Queen Richelle
Montealegre
Hindi
ko alam kung bakit sobrang iritable ako.
Siguro dala na din ng monthly period ko tapos sinabayan pa ng
allergy. Kaya tuloy mas pinili kong magkulong nalang sa kwarto.
Nawala nga din sa isip ko na anniversary pala namin ni West kahapon.
Siguro sobrang nabadtrip
yun sakin. May kinancel pa namang meeting yun.
Pero ano bang magagawa ko
kung wala talaga ako sa mood tumayo, kumilos at lumabas ng bahay.
Alam ba nila kung gaano kahirap maging isang babae kapag inabutan ka
ng buwanang dalaw mo?
I guess I should say
sorry to him nalang. Babawi nalang ako.
***
Pinuntahan ko sa opisina
niya si West. Hindi na muna ako pumuntang boutique.
“Si
West? May meeting ba siya?” tanong
ko sa secretary niya.
“Si
Sir Vaughn
po ang kameeting niya. Pwede na naman po siguro kayong pumasok sa
loob”
sagot ng secretary nito.
“okay sige. Thank
you”
Napatingin sakin ang
dalawang lalaki ng pumasok ako sa loob ng opisina.
“Hey
Queen. It’s nice to see you” bati
ni Vaughn at hinalikan ako sa pisngi.
“Same
here Vaughn” sagot
ko naman at nginitian siya.
Nilapitan
ko naman si West
na hindi man lang tumayo kahit na nakita na niya ako. Mukhang galit
nga yata talaga sakin.
“Hon...sorry”
bungad ko sa kanya at naglalambing na yumakap.
Napangiti naman sa amin
si Vaughn. Maya maya ay nagpasya na itong magpaalam.
“Sige
Bhraw, ikaw na bahala dun ah. Thanks”
paalam nito kay West.
“Sige bhraw. Ako na
bahala”
“Sige. Bye Queen”
“Bye, ingat ka”
Nang makalabas si Vaughn
ay muli kong binalingan si West na nananatiling tahimik pa rin.
Talagang dinedema niya ang beauty ko.
“Hon...kausapin
mo naman ako oh. Sorry na kahapon.” Naglalambing
na sabi ko. “Sorry
na please” at
marahang dinampian ko ng halik ang mga labi niya. Hindi naman umiwas
si West kaya alam kong nagtatampo lang ito. Ipinagpatuloy ko ang
paghalik sa kanya kahit na ako lang ang gumagalaw. Alam kong susuko
din iyang si West.
Hindi
nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay siya na ang humahalik sa
akin.
Hinawakan niya ako sa bewang habang patuloy pa rin sa paghalik sakin.
“I
miss you”
bulong ni West sa tenga ko.
“I miss you too
honey. I love you”
“I love you too”
Hindi talaga ako matitiis
niyang si West. Mahal na mahal ako niyan eh.
“Look
i have something for you. Kahapon ko sana ito balak ibigay sayo kaso
sinusungitan mo naman ako eh”
sabi ni West at binuksan ang drawer sa tabi niya.
Akmang lalayo sana ako sa
kanya pero agad nahawakan ni West ang bewang ko dahilan para maout
balance ako at mapaupo sa hita niya.
“Dito
ka lang”
anito at dinampian ako ng halik sa leeg.
Ramdam ko naman ang
kakaibang kilabot na hatid ng hininga ni West na tumatama sa balat
ko. Napakaintense!
Isang gold necklace ang
isinuot sa akin ni West.
“ang
ganda”
humahangang sabi ko.
“Happy anniversary
honey”
“Happy anniversary
din. Sorry talaga kahapon”
“Okay
lang. Nangyare na eh. Pwede naman ngayon natin icelebrate ang
anniversary natin diba?”
“Wala
ka bang importanteng gagawin?” tanong
ko.
“Well
that can wait..pero ang mahal ko hindi dapat pinaghihintay” sabi
nito at muli akong dinampian ng halik sa mga labi.
Ewan ko ba at naaadik
akong halikan itong si West.
***
William “West”
Montreal
Pagkahatid
ko kay Queen sa bahay nila ay dumiretso ako sa bahay nila Vince at
Aya. Wala lang. Gusto ko lang silang dalawin.
Hindi ko inakala na maaabutan ko roon ang mag-asawang sina Lance at
Regine kasama ang anak ng mga ito na si Rence.
“Oh
kuya. Napadalaw ka”
bati
sa akin ni Aya.
“Namiss
ko si baby Ayesha eh” sabi
ko at nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang pamangkin ko. Nainggit
naman yata ang anak nila Lance na si Rence kaya naglalambing na
nagpakarga din ito sa akin. Inaaway naman ito ni Ayesha.
“Galing
kang office?”
tanong ni Regine.
“Hindi.
Nagdinner kami ni Queen” sagot
ko at hinayaan munang maglaro ang dalawang bata.
“Ahhh..Next
month na yung kasal niyo diba?”
kumpirma ni Vince.
“Hindi. Namove siya
two months from now”
“Ha? Bakit?”
“Eh yun ang gusto ni
Queen eh. Baka kinakabahan pa siya”
“Kinakabahan??
Ang sabihin mo nag-iinarte na naman yun”
nakasimangot na sabi ni Lance. “hindi
na nagbago”
“Oo
nga.. I’m sure gusto lang ni Queen na maging magandang maganda sa
araw ng kasal niyo” segunda
naman ng asawa nitong si Regine.
“Alam
niyo kayong dalawa, bagay talaga kayo.
Wag lang sanang magmana si Rence sa inyo”
naiiling na sabi ko sa dalawa.
Tinawanan lang naman ako
ng mga ito.
“Hala
ka West...mamaya mag back-out sa wedding niyo si Queen”
pang-aasar ni Vince.
“Hindi
magbaback-out yun noh. Mahal na mahal ako nun”
nagmamalaking sabi ko naman.
“Iyon
tayo eh”
sabi ni Vince at naghigh five kami nito.
***
aww.. ang kyut talaga nila maglampungan! hahah...
ReplyDeleteparang alam ko na kung kanino inspired itong UD na to.. hahah.. may tama ako!..
hmmmn.. i wonder what will happen next..