Friday, November 22, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 4



 <The T-shirt>


Tunog ng cellphone ang gumising kay Kai. Nakapikit pa ang matang sinagot niya ito.


“Elo”


“Kuya!!!!!!”


Bigla namang nagising si Kai sa malakas na tili na iyon at inilayo ang cellphone sa tenga niya.


“Mae?”


“Nasaan ka na ba kuya? Hinahanap ka nila Daddy. Nandito na sila ngayon sa Pilipinas”


“Ha??? Ang bilis naman…Okay. Papunta na ako dyan. Just give me an hour”


“Okay. Hurry up” at ibinaba na nito ang linya.



Kakamot kamot ang ulong bumangon si Kai sa kama. Napakunot pa ang noo niya ng mapansing hindi pamilyar sa kanya ang kwartong iyon. Mas lalong nadagdagan ang kunot sa noo ni Kai ng mapansin ang isang babae na nakahiga sa kama na tanging kumot lang ang takip sa hubad na katawan.


Marahang hinilot muna ni Kai ang ulo upang alalahanin kung anong nangyari sa kanya ng nagdaang gabi.


Nagovertime nga pala siya sa trabaho dahil kinukulit na siya ni Myrna na tapusin ang mga tambak na papeles sa mesa niya. Medyo nahihiya naman siya sa secretary niya at baka makarating pa ang mga pagbubulakbol niya sa trabaho sa daddy niya kaya nagtrabaho na muna siya. Ayaw naman niyang malugi ang kumpanyang pinaghirapan ng daddy niyang itayo dahil lang sa kapabayaan niya.


Pauwe na siya sa bahay ng maisipan muna niyang kumain sa restaurant na malapit sa opisina niya. At doon niya nga nakilala ang babaeng ngayon ay nakahiga sa kama nito. At noon lang din niya naalala na nasa isang hotel nga pala sila.


Agad nagtungo si Kai sa CR upang maglinis ng katawan. Paglabas naman niya ng banyo ay mukhang gising na din ang babae.


“Hi handsome” nakangiting bati nito.


“I need to go” sabi ni Kai at isinuot ang damit na hinubad kagabi.


“Why are you such in a hurry? It’s too early pa” at tumayo ang babae sa kama dahilan para mahulog ang kumot na nakatakip sa katawan nito. Mukhang iyon naman talaga ang purpose ng babae kaya parang balewala lang dito kung hubad man itong naglalakad palapit sa kanya.


Marhang iniyakap ng babae ang kamay nito sa dibdib ni Kai pero tinanggal lang ito ni Kai at ipinagpatuloy ang pagbibihis.


“I just really need to go.” At mula sa bulsa ng pantalon ay naglabas ito ng pera.


“Pantaxi mo” inilagay nito sa kamay ng babae ang pera.


“Wait” mula naman sa bag ng babae ay kumuha ito ng calling card at iniabot kay Kai.


“Call me” nag-aakit ang ngiting ibinigay ng babae sa kanya.


Kibit balikat lang naman ang isinagot ni Kai at kinuha ang calling card na iniabot ng babae at lumabas na ng silid. Nang may madaanang basurahan ay itinapon ni Kai doon ang calling card na iniabot sa kanya ng babae.


Kung iipunun ni Kai ang lahat ng calling cards ng mga babaeng namemeet niya ay baka napuno na ang drawer niya. Besides, for him it’s just a one night stand.


Nothing more. Nothing less.


***


Nasa kotse na si Kai ng makatanggap siya muli ng tawag mula sa kapatid.


“Nasaan ka na ba?”


“I’m driving okay” pagsisinungaling ni Kai. “ I’ll call you later” at ibinaba na niya ang cellphone.


Napaisip naman si Kai. Hindi siya pupwedeng magpakita sa kanila na suot pa din ang damit na suot niya sa opisina. Malalagot siya sa daddy at mommy niya. Sinubukan ni Kai na tignan kung may spare ba siyang damit sa kotse nang mapansin niya ang isang paper bag na kulay pink. Napailing na lang si Kai ng maalala kung kanino galing ang paper bag na iyon.


Binuksan ni Kai ang laman ng paper bag na ibinigay sa kanya ng kapatid na si Mae. Isang t-shirt na kulay blue ang laman niyon. Napangiti si Kai dahil favorite niya ang kulay na iyon.


Pero natigilan siya sa nabasang nakasulat sa t-shirt.


“I never knew love til I found you”


Gusto tuloy matawa ni Kai sa nabasa. Pero instead na walang maisuot eh ipinasya na lang din niya na isuot ang damit na ibinigay ng kapatid. Matutuwa pa sigurado iyon si Mae kapag nakitang suot niya ang damit na bigay nito.


***


“Hindi ba nakakahiya Mae na nandito ako sa inyo ngayon?  Hindi mo naman kasi sinabing uuwe pala ngayon ang parents mo. Eh di sana hindi na ako nag-overnight sa inyo. Uuwe nalang kaya ako” nahihiyang sabi ni Sassy sa bestfriend na si Mae.


Marahang hinampas naman ito ni Mae sa braso.


“Ano ka ba?! Para kang sira. Naikuwento na din naman kita kina daddy at mommy eh. Saka mabuti na yung nandito ka para mameet mo na din ang kuya ko. Darating siya ngayon eh”


Sa pagkakaalam kasi ni Sassy ay may sariling condo ang kuya ni Mae kaya hindi ito sa malaking bahay umuuwe. Pero once na nandito sa Pilipinas ang mga magulang ng mga ito ay napipilitang umuwe ang kuya nito sa bahay nila.


“Sure kang okay lang ah. Pasensya ka na sa abala. Sobrang blangko lang talaga ang utak ko ngayon. Wala akong maisulat na nobela kaya pati ikaw ginugulo ko.” Paghinging pasensya ni Sassy sa kaibigan.


“Ano ka ba?! Para kang hindi bestfriend niyan eh. Saka kapag naman nagkaidea ka na ulit bibigyan mo naman ako ng kopya ng nobela mo diba?” nakangiting sabi ni Mae.


Kung meron mang matatawag na number one fan si Sassy… ang bestfriend na siguro niya iyon. Lahat ng naisulat niya ay nabasa na nito. Kahit iyong mga hindi pa naipublish.


“Oo naman. Ikaw pa eh malakas ka sakin eh..haha”


“Tama!!!”


At sabay pa silang nagtawanang magkaibigan nang biglang matigilan si Sassy.


“Wait… wala akong dalang ekstrang damit. Akala ko kasi uuwe lang din ako agad eh”


“Problema ba yun? Eh halos magkasize lang naman tayo ng katawan eh. Wait lang. Dyan ka lang” at nagbukas ito ng closet.


Madaming damit na inilabas si Mae pero parang hindi masyadong gusto ni Sassy ang mga iyon. Puro dress naman kasi at bongga ang mga damit ng kaibigan eh.


“Wala ka bang t-shirt lang dyan?” tanong ni Sassy.


“T-shirt? Hindi ako nagsusuot ng t-shirt diba? Kaya wala”


Hinalungkat naman ni Sassy ang mga inilabas na damit ni Mae. Wala talaga siyang matipuhan sa mga iyon.


“Sabi mo hindi ka nag ti t-shirt… eto oh” ani Sassy at ipinakita sa kaibigan ang isang damit na natabunan na.


Isang kulay blue na t-shirt ang hawak hawak ni Sassy.


“Pwede bang ito nalang. Mas kumportable ako dito”


“Are you sure?” mukhang nag-aalangan pa si Mae na ipahiram iyon sa kanya.


“Favorite mo ba ito?”


“No. Actually bagong bili ko lang yan eh.”


“Ahh so hindi ko siya pwedeng gamitin?”


“Not really” napabuntong-hininga si Mae bago seryosong tinignan si Sassy. “Ang sabi kasi sakin nung binilhan ko ng damit na iyan. May magic daw kasi iyan”


“Magic? As in magic power? Naniwala ka naman” natatawang nailing na sabi ni Sassy. “Bakit? Kapag sinuot ba ito papanget ka or gaganda ako?” biro pa niya.


“No. Ang sabi nung may-ari ng binilhan ko niyan…..kapag isinuot daw iyan ng dalawang tao na sabay silang may suot…sila ang forever na magkakatuluyan….bale parang may magic ang couple shirt na iyan”


“Love? Magic? Couple Shirt? Hay naku Mae gutom lang yan…saka paano naman ako makakatagpo ng love sa damit na ito. Besides..wala akong panahon sa love-love na iyan kaya sorry nalang sila dahil hindi ako naniniwala sa kanila… Saka nasaan ba ang partner nitong damit na ito?”


“Nasa---“ pero bago pa makasagot si Mae ay may kumatok na sa pinto ng kwarto. Binuksan naman ito ng kaibigan.


“Ready na daw ang lunch. Tinatawag na tayo ni Mommy” inporma nito sa kanya.


“Ahh okay. Peram ng damit” sabi ni Sassy at ibinato sa kama ang t-shirt na hawak.


Dinampot naman ito ni Mae at iniabot sa kanya.


“You know what…I think bagay ito sayo. Saka favorite color mo iyan diba? Sayo nalang”


“Sure ka?”


“Well…siguro nga hindi totoo yung sinabi nung may-ari ng binihan ko niyan. Kasi imposibleng magkatagpo nga kayo ng kapares ng damit na iyan. Naloko lang yata ako” natatawang sabi ni Mae.


“Masyado ka kasing mabait eh” biro ni Sassy at nagpunta na sa banyo sa kwarto ng kaibigan upang magpalit ng damit.


Napangiti nalng si Sassy ng mapagmasdan ang sarili sa salamin habang suot ang damit na ibinigay ng kaibigan.


“I don’t have time to fall in love til I found you”


Iyon ang statement na nakasulat sa t-shirt na suot niya. Nakakatuwa kasi parang akma sa kanya iyon. She doesn’t have time to fall inlove. Ang pagkakaiba nga lang.. wala pa rin siyang nakikita. Wala siyang “til I found you”


“Come on Sassy” tawag ni Mae sa kanya.


“Eto na” sagot ni Sassy at lumabas na ng banyo.


“Infairness ah…bagay sayo yang damit. I never thought that it would fit you perfectly well. Even the statements are correct” tuwang tuwang sabi ni Mae.


“No. That’s not correct. Tara na. baka hinihintay na tayo ng mommy at daddy mo”


Sabay na silang lumabas ng silid ng kaibigan para bumaba sa komedor.


**

No comments:

Post a Comment