!!!”

“I Think I love him Queen.”


“You think?”

“No. I Love him. I fall inlove with him”

“Hay naku Emily Presea. Wag kang mainlove dun. Maghanap ka nalang ng iba. That guy is a jerk!. Gosh! Kakahighblood siya ah… manang tubig nga po”


Binalingan naman ni Queen ang nananahimik na kaibigang si Ruijin.

“Ikaw sis? Anong masasabi mo? Tama ako diba? Maghanap na ng ibang mamahalin si Empress”

“Queen.. you think kung ganun kadaling maghanap ng mamahalin mananatiling single ba itong kaibigan natin hanggang ngayon? Parang ikaw? Hindi ba at eight years na nga ang nakalipas pero si Railey parin ang mahal mo? Ni minsan hindi mo sinubukang magmahal ng iba. Ngayon lang tinamaan ng pagmamahal itong abnormal nating kaibigan. Kaya ang masasabi ko.. go for it!”


I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels
So this is love



“Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi mo Rui” nailing na sabi ni Empress.


“Sabagay may point ka Rui..hindi nga ganun kadaling makakita ng lalaking mamahalin pero I don’t think if that guy deserves our Empress.” Angal pa rin ni Queen.


“Ikaw puro ka kontra. Nung naghiwalay kayo ni Railey sinuportahan ka namin lalong-lalo na si Em.. hindi yan nagboyfriend para damayan ka. Kaya ngayon naman matuto kang tulungan at suportahan itong kaibigan natin” sermon dtto ni Ruijin.

“Susuportahan ko naman siya ah. Ayoko lang dun sa guy na yun kasi sasaktan lang niya yung friend natin. Actually sinaktan niya na nga eh”

“ahh basta… Empress ipaglaban mo yang nararamdaman mo.”

“Ano namang ipaglalaban ko eh tanga yung minahal ko”

“mas tanga ka kasi mahal mo ang isang tanga” irap ni Queen.

“Queen kung hindi ka lang buntis kanina pa kita sinaktan”


“hindi kita kukuning ninang ng baby ko”

“hindi kita iimbitahin sa kasal ko”


“Ambisyosa!”


“Ang gulo niyong dalawa. Tama na nga yan. Basta Empress isa lang ang maipapayo ko sayo…follow your heart.”


“Thank you Ruijin”

“And one more thing…he looks good in your phone… bagay kayo” sabi nito sabay kindat.


***


“Tinatawagan po ang lahat ng residente na maari lang po ay magpunta sa club house. May mahalagang iaanunsyo lamang po. Marami pong salamat”

Iyon ang gumising kay Empress. Kauuwe niya lang ng bahay at plano niya ay matulog maghapon dahil Linggo naman at wala siyang pasok sa ospital pero dahil sa ingay na iyon ay hindi siya makatulog.

“Ano naman kaya yun?” tanong niya at sumilip sa bintana.

Mula sa pagkakasilip ay nakita niya sina Gracie. Mukhang papuntang club house ang mga ito.


“Hey Em! Tara! Punta tayong clubhouse” yaya ng mga ito.


“Ano bang meron?” tanong niya.


“ewan ko. Basta punta nalang tayo”


“Sige wait niyo ako”


Hindi na siya nagpalit ng damit. Simpleng pambahay lang ang suot niya.

“Ano kayang meron noh?” curious na tanong ni Vanie.

“Baka may announcement” sagot naman ni Lianne.

Pagdating nila sa clubhouse ay medyo marami ng tao. Halatang mga galing lang sa bahay ang mga ito at tulad niya ay hindi na rin nagsipagpalit ng damit. Ang iba nga ay may hawak pang sandok at may suot pang apron.

“Hey! Dito kayo” tawag sa kanila ni Zane.

Nilapitan naman nila ang mga ito.

“Ano daw meron?” tanong niya.

“Ewan. Baka may birthday” sagot ni Lewis.


Biglang natahimik ang paligid ng umakyat sa stage si Lantis. Nagulat naman sila Empress.


“Anong ginagawa ni Lantis dyan?” nagtatakang tanong ni Gracie.


“baka kakanta siya” tumatawang sagot ni Zane.


Hindi naman makapagsalita si Empress. Titig na titig lang siya kay Lantis. It’s been almost a month mula ng huli niyang Makita ang binata. Madalas niya kasing iwasan ito. At kahit nga sinabi ng mga kaibigan niya na follow her heart ay di niya magawa. She was afraid to get hurt.


And now, standing in front of her was the only man that she loves. Unaware of her presence in the crowd.


“Ahhh… unang-una po sa lahat marami pong salamat sa pagpunta niyo rito kahit na alam ko po na mga busy din kayo..lubos po akong nagpapasalamat. May mahalaga lang po akong sasabihin at gusto ko pong maging saksi kayong lahat sa sasabihin ko.” Simula ni Lantis. Natahimik naman ang lahat. Pawang mga nakikinig sa binata.


“Ako po si Lantis Zalderiaga ay humihingi ng tawad sa isang taong alam kong nasaktan ko. I admit I’ve been a jerk for acting that way. For saying those things. Hindi ko kasi alam eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Ever since the day that I’ve met you I know theres something in you that already caught my attention. Kahit na madalas kitang sungitan o di pansinin lagi ka paring nakangiti sakin.”


“Hey.. is this a confession?” tanong ni Zane.


“Sshhhh!!!” saway nila Gracie dito. Tinakpan pa ni Vanie ang bibig ni Zane.


“Hindi ko alam kung paano ka kakausapin o iaaproach. Nahihiya kasi ako eh. Ang ganda ganda mo kasi. Pakiramdam ko natutunaw ako kapag ngumingiti ka sakin. Kaya naman umiiwas nalang ako at sinusungitan kita. Kasi aminin ko…natotorpe ako pagdating sayo”


Nagtawanan ang mga tao sa club house.


Imagine si Lantis? Ang isa sa pinakaeligible bachelor at heartrob ng village natotorpe?


“Parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya” pang-aasar ni Zane at tumingin sa kanya.


“Ako din kilala ko na” segunda naman ni Vanie.


“Akala niyo kayo lang? ako din alam ko kung sino” sabi naman ni Lewis.


“Ang ingay niyo di ko maintindihan sinasabi ni Lantis” saway ni Gracie sa mga ito.


Natahimik naman ang mga ito. Muling nagpatuloy sa pagsasalita si Lantis sa harapan.


“Nung nagkasakit ako.. I didn’t expect na aalagaan mo ako. Gusto kong tumanggi kasi nahihiya ako sayo pero deep inside sobrang saya ko nun. Imagine makakasama kita? Pakiramdam ko nga ayoko ng gumaling kung ang ibig sabihin nun ay lagi kang nasa tabi ko. During the time na nakakasama kita iba ang nararamdaman ko. Ang saya saya ko…iba yung feeling… kaya naman nung gumaling ako nakakita ako ng pagkakataon para mapalapit ng tuluyan sayo. But I’m a 100 % jerk. Gusto ko sanang magtapat sayo pero iba ang nasabi ko dahilan para magalit ka sakin. I’d admit natakot kasi ako eh. Hindi ako sanay sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaya ko na bang pumasok sa seryosong relasyon. Baka masaktan lang kita pag nagkaganun. Ayokong saktan ka pero ang tanga ko kasi nasaktan pa din kita. Iniwasan mo na nga ako after that incident. Then napag-isip isip ko during the time na hindi kita nakikita o nakakasama.. hindi ko pala kaya… I’ve fallen inlove with you…Ayoko na ng no strings attached. Because I want you to be mine forever. Kung kinakailangang ligawan kita at suyuin ng matagal gagawin ko. Kahit pahirapan mo ako okay lang sakin kasi kasalanan ko naman eh. But please just give me a second chance… give me a second chance to be with you again. I love you so much Emily Presea Ibaviosa.”


Biglang naghiyawan ang mga tao sa club house at lahat ay tumingin sa kanya. Inulan naman siya ng asar nila Gracie. Hindi na napigilan ni Empress ang pagtulo ng mga luha. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Lantis umpisa palang. Ganito pala ang pakiramdam.


Biglang nahati ang mga tao ng bumaba si Lantis mula sa stage at naglakad palapit sa kanya. Ang lahat ng mata ay nakatingin sa kanila ng binat. Patuloy naman ang pagtulo ng luha ni Empress.


Huminto si Lantis ilang pulgada malayo sa kanya. Pero titig na titig ito sa kanya.


“Empress…would you be my girl for real? Ayoko na ng no strings attached. I’m not afraid on commitments anymore if you’re the person I’m going to commit to. I want to spend my forever with you.”


“So you want me to be your girlfriend for real?” tanong niya sa binata.


“No”


“Then what? I thought you want something real?”

“I don’t want you to be my girlfriend.. I want you to be my wife”

Biglang lumuhod si Lantis sa harapan niya at mula sa bulsa nito ay naglabas ng singsing. Napasinghap naman ang lahat ng tao sa clubhouse maging si Empress.


“I want to spend my lifetime with you Empress. Will you marry me?”


Hindi siya agad nakasagot. Nabibilisan siya sa mga pangyayare.


“Lantis…”

“Kung hindi ka pa ready magpakasal willing akong maghintay. But please just accept me. Please Empress”

“Hoy! Sumagot ka!” mula sa bulto ng mga tao ay sabi ng kaibigan niyang si Queen.


Kasama nito si Ruijin.


“Anong ginagawa niyo dito?”

“Lantis tutulungan ka na naming magpaliwanag.” Sabi ni Ruijin sa binatang hanggang ngayon ay nakaluhod pa din sa harapan niya.


“Pinuntahan kami ni Lantis at kinausap. Inamin niya samin ang lahat lahat at humingi siya ng tawad sa nagawa niyang pananakit sayo. He also told us that he loves you and he earned our trust and respect....at dahil syempre mahal ka namin tinulungan namin siya. Kami na din ang nagsabi ng sukat ng singsing mo”

“Wag ka ng mag-inarte dyan. Mahal mo din naman si Lantis eh. Wala ka ng kawala kasi ibinuko ka na namin sa kanya”

“Mga kaibigan ko ba talaga kayo?” nailing na sabi niya at muling binalingan ang binata.


“Naibuko na pala ako sayo ng mga kaibigan ko eh… hindi ko na kailangang umamin pa”


“But I want to hear it from you. Will you marry me?”


Sya na mismo ang lumapit sa binata.

“Yes I will marry you. Now put that ring to me”


Agad na isinuot ni Lantis sa daliri niya ang singsing. Naghiyawan naman ang mga taong saksi.


“I have my conditions on marrying you.”


“anong kundisyon?”


“Sa Paris ko gustong ikasal. Sa Hawaii ang reception at sa Korea ang honeymoon” nakangiting sabi niya sa binata.


“Love, hindi kaya ako mamulubi sayo?” nakangiting sabi din ni Lantis.


Of course she was joking. Kahit na sa simpleng simbahan lang sila ikasal, sa turo-turo ang reception at sa bahay lang ang honeymoon okay lang sa kanya. Ang mahalaga kasama niya ang lalaking minamahal.

Lantis hugged her and gently kiss her on the lips.

“ I love you Empress.. thank you for giving me a chance”


“ I love you too Lantis”

I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels
So this is love



***


Lumakad na palabas ng club house si Denny. She was touched with what happened between those two people. Atleast happy ending still exist. Not maybe for her but atleast to other people.


“Congratulations to both of you” bulong niya sa hangin at muling sinulyapan ang clubhouse kung saan nagkakasayahan ang mga tao sa village.


=Wakas=


No comments:

Post a Comment