A/N
: This is my gift for you baby Demi.. pasensya na at nalate
ako..pinagpuyatan ko talagang tapusin iyan para sayo..hehe :) Belated
happy birthday Sis :)
Hi. I’m
Denny Alvarez.
Danica
Nicole Grace Alvarez for long. Oh di ba masyado akong mahal na mahal ng
magulang ko kaya pinahirapan nila ako sa
pagsusulat ng pangalan ko. Imaginin niyo na lang nung elementary ako kapag
magsusulat ako ng pangalan para sa exam namin..nagsisimula na magsagot ang mga
kaklase ko samantalang ako hindi pa tapos sa pangalan ko...so sweet.
Mas
preferred ko ang name na Denny for two simple reasons.
Una, mas
madaling tandaan kesa sa name kong sing haba ng San Juanico Bridge.
Second,
masyadong girly ang name ko.
Well as you
can see my dear friends, i’m not your typical girl.
Hindi ako
girly, hindi ako babaeng-babae, hindi ako mahilig sa manika at lalong hindi ako
mahilig sa mga shirts at dress. Mas preferred ko ang loose shirts, toy guns at
ang pinakafavoite sport ko...ang basketball.
Pero hindi
ako tomboy. I know to myself that i’m still a girl. Babae pa rin naman ang puso
kong marunong magkagusto sa lalaki. Hindi nga lang talaga ako kumportable na
maging “Maria Clara”.
Honestly
speaking hindi ko naman kasi kasalanan na maging ganito ako eh. Kasalanan ng
parents ko. Akala yata nila si “Crisostomo Ibarra” ako kaya ayun lahat ng
laruan ko at mga damit nung bata pa ako puro panglalake.
Ang sabi
kasi ni Mommy nung pinaultrasoud daw nila ako ang akala nung doctor eh lalake
ako.. hindi ko alam kung paano nangyare yun? Saan nanggaling ang “bird” ko???
Uso na ba
noon ang sex change at kahit nasa tyan palang ako eh napalitan na ang kasarian
ko?? Kaya ayun lahat ng binili nilang gamit for me eh puro panlalaki. Siguro
kung hindi nakita ng daddy ko na inilabas ako ni Mommy sa tummy niya iisipin
nun na napalitan ako sa hospital. Pero kahit na medyo dissapointed sila mommy
na hindi pala lalaki ang anak nila eh wala naman silang naging reklamo.
Helloooo???
Ang gandang bata ko kaya..hehe.. teka kumikidlat na dito. Change topic na nga
tayo.
“Denny,
basketball tayo” yaya sakin ng kapit-bahay ko sa village na tinitirhan ko since
birth.
“Sige,
papaalam lang ako kay Mommy”
“Okay. Sunod
ka nalang sa court”
“Geh!”
Dali-dali na
akong pumasok sa bahay para magpaalam kay Mommy.
“My!
Basketball lang kami nila Joepert ah” naabutan ko sa kusina si Mommy.
Nagtatakal ng asukal.
“Basketball
na naman? Nagiging negra ka na sa kakalaro mo eh.” Sita ni Mommy sakin.
“My, covered
court yun kaya hindi ako mangingitim” katwiran ko naman.
“kahit na
ba! Aba naman Danica umayos ayos ka na nga sa buhay mo. Gusto ko lang ipaalala
sayo na hindi ka na bata. Highschool ka na kaya dapat umasta ka ng babae noh!”
Napakamot
nalang ako sa ulo sa sinabi ni Mommy. Lately ewan ko ba dito sa nanay ko at
mukhang naging issue na sa kanya ang pagiging boyish ko. Dati naman hindi.
“Oh? Ano na
namang problema niyong mag-ina? Ang aga-aga eh naririnig ko na yung boses mo”
mula sa sala ay sabi ni Daddy. Hawak niya ang panabong niyang manok. Ito ang
hobby ni daddy ko pag ganitong Linggo at wala siyang pasok sa office.
Isang
government employee si daddy sa munisipyo. Si mommy naman ayun dakilang
housewife. Pero may mini-grocery-slash-karinderiya naman siya. Kaya may income
din naman.
“Daddy si
Mommy kasi eh...” sumbong ko. Mas close kasi ako kay daddy eh.
“OH? Ano na
namang ginawa ng junior ko?”
“Junior????
Hoy Ruperto tumigil ka nga sa kakakunsinti mo dyan sa kalokohan ng anak mo.
Kaya lalong nagiging lalaki yan eh kasi kinukunsinti mo!”
Dalawa na kaming
sinesermunan ni Mommy. Kinindatan nalang ako ni Daddy. Kami talaga ang tandem
niyan ni daddy sa kalokohan hehe.
“Mabuti nga
yun at ng hindi maligawan ng kung sino-sinong tambay ang anak mo eh”
“Aba naman
Ruperto highschool na iyang si Danica. Normal na sa edad niya ang maligawan.
Dapat nga may nobyo na iyan eh”
Sa lahat ng
nanay ...siguro itong si Mommy ang gustong ikalakal ang anak niya sa mga
lalaki. Tsk!
“Higschool
palang si Denny. Hindi pa siya pwedeng ligawan”
“Ay ewan ko
sa inyong mag-ama. Suko na ako sa inyo. Magsama nga kayo.”
At
nagwalkout na ang mommy ko.hehe.
Nag high
five naman kami ni daddy.
“Dy! Punta
lang akong court ah.. basketball kami nila Joepert”
“Sige Anak
galingan mo. Lampasuhin mo yung mga lampang kalaro mo!”
“Ako pa!”
Ngayon ba
magtataka pa kayo kung bakit hindi ako ganito? Hehe.
***
“Uy Dens,
nakita mo na ba yung bago nating kaklase?” tanong sakin ng
seatmate-slash-kakopyahan-slash-friend na si Akira.
“Hindi pa.
Wala akong pakialam” sabi kong hindi tumitingin sa kanya. Busy ako sa paglalaro
ng cellphone ko. Malapit na ako magtopscore eh.
“kahit kelan
talaga epal ka. Sabi nila gwapo daw” sabi ni Akira at naglabas ng mga
“paraphernalia” niya. Meaning, suklay, make-up, pulbo at salamin. Parang may
“walk-around” parlor kasi itong si Akira eh.
Hindi ko nga
alam kung bakit friend kami niyan eh. Eh super layo ng personality namin. As in
North to South Pole ang layo. Si Akira iyan ang babaeng-babae sa lahat ng
bagay. Laging nakamake-up. Akala mo everyday is “foundation day”. Eh
samantalang ako never nasayaran ng kahit anong kemikal ang mukha ko.
Well siguro
dahil nakakapagkopyahan kaming dalawa. Sino bang dumaan sa higschool ang hindi
nakakopya sa kaklase? At papatayuan ko siya ng rebulto. Katabi ni Einstein.
“Ahhh...baka
naman layugenic lang yun oh di kaya talikodgenic” sagot ko.
“Ano yun?”
“bobo mo
talaga! Layugenic means gwapo lang sa malayo... talikodgenic means....”
“gwapo lang
pag nakatalikod?”
“korak!”
“hindi naman
siguro.. well malalaman natin yan”
Maya-maya ay
nagdatingan nadin ang mga “hampaslupa” kong kaklase. Kasunod si ma’am.
“Class may
bago kayong kaklase. Transferee lang siya dito kaya dapat maging mabait kayo sa
kanya” banta sa amin ng butihing guro namin.
Mukha siguro
kaming mga leon na nananakmal kaya ganun ang sabi ni ma’am.hehe.
Sabagay,
hindi man kami matatawag na private school eh hindi rin naman kami public
school. Parang semi lang. Half-half. Ganun.
Ito namang
bago naming kaklase kung kelan third year at matatapos ang taon saka naisipang
magtransfer? Adik siguro.
Hindi ko
nalang siya binigyang pansin..bakit? sino ba siya? Kung si Michael Jordan pa
siya baka sakaling pag-ukulan ko siya ng gintong oras ko.
“Hello
everyone, I’m Ezekiel Esquivel. But you can call me Zeke.Nice to meet you”
Bigla nalang
nagtilian ang mga “hampaslupa” kong kaklase. Bakit?? Anong meron?
“Shocks Dens
ang gwapo niya!” sabi ng katabi kong si Akira with matching hampas pa talaga sa
braso ko.
“Ano ba?!”
“Tignan mo
kasi”
Dahil
nacurious na din ako sa sinasabi ni Akira eh tinignan ko na din ang kaklase ko
pero sad to say wala na siya sa harapan. Well....it’s not my loss.
“Miss may
katabi ka ba?” maya-maya ay may nagtanong sakin.
Without even
bothering to look kung sino man siya, I answered.
“Meron.
Imaginary friend ko”
I heard him
laugh.
Wait..
Him?
Dahan-dahan
akong napatingin sa istorbo.
Bagong
mukha. Dont tell me siya ang bago kong kaklase? I mean.. namin pala?
“Sige na
Zeke dyan ka na maupo sa tabi ni Alvarez. Bakante naman yan eh” sabi ni ma’am.
“Eh ma’am
may katabi na daw siya dito eh. Imaginary friend daw niya” sagot ni “Zeke” at
nang-aasar na tinignan ako dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko.
“nagbabayad
ba ng tuition fee ang imaginary friend mo ha Alvarez?” sabi ni ma’am. Mas lalo
tuloy akong napahiya kaya tinignan ko nalang ng masama yung si Zeke. Tinawanan
lang ako nung loko.
I therefore
conclude na ayoko sa kanya.
***
Habang pauwe
ay dala-dala ko pa din ang inis sa nangyare kanina sa school. Nakakainis.
Ngayon lang ako napahiya. Sikat ako sa school kasi varsity player at deans
lister ako tapos may susulpot na Ezekiel Esquivel at sisirain ang reputasyon
ko?
Badtrip talaga.
“Hey!....Psst!”
Napatingin
ako sa kung sino mang tumatawag sakin. Ang humahangos na si Zeke ang nakita ko.
“Problema
mo?!” angas ko.
“I just want
to say sorry about what happened a while ago” anito.
“Wag kang mag spokening dollar. Nasa Pilipinas
ka”
“Sorry.
Nationalistic ka pala”
“hindi.
Naaalibadbaran lang ako sayo”
“sorry na
nga eh. Friends na tayo Danica”
“saan mo
nalaman ang pangalan ko?”
“Dun sa
friend mong si Akira”
Okay.
Ipaalala niyo sakin na sasakalin ko si Akira bukas.
“Wala na yun.
Sige na iniistorbo mo na ako.” Sabi ko at naglakad na ulit papasok ng village.
Pero nanatili pa rin siyang nakasunod sakin. Kaya naman napilitan akong harapin
siya.
“sinusundan
mo ba ako?” pagsusungit ko.
“Hindi ah.
Bakit naman kita susundan? Dito din kaya ang way ko” at nagpauna pa siyang
maglakad sakin.
Ako tuloy
ang lumalabas na sumusunod sa kanya, kaya ang ginawa ko eh pumantay ako ng
lakad pero nanatiling may distansya sa pagitan namin.
Walang
nagsasalita. Pareho kaming nagpapakiramdaman.
“Hoy Denny!
Sino yan boyfriend mo?” pang-aasar ng nakasalubong kong kapit-bahay na sina
Zane at Lewis. Kasama ng mga ito ang kinakapatid ko na si Kuya Lantis.
“Boyfriend?
Hindi ah!” tanggi ko.
Mga college
students na ang mga ito at matagal ko na ding kapit-bahay. Since birth.
“infairness
Dens ah.. gwapo siya. Pero syempre mas gwapo ako” sabi naman ni Lewis.
“Ewan ko sa
inyo mga ugok! Wag niyong mahawa-hawa ng kaabnormalan ng utak niyo si kuya
Lantis ah” sabi ko at tinalikuran na ang mga ito.
Pero
napatigil ako ng mapansin kong wala na si Zeke sa tabi ko. Ganun nalang ang
gulat ko ng mapansing nakapalibot yung tatlong ugok ay dalawa lang pala...yung
isa hindi... kay Zeke.
Baka
pagtripan ng mga ito iyon. Kawawa naman. Kaya agad akong bumalik.
“hoy! Wag
niyong pagtripan yang si Zeke.” Sita ko sa mga ito.
“Oh? Akala
ko ba umalis ka na? Naiwan mo yung boyfriend mo?” pang-aasar ni kuya Lantis.
Okay.
Binabawi ko na... tatlong ugok pala.
“Uulitin
ko.. hindi ko boyfriend yan. Kaklase ko yan. Transferee”
“Ahh?? talaga?
Magkaklase kayo? Bagong lipat lang sila Zeke dito eh. Malapit sila dun kina Zane
kaya magkakilala na sila” sabi ni Lantis.
Napatango
nalang ako. Hindi naman pala binubully eh. Napahiya pa ako.
“uyyyy....concern
siya” pang-aasar ni Zane.
“Mukha mo!”
sabi ko at nagwalkout na ng tuluyan.
***
Mula nang
magtransfer sa amin si Zeke akala mo hari na siya. Ultimo mga bully sa school
ay sunod-sunuran sa kanya. Naging popular siya sa lahat. Bakit? Ano bang meron
sa kanya? Oo nga at gwapo siya at halatang mayaman pero mayabang naman eh. Wala
din. Kahit sa village eh sikat din siya.
“Sinong date
mo sa JS Prom Dens?” tanong sakin ni Akira habang nasa canteen kami minsan.
“Prom? JS?
Date?” salitang alien sakin ang mga iyon eh.
“Oo”
“Adik ka? As
if naman pupunta ako noh!”
“Hoy Loka
pumunta ka. Wala akong kasama”
“Kaya mo na
yun. Ikaw pa”
“Required
daw pumunta sabi ni Ma’am. Kasi magbabayad ka kahit di ka pumunta at project
daw yun”
“Kelan pa
naging project yun?”
“ewan ko.
Basta pumunta ka”
“Kapag pwedeng
pumunta dun ng nakapantalon pupunta ako.”
“Tumigil ka
Danica! Pantalon ka dyan. Mag gown ka noh!”
“Ayoko”
***
“Anak,
tignan mo itong gown na pinatahi ko para sa JS Prom mo” excited na sbi sakin ng
mommy ko pag-uwe ko sa bahay.
Teka nga?
Bakit may gown na ako? Eh hindi naman ako pupunta?
“Mommy ano
yan?”
“Gown mo sa
JS”
“Eh hindi
naman ako pupunta eh”
Bigla ba
namang umiyak ang nanay ko. Pang FAMAS. Best actress.
“walang
inang hindi pinangarap na makita ang anak nilang nakasuot ng gown para sa JS
Prom nila. Hinayaan kita sa gusto mong mangyare sa buhay mo pero matagal ko ng
pinangarap na makita kang suot ang gown na ito. Ako pa mismo ang nagdesign
nito.” Umiiyak na sabi ni Mommy.
Nagpapasaklolong
napatingin naman ako kay daddy pero kibit-balikat lang ang isinagot niya sakin.
“pagbigyan
mo na ang mommy mo. Minsan lang naman eh. Isang gabi lang yan”
Wala na.
Talo na ako eh. Kinampihan na ni daddy si mommy. Nilakasan pa ni mommy ang iyak
porket alam niyang kinakampihan siya ni daddy.
“Sige na nga”
napilitan kong sabi. Wala na kong choice eh.
Biglang
tumigil sa pag-iyak ang mommy ko. Sabi na eh. Arte lang yun.
“Isukat mo
na ito”
Wala na
akong nagwa kundi ang sumunod. Isang gabi lang naman eh.
***
“Denny”
tawag sakin ni Zeke.
“Oh? Wala
akong pera”
“marami ako
nun.”
“ikaw na”
“Ito naman
binibiro lang eh. Galit ka pa ba sakin?”
“Hindi.
Bakit naman kita pag-aaksayahan ng panahon?”
“Ikaw talaga
oh...anyways, may date ka na ba sa Prom?”
“wala.
Bakit?”
“sabi ko na
eh wala kang date”
“Mayabang ka
talaga noh?”
“Slight
lang”
“Ewan ko
sayo”
“Oh? Naiinis
ka na naman sakin. Ikaw din papanget ka niyan”
“Hay naku!”
“Yayayain
sana kitang maging date ko sa JS Prom”
“Ano? Bakit
ako? Nang-aasar ka?”
“Hindi
ah..eh kasi friends naman tayo diba?”
“Kelan pa
nangyare iyon? Bakit hindi ako updated?”
“Grabe ka
naman...hindi mo ko ikinoconsider as friend? Grabe ka”
“magkaklase
tayo pero hindi tayo friend” pagtatama ko.
“Tsk! Friend
tayo”
“Bahala ka
sa buhay mo.”
“Basta ikaw
na ang date ko sa JS ah.”
“Eh bakit ba
ako? I’m sure marami dyan gusto kang makadate noh. Wag na ako”
“Eh ikaw ang
gusto ko eh”
“Eh ikaw ang gusto ko eh”
Napatingin
ako sa sinabi niyang iyon.
“Ano yun?!”
“I
mean...hindi ka tulad nila.. wala akong dating sayo. Hindi mo ko crush...saka
magkapit-bahay at seatmate tayo.”
“Ang babaw
mo”
“Oo
na..mababaw na.. basta ikaw ang date ko ah”
At nilayasan
na ako ng kumag.
Hindi ko
nalang pinansin ang sinabi niya. Malamang pinagtitripan lang ako nun. Sa gwapo
niyang iyon? Tsk! Asa pa ako.
***
Araw ng JS
Prom.
“Anak
nandito na ang sundo mo” tawag sakin ng daddy ko.
Sundo? Wala
naman akong natatandaan ah? Ahh baka yung maghahatid sakin sa school.
“Okay na ba
ako Mommy? Hindi ba ako nagmukhang bakla?” nag-aalalang tanong ko.
“ang ganda
ganda mo nga anak eh.. manang-mana ka sa mommy.”
“Denny
anak.. hindi ka pa ba tapos?” tawag ulit ni Daddy.
“ano ba yang
tatay mo at masyadong excited” sabi ni Mommy.
Napilitan na
kaming lumabas ni Mommy at baka gibain na ni Daddy ang bahay namin.
“ang ganda
naman ng baby ko” puri sakin ni daddy.
“hindi nga
dad?”
“Oo
naman.manang mana ka sa akin eh”
“sa akin
kaya nagmana yan si Danica” singit ni Mommy.
“hay naku..
sa inyo pong dalawa”
“Oo nga..
halika at kanina pa naghihintay ang sundo mo”
“Sundo ko?”
“Oo. Gwapo”
Nagtataka
man ay sumunod na din ako kay daddy. Ganun nalang ang gulat ko ng makita kung
sino ang tinutukoy niyang sundo ko.
“Zeke?”
“Hi Denny..
goodevening”
“Anong
ginagawa mo dito?”
“I’m your
date right?”
“Date???”
“Oo. Niyaya
kita diba?”
“Ha? Akala
ko biro lang yun?”
“Of course
not. I’m serious.”
“Oh siya
siya umalis na kayo at baka mahuli pa kayo.” Pagtataboy sa amin ni Mommy.
“Sige po
tita...salamat po”
‘Ikaw na ang
bahala dyan sa anak ko Zeke ah. Ingatan mo yan. Ni hindi ko pinapadapuan sa
lamok yan” bilin ni Daddy.
“opo tito.
Ako pong bahala sa anak niyo”
“Lantis
mag-ingat sa pagmamaneho ah” bilin ni Mommy kay Kuya Lantis. Siya kasi ang
napakiusapan ni mommy na maghatid samin. Since may kotse siya.
“yes Ninang”
Hanggang sa
makaalis na kami ng bahay ay hindi pa din nagsi-sink-in sa utak ko na pupunta
akong JS Prom, nakagown ako at higit sa lahat, si Zeke ang date ko.
Sabi nga sa
commercial...ang haba ng hair ko.
***
“Oh paano
nandito na tayo. Ikaw ng bahala Zeke kay Denny ah.. sunduin ko nalang kayo
mamayang twelve pagtapos ng JS niyo” bilin samin ni kuya Lantis.
“Okay
Lantis..ako ng bahala dito sa napakagandang date ko” sagot ni Zeke at
kinindatan ako. Inambahan ko naman siya ng suntok.Come on.!
Nagpauna na
akong bumaba ng sasakyan matapos magpasalamat kay kuya Lantis. Agad naman akong
sinundan ni Zeke.
“Wait mo
naman ako. I’m your date kaya dapat lang na sabay tayong papasok” sabi ni Zeke.
“Hindi ka ba
nahihiyang ako ang makikitang kadate mo?” tanong ko.
“bakit naman
ako mahihiya?”
“Wala lang”
“Hindi
noh..ang ganda mo kaya ngayon. Mas bagay sayo ang maging babae kesa tomboy”
“Hindi ako
tomboy ah”
“Okay.
Boyish”
Malapit na
kami sa entance ng gym ng school kung saan ginaganap ang JS Prom. Hinawakan
naman ni Zeke ang kamay ko.
“oh ano
yan?” sita ko
“Inaalalayan
lang kita”
“Hindi ako
lumpo”
“Hay naku!”
Wala ng
nagawa si Zeke nung ayaw kong hawakan niya ang kamay ko. Pero nagulat nalang
ako nung papasok na kami sa pinto ay inilagay ni Zeke ang kamay niya sa bewang
ko. Huli na para tumanggi dahil nakita na kami ng mga kapwa namin istudyante.
Naiilang man dahil batid kong pinagtitinginan kami ay minabuti kong wag na
silang pansinin.
“Dens!!!”
tawag sakin ni Akira.
“Dun ako”
sabi ko kay Zeke.
Inihatid
naman ako ni Zeke sa table kung saan naroon si Akira.
“Hi
Zeke...ang gwapo mo naman” bati ni Akira dito.
“Thanks. You look good too” nakangiting sabi
din ni Zeke.
“salamat”
“Denny,
maiwan muna kita ah.. puntahan ko lang yung iba nating kaklase” paalam sakin ni
Zeke.
“Eh di
puntahan mo bakit kailangan mo pang magpaalam sakin?”
Kibit-balikat
lang naman ang isinagot ni Zeke at nakangiting nagpaalam din kay Akira.
“Loka ka!!!
Ang arte arte mo sabi mo hindi ka pupunta iyon pala si Zeke pa ang date mo ah”
sita sakin ni Akira.
“Hindi ko
date yun. Nakisabay lang sakin yun” sabi ko at kumuha ng finger foods sa table.
“Ay ewan ko
sayo,pero infairness ahh..bagay kayo. Nagulat nga ako nung makita ko kayong
papasok ng gym eh.. bagay na bagay” kinikilig na sabi ni Akira.
“Bagay ka
dyan. Hindi kaya.” Tanggi ko naman.
“Hay!!!
Kahit na crush na crush ko si Zeke eh ibibigay ko nalang siya sayo since bagay
naman kayong dalawa”
Ang sarap
talagang saktan nitong si Akira...
“Tumigil ka
nga dyan Akira. Wala akong gusto kay Zeke”
“well i’ve
never mentioned na may gusto ka sa kanya.. what i’m saying is bagay kayong
dalawa.”
“Hay ewan ko
sayo”
Maya-maya pa
ay nagsimula na ang party. Okay naman siya.. okay ang pagkain.hehe.
“can I have
this dance?” yaya sakin ni Zeke.
“ayoko”
“ano ka ba
naman Dens.. dont tell me buburuhin mo lang ang sarili mo sa pagkain? Sayang
ang party.. sige na makipagsayaw ka na kay Zeke..date mo naman yan eh”
“ayoko nga
eh..bakit ba mas marunong ka pa sakin?”
Napabuntong-hininga
nalang si Akira. Maging si Zeke ay walang nagawa.
Umalis na
din si Zeke matapos ko siyang tanggihang isayaw ako.
“Sira ka
talaga. Bakit mo naman tinanggihan yung tao?” sita sakin ni Akira.
“Nakikita mo
ba yung tingin sakin ng mga fans club niyan ni Zeke? Magmula pa nung pumasok
kami sa loob ng gym ramdam ko ng ung talim ng tingin nila sakin. What more pa
kung pumayag akong isayaw ni Zeke diba? Baka di na ako makalabas ng buhay dito”
“ano ka ba?!
Inggit lang yung mga yun sayo noh! Ikaw naman bakit nagpapadala ka dun?!”
“Hindi sa
nagpapadala ako. Ayoko lang ng may makaaway ako lalo na at lalaki pa ang
dahilan” kibit-balikat ko.
Gustuhin ko
man kasing dedmahin ang mga nakikita at naririnig ko, ngayon lang ako
nakaencounter ng ganito. At kahit na gustuhin ko mang makipagsayaw kay
Zeke..mapapahiya lang ako.
Maya-maya pa
ay umalis na din si Akira ng may magyayang makipagsayaw sa kanya.
“Hey!” napatingin ako sa
istorbong tumawag sakin habang kumakain ako.
Since wala naman akong
ibang pwedeng pakinabang sa JS Prom na ito eh mabuti ng sulitin ko ang ibinayad
ko sa pagkain.
“Bakit nandyan ka lang?”
tanong nito.
“Kasi nandito ang
pagkain” sagot ko.
Tumawa lang si Jed
dahilan para lumabas ang dalawang dimple niya sa magkabilang pisngi.
Well… Jed Fajardo is the
captain of the men’s basketball team. Medyo close na din naman kaming dalawa
since pareho kaming varsity player ng basketball. Sa women’s team nga lang ako.
Gwapo din naman, matangkad saka medyo sikat din. Bago dumating sa school si
Zeke, si Jed ang pinakacrush ng bayan, kaso nung dumating si Zeke eh nasapawan
na siya.
“Tara let’s dance” yaya
nito.
“Dance?? Seryoso ka? Kung
basketball pa yan malamang di kita inurungan”
“Come on Dens…sayang ang
gown mo” nang-aasar na sabi nito.
“Gusto mong masaktan?”
Tinawanan lang ako ni Jed
at walang sabi-sabing kinuha ang plato ng pagkain sa mga kamay ko at ipinatong
sa mesa. Sabay hila sakin patayo. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa
kanya patungong dance floor. Ayoko namang magmukhang nagta-tug of war kaming
dalawa.
Nakita ko din si Akira na
kasayaw yung taga-kabilang section. Pati na din si Zeke…kasayaw yung muse
namin.
“Infairness Dens ah…
babae ka pala kapag naayusan” habang nagsasayaw ay sabi ni Jed.
“Ano namang tingin mo
sakin diba? Magpasalamat ka pa nga at pumayag akong makipagsayaw sayo eh”
“Wow… ako pala ang first
dance mo…eh diba si Zeke ang date mo?”
Nakakunot ang noong
napatingin ako kay Jed.
“Paano mo naman nalaman
yan?”
“Eh kayo kaya ang center
of attraction nung pumasok kayo. Grand entrance eh. Nagulat nga ako ng makitang
ikaw ang kasama niya”
“Nakisabay lang sakin sa
sasakyan yun kaya magkasabay kami pumunta dito”
“Eh bakit magkahawak ang
kamay niyo papasok?”
“Alam mo ikaw Jed
kalalaki mong tao napakatsimoso mo”
Maya-maya ay biglang
nagpalitan na ng partner ang magkakasayaw sa dance. Actually, the dance that
we’re dancing is yung tipong bigla-biglang magpapalit ng partner pag palit ng
tugtog. Hindi mo malalaman kung sino ang magiging kapartner mo sa pag-ikot mo.
Mabuti na nga lang at
nagpalit na ng partner kaya nakaiwas ako sa pang-aasar ni Jed.
“Ayaw mong makipagsayaw
sakin pero kay Fajardo nakipagsayaw ka” sabi nung kapartner ko dahilan para
mapatingin ako sa kanya.
It was no other than
Ezekiel Esquivel himself.
“ikaw pala”
“nakakatampo ka Denny ah..
ako yung kadate mo pero tinanggihan mo ako nung yayain kitang sumayaw…hindi
nalang kita pinilit kasi iniisip ko ayaw mong sumayaw, pero makikita kita na
nakikipagsayaw kay Fajardo.”
“Close kami ni Jed”
“So tayo hindi close?”
“Hindi”
“Pero ako ang date mo”
“Ikaw lang ang nag-iisip
nun”
Natahimik nalang si Zeke
sa sinabi ko. Hanggang sa magpalit ang partner ay hindi na siya kumibo. Ayoko
din namang magsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh.
***
After the JS Prom hindi
na din kami masyadong nag-usap ni Zeke. Well.. mahal ko pa ang buhay ko…at
ayokong araw-araw eh may matanggap na “death note” mula sa mga fans niya.
It is better this way.
Or so I thought.
Dahil isang araw naabutan
ko si Zeke sa labas ng bahay namin.
“Anong ginagawa mo dito?”
tanong ko sa kanya.
“Mangungumusta”
“Wala naman akong sakit
ah”
“Ito naman.. may sakit
lang ba ang kinukumusta? Hindi ba pwedeng namimiss din?”
“Hay naku Zeke
tigil-tigilan mo nga ako. Wala akong planong makipag-asaran sayo” nakasimangot
na sabi ko at lumabas na ng bahay.
“Hindi naman ako
nakikipag-asaran ah.. totoo yun” sinundan naman niya ako.
“Ewan ko sayo”
“Saan ka pupunta?”
“Magpapakamatay”
“Sama”
“Mauna ka”
“Uyyyy!!! Ano yan? Bakit
magkasama kayong dalawa? Kayo na ba?” pang-aasar ni Zane
Ayan.. sa dami naman ng
pwedeng makasalubong itong tatlong ugok pa.
I tried to ignore them
and just walk away. Pero sinundan pa din ako ni Zeke.
“Bakit ka ba sunod ng
sunod sakin ha?”
“Eh gusto ko lang naman
makipag friends sayo eh since transfer lang ako dito”
“Zeke hindi mo kailangang
makipagfriends sakin dahil madami ka ng friends. Kahit transfer ka palang eh
sikat ka na”
“Eeeehhh gusto kitang
maging friend eh”
“Fine! Sige friend na
kung friend”
Tuwang-tuwa naman si Zeke
at nakipag high-five pa sakin.
Sira-ulo lang.
***
At dahil nga naging
friends na kami ni Zeke ay madalas na siyang tumambay sa bahay namin. Okay lang
naman kina Mommy at Daddy eh. Tuwang-tuwa pa nga sila eh. Iniisip nila may
“future” kaming dalawa ni Zeke.
Asa naman diba? Iyon?
Kami? Imposible.
Pero babae nga yata
talaga ang puso ko at sadyang tanga…dahil hindi ko napigilang magkagusto sa
isang Ezekiel Esquivel.
Sa paglipas ng mga araw
na nakakasama ko si Zeke eh mas nagugustuhan ko siya. Ewan ko nga ba kung bakit
nahuhulog ako sa kanya. Kapag kausap ko siya pakiramdam ko may mga
nagliliparang paru-paro sa tyan ko.. hindi ako mapakali…now I know kung anong
feeling ni Akira kapag nandyan ang crush niya… dahil feel na feel ko yun
ngayon.
Pero syempre hindi ko
hinayaang may makaalam ng nararamdaman ko.
Kahit si Akira…lalong
lalo naman si Zeke…sinarili ko ang feelings ko.
Bakit? Simple lang.
Ayokong mailang siya
sakin at iwasan ako.
***
“Hey Dens, look at the
pictures we had nung JS Prom” excited na sabi sakin ni Akira.
“Saan?”
“Nandun sa cafeteria”
“Eh bakit nandun?”
“Eh yung school
photographer kasi ang kumuha eh. Kung may magustuhan ka daw na picture pwede
mong bilhin sa kanila”
Naks! Talagang
pinagkakitaan ah. Asa naman silang may makukuha sila sakin.
Dahil sa kapipilit ni
Akira eh napilitan na din akong sumunod sa kanya patungo sa cafeteria upang
tignan yung mga pictures.
“I’ll buy this one” sabi
ni Akira sabay turo dun sa picture nung isang lalaki.
“Oh? Bakit bibilhin mo
yan? Hindi mo naman mukha yan eh” sabi ko.
“Crush ko ito eh”
“Talandeeehhh ka!!!”
Hindi nalang ako pinansin
ni Akira na abala sa pakikipagtawaran dun sa member ng photography
club….infairness ah.. ngayon ko lang nalaman na may photography club pala kami.
“Zeke, look may picture
kayo ni Denny oh” narinig kong sabi nung isang istudyante dahilan para
mapatingin ako sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng mga
mata ko na nandun si Zeke kasama ang mga superfriends niya. Medyo tago ako kaya
hindi nila ako mapapansin agad.
“Mukha naman palang tao
si Denny kapag naayusan eh” sabi naman nung isa.
Teka nga??? What do they
think of me? Monster??
“Hindi ko ineexpect na
siya ang magiging partner mo sa JS Prom. May gusto ka ba sa kanya Zeke?”
“Infairness bagay kayo
dito sa picture oh”
May picture kami ni Zeke?
Sinong kumuha at ng mapatay ko.
Pero syempre joke lang
yun.. baka nga bilhin ko pa yun eh.. nasaan ba yun at ng mabili ko.
“Ako??? Wala akong gusto
dun noh! She’s not my type. She’s not even pretty for me” parang nandidiring
narinig kong sagot ni Zeke.
Pakiramdam ko naman eh
nag-init bigla ang mukha ko. At gusto kong manapak ng tao.
“Kaya siya ang kinuha
kong partner kasi gusto ko lang pagselosin si Mitch.”
Ang muse school ang
tinutukoy nito. So ganun? Ginamit niya lang ako? All those times na magkasama
kami.. nag-uusap…anong ibig sabihin nun?
Lokohan?? Gaguhan??
“Do you really think na
gusto ko siyang makapartner?” pagpapatuloy pa ni Zeke.
Nagtawanan naman ang mga
“superfriends” nito. Ang sasarap nilang pag-uuntugin.
“Hey Dens tara na
nakabili na ako ng gusto ko.”
Kahit kelan talaga
napakagaling tumiming nitong si Akira.
Dahil sa lakas ng boses
ni Akira ay napatingin samin sina Zeke at mga kasama nito. Nakita kong bumakas
ang gulat sa mga mata ni Zeke ng makita ko.
“Denny”
“Sa susunod na pag-uusapan
niyo ako siguraduhin niyong hindi ko maririnig ah. Ikaw Zeke akala mo kung sino
kang gwapo at magaling?! Ang kapal ng mukha mo!” galit na sabi ko at hinila na
palayo sa lugar na iyon si Akira.
Naguguluhan man ay wala
ng nagawa pa si Akira kundi ang sumunod sakin.
Basta gusto ko ng
makaalis sa lugar na iyon. Ayoko ng makita pa si Zeke o ang mga alipores niya.
***
“Ano bang nangyare?”
humihingal na tanong ni Akira sakin ng makarating kami sa classroom. “Anong
meron at parang susugod ka ng gyera? Saka bakit inaaway mo si Zeke? Anong
ginawa sayo nung tao?”
“Pwede ba Akira..wag ka
na magtanong? Nababadtrip na nga ako eh.” Nakasimangot na sabi ko.
Mukhang nakahalata naman
yata si Akira na badtrip ako kaya natahimik nalang din siya.
“Akala ko pa naman okay
na kayong dalawa ni Zeke..napapansin ko kasing close na kayo eh” narinig kong
sabi ni Akira.
Minabuti kong wag na
magsalita kasi pakiramdam ko any minute from now eh tutulo na ang luha ko.
Ang sakit. Ang sakit
sakit. Ganito pala ang tinatawag na heartbreak.
My first ever heartbreak.
***
Six (6) years later…
Marahang tinapik ni Denny
ang mga binti upang patayin o bugawin ang mga lamok na kanina pa namamapak sa
binti niya. Halos isang oras na siyang naghihintay makasakay ng jeep pero sad
to say hanggang ngayon eh wala pa ring dumaraang jeep. Kahit taxi sana
papatusin niya na makauwe lang ng bahay. Kaso in demand din ang taxi ngayon eh.
Kaya ayun..nganga siya.
Kung bakit naman kasi
inabot na siya ng gabi sa trabaho eh. Kasalanan iyon kanina nung dalawang
customer eh. Agaw eksena kasi.
After graduation from
College sa kursong Hotel and Restaurant Management ay nag-apply siya sa isang
malaking Hotel. Ang La Breeze and thank God dahil nakapasok naman siya. At
ngayon nga ay dalawang taon na siyang chef sa hotel.
Kanina nga ay may naganap
na okasyon sa hotel. May lalaking nagtapat sa girlfriend niya. Actually normal
na lang pala yung nangyayare sa hotel kung saan halos mayayaman ang customers
pero ngayon lang natyempuhan na siya ang nakatokang chef sa Restaurant.
Nagkataon pa na kilala ng may-ari ng Hotel yung lalaking nagpropose kaya ayun,
nagpahanda ng espesyal na putahe ang management para sa lahat ng naroong
customers.
Infairness ahh.. ang
sweet nung guy nung nagpropose siya sa girl. Siya kaya kelan may magpopropose
sa kanya?
Marahang ipinilig ni
Denny ang ulo upang alisin ang kung ano man ang agiw na tumatakbo sa utak niya.
Pagod lang siguro iyon. Paano naman kasi may magpopropose ng kasal sa kanya eh
ni wala nga siyang boyfriend eh.
Maghanap ka muna ng
boyfriend Iha.
Maya-maya ay may dumaang
taxi sa harapan niya. Lalapit na sana siya sa taxi kaso inunahan siya bigla ng
isang lalaki.
“Antipatiko”
Walang nagawa si Denny
kundi lihim na magngitngit nalang sa inis sa antipatikong lalaki.
“Gwapo sana kaso bastos”
Medyo naaninag niya kasi
ang mukha nito. Although hindi niya masyadong natitigan. Yung profile lang ang
nakita niya.
Maya-maya ay may
humintong kotse sa tapat niya. Agad namang naalarma si Denny. Kinapa niya ang
pepper spray sa bag.
Okay. Safe.
Hinintay niyang may
gawing masama ang driver o laman ng kotse. Pero hindi naman ito bumaba ng
sasakyan. Ibinaba lang nito ang salamin.
“Denny?” sabi nung
lalaking nakasalamin.
Wow! Si Harry Potter!!!
Ang gwapo!!! Pero teka?
Kilala niya ako? Hindi ko siya kilala.
“Denny Alvarez?” ulit
nito.
“Yeah…sino ka?”
Naku! Never ko pang
nakita ang lalaking ito. Ang mga ganito kagwapo eh hindi ko makakalimutan. Kaya
I’m sure never ko pa siya nameet.
“I see.. hindi mo na ako
natatandaan. It’s me Jed Fajardo. Schoolmate mo nung highschool”
“Jed??? Jed Fajardo???”
saglit niyang inisip ang pangalan na iyon. “JED!!!!!! Yung captain ng
basketball team”
“Yeah.. the one and only”
“Uy kumusta na?”
“Eto lalong gumuwapo”
nakangiting sagot nito. Litaw dimples.
Namiss ko tuloy bigla
yung dimples niya ah.
“May hinihintay ka ba?
Hatid na kita” offer ni Jed.
“Ay naku hindi ko yan
tatanggihan.” Sagot ko at sumakay na sa kotse niya.
Napaunat ako ng makaupo
ako sa malamig na kotse niya. Sa wakas! After 50 years nakaupo din ako.
“Mukhang pagod na pagod
ka ah” pansin sakin ni Jed
“Hay naku sinabi mo pa”
“So, saan nga pala kita
ihahatid?”
Sinabi ko sa kanya ang
address ng bahay ko.
“So? Kumusta ka naman?
May asawa ka na ba?”
“Naku wala pa ah..
boyfriend nga wala..asawa pa kaya”
“Pareho pala tayo”
“Wala ka ding boyfriend?”
gulat na tanong ko kay Jed.
Natawa naman siya sakin.
Infairness wala akong naramdamang pagkailang kay Jed. Parang normal lang.
Nakarating kami sa bahay
ng hindi ko namamalayan. Ganun ako kaabsorb sa kwentuhan namin ni Jed. Ang
sarap naman niya kasing kausap eh. Bago kami tuluyang maghiwalay ay hiningi
niya pa ang number ko.
Kaya naman ng makapasok
ako sa bahay ay hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ko.
Mukhang nagkacrush pa
yata ako kay Jed ah.
***
Mula ng magkita kami ni
Jed ay madalas ng maulit ang pagkita-kita at paglabas namin. Nagdedate
kami…nanood ng movies..at ang kinahihiligan naming basketball. I realized that
we have a lot of common. Parang male version ko siya. Kaya nga nagclick kaming
dalawa agad.
“Alam mo, kung alam ko
lang na ganito ka kabaliw noon eh di sana matagal na tayong naging close”
minsan ay sabi ni Jed habang kumakain kami. Katatapos lang naming manood ng
laban ng paborito naming team sa basketball.
“Eh ganun talaga. Hindi
ako masyadong nag-eexist nung highschool tayo eh”
“Oo nga eh. Kung hindi
nga lang kita nakasama sa practice ng basketball noon hindi pa kita makikilala.
Masyado ka kasing tahimik”
“Eh ayoko naman kasing
maging center of attention ng madlang people noh!”
“Pero naging center of
attention ka nung JS Prom diba? Do you still remember that? Ang ganda mo nun
eh.. from being boyish nagtransform ka into a very beautiful lady…and looks
like your still transforming” nakangiting sabi ni Jed.
Tinangka ko namang itago
ang pamumula ng pisngi ko sa papuring natanggap ko sa kanya.
“Bolero ka alam mo yun”
“Hindi ah. Nagsasabi kaya
ako ng totoo. Maganda ka naman talaga eh. And I’m glad na ako ang naging first
dance mo nun.”
“Oo na nga” sagot ko at
ipinagpatuloy ang pagkain. Kaso hindi naman ako makapagconcentrate kasi
nakatitig pa rin siya sakin.
“Nagkaboyfriend ka na ba
Denny?” biglang tanong ni Jed dahilan para mabilaukan ako.
“Okay ka lang ba?” agad
namang lumapit sa tabi ko si Jed at marahang hinaplos ang likod ko.
“Yeah.. thank you.
Nagulat lang ako sa tanong mo”
“Ahh.. sorry ah”
hinging-dispensa ni Jed at bumalik na sa upuan niya.
“Wala pa akong nagiging
boyfriend”
“Bakit naman? Sa ganda
mong iyan?”
“Bulag sila eh” biro ko
at marahang tumawa. Pero agad din naman akong nagseryoso. “Actually naging busy
kasi ako eh.. wala akong ginawa nung college kundi ang mag-aral. Nung
nakagraduate naman ang goal ko eh makahanap agad ng work.. ayun.. nung
nagkawork ako naging sobrang busy naman”
“Baka naman chuzy ka?”
“Chuzy ka dyan.. hindi
kaya. Basta naramdaman kong mahal o gusto ko siya.. okay na yun.”
“I see”
“Ikaw? Bakit wala ka pa
ring girlfriend?” kunwari ay kaswal na tanong ko.
“Nagkagirlfriend na ako
dati. Kaso naghiwalay kami”
“Aww.. sorry.. Mind if I
ask why?”
“Hindi pa daw siya ready
eh”
“Ha? Ang gulo naman”
“Wag nalang nating
pag-usapan”
“Okay”
Pareho kaming natahimik
dalawa ni Jed at ipinagpatuloy nalang ang pagkain.
***
As time goes by mas lalo
kong nararamdaman na gusto ko si Jed.., he’s sweet, funny, thoughtful, sobrang
bait, lahat ng kwento may tawanan.. ang gaan lang lagi pag sya yung ka-usap
ko.. Understanding, honest and he always cheer me up when im upset. Kahit na
sobrang stress ako sa work Makita ko lang siya eh gumagaan na ang pakiramdam
ko.
“Inlove na ba ako?” I
once asked myself. Pero maski sarili ko eh hindi ako masagot.
Wala din naman kasing
sinasabi sakin si Jed. Hindi naman siya nanliligaw. Pero the way he acts
towards me pakiramdam ko eh nililigawan niya ako. Wala lang pormal na salita
kaya tuloy hindi ko rin alam kung anong iisipin ko.
“Psst!”
Napatingin ako sa tumawag
sakin.
“Yes?” nakataas ang kilay
na tanong ko sa kanya.
“Suplada ah”
I tried to ignore Zeke.
Yes. The one and only
Ezekiel Esquivel.
Actually gusto ko na
ngang ituring na hindi kilala yan si Zeke eh. Kaso naging barkada sila ni
Daddy. Kung alam lang siguro ni daddy na sinaktan at pinaiyak ako niyan..
malamang hindi na yan nakapasok sa bahay namin.
“Anong ginagawa mo dito?”
mataray na tanong ko.
Wala kasi akong pasok sa
hotel ngayon. Rest Day ko. Kaya naman paeasy-easy lang ako sa bahay. Balak ko
nga sanang itext si Jed kaso mukhang
busy siya eh. Hindi kasi siya nagtetext mula pa kaninang umaga. Actually almost
two weeks na nga kaming hindi nagkikiita. Baka sadyang busy lang talaga.
“Niyaya ako ni nanay na
magmeryenda eh. Naglaro kasi kami ni tatay ng basketball” sagot nito at
prenteng naupo sa silyang katapat ko.
“At kelan pa kita naging
kapatid ah? Sa pagkakaalam ko kasi eh only child ako”
“kapatid talaga? Hindi ba
pwedeng boyfriend o asawa?”
“alam mo ikaw Zeke kahit
kailan talaga ambisyoso ka”
“gwapo naman”
Pinili ko nalang na wag
makipagtalo kay Zeke dahil alam ko naman na ako pa din ang mapipikon eh.
Nanahimik nalang ako. At inisip na wala siya sa tapat ko.
Pero mukhang wala yatang
balak si Zeke na patahimikin ang buhay ko.
“Uy Dens, balita ko may
naghahatid sundo daw sayo ah. Sabi nila Lewis gwapo daw”
Mga lalaki talaga sadyang
tsismoso. Tinalo pa ang babae.
“Oo naman..gwapo talaga
si Jed. Gwapong gwapo” pagmamalaki ko naman. Wala lang. gusto ko lang ipamukha
kay Zeke na may taong pwede ring magkagusto sakin. At hindi lang basta tao.
Isang gwapong tao.
“Jed?”
“Yup.”
“Don’t tell me na si Jed
Fajardo yan? Yung captain ng basketball team nung highschool tayo?”
“Well mabuti naman pala
at hindi ka pa ulyanin at natatandaan mo pa siya”
“Eh mas gwapo naman ako
dun eh”
“Ang kapal ng mukha mo
talaga Ezekiel. Si Jed kahit na sobrang gwapo eh humble pa din. Ikaw nabiyayaan
lang ng konting kagwapuhan akala mo kung sino ng mayabang” asar na sabi ko.
“Nanliligaw ba yun sayo?’
“eh ano bang pakialam
mo?”
“May pakialam ako kasi
baka saktan ka lang nun. Ipinagkatiwala ka sakin nila tatay”
“Ewan ko sayo”
“Mag-ingat yang Jed na
yan ah. Ayoko pa namang may nananakit sayo”
“Ikaw nga ang unang nanakit sakin eh” marahang bulong ko.
“Anong sabi mo?”
“wala. Sabi ko hindi ako
sasaktan ni Jed kasi mabait yun. Di tulad mo” sabi ko sabay tayo at iniwan si
Zeke sa labas ng bahay namin.
Hindi ko pa rin talaga
siya kayang harapin ng walang bitternes na nararamdaman.
***
“Hoy!”
Nagulat ako ng bigla
nalang may nangalabit sakin. Muntik ko pa tuloy mabitawan ang binili kong
coffeegelo. After kasi ng encounter namin ni Zeke ay naisipan kong “magpalamig”
muna kaya naman tumambay ako sa coffee shop sa loob ng village.
“Ate Empress naman eh..
bakit ka ba nanggugulat? Muntik na tuloy matapon itong coffeegelo ko”
“Okay lang yan Denny.
Mayaman naman yan si Empress eh. Kaya niyang palitan yan kahit isang drum pa” sagot
naman ni Gracey. Ang may-ari ng coffee shop.
“Empress..ilibre mo nga
ako” sabi naman ni Vanie. Ang pinsan ni Gracey.
“Mukha mo Vanie! Puro ka
libre. Magbayad ka ng utang mo” sita dito ng pinsan nito.
Natawa nalang sila ni
Empress sa dalawa. Normal na sa kanila ang makitang “nagpapatayan” ang
magpinsang iyan.
Empress, Gracey and Vanie
are her neighbors here at the village kung saan siya lumaki. Mas matatanda nga
lang sa kanya ang mga ito. At pawang mga dalaga pa.
“bakit nga ba nag-iisa ka
yata ngayon Denny?” tanong sa kanya ni Empress. “Ang lalim pa ng iniisip mo.
Baka gusto mong magpacheck-up libre na serbisyo ko” biro nito.
“Salamat nalang Ate”
tumatawang sagot naman ni Denny. Isa kasing nurse sa Mental Hospital si Empress
at naging biruan na sa kanila ang trabaho nitong iyon.
“Nasaan na ba yung
gwapong naghahatid sayo? Hindi ko na yata siya napapansin lately ah”
“Pati ba naman ikaw Ate
Empress. Saan mo naman nalaman ang tungkol kay Jed?”
“Saan pa eh di sa mga
kurimaw na yun” sagot nito at tinuro ang ngayon nga ay papasok na grupo ng
kalalakihan.
Kasalukuyang papasok ng
coffeeshop ang kinakapatid niyang si Lantis at mga kaibigan nito na sina Lewis
at Zane…pati na rin si Zeke.
“tsismoso talaga” nailing
na sabi nalang niya
“Sinabi mo pa.” segunda
naman ni Vanie. Mukhang tapos na ito at ang pinsan nito na magpatayan dahil
busy na si Gracey sa pag-asikaso sa mga bagong dating na customers.
“Hoy Vanie wala ka namang
ginagawa eh tulungan mo nga ako dito” utos ni Gracey sa pinsan nito kaya naman
pansamantalang iniwan sila ni Vanie.
“Hi kuya Lantis” bati ni
Denny sa kinakapatid.
Tinanguan naman siya nito
sabay tingin kay Empress na agad namang nag-iwas ng tingin. Napabuntong-hininga
nalang si Lantis at lumapit na sa table kung saan naroon sina Zeke.
“LQ?” tanong niya kay
Empress.
“Hindi ah” tanggi naman
nito pero hindi nakatingin sa kanya.
Nagkibit-balikat nalang
si Denny. Well kung ayaw nito magkwento eh hindi na siya mamimilit. Aware naman
siya na may something sa kinakapatid niya at kay Empress. Kung anuman ang
dahilan ng hindi pagpapansinan ng dalawa ay ayaw na niyang mangialam.
Napatingin si Denny sa
table nila Zeke ng makarinig sila ng malakas na halakhakan. Sabay pa sila ni
Empress na napatingin dito. There they saw the boys, particularly Zeke talking
or rather flirting with other girls in the village. At ewan ni Denny pero hindi
niya gusto ang nakikita niya.
“Dens, dahan dahan ang
tingin. Baka bigla nalang bumagsak sa sahi si Zeke sa talim ng tingin mo”
pansin sa kanya ni Empress. Nakangiti na ulit ito pero halatang hindi naman
abot sa mga mata.
“Hoy ate Em ah..ano
namang pakialam ko kay Zeke kahit na makipaglandian pa siya sa mga haliparot na
babaeng yan?”
“Alam mo kung anong tawag
dyan Denny? Denial stage 101. May gusto ka kay Zeke. Aminin mo na. obvious
naman eh”
“Wala na akong gusto sa
kanya ate Em ah.”
“Wala na…ibig sabihin dati meron” nakangiting sabi ni Empress.
Hindi naman alam ni Denny
kung paano lulusot sa sinabi ni Empress. Hindi narin naman ito nagsalita pa.
basta nginitian nalang siya at nagpaalam na umalis na.
“Alam mo kung anong tawag dyan Denny? Denial stage 101. May
gusto ka kay Zeke. Aminin mo na. obvious naman eh”
Ako denial??
Bakit??
May gusto pa nga ba ako
kay Zeke??
Hindi. Wala akong gusto
na sa kanya. Si Jed ang gusto ko.
Si Jed na ang mahal ko.
Tapos.
Wag ka ng magulo.
***
Almost a month ng hindi
nagpaparamdam si Jed sa kanya. Hindi naman niya alam kung saan ito
nagtatrabaho. She tried to text and call him pero hindi ito nagreresponse.
Nag-iwan din siya ng message sa facebook nito pero wala ding sagot. Pero dahil
nagging busy na din siya sa work ay medyo hindi na rin niya napagtuunan ng
pansin ang hindi pagpaparamdam ni Jed. Baka sadyang busy lang talaga.
Kaya naman isang gabi
pagkagaling sa trabaho ay nagulat nalang si Denny ng makitang naghihintay sa
labas ng hotel si Jed.
“Jed” tuwang sabi niya.
Parang mas lalong gumuwapo si Jed sa paningin ni Denny.
“Hi Dens” bati nito at
hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati.
“Kumusta? Tagal mong
nawala ah”
“Oo nga eh. Madami akong
ikukwento sayo. Pwede ka ba tonight?”
“Sure”
Sa isang restaurant siya
dinala ni Jed.
“So kumusta na? how’s
your life?” tanong ni Jed sa kanya.
“Heto okay naman. Medyo
busy kasi nagexpand ng branches ang management eh…saka namiss kita” sabi niya.
Kinapalan na niya ang mukha.
“Ako din namiss kita”
Kinilig naman si Denny sa
sinagot ni Jed. Pero hindi siya nagpahalata.
“Ano nga pala yung
ikukwento mo sakin?” tanong ni Denny.
“Later. Order muna tayo”
Hinintay muna nilang
mai-serve ang pagkain at makaalis ang waiter bago nagsimulang magsalita si Jed.
“Well, medyo matagal nga
din akong di nakapagparamdam sayo. May inasikaso kasi akong importante eh”
simula ni Jed
“Mas importante sakin?” sabi ng echuserang isip ni Denny.
“Remember yung girl na
sinasabi ko sayo? Yung Ex girlfriend ko?”
“Yeah” tango ni Denny.
Mukha yatang hindi niya gusto ang tutumbukin ng kwentong ito ah.
“Kami na ulit.
Nagkipagbalikan siya sakin and she said na ready na daw siya”
“So ganun nalang yun? After ka niyang iwanan bigla nalang
siyang babalik na parang walang nangyare?”
“Kayo na ulit?”
“Oo Dens. Ang saya-saya
ko nga eh. Kaya medyo matagal din akong nawala kasi nagbakasyon kaming dalawa.
We spent the time together. Namiss kasi namin ang isa’t-isa eh.”
“Talaga?” hindi alam ni
Denny kung anong reaksyon ba ang dapat niyang sabihin.
“At hindi lang yun
Dens…ikaw palang ang pagsasabihan ko nito ah….I already proposed to her and she
said Yes…we’re getting married Dens…isn’t it great?” tuwang tuwang sabi ni Jed.
Daig naman ni Denny ang
binagsakan ng bomba. Para siyang napunta sa outer space at hindi niya
maintindihan kung anong nangyayare sa paligid. Or sana nga hindi nalang sana
niya naintindihan.
“Invited ka sa kasal
namin ah..syempre ayoko namang mawala ang bestfriend ko sa importanteng araw ng
buhay ko”
“Bestfriend?”
“Yup. Ikaw ang isa sa
tinuturing kong malapit na babae sa buhay ko kaya naman I want you to be there
at my wedding day”
Everything seems black
for Denny. The guy she thought likes her, kaibigan lang pala ang tingin sa
kanya. At higit sa lahat ay ikakasal na ito at invited pa siya. What a mess!!!
Nawalan tuloy ng saysay ang masarap na pagkaing nasa harapan ni Denny.
“Hey Dens okay ka lang
ba?” nag-aalalang tanong ni Jed sa kanya.
“Yeah okay lang ako.
Medyo pagod lang siguro” kaila ni Denny.
“Mukha ngang pagod ka na.
pasensya ka na ah.. sobrang miss lang talaga kita at super excited lang kasi
akong magkwento sayo kaya naman niyaya kita. Sorry di ko naisip na pagod ka”
hinging paumanhin ni Jed.
“No Jed it’s okay. No
need to apologize”
Maya maya lang ay nagyaya
ng umuwe si Jed para makapagpahinga na daw siya. Mas okay na yun dahil ang
bigat na talaga ng loob ni Denny.
***
Pagkahatid ni Jed sa
kanya ay agad na siyang pumasok sa loob ng silid at doon nagmukmok at umiyak.
For the second time ay nasaktan na naman siya. For the guy na galing din sa
highschool life niya. Ano ba namang klase ng kapalaran meron siya? Una si
Zeke…ngayon naman si Jed. Hindi na ba siya magiging masaya? Wala na ba talagang
magmamahal sa kanya?
Nakatulugan nalang ni
Denny ang pag-iyak.
***
Dahil sa pangyayaring
iyon ay nagpasya si Denny na iwasan na muna si Jed. Pero mukhang hindi na naman
pala niya kailangang gawin iyon dahil mismong si Jed ay hindi na rin
nakikipag-contact sa kanya. Mukhang sobrang busy na ito sa girlfriend and soon
to be fiancée nito. Inabala na lang niya ulit ang sarili sa trabaho.
“mukhang kapalaran ko na
yata talaga ang maging single for life” bulong niya sa sarili habang pauwe ng
bahay.
Ganun nalang ang
pagtataka sa mukha ni Denny ng makasalubong niya ang mga magulang sa labas ng
bahay nila.
“Oh Ma, anong meron?”
takang tanong ni Denny sa ina.
“May announcement daw sa
clubhouse eh. Tara puntahan natin”
Lito man ay napilitan na
ding sumunod si Denny. Mukhang maraming interesadong makinig sa kung ano man
ang announcement na iyon dahil halos karamihan sa mga tao sa village ay naroon.
Simple lang ang village
na tinitirhan nila pero sadyang napakatahimik at maayos nito. Wala pa rin
siyang nababalitaan na gulong nangyare sa village kaya naman kahit karamihan sa
mga tao rito ay may mga sinasabi sa buhay o sikat ay hindi pa rin umaalis sa
village. Saka natural na magkakaclose talaga ang mga tao rito.
Pagpasok nila sa loob ng
clubhouse ay natanaw rin niya sina Empress kasama sina Gracey, Vanie, Lewis at
Zane. Pero wala si Lantis. Hindi rin niya alam pero awtomatikong hinanap ng
mata niya si Zeke pero hindi niya ito matanaw. Marahil ay hindi ito nagpunta.
Maya maya pa ay natahimik
ang mga tao ng may magsalita sa stage. Walang iba kundi ang kinakapatid niyang
si Lantis.
And from that moment
on…nasaksihan na yata ni Denny ang isa sa pinakanakakakilig na pagtatapat sa
buhay niya. Maging ang mga tao sa loob ng clubhouse ay kinilig din sa ginawang
pagtatapat ni Lantis kay Empress. Sabi na nga ba niya eh…ang dalawang iyon din
ang magkakatuluyan.
May ngiti sa labing
umalis si Denny sa clubhouse. Hindi na rin naman niya makita ang mama niya.
Marahil ay nakipagkwentuhan na ito sa mga amiga nito.
She was so happy for the
two. Atleast may mga taong happy pa rin pala ang lovelife. Atleast happy ending
still works. Hindi nga lang sa kanya.
“Psst!”
Napalingon si Denny sa
sumitsit.
There, she saw Zeke.
Nakasandal ito sa poste sa labas ng clubhouse.
“Problema mo?” mataray na
tanong ni Denny.
Nilapitan siya ni Zeke at
sinabayan sa paglalakad.
“Galing ka sa loob?”
tukoy nito sa clubhouse.
“Oo”
“Nakakakilabot si Lantis”
sabi ni Zeke at marahang tumawa dahilan para tignan ko siya ng masama.
“…nakakakilabot pero nakakakilig”
Biglang nagbago ang
ekspresyon ng mukha ko ng matitigan si Zeke. Para siyang sirang nangangarap ng
gising…biro lang. napakaamo tignan ng mukha niya habang may ngiti sa labi. Para
siyang batang natutuwa sa laruan. Kaya naman nahawa na rin si Denny.
“Kahit sino naman siguro
kikiligin sa ginawa ni kuya Lantis eh”
“They deserve each other
naman eh. Ang swerte na din ni Lantis kay Empress. Marami kayang nagkakagusto
kay Empress dito sa village. Pero alam ng mga tao rito na si Lantis talaga ang
gusto ni Empress kaya walang nagtatangkang magtapat sa kanya”
Isa din kaya si Zeke sa
nagkakagusto kay Empress? Iyon kaya ang dahilan kung bakit nasa labas lang siya
ng clubhouse? Ayaw niyang masaksihan ang pagtatapat ni Lantis kay Empress?
Well maganda naman talaga
si Empress. Mabait at makulit pa. saka simple lang kahit alam nilang lahat na
anak mayaman ito. Pero mas pinili nito ang talikuran ang kayamanan ng magulang
at tumayo sa sarili nitong mga paa.
Ang swerte naman ni
Empress kung pati ang tulad ni Zeke ay nagkakagusto sa kanya.
Wait..ano bang sinasabi
ko? Eh ano naman kung magkagusto si Zeke sa kanya? Keber ko ba?!
“Kumusta ka na Denny?”
biglang tanong ni Zeke para maputol ang pag-iisip ko.
“Okay naman”
“Hindi ko na yata
nakikitang pumupunta si Jed dito”
“tsismoso ka talaga.
Paano mo naman nalaman iyon ah?”
“Eh kasi lagi akong
nakatingin sa bahay niyo”
“At bakit mo naman
tinitignan ang bahay namin? Guard ka ba?” pamimilosopo niya.
Pero natahimik nalang
siya sa isinagot ni Zeke.
“baka sakaling matanaw
kita”
“Ano bang sinasabi mo
dyan Zeke? Resulta ba yan ng broken hearted?”
“Siguro”
May gusto nga yata talaga
si Zeke kay Empress.
Marahang tinapik niya sa
balikat si Zeke.
“Okay lang yan. Marami
pang iba dyan. Wag mo ng agawin si Ate Empress kay Kuya Lantis”
Napatingin naman sa kanya
si Zeke. Puno ng pagtataka ang mukha.
“Bakit ko naman aagawin
si Empress kay Lantis?”
“Kasi may gusto ka kay
Empress”
“Ha??? Ano bang sinasabi
mo dyan?”
“Eh diba kaya ka broken
hearted kasi sina Ate Empress at Kuya Lantis na”
“Hindi ah.. adik ka ba?
Kung ano-ano sinasabi mo. Mamaya may makarinig pa sayo. Wala akong gusto kay
Empress. In fact isa nga ako sa tumulong kay Lantis para makapagtapat siya kay
Empress eh”
“Eh kasi sabi mo maraming
may gusto kay Empress hindi nga lang makapagtapat sa kanya dahil kay kuya
Lantis”
“Oo. Pero hindi ko
sinabing kabilang ako dun. Hindi ko type ang mga babaeng mas matanda sakin”
Natawa nalang si Denny.
So wala naman palang gusto si Zeke kay Empress.
“Ikaw talaga” sabi ni Zeke
at marahang ginulo ang buhok niya.
“Ano ba?!” angal naman
niya “guluhin mo na ang buhay ko wag
lang ang buhok ko”
“Naks! May ganung
factor?”
Hindi alam ni Denny pero
magaan ang pakiramdam niya habang kausap si Zeke. Infairness ngayon nalang ulit sila
nakapag-usap ni Zeke ng ganito.
“Dens, gusto mo
fishball?” tanong ni Zeke ng mapadaan sila sa nagtitinda ng fishball.
“Oo ba..libre mo ah”
nakangiting sabi niya.
“Oo na. kuripot ka
talaga”
Masayang kumakain silang
dalawa ni Zeke ng fishball. Hindi alam ni Denny na ang simpleng pagkain ng
fishball ay magiging ganito kasaya.
O dahil si Zeke ang
kasama niya?
“ikakasal na si Jed”
biglang sabi ni Denny.
Napatingin naman si Zeke
sa kanya.
“Kaya ka ba malungkot?”
Kibit-balikat naman ang
isinagot ni Denny.
“Sinong nagsabing
malungkot ako?”
“Napapansin ko lang”
“Ahh”
Natahimik silang dalawa.
Maging si Manong tindero ay tahimik din. Wari’y nakikiramdam sa kanilang
dalawa.
“Dens sorry ah.”
“for what?”
“Nasaktan yata kita”
Natahimik si Denny.
Naalala niya ang insidenteng nangyare nung highschool sila.
“Wala na yun. Tagal na
nun eh”
“Hindi ko naman sinasadya
yun eh. Aminin ko sobrang saya ko nung naging close tayo. Masaya ka naman kasi
talagang kasama eh. Kaso syempre…lalaki ako…bata pa din nun..at may
pagkamayabang. Gusto kong mag-angas sa mga kaklase natin kaya nasabi ko ang mga
bagay na hindi ko naman dapat sabihin. Gusto kong magsorry sayo nun kaso hindi
mo na ako pinapansin. Alam ko namang mali ako kaya nahiya na din akong lapitan
at kausapin ka. Parang ang kapal na masyado ng mukha ko para gawin pa yun.”
Hindi nagsasalita si
Denny. Pinapakinggan niya lang si Zeke.
“Hindi ko alam kung paano
kita kakausapin. Kaya naman sina nanay at tatay nalang muna ang kinausap ko.
Nagsorry ako nun sa kanila. Inamin kong mali ako. Kaya siguro nagkasundo kami
ni tatay. Kasi hinarap ko daw siya bilang lalaki.” Maya-maya ay inilabas nito
ang wallet nito. Magbabayad na ba siya?
Pero hindi pera ang
kinuha ni Zeke sa wallet niya kundi isang litrato.
Picture nila nung JS
Prom.
Nagtatakang napatingin
siya kay Zeke ng ipakita nito iyon sa kanya.
“Kinausap ko ang kaibigan
mong si Akira para magsorry din. Saka binili ko ang picture na ito sa kanya.
Mas mahal pa ang benta niya kesa dun sa photographer eh” natatawang sabi ni
Zeke. “Hindi ko ito inalis sa wallet ko mula noong binili ko ito kay Akira.”
Sabi ni Zeke at ipinasok na muli ang litrato sa wallet nito.
“Zeke bakit?”
Napakamot naman ng ulo si
Zeke.
“Ewan ko nga ba. Siguro
dahil crush kita?”
Nagulat naman si Denny sa
sinabi ni Zeke.
“Crush mo ako?”
Pero bago pa makasagot si
Zeke ay dumating na sina Zane at Lewis kasama sina Gracey at Vanie.
“Oh? Anong drama niyong
dalawa at dito kayo nagdedate sa fishbolan ni Manong” pang-aasar ni Zane.
“Ang cheap mo naman Zeke.
Dito mo lang dinedate si Denny” sabi naman ni Vanie.
“Hindi kami nagdedate
noh” tanggi ni Zeke. “Hindi ko siya dito idedate” sabi nito at kinindatan siya
dahilan para mamula siya.
“Uy!!! Nagbablush si
Denny” pang-aasar ni Lewis.
“Ewan ko sa inyo”
“Kayo na ba ang susunod
kina Lantis ah” tanong ni Gracey.
“Hay naku ewan ko sa
inyo. Dyan na nga kayo” sabi ni Denny “Manong siya singilin niyo sa kinain ko
ah. Libre niya yun” turo niya kay Zeke at nagwalk-out na paalis.
Narinig niya pang
pinagkaguluhan si Zeke ng mga kaibigan nito.
“Libre mo din kami Zeke”
Napailing na lang si
Denny. Medyo gumaan na din ang pakiramdam niya.
***
Isang araw nagulat si
Denny ng may makitang bulaklak ibabaw ng table sa sala.
“Ma, kanino ito?” tanong
niya. Wala naman kasing pangalan eh.
“Ahh.. para sa iyo yan.”
Kinikilig na sabi ng mama niya.
“Sa akin? Kanino galing?”
“Eh di kay Ezekiel”
“Kay Zeke? Bakit naman ako
bibigyan ng bulaklak ni Zeke?”
“Baka manliligaw”
“Hay naku Ma..imposible
yun…imposible pa sa tubig kanal sa Baclaran”
“Anak, walang imposible
sa pag-ibig.”
“Hay naku ma, ayan na
naman kayo eh.. pwede ba wag na kayong umasa na may something sa amin ni Zeke..
kasi wala talaga”
“Anak wag kang magsalita
ng tapos” bilin ng mama niya bago tuluyang pumunta sa tindahan.
Inamoy naman ni Denny ang
bulaklak na bigay ni Zeke. Ewan niya pero kinikilig siya.
Teka nga…
Don’t tell me na may
crush pa din ako kay Zeke?
Buong maghapong may ngiti
sa labi si Denny dahil sa bulaklak na natanggap niya mula kay Zeke.
“dapat ba akong magtext
sa kanya para mag thank you? Kaso nakakahiya naman kung ako ang unang
magtetext…saka…ahh ewan magtethank you lang naman ako eh” sabi ni Denny at
inilabas ang cellphone niya and she tried to compose a message.
Kaso nung isesend niya na
ito…she realized wala pala siyang number ni Zeke!
Ang tanga lang.
“Anak may bisita ka” mula
sa labas ng bahay ay sigaw ng nanay niya.
Dali-dali namang tumayo
at lumapit si Denny sa pag-aakalang si Zeke ang bisita niya. Kaso hindi pala.
It was a girl.
“Excuse me” tawag pansin
niya dito. Nakatalikod kasi ito eh.
Ganun nalang ang gulat ni
Denny ng makilala ang bisita niya.
“Akira???”
“Denny!!!!”
Agad nagyakap ang
dalawang magkaibigan. After they graduated in highschool hindi na rin niya kasi
nakasama si Akira. Balita niya ay sa ibang bansa na ito nag-aral ng college.
“Ang ganda mo girl!!!”
sabi ni Denny.
Kung noon eh maganda na
si Akira mas lalo siyang gumanda ngayon.
“Ikaw din friend,…ang
pretty mo.. girlalu na girlalu ka na”
Nagkumustahan silang dalawa
ni Akira. Nalaman niyang isnag modelo pala ito. No wonder she’s so pretty. Dahil
absorb sa pagkukwentuhan ay nawala na sa isip ni Denny na itetext niya si Zeke.
Natigil lang sila ng
makarinig ng ingay sa labas. Kaya naman dali-dali silang lumabas ni Akira.
***
“Anong meron?”
nagtatakang tanong ni Denny ng maabutan niyang papasok ang pinsan niya.
“Birthday ni Zeke” sagot
ni Bea at tinalikuran na sila.
“Talagang sa kalye
gagawin? Hindi ba pwedeng sa loob ng bahay niya?” nagtatakang tanong ni Denny.
Paepal talaga itong si Zeke.
“wait.. Zeke? As in
Ezekiel Esquivel?” tanong ni Akira.
“Oo”
“Really? He lives here?”
“Yeah.. magkapit-bahay
kami”
“wow.. that’s nice….i
want to see him”
Napatingin tuloy ako kay
Akira dahil sa sinabi niya. Mukhang nabasa naman yata ni Akira ang nasa isip ko
kaya agad itong tumawa.
“Loka..wala akong balak
agawin sayo si Zeke noh….gusto ko lang siya Makita for old times sake.. saka
may utang pa yun sakin eh”
Nakahinga naman ng
maluwag si Denny ng malamang walang gusto si Akira kay Zeke.
Teka nga.. ano naman kung
may gusto si Akira kay Zeke? Ano naman yun sayo?
Maya-maya ay nakarinig
sila ng tugtog. Pero bakit parang sa tapat ng bahay nila nagmumula ang ingay?
Akira decided to take a
look outside.
“Dens.. I think you should
see this” nakangiting sabi nito.
Curious na sumilip din sa
labas si Denny. Ganun nalang ang gulat niya ng makita kung ano at sino ang nasa
labas ng bahay nila.
***
Parang may concert na
gagawin sa labas ng bahay nila dahil may nakalagay na drum set, gitara, organ
at mic sa labas ng bahay nila.
“Ano yan? Sinong
magcoconcert?” tanong ni Denny.
Bilang sagot sa katanungan
niya, two guys and one girl appear right in front of him. Nagsimulang pumuwesto
ang mga ito sa drums, guitar and organ. Dito ba magcoconcert ang mga ito? Pero
sino sila?
Then suddenly Zeke appear
in front and hold the mic.
“Hello Everyone… Sorry
for the sudden concert…Since today is my birthday…Heto po ang regalo ng Cosmets
para sa inyo”
Bigla namang nagtilian
ang mga kapit-bahay nila. Particular na ang mga kabataan.
Cosmets??? Don’t tell me
myembro ng banda si Zeke?
Then she realized na wala
pala siyang masyadong alam tungkol kay Zeke. Kung anong trabaho nito…hobbies.. Whatsoever…basta
ang alam lang niya Zeke will always be Zeke.
“I know that this song is
not part of our album…but I really love this song at may kilala akong tao na
gusting-gusto ang kantang ito…Denny… this song is for you”
Now Playing : This I
Promise You by NSnyc
Then Zeke started to sing
the song together with his band. Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Denny.
Hindi niya alam kung paano nalaman ni Zeke na favorite song niya iyon.
When the
visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along..
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along..
Habang kumakanta si Zeke
ay nakatingin ito sa kanya. Hindi na napigilan ni Denny ang pagtulo ng mga
mata.
And I will
take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you
Yes…at last.. she finally
realized.
I've loved
you forever,
In lifetimes before
And I promise you never...
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow,
Forever has now begun...
In lifetimes before
And I promise you never...
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow,
Forever has now begun...
She’s still inlove with
Zeke. Mula pa noon hanggang ngayon.
Kaya hindi siya nagkaroon
ng interes sa ibang lalaki dahil subconsciously someone’s already occupying her
heart.
Just close
your eyes (close your eyes)
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..
This I promise you..
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..
This I promise you..
Kaya hindi masyadong
masakit nung nalaman niyang ikakasal na si Jed sa iba dahil hindi naman niya
talaga mahal ang binata.
It was always been Zeke.
Ezekiel Esquivel.
Over and
over I fall (over and over I fall)
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn't be living at all...
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn't be living at all...
Her first love…her first
heartbreak.
And I will
take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby
Nang matapos ang kanta ay
tumingin si Zeke sa kanya.
Akala niya ay lalapitan
siya nito pero nagulat at nashock nalang siya ng mula sa gilid ay biglang
naglitawan ang mga neighbors niyang sina Zane, Lewis, Lantis, Empress, Gracey
at Vanie. Maging ang pinsan niyang si Bea at Akira ay naroon din.
May kanya-kanyang hawak
na placards ang mga ito. At nang lumapit si Zeke sa kanya at iniabot ang
bulaklak mula kay Akira ay sinimulang itaas ng mga ito ang hawak na placards.
“My Heart
Is Incomplete Without You”
Iyon ang nakasulat sa
placards na hawak ng mga ito.
Mangiyak-ngiyak naman si
Denny sa nabasa at mas lalo siyang naiyak ng makalapit ng tuluyan si Zeke sa
kanya.
“Will you be my girl
Denny? I know na walang ligawang nangyayare satin para magsabi ako ng ganito
sayo.. but please believe me… just be my girl and I will court you forever”
sinserong pahayag ni Zeke.
Hindi naman alam ni Denny
kung ano ang isasagot niya. She felt that her voice somehow disappears.
“Sumagot ka na..
nakakangawit kaya magbuhat nito” narinig niyang reklamo ni Lantis dahilan para
matawa siya.
Well seeing those
handsome and pretty girls na nagtyatyagang humawak ng placards para sa kanya
make her feel so special. Kahit na halatang napilitan lang ang mga ito.
She look at Zeke’s
handsome face.
“You don’t have to court
me forever…all I’m asking you is to love me forever” nakangiting sagot niya kay
Zeke.
Zeke face lightened.
“I Love You Denny…kung
kailan nagsimula hindi ko alam.. basta ang alam ko mahal kita”
“mahal din kita Zeke…mula
pa nung highschool tayo” pag-amin niya.
“Sabi ko na eh..
pinagnanasaan mo ako eh” pang-aasar ni Zeke.
Akmang hahampasin naman
niya ito pero agad nahawakan ni Zeke ang kamay niya at niyakap siya.
Ginantihan din naman niya
ng yakap ang binata.
“Pwede na siguro nating
ibaba ito” narinig niyang sabi ni Gracey.
“Oo nga.. sila na naman
eh” sagot naman ni Vanie at nagkanya-kanyang baba na ang mga ito ng placards na
hawak.
“Thank You guys” sabi ni
Zeke sa mga ito.
“Thank You ka dyan..may
bayad yun.. mahal na ang bigas” sabi nung nag-iisang babae sa banda kanina na
may hawak ng organ.
“Libre mo na yun sakin
Jewel” sabi naman ni Zeke dito.
“Sige. Next time may
bayad na” sabi nito at nginitian siya.
Ginantihan din naman ito
ng ngiti ni Denny.
Mukhang marami pa siyang
kailangang alamin tungkol kay Zeke. Pero ayos lang yun…they have forever to
know each other more.
Forever to love each
other.
Every word I say is
true
This I promise you
Ooh, I promise you...
This I promise you
Ooh, I promise you...
***
Nagtataka pa si Nicole
kung bakit maraming tao siyang naabutan sa village kaya naman nakiusyoso na din
siya. And she smile to see what’s happening. Mukhang may nagkatapatan na naman
ng mga puso sa village na iyon. And she
saw the band Cosmets’ is playing kaya may idea na siya kung sino ang nagtapat.
First it was Lantis, then
it was Zeke.
Looks like all the good
boys are decided to settle down.
Well good for them.
Nicole silently sweeps
away from the crowd. Pagod siya mula sa opisina and all she wanted to do is to
lay down in her nice comfy bed.
Sino naman kaya ang
susunod na mabibiktima sa kanila ng disease called LOVE?
=Wakas=
A/N: Abangan ang susunod na kwento sa My Song Presents 4 : Nicole..
Dedicated to Nicoleluvs :)
Abangan din ang paglabas ng character albums ng ating mga bida...hehe.. paepal lang..
No comments:
Post a Comment