[ After
Four Years…]
"It's
never nice when you forget things you're supposed to remember.
But it feels
worse when you remember things you're supposed to forget."
[Jeirick’s POV]
It’s
been four years...
Ang
dami na ding nangyari. Sa akin at sa barkada.
Masasakit
na memories…pero meron din namang happy moments na dapat icherish..
Graduate
na ako at ngayon nga ay pinamamahalaan na ang company na ibinigay sakin ng
parents ko. Although may supervision parin naman ni daddy. Hindi na rin ako sa
bahay nakatira. Ang laki kasi masyado nung bahay para sakin. Bumili ako ng
sarili kong condo. Magmula ng umalis sina Mommy at Jhonah ni minsan hindi na
sila bumalik dito.. ako nalang ang dumadalaw sa kanila sa Japan. Ang bait nila
noh? Iniwan na talaga ako.
Ang
barkada naman ayun magulo pa din. Parang walang pinagbago. Sabagay napakabilis
na panahon ang apat taon.
Parang
kelan lang.
Bukod
tanging si Marky nalang ang nag-aaral sa amin. Paano ba naman kasi medicine ang
course niya eh sampung taong pag-aaral yun. Sana hindi siya mabaliw kakaaral…Pero malapit
na din naman siyang matapos eh.
Ay
meron pa pala…si Paul…itinuloy niya kasi diba sa Law ang course niyang Political
Science. Mukhang nagkakaroon na ng direksyon ang buhay nun… malapit na ding
grumaduate… sa pagkakaalam ko nga nagrereview na yun para sa Bar exam niya eh.
Teka
nga..dapat ko pa ba silang isa-isahin? Malalaki na sila eh..kaya na nilang
ikwento ang nangyari sa buhay nila.
Pero
dahil wala akong ginagawa dahil weekend ngayon eh sige magkukwento nalang ako.
Pero
bago yun….
*Ding Dong*
Tunog
ng doorbell ko yun ah hindi si Ding Dong ni Marian…wala akong pakialam dun.
Sino
naman kayang istorbo ito sa pagmumuni-muni ko?
Matignan
na nga lang.
Lumabas
ako ng kwarto para tignan kung sinong nagdoorbell. Isa lang naman ang kwarto dito
sa condo ko.
Kasi
isa lang naman ako. Gusto mo sumama? Lagot ka nga lang sa girlfriend ko..hehe.
“Jeirick!!!!!” pagbukas ko ang mukha ng mga barkada ko ang nasa
labas ng pinto. Balak ko pa ngang isara eh kaso naagapan ni Laxus.
Akala
ko pa naman matatahimik na ang buhay ko. Kaso mukhang malabo.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanila na akala mo mga feel at home na
pumasok na sa condo ko.
“Nakakatamad eh walang pasok” sagot ni Paul at ibinato kay Laxus ang naupuang
throw pillow.
Ibinalik
naman ito ng bato ni Laxus. Balak pa yatang magkaroon ng pillow fight ng mga
ito. Itinabi ko na ang mga kawawang unan ko at baka marape ng wala sa oras.
“Nagpapanggap ka lang naman eh” sabi naman ni Earl.
Speaking
of Earl…
Naupo
nalang ako sa may stool na malapit sa kusina. Tanaw ko naman sila eh.
Parang
mga batang ngayon lang ulit nagkita-kita. Sabagay naging busy na din kasi ang
bawat isa sa amin kaya bihira na talaga kaming magkita-kita.
Ayun
nga…si Earl na ngayon ay nakahalukip-kip ay may girlfriend na. Oo may girlfriend
na siya..pero hindi si Jhonah. Isang model ang girlfriend ngayon ni Earl.
Maganda siya actually pero hindi ko siya feel.
Ampotek
parang bakla lang eh.
Ewan
ko ba…basta nung nakilala ko yung girl na yun may something sa kanya na hindi
ko maipaliwanag….or sadyang nagiging bias lang ako dahil kapatid ko si Jhonah…
Hindi
rin naman namin alam kung paano sila nagkakilala nung girl na sa pagkakalam ko
eh Aiesha yata ang name… hindi naman kasi nagkukuwento si Earl. Pero ang alam
ko eh wala pa silang isang taon… bago palang…
Siguro
nagtataka kayo kung bakit nadamay si Jhonah? Akala niyo ba sila ang
magkakatuluyan? Well… akala ko din eh… Sabagay… four years was long enough…sa
pagkakatanda ko nun after naming mag-usap-usap nun na inamin niya samin na may
gusto siya kay Jhonah eh sinundan niya yung kapatid ko sa Japan kaso after a
week bumalik din siya dito at sinabi nga samin na ipinagtabuyan siya ng kapatid
ko.. well what do I expect.. si Jhonah yun eh..haha.. expect the unexpected
nalang dapat… pero sayang talaga silang dalawa.
“Tol wala ka bang pagkain dito?”
Si
Gray naman na ngayon eh nireraid na ang laman ng ref ko eh isa na sa
pinakasikat na artista ngayon.
Nung
college kasi sila eh may nakadiscover dyan na talent scout..ayun ginawang
artista…I think that was two years ago…gwapo naman kasi talaga eh…pero kahit
super sikat na yan ngayon eh para pa ding bata yan kapag kami ang kasama.
Ngayon nga eh may nakasalpak na chocolate sa bibig at may hawak pang gatas….
Naturingang isa sa matinee idol ng bansa… Hay naku! Wala pa ding girlfriend
yan…ewan ko ba kung bakit… hindi naman bakla… siguro dahil na din sa nature of
work niya…pero kahit sikat na artista na yan tinapos pa din niya yung pag-aaral
niya.
“Hoy Richelle..bakit nga pala nandito
ka ngayon? Wala ka bang gyerang pinuntahan?” narinig kong tanong ni Laxus kaya napatingin naman ako sa mga ito.
Richelle
now is a striving photojournalist.
Pero
kakaiba ang trip ng babaeng yan. Mas gusto niya yung laging sumasabak sa
panganib. Ayaw niya ng tahimik na buhay. Gusto yung laging parang
nakikipaghabulan kay kamatayan….mas lumala pa nga yata yung pagiging
adventurous niyan nung naghiwalay sila ni Trace eh…minsan sa pumuputok na
bulkan, sa gyera sa Mindanao…sa mga
nagrarally…yun ang mga trip niyang kuhanan ng litrato…
Bokya
man ang lovelife niyan ni Richelle…successful naman iyan sa career niya… sikat
na eh… di nga lang halata..haha.
“Hay naku sapilitan akong pinagbakasyon
ng boss ko” nakasimangot na sagot
nito at inirapan si Earl. Who happens to be her boss… astig diba? Sinusungitan
lang niya yung boss niya.
Binalingan
naman ni Laxus si Earl.
“Tol, kelan mo naman balak sesantihin
si Richelle?” tanong nito na ikinatawa
ko.
“Oy wag ka namang ganyan” saway ni Paul at binalingan si Earl “Earl..kelan mo sisesantihin si Richelle?”
“Isa ka pa eh ang sasama niyong
kaibigan…Earl kelan mo nga ba siya sesesantihin?” tanong din ni Regine.
Napalakas
ang tawa ko ng sumimangot si Richelle at pinagbabato ng boy bawang ang mga ito.
Hindi ko alam kung saan galing ang boy bawang na yun. Basta nakita ko lang sa
mesa nila. Dala siguro ni Richelle.
“Everybody needs a break. Ayokong
mawalan ng magaling na empleyado…saka hindi ko pwedeng sisentahin si Richelle
dahil I’m sure nakaisip na iyan ng paraan para hindi ko siya sisentahin….baka
bumagsak ang kumpanya ko” sagot
naman ni Earl.
Ang
kumpanya kasi ni Earl na siyang pinagtatrababuhan ni Richelle ay isa sa
pinakasikat na newspaper publication sa bansa. Minana pa niya ito sa mga
magulang niya eh.
“Oo nga tol..balita ko pa naman nagtanim
na ng bomba iyan si Richelle sa building niyo” biro ni Paul. “Basta
kung kailangan mo ng abogado para ipakulong si Richelle nandito lang ako. Bibigyan
kita ng discount”
“Mga sira-ulo talaga kayo”
Hindi
ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ni Richelle pero mukhang okay na
naman siya eh…
Si
Quincy naman na ngayon eh busy sa pagtetext eh tanggap na din naman ng barkada.
Pero madalas pa din silang magclash nina Demi at Richelle…pero ganun talaga ang
mga babae eh…although medyo nabawasan na din naman ang pagiging maldita ni
Quincy… after ng issue sa kanila ng daddy niya eh umuwi na din ng Pilipinas ang
mommy niya kaya dito na sila tumira… sa pagkakaalam ko nililigawan nga ni Marky
yang si Quincy eh…di ko lang sure ah. Di naman ako tsismoso eh.
Si
Jiyeon naman eh nag-aaral na din pala. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa
college. Graduating na nga siya this year. Medyo war mode padin silang dalawa
ni Laxus. Ewan ko ba kung bakit.
Si
Laxus naman…wag na..wag na nating ikento yun panggulo lang yun sa kwento eh..
hahaha.. joke lang…si Laxus may banda iyan…drummer siya ng banda nila…
infairness ah sikat yung banda nilang Cosmets…saka madaming fans yan…di lang
halata..hahaha…
Alam
niyo ba kung anong nangyare after ng inuman session namin noon? Ayun.. ang
lakas ng loob magreklamong na-Friend Zone daw siya pero di na rin naman niya
pinursue ang panliligaw kay Richelle… kuntento na daw siya na nakakasama niya
si Iche… at minamahal ng palihim.. paninindigan na lang daw niya na maging
“bestfriend” ni Iche.. adik talaga… ewan ko sa kanya. Choice niya yun eh.
Ayan
napapagod na akong magkwento..hayaan na lang natin yung iba…sila na magkwento
sa buhay nila…
Ay
teka meron pa pala.. syempre yung pinakamamahal kong girlfriend..hindi ko
pwedeng kalimutan yun at baka hiwalayan ako bigla..hehe… ayun kami pa din naman
ni Demi.. saka nagkaayos na din pala sila ng parents niya… nung birthday kasi
ni Demi three years ago kinausap ko ang parents niya at inexplain ko ang
nararamdaman ng girlfriend ko… ayun nagkaayos sila… saka nagtatrabaho na si
Demi sa isang malaking clothing company…masyado pa daw siyang bata para
pamahalaan ang business ng parents niya kaya she wants to have an experience
outside her “comfort zone” .. oh diba? Ang matured na ng girlfriend ko… about
sa kasal? Wala pa naman kaming napag-uusapan.
“Hey guys..check this out…may email
from Jhonah” tawag pansin samin ni
Laxus habang nakatingin sa Ipad niya.. nag-iinternet siguro. Lumapit naman kami
rito. “ Teka nga..wag niyo akong
siksikin” angal nito. Ang arte lang ah.
“Basahin mo na kasi” pangungulit ni Yesha.
Oh..
nandito pala si Yesha..hehe…ang tahimik kasi eh.
“eto na nga eh…excited? May lakad ka?” inopen nito ang email. “Ay video pala siya” sira talaga ito…paanong naging email ang
video? Adik lang. “ ikabit mo ito sa TV
mo Jeirick para makita nating lahat” utusan daw ba ako sa sarili kong
bahay? binuksan ko ang TV at ikinabit yung Ipad niya para dun iplay yung video.
Lahat
kami nakaupo at nakatutok sa Tv yung iba sa amin sa sahig na naupo.
Jhonah’s
Video now loading…
“Oh ayan na siya” sabi ni Quincy
“Sssssshhhhhh!!!!” saway naming lahat
“Sorry naman”
[Jhonah’s
Video now playing]
“Hi guys…kumusta? Oh diba sosyal ako
may pavideo-video pang nalalaman.. hehe.. anyways…namiss ko kayo guys ng
marami… kaya pala ako nag send ng video eh para sabihin sa inyong uuwi na
ako..yes!!! I’m coming home to the place
where I belong… aha.. adik lang… kaya maghanda na kayo ah… kasi pagbalik ko
eh mag-a-outing tayo… since karamihan sa atin eh Aprilians ….meaning may
birthday ngayong March…adik lang?? syempre may birthday ng April…ako, si kuya
Jeirick, si Paul, si Yesha at si Paul ulit…dahil ayon sa pagkakatanda ko eh anniversary
nila ni Regine…kaya dapat mas malaki yung share ni Paul…hahaha…mayaman ka naman
kaya okay lang yan…saka Valentines Day na dyan next week diba? Dyan lang kasi
dito hindi uso ang Valentines eh.. haha..ang inaabangan ng mga girls dito White
Day kasi pwede silang magtapat sa mga crush nila nun eh…anyways back to topic… so
kapag outing ibig sabihin swimming…so saan tayo magswimming?? Saan pa eh di sa
Laguna…hoy! Wag kayong mga choosy ah maraming magandang private pools sa Laguna…ayon
na din sa internet…wag na kayong mag-Boracay..ayoko ng beach…nagsasawa ako sa
beach dito sa Japan…
negneg na nga ako eh..haha…so ayun nga…dun nalang tayo sa Laguna… private pool
basta may Hotspring…it will be beneficial para sa mga matatandang nirarayuma na
dyan…and to those people na hindi sanay maligo kaya ginawin…bwahahaha…kilala
niyo kung sino kayo..ang alam ko eh marami namang kumakaway-kaway dun sa
tabi-tabi..sundan nalang natin sila… Regarding sa food natin…pwedeng sagutin ko
nalang siya kaso nakakahiya naman sakin diba kung ako lahat kaya magdala na din
kayo ng pagkain natin…APRILIANS… mag-ambag kayo para sa pagkain..wag kayong mga
kuripot!!!! Balita ko lahat kayo may mga trabaho na eh… except kay Jiyeon… hi
Jiyeon kumusta ka na??? inaaway ka pa din ba ni Laxus??? Bugbugin mo kapag
inaway ka..haha…Back to topic ulit… ayun nga.. regarding sa food…pwedeng dun
nalang magluto kung masipag kayo…andyan naman si Regine eh…bestfriend ikaw
magluto ah??? Sa transportation naman magconvoy nalang tayo…and base sa aking
latest inventory ng mga sasakyan niyo eh in super duper good running condition
yung mitsubishi adventure with plate number ZRT 387 ni kuya Jeirick oh diba kabisado
ko pa ang plate number mo? At sa
pagkakaalam ko din, yung BMW ni Earl pwedeng gamitin din… yun eh kung sasama ba
siya..hehe…may pinaghuhugutan lang?? Pwede din yung Nissan ni Regine na cute na
cute sa pagkapink…wag lang mag-ooverheat saka wag siya ang magmamaneho dahil
maliligaw tayo for sure…, yung Nissan na kulay berde-asul na nakatambay lang sa
bahay pwede din nating dalhin wag lang uulan ng malakas kasi di gagana ung
wiper, yung baby kong si Portia ewan ko lang kung naisasara na yung bintana,hoy
Paul ipinaayos mo na ba yun ha? Iniwan ko lang dyan minurder niyo na yung kotse
ko… yung toyota
ni Richelle na nagsusumigaw sa pagka-pula pwede din..wag lang sana mag-drift
yung driver nito na kaskasera, yung toyota altis ni Laxus na nalubog daw sa
baha pwede ng pagtyagaan wag lang mauubusan ng tubig ang radiator… palitan mo
na nga yun Laxus.. kuripot ka talaga..hehe…at yung toyota camry ni Demi na kulay itim kung
sasama at papayag yung may-ari… ate Demi sama ka ha? Naks! Ate talaga.. sabi ni
kuya kasi dapat daw masanay na akong tawagin kang ate…kahit mas matanda ako
sayo…Pwede rin pala ride for 2 sa motor na kulay orange ni Marky..astig yung
kulay nun nakakasilaw… haha… ipahihiram ko na lang yung hard hat at safety
goggles ko dun sa backride niya yung ginagamit ng mga construction workers... oh
ayan di ba? Madami tayong pwedeng magamit na sasakyan kaya wala na kayong
reason para tumanggi… kung kulang pa iyan itakas natin yung mga sasakyan sa car
show…si Gray na bahala dun..kaw na bahala sa mga endorsements mo..so okay na
tayo? Nagkalinawan ba? Bahala na kayong mag-usap-usap regarding sa sasakyan
ah…sige tatawagan ko nalang kayo kung kelan ang uwe ko..pero more or less baka
next week na…kaya aabot pa ako sa Valentines Day…regalo ko boys ah..hehe…hinihintay
ko pa yung plane ticket ko eh..sayonara mina-san…P.S. Richelle…nakita ko si
Trace dito nung nakaraang lingo.. pinuntahan at kinausap niya ako…Mahal ka pa rin
daw niya at break na sila nung hipon matagal na.. it’s all up to you kung
maniniwala ka..pero infairness mas gumuwapo yung kumag na lalaking iyon…iyon
lang…bye bye!!!”
Iyon
lang at natapos na yung video na ipinadala niya. Ewan ko ba pero after ng video
eh sabay-sabay kaming tumawa lahat….yung tawang walang bukas.
“Luka-luka talaga iyon si Jhonah
hanggang ngayon..wala pa ding pinagbago” mangiyak-ngiyak sa kakatawang komento ni Marky.
“Aray ko…sumakit yata yung tyan ko” tumatawang sabi din ni Gray habang sapo-sapo ang
tyan.
“Looks like wala na talaga tayong
choice para tumanggi ah” sabi naman
ni Laxus
“Kapag tumanggi tayo lagot tayo sa
kanya” dugtong naman ni Paul.
“Hay nakakamiss si Jhonah..cant wait to
see her again”
“Next week naman daw uuwe na siya.”
“See you next week guys…magsipagleave
na kayo sa work niyo..mga one week kasi ngayong darating na ang kapatid
ko…magyayaya iyang mag-gala-gala… four years ba naman ang lumipas eh” sabi ko sa kanila.
“Yeah you’re right” sang-ayon ng lahat.
“Ano na kayang hitsura nung babaeng
yun.? Boyish pa din ba? Pero dun sa Video mukhang babae na siya eh” curious na tanong ni Regine.
“Hay naku that’s for you to find out
guys.. dahil maski ako nagulat nung nakita ko yung kapatid ko.. para siyang
sinapian ng ibang espirito”
tumatawang sagot ko naman.
“Bakit naman?”
“Basta abangan niyo nalang”
***
[Richelle’s POV]
Hindi
maalis sa isip ko ang sinabi ni Jhonah sa ipinadala niyang video.
P.S. Richelle…nakita ko si Trace dito
nung nakaraang lingo.. pinuntahan at kinausap niya ako…Mahal ka pa rin daw niya
at break na sila nung hipon matagal na.. it’s all up to you kung maniniwala
ka..pero infairness mas gumuwapo yung kumag na lalaking iyon
“Psst! Tahimik ka yata? Wag mong
sabihing naiinis ka pa din dahil pinagleave ka ni Earl?...ikaw lang yata ang
taong ayaw na ayaw ng walang trabaho eh.. kakaiba ka talaga.. imba ka!” tanong sakin ni Laxus.
“Ha? Hindi may naisip lang ako”
“Ano yun?”
“Wala”
Napabuntong-hininga
muna si Laxus bago sumagot.
“Si Trace pa rin ba?” tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Hindi ko alam kung anong gusto mong
palabasin sa mga tanong mo Laxus” kaila
ko.
“Hay naku sabi mo eh.. tara na nga dun..kumain ka na muna. Uubusan ka na nila ng
pagkain” at inakay…este hinila pala niya
ako patungo sa kusina ng condo ni Jeirick.
Ewan..
saka ko na nga pag-aaksayahan ng panahong isipin yun. Si Jhonah kasi eh..
umalis na nga’t lahat lahat pinapagulo pa din ang utak ko.
No comments:
Post a Comment