Wednesday, April 03, 2013

My Song Presents 1 : Queen (All This Time by Six Part Invention)




 (A/N : this is my first one-shot story sa series na ito...birthday gift ko kay Espren Queen...kahit na ako ang may birthday ngayon..hehe...enjoy reading guys )

 *** 

Queen and Railey’s relationship is the kind of relationship people envied and talked about.


Railey is the campus heartthrob. The basketball jock. The students council president. He is so famous that all the girls in the University love and adored him. And the boys envy him.


Queen on the other hand is a very simple and down to earth girl. But she’s very bright. Since first grade she was always on the honor roll and she’s a dean lister in the University. She always had this smile on her face that Railey was so addicted about.



At first, Queen can’t believe how lucky she could be when Railey courted her. Well she’s just a normal average girl. Yes she’s bright and a little bit pretty but there are a lot of pretty girls in the campus. She thought that Railey was just playing on her but Railey did everything he could to make Queen believe in him.


“Why me?” Queen asked Railey one time.


“Ha? Anong bakit ikaw?”


“Madaming ibang babae dyan. Mas magaganda at mas matatalino pa sakin. Pero bakit ako?”


“Ano ba namang tanong yan? Ikaw ang pinili ko simply because ikaw ang mahal ko. And besides mag-iisang taon na ang relasyon natin eh” Railey answered with a smile and hug his girlfriend.


“Kaya nga eh.. almost one year na tayo pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend kita… parang ang layo-layo kasi ng agwat natin eh”


“Ano bang layo ang sinasabi mo? Eh heto ngat yakap yakap ita oh” pagbibiro ni Railey.


“Railey naman eh” reklamo ni Queen at tinangkang alisin ang kamay ni Railey na nakayakap sa bewang niya. Pero mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.


“Babe…ilang beses ba nating dapat pag-usapan ito? Mahal kita.. at boyfriend mo ako.. tapos”


“Eh kasi naman hindi ko maiwasang mainsecure eh… lalo na’t madalas kong marinig sa ibang tao na hindi daw tayo bagay.”


“Eh kasi Babe tao tayo.. kaya hindi talaga tayo bagay” pang-aasar ni Railey.


“Alam mo nakakainis ka na ah!”


“Okay sorry na Babe.. wag ka na magalit.. binibiro lang naman kita eh…wag mo nalang pansinin ang sinasabi nila… inggit lang yung mga yun kasi ang ganda ganda kaya ng girlfriend ko… ang talino pa” paglalambing ni Railey at hinalikan siya sa mga labi.


If there’s one thing that could ease all Queen’s insecurity, it’s the thought that Railey always feel her special. Laging ipinaparamdam ni Railey sa kanya how much he loves her. Kaya nga kahit na marami siyang naririnig na hindi maganda mula sa ibang tao hindi nalang niya pinapansin. Ang mahalaga… Railey loves her.. and She loves Railey.


Or so she thought…


“I really don’t like that Queen girl… so what if she’s a consistent deanlister? She’s not that pretty. I don’t know why Railey is so hooked up on her”


“Baka ginayuma niya”


Queen decided not to leave the cubicle inside the restroom when she heard two girls talking outside. Obviously they are referring to her and Railey. She decided to listen more.


“She’s so baduy!!! Kadiri…maybe ginayuma niya nga lang si Railey”


“Oo naman noh.. imposibleng mahal talaga siya ni Railey. Eh ang layo layo niya kay Margareth.”


She knows the name that they were talking. Margareth is Railey’s ex-girlfriend. She was the last years’ Miss Campus. She’s very pretty and sexy. All of the boys adored her. She is also Railey’s Vice-President. Madami ngang nagsasabi na “perfect relationship” ang dalawa at walang linaw kung bakit sila naghiwalay.


“Feeling siguro nung Queen na yun mahal na mahal talaga siya ni Railey. Hah! Asa naman siya”


“I heard madalas ngang magkasama sina Margareth at Railey kasi inaasikaso nila ang mga school activities being the President and Vice of our school”


“Perfect combination talaga”


Hanggang sa makalabas ang dalawang babae ay hindi pa rin lumabas ng cubicle si Queen. She feels drained. Ang sakit pa rin pala talagang marinig na hindi kayo bagay ng taong mahal mo at higit na masakit ang katotohanang may ibang nararapat para sa kanya.


***


“Babe hindi muna kita maihahatid pauwe ah.. masyado akong busy sa school preparations eh. Malapit na kasi ang foundation day”


“Okay lang… ingat ka nalang pag-uwe mo”


“ikaw din. Sige na..babye na”


“Bye…..I love You”


Pero hindi na narinig ni Railey ang salitang iyon dahil ibinaba na niya ang telepono. Napabuntong-hininga nalang si Queen habang nakatitig sa regalong hawak niya.


Today is their first anniversary as a couple and she prepared a gift for him. Pero mukhang sa sobrang busy ni Railey nawala na sa isip nito na anniversary nila.


“Oh? Bakit nandito ka pa? akala ko ba may date kayo ni Railey?” tanong ng kaibigan niyang si Empress ng maabutan pa siya sa library.


“Oo nga. Super excited ka pa kaya kanina kasi diba anniversary niyo?” segunda naman ni Ruijin.


These two girls are the only people she could consider as her true friends. Katulad niya ay mga dean lister din ang mga ito.


“He called me. Hindi daw niya ako maihahatid pauwe kasi busy sya” pag-amin niya.


“Ha? Eh di ba anniversary niyo? Anong sabi niya?”


“Wala. Mukhang nakalimutan niya nga eh” malungkot na sabi ni Queen habang nakatingin sa regalong nasa ibabaw ng mesa.


“Ganun? Mukhang busy nga talaga yang boyfriend mo…eh di ganito nalang.. puntahan mo nalang siya sa student council room.. isurprise mo. Ibigay mo sa kanya yang gift mo” suhestiyon ni Empress.


“Tama..eh di natuwa pa yun.. di naman kailangan na magdate kayo eh.. ang mahalaga atleast magkita kayo today since it’s your special day” sang-ayon ni Ruijin.


With the encouragement from her friends, Queen sees herself walking to the building where the student council office was located. Mangilan-ngilan nalang ang estudyanteng nakikita niya. Sabagay it’s almost 7 o’ clock in the evening.


Wala na siyang naaninag na ibang tao sa loob ng student council room. Pero dahil bukas pa ang ilaw sa loob alam niyang may tao pa dun. Besides, Railey said he was there.


She excitedly opened the door just to have the best surprise of her life.


Inside the student council room, she saw Railey and Margareth kissing.


Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. She feels like her whole world was trembling. Naibagsak niya tuloy sa sahig ang hawak na regalo.


“Babe…”


Agad na humiwalay si Railey kay Margareth. Samantalang parang walang nangyareng tinignan lang siya ni Margareth.


“Babe let me explain”


Akmang lalapitan siya ni Railey pero humakbang naman siya patalikod. She could feel tears falling down her cheeks. Hurt was visible on her face.


Without uttering a word she ran off the student council room, ignoring Railey calling her.


She was terribly hurt.


***


After 8 years…


Railey stare at the card that he had on his hand.


It was their University Reunion invitation.


It’s been eight years but the face of a certain girl still hunting him. Whenever he closed his eyes, he can still vividly see her face. Especially the hurt and pain that he knows he caused her.


“Queen…pupunta kaya siya?” he asked to himself.


After that incident in the student council room, hindi na siya kinausap pa ni Queen. Hindi na rin siya nito pinansin. Even her two close friends, Empress and Ruijin ay galit din sa kanya. Sa kanila nga lang niya nalaman na anniversary nga pala nila ng araw na iyon. He felt like a jerk for forgetting such an important day. And worse, sinaktan niya pa si Queen.


Hindi rin naman niya gustong saktan ito. Naprovoke lang siya ni Margareth ng mga panahong iyon. He can still remember that scene.


“Are you really serious about that simple girl?” tanong ni Margareth sa kanya habang nagliligpit sila ng mga ginamit.


“Who? Queen?”


“Yeah.. whoever she is”


“Oo naman”


“Do you really love her?”


“Oo naman”


“What about me? What about me Railey?”


“Anong what about you?”


“Hindi mo na ba ako mahal?”


“Matagal na tayong wala Margareth. Get over it”


“But I cant. I still love you Railey”


“I’m sorry but I don’t love you anymore. Si Queen na ang mahal ko”


“And you really want me to believe you? Gusto mo lang akong saktan at pagselosin Railey using that girl”


“Masyadong mataas ang bilib mo sa sarili mo Margareth” nailing na sabi ni Railey.


“Ano bang reason mo at ayaw mo na sakin? What’s wrong with me?”


“There’s nothing wrong with you. It just that si Queen na ang mahal ko”


“I won’t believe you”


“You can believe what you want”


Natahimik si Margareth.


“Railey…if you really don’t love me.. prove it to me”


“Margareth stop playing this games okay?”


“I’m not playing. Hanggat di mo pinapatunayang hindi mo na ako mahal hindi ako titigil”


Napabuntong-hininga nalang si Railey. He wanted it to finish so that he can go home and call Queen.


“Okay. What do you want me to do?”


“Kiss me”


“What??”


“Kiss me…patunayan mo saking hindi mo na talaga ako mahal”


“This not gonna work Margareth”


“Why? Are you afraid that I’m right?”


“No”


“Then do it”


Without a choice he kissed Margareth. At iyon ang eksenang naabutan ni Queen.


Damn. I wish she let me explain.


He decided to go to their reunion. He wished he could see her there.


***


“Merry Christmas” nakangiting pang-aasar ni Empress when we entered our alumni school.


“Ikaw ang bad mo ah. Pinaghirapan nila ito. Lagot ka kay Ruijin pag narinig ka nun” saway ni Queen.


“Eh mukha naman talagang Christmas Party itong reunion natin eh samantalang summer naman ngayon? Look naman.. sino naman ba kasing maglalagay ng Christmas Lights during summer?” pang-ookray pa nito.


“Well excuse me kung mukhang Christmas Party itong venue”


Sabay pa silang napatingin ni Empress sa nagsalita sa likuran nila. It was Ruijin.


“Sorry” hinging despensa ni Empress. Pero obvious namang she didn’t mean it.


“Okay lang.. ako nga kanina pa naghahanap ng mistletoe eh”


Natawa nalang din silang dalawa ni Empress. Actually wala talaga siyang balak umattend ng reunion na ito kaso halos marindi na ang tenga niya araw-araw kay Empress sa pangungulit nito kaya napilitan din siyang sumama.


“Kapag hindi ka sumama sa reunion iisipin kong hanggang ngayon bitter ka pa din”


“Ako? Bitter? Hindi noh. Ampalaya lang ang mapait”


“Mapait din kaya ang alak”


“Pilosopo ka talaga”


“At ikaw naman denial pa din”


Kahit matagal na silang graduate ay nanatili silang magkakaibigang tatlo kahit na mas madalas silang magkita ni Empress dahil magkalapit lang sila ng bahay compared kay Ruijin. Besides Ruijin, who was once an ice princess, is now happily married unlike the two of them. And a mother of two lovely kids who happens to be their inaanaks.


Naputol ang ngiti niya when she caught a glimpse of one particular person. Pero bigla din itong nawala sa crowd kaya hindi siya sigurado kung tama ba ang nakita niya.


“Tara na.. let’s mingle with others” yaya ni Ruijin at hinila na silang dalawa ni Empress.


***
I lie awake
Thinkin of the days gone by
Wishin that your still here with me, baby
I was wrong
And now your gone
Please here this heart of mine
Hear me callin’



Now playing :
All This Time by Six Part Invention



 (A/N : You can listen to the song para may effect..hehe ) 


Iginala ni Queen ang paningin sa paligid. Bigla nalang din kasing nawala sina Empress at Princess sa tabi niya ng may magyaya sa mga itong sumayaw. At dahil likas na hindi siya mahilig sa party at ingay eh minabuti niyang maglakad lakad nalang muna.


Halos wala pa ring pinagbago ang dati niyang school mula ng makagraduate siya 8 years ago. Naroon pa din ang madalas nilang tambayang puno ni Railey.


“What the heck I’m thinking” ipinilig niya ang ulo upang maialis sa isip ang alaala ng lalaking nanakit sa kanya.


“Siguro happily married na sya.. sila kaya ni Margaret hang nagkatuluyan? Okay lang bagay naman sila eh” kausap niya sa sarili ng maupo siya sa ilalim ng puno.


Hindi rin niya maiwasang balikan ang mga nagdaang alaala sa buhay niya. There were happy moments too. Happy moments that make her sad.


“Sabi ko na nga ba ikaw yan eh”


Queen feel froze for a moment. She knows that voice very well. She decided not to look back.


Railey sat beside Queen but with a few inches away from her. Ayaw niyang biglain ang dalaga.


Whenever you’re arround me
I feel different in your arms
with the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
Your love so true
and i never knew
That its you i need
All this time


“Kumusta?” he tried to open up. Besides she’s the reason why he attended this reunion. He wanted to see her. He wanted to talk to her.


“Okay lang” matipid na sagot ni Queen.


She didn’t know what to say. She was surprised to see Railey again. Okay. She admits that there was a very deep feeling that she wanted to see him. But seeing him right now, she didn’t know what to do.


“Queen…I’m sorry”


“Wala na yun.. that was a long time ago… and besides nakalimutan ko na yun.”


“Ganun ba?”


“Yeah…so paano maiwan na kita”


Queen started to walk away but Railey held her hand.


“Can we start over again?” masuyong tanong nito


Natigilan si Queen. Seeing Railey’s handsome face brings back all the memories that were buried in her mind and in her heart.


Especially the pain.


You see these tears
That keep fallin from my eyes
Wishin that i never let you go my baby
Take this heart
Fill me with your love
Please hear these words of mine
Hear me callin’


“I’m sorry Railey… may boyfriend na ako. At malapit na kaming ikasal”


She said and removed Railey’s hand from her.


***


“I’m sorry Railey… may boyfriend na ako. At malapit na kaming ikasal”


Napatingin si Queen sa kaibigang si Empress ng sabihin nito iyon. She knew that line.


“Come on Queen…that was the most pathetic lie that I’ve ever heard” nakasimangot pang dugtong nito.


“You’re eavesdropping” akusa niya sa kaibigan.


“Excuse me but I’m not… naoverheard ko lang ang pag-uusap niyo ni Railey nung reunion natin” depensa naman nito. “ Hinahanap kasi kita nun eh nakita ko ngang nag-uusap kayo ni Railey under the tree. Ang sweet niyo nga eh”


She tried to ignore her friend and continue reading the articles that she would submit to her boss. It’s been a week since the reunion at ngayon lang din sila ulit nagkita ni Empress. Nagkataon kasi na wala itong pasok sa ospital na pinagtatrabahuhan bilang isang resident nurse sa isang Mental Hospital.


“Infairness to Railey ah mas lalo siyang gumuwapo. Kung dati gwapo na sya mas naging gwapo pa siya ngayon ah.” Pangungulit pa nito habang nagbabasa ng mga magazines.


“I don’t care” balewalang sabi niya.


“At eto pa…alam mo bang he already has a business of his own? Naifeature na din siya sa isang magazine kung saan isa siya sa pinaka eligible bachelor of the country…at ang pinakaimportante sa lahat.. he’s still very much single and available.” Parang balewala lang kay Empress kahit hindi niya ito pinapansin. Dire-diretso pa din ito sa pagkukwento.


“Alam mo ikaw hindi ka dapat naging nurse eh… dapat sayo naging reporter…as in showbiz reporter.”


“Para mo namang sinabing tsismosa ako”


“Para namang hindi totoo”


“Excuse me ah hindi po ako tsismosa. Magaling lang ako kumuha ng balita.. saka para din naman sayo kaya ko ginawa yun eh”


“Sakin? Ano namang kinalaman sakin nun”


“Syempre irerelay ko sayo alam ko naman kasing di ka makikibalita kung ikaw lang eh”


“Hay naku Em.. I’m not interested”


“Sorry to say Queen but I’m so interested”


“Okay ka lang ba?”


“Hindi”


“Adik ka talaga. Nahawa ka na sa mga pasyente mo”


“Mas matino pa nga silang kausap kesa sayo eh.”


“What do you really want to imply ba?”


“You’re still inlove with Railey”


“Ako?? Hindi noh… Come on Em… that was a long time ago pa..eight years to be exact”


“ 8 years, 15 days, 6 hours and whatever minute and seconds” pagtatama nito. “If you’re not inlove with him anymore.. bakit hanggang ngayon single ka pa din?”


“I’m happy being single. Kasalanan na ba ngayon kung single ka?”


“Hindi nga.. pero happy ka nga ba talaga?” nakataas ang kilay na tanong nito.


“O-of course”


“Come on.. we’re not friends for nothing. I know how much you love Railey way back then.. and I can still feel that you still do”


“I’m young, immatured and innocent that time Empress. But not anymore. Hindi na ako nagpapadala sa mga ganyan”


“We just want you to be happy Queen. At alam namin ni Ruijin na si Railey ang magpapasaya sayo”


“Paano naman nasali si Ruijin dito? Nananahimik yung tao dinamay mo pa”


“Anong nananahimik ka dyan? Eh sya nga ang nagsupply sakin ng mga balita tungkol kay Railey since siya ang organizer ng reunion eh.”


Hay naku pasaway talaga itong dalawang kaibigan ko.


“Alam mo kasi friend…concern lang naman kami ni Ruijin sayo. Alam mo bang sobrang nagiguilty iyon si Ruijin kasi happily married na siya samantalang ikaw hanggang ngayon loveless pa rin at nagbabantang maging old maid?”


“Excuse me ah.. old maid ka dyan? Nasa kalendaryo pa ang edad ko noh!”


“Gusto mo bang makita na kaming dalawa ni Ruijin masaya na sa mga family namin pero ikaw nag-iisa padin? I didn’t expect na sa ating tatlo nga eh si Ruijin pa ang mauunang mag-asawa. I thought it would be you.”


“Oh come on…” balewalang sabi ni Queen.


“Utang na loob naman Queen.. give Railey another chance”


“Alam mo kung gaano ko minahal si Railey noon Em… at alam mo din kung gaano ako nasaktan. So why giving myself another hearthache kung pwede namang hindi na diba?”


“And why staying lonely and alone kung pwede namang hindi rin diba?”


“Emily Presea Ibaviosa…shut up!”


“No I won’t Queen Richelle Mariano.. you’re not my boss”


Napabuntong-hininga nalang si Queen…. Sa konsumisyon. Kahit kelan talaga hindi na siya nanalo pagdating sa kulitan at asaran dito kay Empress.


“Seriously Queen…Ruijin and I are worried about you. At sa sobrang pagkaworried namin na tumanda kang dalaga… nakiusap..or rather…inutusan ako ni Ruijin na hindi ako pwedeng ikasal hanggat hindi ka pa naeengage… ang sweet niya diba? On my expence…wow!”


“Ano ba namang kalokohan iyang naisip niyong dalawa?”


“Kalokohan ka dyan…hoy Queen.. ayusin mo ang buhay mo ah.. may balak pa akong mag-asawa.. kaya maghanap ka na ng lalaki sa buhay”


“Hindi mo naman kailangang sundin ang sinabi ni Ruijin noh”


“Sorry…pinalaki akong masunuring bata ng nanay ko..and besides…I want you to be happy too”


“Hay naku Emily Presea bago mo problemahin ang lovelife ko.. problemahin mo muna ang lovelife mo”


“Excuse me Queen pero may lovelife ako” nagmamalaking sabi pa nito.


“Lovelife? Wala naman akong nababalitaang may boyfriend ka na?”


“Eh kasi hindi niya pa alam”


“Ha? Ano daw?”


“Hindi niya pa alam na boyfriend ko siya”


“Ikaw talaga wala ka ng sinagot na matino sakin…ambisyosa kang babae ka…sino naman yang kawawang lalaking soon to be boyfriend mo?”


“Sino pa eh di si Lantis”


“Lantis? Yung gwapo pero supladong kapit-bahay mo?”


“The one and only”


“Ay ambisyosa ka nga talaga…eh ni hindi ka nga pinapansin nun eh”


“Eh kasi hindi niya pa natatanggap na ako ang future wife niya”


“May girlfriend na yun diba?”


“Hindi niya pa narerealized na hindi sila bagay”


“Ay wala na…matindi talaga ang tama mo sa utak.. pacheck-up ka na sis.. delikado na yan.”


“Ewan ko sayo..atleast ako may lovelife”


“Lovelife bang matatawag iyon? Hindi ka pinapansin at may ibang girlfriend? Kung ganyan din lang ang definition mo ng lovelife…ayoko ng magkalovelife”


“Atleast may Mahal ako.. tapos may Buhay ako.. kaya may Lovelife ako”


“Ewan ko sayo”


“Hay naku makauwe na nga” sabi ni Empress at lumakad na papuntang pintuan.


“Mabuti pa nga at ng matapos ko na itong ginagawa kong report… hindi na kita ihahatid ah.. you know the way out”


“Ang sweet mo talaga..touch na touch ako kulang na nga lang ipagtulakan mo ako palabas eh”


Natawa nalang si Queen sa sinabi ng kaibigan.


“By the way Queen…” pahabol pa ni Empress.


“Ano na naman yun?” hindi tumitingin na tanong niya dito.


“Baka one of this days tawagan or itext or puntahan ka ni Railey ah”


That caught her attention kaya napalingon siya dito.


“What did you just say? Bakit naman ako tatawagan o itetext o pupuntahan ni Railey?”


“Kasi binigay ko sa kanya ang cellphone number mo, number dito sa bahay at sa opisina..pati na din ang address, facebook account at email add mo…kaya ayun.. so goodluck sayo Queen..babush!!!!” at mabilis na lumabas ito ng bahay.


“EMILY PRESEA IBAVIOSA!!!!!! I HATE YOU!!!!!”


***


Dahil sa sinabing iyon ni Empress ay laging balisa si Queen. Maya’t maya ay nakikiramdam siya na baka may sumusunod sa kanya. Bawat tunog ng telepono at cellphone niya ay napapapitlag siya. Pero lumipas na ang isang lingo hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Railey kaya hula niya ay pinagtripan lang siya ng kaibigan.


Pero aminin mo umasa ka


Hindi kaya.


Oo kaya…gusto mo din siyang Makita.


Shut up!


“Miss Queen may bisita po kayo” bungad sa kanya ng katulong nila sa bahay pag-uwe niya.


“Bisita?”


“Opo. Pinapasok ko na po kasi sina Miss Empress naman po yun eh”


“Ahh okay. Sige puntahan ko nalang siya”


“Nasa Garden po sila”


Sila? Ah baka si Ruijin ang kasama ni Empress.


“Okay. Magbibihis lang muna ako. Malaki na yun si Empress kaya na niya ang self niya.”


Pero ganun nalang ang gulat ni Queen ng isang lalaking nakatalikod ang naabutan niya sa Garden. At kahit nakatalikod ito ay kilala niya kung sino ang bisita niya.


Naramdaman siguro nito na naroon siya kaya agad itong lumingon at ngumiti sa kanya.


“Anong ginagawa mo dito?” masungit na tanong niya “Where’s Empress?”


“Nakaalis na siya. May emergency daw sa ospital kaya kailangan niyang pumunta”


But she doubts it. Batid niyang sinadya talagang umalis ni Empress para iwan si Railey sa kanya.


Aba te! Haba ng hair mo ah!


Inggitera!


“Anong gingawa mo dito?” ulit niya sa tanong kanina.


“Ahhmmm dumadalaw?”


“Wala namang may sakit dito para dalawin. At ang dumadalaw diba dapat may dalang bulaklak?” sarkastikong sagot niya.


“Uy meron ako niyan.” At mula sa likod nito ay may kinuha itong bulaklak at iniabot sa kanya.


Hindi naman niya alam kung tatanggapin ito hindi.


“Tanggapin mo na oh.. sayang naman yung bulaklak. Wala naman silang kasalanan eh” masuyong sabi ni Railey.


Oh come on… I really hate those eyes. Hindi ko magawang tanggihan.


Labag man sa loob ko (weee???) ay tinangap ko din ang mga bulaklak na bigay niya.


“Upo ka.”


“Salamat”


“So..anong masamang hangin ang nagtaboy sayo dito?”


“ahhmmm hanging Habagat?”


“Railey!”


Bigla namang ngumiti si Railey.


“It’s nice to hear my name from your voice”


“Wala akong panahong makipaglokohan sayo Railey. I’m a very busy person”


“Busy din naman ako pero may time pa rin ako sayo.. saka di naman ako nakikipaglokohan eh”


“Railey…please…just leave me alone”


“I can’t Queen…”


“Why?”


“All those years na naghiwalay tayo wala akong ibang naisip kundi ikaw.. I never had a serious relationship kasi until now ikaw pa rin ang mahal ko…gusto kong tuparin ang mga pangarap natin noon”


Hindi naman alam ni Queen kung ano ang dapat sabihin.


“Alam ko na malaki ang nagawa kong kasalanan sayo. Nasaktan kita kahit na nangako akong di kita sasaktan…but believe me Queen..it wasn’t my intention to hurt you…if you just let me explain”


“No need Railey”


Ewan niya pero ramdam na ramdam niya ang sincerity sa mga sinasabi ni Railey.


“Queen…please give another chance….please” Railey said and he hold Queen’s hand.


Hindi naman magawang tangalin ni Queen ang kamay ni Railey.


“I’ll think about it”


“Thank you”


***


“Ikaw na naman?” gulat na tanong ni Queen pagkakita sa labas ng opisina si Railey.


“Goodafternoon din sayo Queen” nakangiting bati nito.


“How many times do I have to tell you ba na wag mo akong puntahan dito. Mamaya may makakita pa satin eh”


Magmula kasi ng pumunta si Railey sa bahay nila at nagpahayag na gusto nito ulit na magkabalikan sila ay malimit na itong dumalaw sa kanya. Kung minsan ay sa bahay minsan naman ay sa opisina at sinusundo siya.


“Well.. wala akong natandaan na pumayag ako sa sinabi mo”


“Hindi ko na kasalanan yun”


“Halika hatid na kita” at inakay siya nito sa braso patungo sa sasakyan nito.


“I can walk” piksi niya.


“Ito naman.. nagpapakagentleman lang eh” napakamaot nalang sa ulo si Railey.


“Hey Queen…what’s up.. boyfriend mo?”


“Sir”


Nabigla pa siya ng Makita ang supervisor niya.


“Goodafternoon… Nice to meet you Sir, I’m Railey” bati ni Railey dito.


“What a nice young man… marunong kang pumili Queen”


“Thank You Sir” nakangiting sagot ni Railey.


“Oh paano mauna na ako sa inyo ah…young man ingatan mo yang si Queen”


“Don’t worry Sir, I will”


Hanggang sa makaalis ang supervisor niya ay di nakapagsalita si Queen.


“Hey! What’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Railey.


Agad naman itong hinampas ni Queen sa balikat.


“You! How dare you talk to my boss as if I’m not around?”


“What’s wrong? Nakipagkilala lang naman ako. Mas rude naman kung di natin siya pansinin diba?”


“Sira na ang buhay ko nito. Madami ng mang-aasar sakin sa opisina”


“Para mo namang sinabi na hindi ako worth it ipakilala” himig nagtatampong sabi nito.


“Nakakainis ka talaga! Bakit kasi nagpunta ka pa dito”


Isang hampas pa ulit ang pinakawalan niya pero bago pa yun tumama sa katawan ni Railey ay nahawakan na nito ang mga kamay niya at inilagay sa ibabaw ng dibdib nito.


“Don’t you know how lovely you are when you’re mad that I want to kiss you badly kung wala lang tayo sa gitna ng kalsada”


Agad namang namula ang mukha ni Queen.


“I’m sorry kung feeling mo napahiya ka sa ginawa ko.”


“No”


“I love You Queen.. please believe me”


Yes Railey… I do believe you…


Gusto niya sanang sabihin pero pinigilan niya ang sarili niya.


Yes. She believe him..at aminin niyang unti-unti na namang nakukuha ni Railey ang loob niya. Kaya naman natatakot siya na baka masaktan lang siya ulit.


Naputol ang pagmomoment nilang dalawa ng may biglang bumusina sa kanila.


“Hey Lovers!!! Get a room!!!”


“Empress???”


Gulat na sabi ni Queen ng makita kung sino ang nakasakay sa kotse.


“Hi Queen…Hi Raileyboy!”


“Hi Empress” bati ni Railey.


“Railey… if you want to kiss Queen then do it…hindi naman iyan papalag eh”


Lalong namula si Queen sa sinabing iyon ng kaibigan.


“Emily Presea!!!” saway niya pero tinawanan lang siya nito.


“Goodluck Railey…tandaan mo yung sinabi ko sayo.. kung di madaan sa santong dasalan daanin mo sa santong paspasan..haha.. babush!!!” at pinaandar na ng kasamang lalaki ni Empress ang sasakyan.


Naiwan naman siyang tulala at namumula samantalang natatawa naman si Railey.


“She’s still so bubbly…boyfriend niya ba yung kasama niya?”


“Bubbly? Sira ulo kamo…Ewan ko lang kung boyfriend niya yun..tara na nga.. mamaya may makakita na naman satin dito.”


At nagpauna na siya papunta sa sasakyan ni Railey.


***


Napadalas pa ang paghatid-sundo sa kanya ni Railey. Hanggang sa masanay na rin siya sa presensya nito.


“Hindi ka ba nagtatrabaho? Mas madalas pa yata na nandito ka samin eh” minsan ay sita niya kay Railey.


“Okay lang yun.. ako naman ang boss eh..besides mas mahalaga ka sakin”


Kahit na wala silang pormal na usapan ay palagi na silang magkasama. Kahit na hindi niya pa pormal na sinasagot si Railey ay parang ganun na din ang turingan nilang dalawa…parang magkasintahan na din sila...At patuloy pa rin ito sa panunuyo sa kanya.


“So Queen… hanggang kelan mo naman balak patagalin iyan?” tanong ni Ruijin sa kanya.


Kasalukuyan siyang nasa bahay nito. Busy kasi si Empress sa ospital kaya hindi niya ito mabulabog.


“Ewan ko ba Rui”


“Mahal mo pa rin naman si Railey eh..at obvious na mahal ka rin nung tao.. bakit nagdadalawang isip ka pa?”


“What if masaktan lang ulit ako?”


“Normal lang ang masaktan”


“What if lokohin niya ulit ako?”


“Queen..ni minsan hindi ka niloko ni Railey…si Margareth ang dapat na sisihin dun..pero anyways…matagal na yun….nagkasakitan man kayong dalawa still andito na ulit si Railey…nandito na sya para iayos ang relasyon niyo..so bakit ipagkakait mo sa sarili mo na maging masaya kayong dalawa?”


Napaisip siya sa sinabi ni Ruijin. Siguro nga ay panahon na para maging masaya ulit silang dalawa.


***


“Dinner?Tonight?” tanong ni Queen sa kabilang linya.


“Yup”


“Bakit anong okasyon?”


“Wala naman. I just want to celebrate with you”


“Ganun ba? Okay sige”


“So see you at La Breeze, 7PM. May reservation na ako”


“Okay. See yah”


Matapos ibaba ang tawag ni Railey ay hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Queen. She decided na sagutin na ang binata ngayon. After all, she really love that guy.


Maya-maya ay bigla ulit tumunog ang telepono sa ibabaw ng mesa niya.


“Hello?”


“Just forgot to say I love You… I love You Queen” at ibinaba na ulit ni Railey ang telepono bago pa man siya makapagsalita.


Abot tenga ang naging ngiti ni Queen.. That was enough to make her day.


“Ahheeemmm… bakit iba yata ang ngiti ng dalaga?”


“Sir!”


“Mukha yatang Masaya ka ah”


“Medyo Sir”


Kabiruan naman niya din kasi ang supervisor niya kaya hindi siya naiilang dito.


“Is it because of that young man?”


Nakangiting tumango siya.


“That’s good… keep it up! Always stay inlove.. and remember.. always trust each other”


Pagkasabi nun ay marahan siya nitong tinapik sa balikat at pumasok na sa loob ng opisina nito.


Mga thirty minutes before 5:00PM ay tumunog ang telepono niya. She excitedly answer it expecting it was Railey.


“Hello?”


“Queen?” a girls’ voice.


Obviously, it was not Railey.


“Empress”


Her friend’s voice sounds sad and depressed.


“Are you free tonight?” tanong nito.


“Ahhmmm…” hindi niya alam kung anong dapat isagot sa kaibigan.


“Well, mukhang hindi ka free. May date kayo ni Raileyboy?”


“Ahh meron eh” amin niya.


“Okay lang. Sige next time na lang siguro”


“May problema ba Em?”


“wala naman. Enjoy your date” anito at nagpaalam na.


Nag-aalala man para sa kaibigan ay walang magawa si Queen. Hindi naman niya magawang icancel ang date nila ni Railey. Besides, she knows her friend will understand.


I’m just going to talk to her one of these days.


***


Quarter to seven ng dumating si Queen sa La Breeze.


“Hi, Is Mr. Railey Decordova’s here?” tanong niya sa waiter na sumalubong sa kanya.

“This way Ma’am” anito at iginiya siya patungo sa table.


“Thank You”


When they reached the table that was supposed to be reserve for them, she was shock to see Railey talking to another girl. And that girl she knows her very well.


She thought it was supposed to be their date pero bakit kausap ni Railey ang exgirlfriend nitong si Margareth?


Masasaktan na naman ba siya ulit?


Minabuti nalang ni Queen na umalis ng hotel at wag na magpakita pa kay Railey. Ayaw niyang umiyak ulit sa harapan nito.


Halatang nagtataka naman ang waiter sa biglang pagalis niya but she didn’t care anymore.


Habang nasa labas ng hotel ay tinawagan niya ang kaibigang si Empress.


“Nasan ka?”


“Bahay bakit?”


“Punta ako dyan”


“Okay sige”


She rode on a cab and headed towards Empress House.


***


“Pasok” ani Empress ng mapagbuksan siya ng pinto.


Dirediretso naman siya sa loob ng bahay nito. Empress is living on her own since two years ago. Hindi halata na ang isang tulad nitong anak mayaman ay magtyatygang manirahan ng walang katulong at magtatrabaho para sa mga mentally disabled na tao.


“Akala ko ba may date ka?” tanong nito at naglabas ng isang gallon ng ice cream at dalawang kutsara.


It was their hobby ever since. Kumain ng ice cream ng hindi gumagamit ng baso. Diretso na sa lalagyan. Para iwas hugasin din.


“Hindi ako tumuloy” sagot niya at sinimulang lantakan ang ice cream na inilabas nito.


“At bakit? Inindyan mo si Railey?”


“Hindi naman. Pumunta ako sa hotel pero hindi na ako nagpakita sa kanya”


“Ha? Bakit naman? Nandun ka na rin lang eh. What happened ba?”


Ikinuwento niya sa kaibigan ang nasaksihan. Pero imbes na kampihan at damayan siya ay binatukan pa siya nito.


“Aray naman” reklamo niya. “Pakakainin mo ako ng ice cream pero sasaktan mo lang naman pala ako”


“Eh sira ka talaga. You’re wasting your time again. Ano ba namang drama yun at hindi mo sinipot si Railey just because you saw him talking with Margareth”


“Empress…That was Margareth”


“Eh ano naman?”


“Ex niya yun eh”


“Exactly! Ex niya yun. Ikaw ang present. Hahayaan mo na naman bang masira ang relasyon niyo ni Railey dahil na naman kay Margareth?”


“Wala namang masisira kasi walang kami eh”


“Alam mo ikaw ang sarap mong iuntog sa gallong-gallong ice cream ng matauhan ka. Queen. Why can’t you be brave just for once.? Kung alam mong sayo ipaglaban mo!” sermon ni Empress sa kanya.


“May pinaghuhugutan ka?” biro niya.


“It was not about me okay? Don’t change the topic. Ikaw ang bida rito.” Another batok ang inabot niya rito. She wonder kung paano nito napagtyatyagaang maging nurse eh bayolente ito. Buti at hindi nito binubugbog ang mga pasyenteng hawak nito.


“Queen…walang mangyayari kung lagi kang magpapadala ng takot mo. Why cant you see that Railey loves you?”


“But he’s talking with Margareth”


“Eh ano naman? So hindi na ba siya pwedeng makipagusap sa ibang girls?”


“Hindi naman..but it’s Margareth we’re talking about. The same Margareth in college”


“College pa yun teh! Eight years na ang nakalipas. Hanggang ngayon ba magpapatalo ka pa rin?”


Hindi siya nakaimik. Hindi rin naman kasi niya alam kung anong sasabihin o ikakatwiran kay Empress.


“Alam mo ang swerte mo nga at may isang Railey na nagmamahal sayo all this time… na kahit ilang taon na ang nakalipas nandyan pa rin siya. Bakit ba hindi mo yun Makita Queen? Hindi naman pwedeng si Railey nalang lagi ang gagawa ng paraan para maging okay kayo. Kumilos ka din naman” sermon pa nito sa kanya.


“Tandaan mo..ang isang relasyon parang bangko yan.. hindi pwedeng withdraw ka lang ng withdraw.. kailangan mo ding magdeposit” dugtong pa ni Empress. “Kung habang buhay ka talagang manghihina at di lalaban walang mangyayare. Tatanda ka talagang dalaga niyan ung lahat ng magmamahal sayo takot kang ipaglaban at mahalin”


“Talagang may pinaghuhugutan ka ah. Pero I guess your right”


“I’m always right”


“Oo na. Wala na akong sinabi”


“Kausapin mo si Railey. Magsorry ka.”


“Oo na”


“On second thought…puntahan mo nalang kaya siya ulit sa hotel. Baka naghihintay pa yun sayo” suhestiyon nito.


“Hindi na siguro. One hour late na ako”


“Malay mo naman diba? This is it Queen. Kung naghihintay pa rin sayo si Railey siya na talaga ang right man para sayo. Wanna give it a try?”


Naisip niya ang sinabi ng kaibigan. Yes. She wants to give it a try. She wants to be happy.


“Yes”


“Oh eh ano pang hinihintay mo dyan? Gora na!”


“Yeah” akmang lalabas na sana siya ng pigilan siya ni Empress.


“Oh? Akala ko ba pupuntahan ko na si Railey?” takang tanong niya.


“Wag kang excited sis.. may chocolate ka pa sa labi”


Pinunasan naman niya ng tissue na iniabot nito ang labi niya.


“Tara ihatid na kita sa hotel para mas madali. Saka para may moral support ka” alok nito.


“Really? Thank you sis” aniya at niyakap ang kaibigan.


“Oo na.. tara na at baka mainip na ang Raileyboy mo at tuluyang umalis yun”


***


Halos paliparin na ni Empress ang sasakyan habang nagmamaneho. She didn’t know na ganito kareckless magdrive ang kaibigan niya.


“Em.. gusto ko pang makarating ng buo sa hotel” takot na sabi niya. Hawak na hawak siya sa gilid ng upuan.


“Don’t worry Queen… ihahatid kita ng buong buo sa piling ng Raileyboy mo”


Inless than thirty minutes ay nakarating sila sa hotel which would take atleast one hour kung normal na byahe. Thanks to her Devil driver…Agad na siyang tumakbo papasok at iniwan ang kaibigan niya. She really wanted to see Railey. She really hopes he was still there waiting for her.


Lord Please…


Halatang nagtataka ang mga nakakasalubong niya kung bakit siya tumatakbo but she didn’t care. All she cares was the man that she love.


Railey…


Ganun nalang ang relief at sayang naramdaman niya ng makitang naghihintay pa rin si Railey sa table na ipinareserve nito.


Naramdaman siguro ng binata na may nakatingin dito kaya lumingon ito sa kanya. And she swears, what she saw in Railey’s eyes was enough for her to believe that this guys’ in love with her.


Agad siyang nilapitan ni Railey at niyakap.


“Thank GOD you’re safe. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. I cant contact your phone”


“Railey… hindi ka galit?”


“Why would I’ll be mad?” Railey asked and looked at Queen’s face.


“Kasi late ako. Kasi baka hindi kita siputin?”


“No. I’m not mad. Mas nag-aalala ako. I thought may nangyare na sayo..but seeing you here safe was enough for me”


“I’m sorry Railey”


“For what?”


“I tried to walk away from you again. Nagpunta na ako rito kanina pero nakita kitang kausap si Margareth kaya umalis ako agad. I was hurt seeing you talking to her. Dumiretso ako kay Empress and told her my problems pero imbes na damayan niya ako, kinaladkad niya ako pabalik rito. She told me you love me at kung mahal din kita ay dapat kitang ipaglaban at wag akong magpatalo kay Margareth. Kaya nandito ako ngayon. I won’t give up on you Railey even it would mean na makalaban ko pa ang buong mundo. I won’t give you up without giving a fight”


“So you mean you still love me?”


“Yes Railey I love you.. I love you so much.. I still love you. Wala akong ibang minahal kundi ikaw”


“I love you too Queen…ikaw lang din ang minahal ko ng ganito kahit pa nung naghiwalay tayo ikaw lang lagi ang iniisip.. wala akong ibang hiniling kundi ikaw. Kaya nga ako pumuntang reunion sa pagbabakasakaling pupunta ka at makikita rin kita. I was thankful to your friends kasi sila ang nagsabi sakin na pupunta ka nga. They asked me if I still love you and when I said yes they helped me to be with you again just promised to them that I will make you happy”


Whenever you’re around me
I feel diff’rent in your arms
With the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
Your love so true
And I never knew
That it’s you I need all this time


“Yes Railey, you are my happiness”


“Me too Queen”


“What about Margareth?”


“Margareth was all in the past. At kaya kami nag-uusap kanina, we just saw each other here. Kasama niya yung husband niya. Happily married na din siya. Nagkumustahan lang kami. Hindi nga tumagal ng ten minutes ang pag-uusap namin eh.”


“Ganun ba?” so nagseselos lang pala siya sa wala. Tama nga si Empress. She have to be brave.


She really need to thank her friends for being supportive to her all this time. Speaking of friend…


“Empress” kumalas siya sa pagkakayakp ni Railey.


“Why?”


“Nakalimutan ko na si Empress. Kasama ko siya na nagpunta rito”


Biglang tumunog naman ang cellphone niya. It was a text message from her friend Empress.


“Nauna na ako. Mukhang okay na naman kayo ni Raileyboy eh. I wish you all the happiness friend. Goodluck. Wag mo ng pakawalan iyan. Tell Railey to love you with all his heart or else isasama ko siya sa mga pasyente ko”


That was her friend’s text message. Napangiti naman silang dalawa ni Railey.


“Tell her I will”


Sinagot naman niya ang message ni Empress.


“Thank you Em…Railey said he will”


She’s really thankful to have a friend like them. Naisip niya na may problema nga pala ang kaibigan. One of this day siya naman ang tutulong dito. But this time, kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang lalaking minamahal.


Nagulat si Queen ng makarinig ng pagsinghap mula sa mga tao sa hotel. Ganun nalang ang pagtataka niya ng di makita si Railey sa harapan niya. One of the customers pointed something below.


There, she saw Railey kneeling holding an open box with a ring.


“Oh Railey…”


“Queen Richelle Mariano…will you accept me with all your life? Will you be the mother of my one dozen kids? Will you marry me Queen?”


Hindi kaagad siya makasagot sa sobrang pagkabigla. Railey is asking her to marry him. Ang bilis naman yata.


“Queen, hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo tinatanggap ang alok ko”


“Railey.. isn’t it to soon to propose?”


“Queen, ever since I met you wala na akong ibang naisip kundi ang pakasalan ka at makasama ka habang buhay at maging ina ng isang dosena kong anak”


“Isang dosena talaga? Anong tingin mo sakin? Palahiang baboy?”


“Of course not…Queen..please marry me”


“Say yes!!!!” sigaw ng mga tao sa hotel. Mukhang nakakuha na sila ng atensyon.


Napatingin naman siya kay Railey na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin.


“Pleaseee”


Napabuntong-hininga si Queen.


“Okay Railey. I will marry you”


Nagsigawan naman ang mga tao sa isinagot niya.


Isinuot naman ni Railey ang singsing sa mga daliri niya at hinalikan siya sa mga labi with all the customers watching them.


“I love you My Queen”


“I love you too Raileyboy” nakangiting sabi niya at siya na mismo ang humalik sa binata.


Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid. All she cares is she’s happy with the arms of the man she love. Noon at ngayon.


Your love so true
I never knew
That it’s you I need all this time
All this time
All this time


***


Epilogue:


After three months of preparations ay ikinasal din sina Queen at Railey. Thanks to her friends na tumulong sa pagaayos ng wedding niya. Ngayon naealized ni Queen na lahat ng babaeng ikinakasal, they feel like they are the most beautiful girl in the whole planet.



“Hey Empress, Queen texted me, buntis na daw siya sa baby nila ni Railey. One month na daw” pagbabalita ni Ruijin sa kanya.


“What? Eh isang lingo palang yata silang kasal ni Raileyboy ah? Ano yun Pre-Nup baby?” gulat na tanong niya. But she’s really happy for her friend.


“Mukhang ganun na nga. Oh paano ba yan Empress ikaw nalang ang single at available sa grupo. Kelan mo naman balak lumagay sa tahimik?”


“Tahimik ka dyan.. magulo kamo”


“Whatever! Oh eh kelan nga? Natupad mo na naman yung promise mo na pauunahin mo muna si Queen..it’s your time to shine naman”


“Saka na siguro kapag narealized niyang ako na ang mahal niya”


“So may prospect ka na pala. Siya pa din ba?”


“Oo eh. Hanggang ngayon kasi tanga pa din” natatawang sabi niya sa kaibigan.


“Daanin mo na kasi sa dahas” payo nito.


“Hay naku sis.. kung alam mo lang”


“Kung alam ko lang na alin?”


“Wala. Sige na.. tinatawag na ako ng supervisor ko babush na.. pasabi nalang kay Queen na one of this day dadalawin ko nalang siya”


“Okay sige.. bye. Goodluck sa paghahanap ng Papa”


“Bye.. kumusta mo nalang ako kay Kurt”

Ang anak nitong five years old ang tinutukoy niya.


“Okay. Regalo daw niya”


Inaanak niya kasi ito.


“Sige pagdalaw ko dyan..babush na sis”


“Bye”


Napabuntong-hininga nalang si Empress ng tapusin ang tawag.


Kung alam mo lang ginawa ko na ang lahat pero wala pa din.


“Calling Nurse Ibaviosa..you are needed at Room 201 immediately”


She immediately put down her phone and headed towards the room.


=Wakas=


No comments:

Post a Comment