Thursday, May 09, 2013

Queen of his heart : Chapter 8




Queen Richelle Montealegre


Hindi ko alam kung bakit sobrang iritable ako. Siguro dala na din ng monthly period ko tapos sinabayan pa ng allergy. Kaya tuloy mas pinili kong magkulong nalang sa kwarto. Nawala nga din sa isip ko na anniversary pala namin ni West kahapon.


Siguro sobrang nabadtrip yun sakin. May kinancel pa namang meeting yun.


Pero ano bang magagawa ko kung wala talaga ako sa mood tumayo, kumilos at lumabas ng bahay. Alam ba nila kung gaano kahirap maging isang babae kapag inabutan ka ng buwanang dalaw mo?


I guess I should say sorry to him nalang. Babawi nalang ako.



***


Pinuntahan ko sa opisina niya si West. Hindi na muna ako pumuntang boutique.


Si West? May meeting ba siya?” tanong ko sa secretary niya.


Si Sir Vaughn po ang kameeting niya. Pwede na naman po siguro kayong pumasok sa loob” sagot ng secretary nito.


okay sige. Thank you”


Napatingin sakin ang dalawang lalaki ng pumasok ako sa loob ng opisina.


Hey Queen. It’s nice to see you” bati ni Vaughn at hinalikan ako sa pisngi.


Same here Vaughn” sagot ko naman at nginitian siya.


Nilapitan ko naman si West na hindi man lang tumayo kahit na nakita na niya ako. Mukhang galit nga yata talaga sakin.


Hon...sorry” bungad ko sa kanya at naglalambing na yumakap.


Napangiti naman sa amin si Vaughn. Maya maya ay nagpasya na itong magpaalam.


Sige Bhraw, ikaw na bahala dun ah. Thanks” paalam nito kay West.


Sige bhraw. Ako na bahala”


Sige. Bye Queen”


Bye, ingat ka”


Nang makalabas si Vaughn ay muli kong binalingan si West na nananatiling tahimik pa rin. Talagang dinedema niya ang beauty ko.


Hon...kausapin mo naman ako oh. Sorry na kahapon.” Naglalambing na sabi ko. “Sorry na please” at marahang dinampian ko ng halik ang mga labi niya. Hindi naman umiwas si West kaya alam kong nagtatampo lang ito. Ipinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya kahit na ako lang ang gumagalaw. Alam kong susuko din iyang si West.


Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay siya na ang humahalik sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang habang patuloy pa rin sa paghalik sakin.


I miss you” bulong ni West sa tenga ko.


I miss you too honey. I love you”


I love you too”


Hindi talaga ako matitiis niyang si West. Mahal na mahal ako niyan eh.


Look i have something for you. Kahapon ko sana ito balak ibigay sayo kaso sinusungitan mo naman ako eh” sabi ni West at binuksan ang drawer sa tabi niya.


Akmang lalayo sana ako sa kanya pero agad nahawakan ni West ang bewang ko dahilan para maout balance ako at mapaupo sa hita niya.


Dito ka lang” anito at dinampian ako ng halik sa leeg.


Ramdam ko naman ang kakaibang kilabot na hatid ng hininga ni West na tumatama sa balat ko. Napakaintense!


Isang gold necklace ang isinuot sa akin ni West.


ang ganda” humahangang sabi ko.


Happy anniversary honey”


Happy anniversary din. Sorry talaga kahapon”


Okay lang. Nangyare na eh. Pwede naman ngayon natin icelebrate ang anniversary natin diba?


Wala ka bang importanteng gagawin?” tanong ko.


Well that can wait..pero ang mahal ko hindi dapat pinaghihintay” sabi nito at muli akong dinampian ng halik sa mga labi.


Ewan ko ba at naaadik akong halikan itong si West.


***


William “West” Montreal


Pagkahatid ko kay Queen sa bahay nila ay dumiretso ako sa bahay nila Vince at Aya. Wala lang. Gusto ko lang silang dalawin. Hindi ko inakala na maaabutan ko roon ang mag-asawang sina Lance at Regine kasama ang anak ng mga ito na si Rence.


Oh kuya. Napadalaw ka” bati sa akin ni Aya.


Namiss ko si baby Ayesha eh” sabi ko at nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang pamangkin ko. Nainggit naman yata ang anak nila Lance na si Rence kaya naglalambing na nagpakarga din ito sa akin. Inaaway naman ito ni Ayesha.


Galing kang office?” tanong ni Regine.


Hindi. Nagdinner kami ni Queen” sagot ko at hinayaan munang maglaro ang dalawang bata.


Ahhh..Next month na yung kasal niyo diba?” kumpirma ni Vince.


Hindi. Namove siya two months from now”


Ha? Bakit?”


Eh yun ang gusto ni Queen eh. Baka kinakabahan pa siya”


Kinakabahan?? Ang sabihin mo nag-iinarte na naman yun” nakasimangot na sabi ni Lance. “hindi na nagbago”


Oo nga.. I’m sure gusto lang ni Queen na maging magandang maganda sa araw ng kasal niyo” segunda naman ng asawa nitong si Regine.


Alam niyo kayong dalawa, bagay talaga kayo. Wag lang sanang magmana si Rence sa inyo” naiiling na sabi ko sa dalawa.


Tinawanan lang naman ako ng mga ito.


Hala ka West...mamaya mag back-out sa wedding niyo si Queen” pang-aasar ni Vince.


Hindi magbaback-out yun noh. Mahal na mahal ako nun” nagmamalaking sabi ko naman.


Iyon tayo eh” sabi ni Vince at naghigh five kami nito.



***

1 comment:

  1. aww.. ang kyut talaga nila maglampungan! hahah...

    parang alam ko na kung kanino inspired itong UD na to.. hahah.. may tama ako!..

    hmmmn.. i wonder what will happen next..

    ReplyDelete