Friday, November 22, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 5



 <The Meeting>


Nasa komedor na ang mga magulang ni Mae ng bumaba sila ni Sassy. Pero wala pa ang nakatatandang kapatid nito. Binati ni Sassy ang mga magulang ng kaibigan. Magiliw naman ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanya.


Hindi lang naman pala siya ang nag-iisang bisita sa bahay na iyon. Dahil may isang magandang babae na nakaupo sa tabi ni Mrs. Montano. Ayon kay Mae ay family friend daw ito ng mga Montano.


“Nasaan na ba ang kuya mo Mae?” tanong ni Mr. Montano.


“Ang sabi po niya on the way na daw po siya eh”


“Baka natraffic lang ang anak mo” sabi naman ni Mrs. Montano. Halatang maganda ang ginang sa kabila ng edad nito.


“Matagal ng may traffic sa Pilipinas. Dapat umaalis siya ng maaga. Masamang pinaghihintay ang pagkain” nailing na sabi ni Mr. Montano.



“Hey everyone… I’m home” mula sa pinto ng komedor ay sigaw ng isang boses. Ito na marahil ang kuya ng kaibigan niya.


“Sa wakas dumating din” nailing na sabi ni Mae.


Dahil nakatalikod sa pinto ay hindi agad napansin ni Sassy ang hitsura ng dumating. Well… wala naman siyang pakialam sa kuya ng kapatid eh. Pero napansin ni Sassy ang pagkislap ng mata ng babaeng katapat niya sa mesa.


“Ma...Dad… I’m miss you two… did you enjoy your vacation?” bati ng binata sa mga magulang at hinalikan sa pisngi ang ina.


“Okay naman. Madami kaming pasalubong sa inyo” sagot ng ina nito.


“Really? That’s great… Hi little sister…” hinalikan nito sa pisngi ang nakababatang kapatid.


“Hijo, Remember Stephi?” pakilala ni Mrs. Montano sa magandang babaeng nasa tabi nito.


“Yes Ma. Hi Steph. Long time no see ah”


“Hello Kai. Oo nga.. busy ka kasi”


Hindi alam ni Sassy kung siya lang ang nakarinig sa sarcasm ng pagkakasabi nito. Dinedma nalang niya ito.


“Oh mukhang may bisita yata tayo ah” sabi nito ng mapansin siya sa tabi ng kaibigan.


Napilitan naman si Sassy na lingunin ito. Ganun nalang ang gulat na bumakas sa mukha niya pagkakita sa binata. Mukhang hindi siya nag-iisa dahil tulad niya ay halatang shock din ito.


“Kuya.. this is Sassy, my bestfriend…. Best…si kuya Kai ko” pakilala ni Mae sa kilala.


Mas naunang matauhan si Kai kesa kay Sassy. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.


“Babe…bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala dito? Eh di sana nagsabay na tayo” sabi ni Kai at walang sabi sabing hinalikan siya sa pisngi.


Dala ng gulat ay hindi nakapagsalita agad si Sassy. Mas nagulat siya ng halikan siya nito sa pisngi.


Ito…itong lalaking ito…


Ilang beses bang magtatagpo ang landas nilang dalawa? Bakit parang napakaliit ng mundo nila?


Una…sa park… ito ang tangang lalaking nagbayad sa kanya ng isang libo para sa isang tanong lang.


Ikalawa… sa Bar…sa CR ng bar…ito ang lalaking nakita niyang may ginagawang milagro sa loob ng CR.


At ngayon…sinong mag-aakala na kapatid pala ito ng nag-iisang bestfriend niya?


“Girlfriend mo si Sassy kuya?” gulat na tanong ni Mae.


“Oo”


“Hindi”


“Ano ba talaga? Ang gulo niyo ah. Best… bakit hindi mo sinabing boyfriend mo pala ang kuya ko” himig nagtatampong sabi ni Mae sa kanya. Mukhang mag-aaway pa yata sila ng kaibigan niya dahil sa sira ulong lalaking ito.


“Eh kasi hindi ko naman siya boyfriend eh” pagtatama ni Sassy.


“Babe naman. Isang araw lang ako hindi nagpakita sayo brineakan mo na agad ako?”


At magaling magimbento ng kwento ang damuho!!!!


“Siya ba ang girlfriend mo hijo? Aba’y napakagandang bata naman pala eh. At mukhang bagay na bagay kayong dalawa. Pati damit niyo pareho pa talaga” natatawang sabi ni Mrs. Montano.


Napatingin naman silang dalawa sa suot na damit. Pareho nga sila halos ng design ng damit. Pati kulay pareho. Magkaiba nga lang nag nakasulat na statement sa t-shirt. Pagkakita sa damit nilang dalawa ay natawa si Mae.


“Mukhang totoo nga yata talaga ang powers ng couple shirt na iyan ah” at nakakalokong tinignan siya nito.


“Mae!!!” sita niya sa kaibigan pero binalewala lang siya nito.


“Ang mabuti pa eh kumain na tayo. Kai dyan ka na maupo sa tabi ng nobya mo” anang daddy nila Kai.


Tahimik na naupo naman si Kai sa tabi ni Sassy. Hanggat maari ay iniiwasan ni Sassy na mapadikit sa binata.


“Mabuti naman at naisipan mo ng magtino Kai. Ang dami kong nababalitaan na playboy ka daw at walang sineseryosong babae. Hindi ko alam kung kanino ka nagmana eh napakaloyal naman nitong daddy mo” sa gitna ng pagkain ay sabi ni Mrs. Montano.


“Ma…I’m serious okay? Wag kang magpapaniwala sa mga naririnig mo. Hindi totoo yun…. Hindi ba Babes? Serious and loyal naman ako sayo” at nakangiting tinignan pa siya nito.


Babes mo mukha mo!


Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Sassy kahit na kanina niya pa gustong tusukin ng tinidor ang mata ng lalaking ito. Nag-eenjoy ang damuho na pagtripan siya.


“Well… kung nagkataong wala kang nobya ay pinilit na kitang ligawan itong si Stephi eh. Magtino ka lang… pero mabuti nalang at may nobya ka na pala. Hindi ba Steph?” nakangiting sabi ni Mrs. Montano.


“Yes Tita” hilaw ang ngiting sabi nung Stephi.


“Ma, hindi ko na kailangan ang ibang girlfriend dahil Masaya na ako sa girlfriend ko ngayon. Hindi ba Babes?” at nilagyan pa talaga siya nito ng pagkain sa plato niya.


Naramdaman niyang marahang siniko siya ni Mae. Napatingin naman siya dito.


“Sakyan mo nalang” mahinang bulong nito sa kanya.


Mukhang alam na ng bestfriend niya na nagdadrama lang ang kapatid nito. Well.. two could play a game.


“Oo naman Babes… ang swerte swerte ko nga sayo eh” nakangiting sabi niya sa binata.


Mukhang nagulat naman ito sa pagpatol niya sa sinasabi nito pero sadyang magaling magtago ang damuho dahil hindi iyon nahalata.


All through out the lunch ay sinakyan ni Sassy ang trip ni Kai. Hindi niya alam kung sadyang nag-eenjoy lang din siya na nakikitang naiinis ang babaeng nasa tapat niya. Obvious na may gusto ito kay Kai.


Baliw lang ang magkakagusto sa lalaking ito.


At hindi siya baliw.


***

No comments:

Post a Comment