Friday, November 22, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 6



 <The Proposal>


After lunch ay nagpaalam na si Sassy na uuwe na siya. At bilang “boyfriend” niya ay obligadong ihatid siya ni Kai.


“Hindi na po.Kaya ko na po ang sarili ko” tanggi ni Sassy. Ayaw niyang makasama ng solo ang binata.


“Ano ka ba Best.. magpahatid ka na kay Kuya okay? Tutal boyfriend mo naman siya eh.” Nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanya ni Mae. Para tuloy gusto niyang sakalin ang kaibigan.


“Oo nga naman hija…si Kai na ang bahala sayo” sabi ng ama nito.


“Tara na Babes…hatid na kita. Gusto kong safe na makauwe ang girlfriend ko” ani Kai at hinawakan pa siya sa braso.


Pakiramdam naman ni Sassy ay may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya sa saglit na pagdaiti ng balat nilang dalawa. Hindi niya alam kung naramdaman din ba iyon ni Kai dahil inalis din nito ang pagkakahawak sa braso niya.


Kesa naman masabihang nag-iinarte ay minabuti na din ni Sassy na sumama sa binata. Makakalibre pa siya sa pamasahe. Wala naman sigurong gagawing masama sa kanya ito.


***


Pareho silang tahimik ni Kai habang nasa byahe.


“Saan kita ihahatid. Malapit ka lang ba kina Luke?”


Napatingin si Sassy sa binata.


“Ikaw yung nasa Park diba?” anito.


“Natatandaan mo ako?” gulat na tanong niya.


“Oo naman. Sino namang makakalimot sa babaeng hiningan ako ng isang libo para sa isang tanong lang” anito pero hindi naman bakas ang inis sa boses nito. Mas lamang pa ang amusement.


“Ahhh…hehe..iniistorbo mo kasi ako nun. Hindi ko naman ineexpect napapatulan mo yung sinabi ko.”


“Okay lang yun”


Again…natahimik na naman sila.


“I’m Kaizer by the way… but you can call me Kai” pakilala ng binata at inilahad sa kanya ang kamay nito habang nakahinto ang kotse.


“Sassy…Samantha for long”


“Nice to finally meet you Sassy”


“Same here”


“Ahhh.. Sassy…” tawag sa kanya ng binata habang muling nagmamaneho.


“Ano yun?”


“Ikaw din yung nasa Bar diba?” alanganing tanong ni Kai sa kanya.


Napangiti naman si Sassy.


“Ahhhmmm yeah”


“Sorry about that”


“No problem”


“Lasing lang siguro ako nun”


“Siguro nga”


Again…for the third time natahimik na naman sila.


“About kanina---“
 

“About kanina---“


Sabay naman silang natawa nung sabay silang nagsalita.


“You first” sabi ni Kai


“Yeah… about kanina… bakit mo sinabing girlfriend mo ako sa harap ng pamilya mo?”


“Sorry about that. Nagulat ka siguro… pero ano kasi… si Stephi…”


“I see… so may gusto sayo yung girl na yun? Then yung parents mo gusto kayong magkatuluyang dalawa… kaso ayaw mo sa kanya…kaya napilitan kang magsabi na may girlfriend ka na para iwasan ka na nung Stephi? Ganun ba?”


“Bakit mo alam? Sinabi ba sayo ni Mae?” gulat na tanong ni Kai sa kanya.


“Sus! Cliché na cliché naman kasi ang kwento niyo eh. Besides writer ako. May naisulat na akong ganyang kwento”


“Really? Writer ka pala.”


“Yup”


“Well tama ka. Ganun nga ang kwento. Hindi naman sa ayaw ko kay Stephi. Yun nga lang…I don’t want to hurt her….because I know that I can’t love her”


“Bakit naman?”


Naging seryoso si Kai bago sya sagutin sa tanong niya.


“Because I don’t know how to love”


Napatango-tango naman si Sassy.


“Ahhh… I see… that’s why iyan ang nakalagay sa statement ng t-shirt mo”


Natawa naman si Kai.


“Regalo lang sakin ito. Ikaw naman…tama ba yang nakalagay sa statement ng t-shirt mo?”


“Hmm…maybe yes..maybe no…saka hindi sakin ito. Hiniram ko lang ito sa kapatid mo”


“Really? Sa kanya din galing itong t-shirt eh”


“Sabi nga ni Mae couple shirt nga daw ito.”


“You think itong suot ko at iyang suot mo eh couple shirt?”


“Siguro…kasi halos pareho ng kulay at design..magkaiba lang ng statements.”


“So that’s makes us a couple” biro ni Kai.


“Excuse me?! Wala akong time sa ganyan ah”


“Well…sabi nga ng t-shirt mo..you don’t have time to fall in love…til you found me


“Excuse me?!!! Feeling ka..so ibig sabihin din ba nun you never knew love…. til you found me?


Ang lakas ng naging tawa ni Kai sa sinabi niya.


“You know what Sassy… I think I like you” nilinaw naman ni Kai ang sinabi ng makitang nanlaki ang mata ni Sassy. “ What I mean is… I like you as a friend. Ang kulit ng sense of humor mo eh… hindi I like you as I like you…hindi ko type ang mga babaeng A cup” anito at napatingin sa dibdib niya dahilan para takpan naman ni Sassy ng kamay ang mga dibdib.


“Excuse me ah!!! Hindi ako A cup noh! Manyak ka talaga”


“Chillax….I’m not gonna bite you. Manyak man ako sa iyong paningin….Rest assured you’re safe with me”


“Yeah yeah.. kasi hindi mo ako type”


“Right”


“Ewan ko sayo.”


“Ayyiiieeee… so youre hoping na type kita?” pang-aasar nito.


“Hindi noh! Feeling ka talagang lalaki ka. Hindi rin kita type. Ang type ko yung mga lalaking seryoso sa buhay if ever man…at mukhang hindi ikaw yun”


“So that’s makes us safe with each other” komento ni Kai.


“What do you mean?” kunot ang noong tanong ni Sassy.


“I have a favor to ask you Sassy…can you still continue to pretend that you’re my girlfriend? Hanggang sa magsawa si Stephi sa kakahintay sakin…and find someone new…that can love her truly. Saka habang nandito ang parents ko…kailangan nating magpanggap na may relasyon tayo para di nila ako itulak kay Stephi”


“Wow Tol ah… Pang beauty queen na ganda tinatanggihan mo….eh paano naman ako? May sarili din akong buhay”


“Eh di if ever na magkaroon ka na ng time na mainlove magbebreak na tayo.”


“Ganun? Eh paano naman yung sex life mo?”


“Ahhh.. ibang usapan na yun.. pero promise habang nagpapanggap pa tayo na may relasyon hindi muna ako maiinvolve sa ibang babae”


“kaya mo?” panghahamon ni Sassy.


“Wag mo akong subukan My Sassy Girl”


“So sa harapan lang ng pamilya mo tayo magpapanggap na may relasyon?”


“Oo”


“Pag-iisipan ko.”


“Pumayag ka na. Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Kahit katawan ko pa” pang-aasar nito.


“Sira ulo….As if naman interesado ako sa katawan mo…Basta pag-iisipan ko muna”


“Okay. Number mo?”


“Ha?”


“Kukunin ko number mo para matawagan kita kung nakapag-isip ka na ba”


“Ahhh… sige… kunin mo nalang kay Mae… hindi ko kabisado number ko eh”


“Number mo hindi mo kabisado? Anong klaseng babae ka”


“Sorry ah… eh anong magagawa ko kung pang MB lang ang memory ng utak ko” 


“Just kidding… sige na nga kay Mae ko nalang kukunin number mo”


“Sige”


Hindi namalayan ni Sassy na papasok na pala sila sa Village nila.


“Saan ang bahay niyo dito?”


“Diretsuhin mo lang itong street na ito. Kulay pulang gate sa kaliwa”


“Pula talaga?”


“Oo… Ewan ko sa nanay ko..pantaboy daw ng malas”


“Okay….we’re here” ani Kai at inihinto ang sasakyan.


“Salamat sa paghatid”


“No problem. Thank you for saving me today Sassy”


“Okay lang yun. Sige ingat ka” aniya at lumabas na ng sasakyan.


“Thanks”


Hinintay siya ni Kai na makapasok muna ng gate bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan palayo.


***

No comments:

Post a Comment