Ikaw ang kauna-unahan kong bestfriend na lalaki. Sayo ako
umiyak nung iniwan ako ng ex-boyfriend ko. Ikaw ang labasan ko ng sama ng loob.
Puro na nga yata reklamo ang naririnig mo sakin eh. Pero nakikinig ka pa rin.
Kung minsan kapag wala kang masabing matino, hindi ka nalang nagsasalita,
papakinggan mo lang ako hanggang sa matapos akong magkwento. Sasabihin mo lang
sakin, “tama na” “hayaan mo na”. Kapag nagdadrama ako sayo dahil iniinjan mo
ako sa mga movie date natin tapos malalaman ko nanood ka na pala kasama mo iba
sasabihin mo lang sakin “sorry na. next time tayo naman” kahit na alam kong
wala naming next time na darating dahil madalas busy ka. Pero kapag alam mong
sobrang nagtatampo na talaga ako, kukulitin mo lang ako. Alam mo kasi na hindi
kita matitiis eh. Hindi ko nga akalain
na magiging magkaibigan tayo noong una. Ang layo kasi natin sa isa’t isa kahit
na magkasama tayo sa trabaho. Naaalala ko pa noong medyo nagging close tayo at
tinanong kita kung pwede ba kitang maging bestfriend. Ang sagot mo sakin “kusa
yang darating”. Hindi ko na inulit yun sayo. Masaya na ako na alam kong
magkaibigan tayo. Hanggang sa isang araw nagulat nalang ako ng ikaw na mismo
ang tumawag sakin ng “Bes”. Iyon na siguro ang isa sa pinakamasayang bagay na
nangyare sakin. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalaki. Pangarap ko kasi talaga
iyon eh. Hanggang sa maging super close na talaga tayo. Madalas tayo noong
magkasama, gumagala, you became my movie partner. Pero madalas din tayo (ako
lang yata?) magkatampuhan at asaran. Lalo na puro ako reklamo sa buhay. Sabi ko
nga noon daig ko pa ang girlfriend mo kung makapagdemand ka sakin. Tipong kahit
ano pa man iyang ginagawa ko iiwanan ko kapag ikaw na ang nagsabi. Kahit na may
lakad ako ikacancel ko kasi nagpapasama ka sakin. Biniro pa nga kita noong
ikinasal ang ate mo. Sabi mo kasi naiyak ka noon. Sabi ko naman sayo wag mo
akong uunahang mag-asawa dahil ako ang unang-unang iiyak siguro kapag nangyare
iyon.
Hangang sa isang araw, narealized ko nalang bigla na
na-iinlove na pala ako sayo. Hindi ko alam kung paano nangyare at kung kelan.
Basta iba na yung nararamdaman ko. Pero ayokong sabihin sayo kasi may usapan
tayo na “bawal mainlove”. Sinubukan kong umiwas sayo, hindi kita pinapansin at
kinakausap. Syempre nagtaka ka, tinatanong mo ako kung bakit, hindi ko na
napigilan, umiyak na ako tapos sinabi ko na sayo na “mahal na kita”. Hindi ko
pa nga kayang sabihin ng personal kaya idinaan ko nalang sa email sayo. Sabi ko
atleast hindi mo makikita yung sakit na mararamdaman ko kapag binasted mo ako.
Siyempre may girlfriend ka noon eh at ayokong makagulo sa relasyon niyo.
Hinanda ko na ang sarili ko nun na magalit ka sakin. Kasi tanda ko pa sabi mo
ayaw mo ng nagkakagusto sayo ang kaibigan mo, umiiwas ka na. Kaya nagulat ako
nang hindi mo ako iniwasan. Sabi mo sakin “malalampasan din natin ito.”.
Nanatili tayong magkaibigan, hanggang sa ang pag-amin ko sayo na mahal kita ay
naging biruan nalang. Naisip ko, sapat nang sinabi ko sayo na mahal kita, hindi
mo naman kailangan na sabihin na mahal mo din ako hindi bilang bestfriend lang.
Okay na ako dun. Mas mahalaga ang friendship natin kesa sa feelings ko. After
ng ilang drum na luha, nakamoved on din ako. Binaon ko sa kailaliman ng puso ko
na minsan minahal kita.
Nung nagbreak kayo ng girlfriend mo nasaktan ako para sayo
kasi alam ko na mahal mo talaga siya. Pero aaminin ko, may part dun na natuwa
ako kasi ramdam ko bilang babae na hindi ka naman niya ganun kamahal.
Sinasaktan ka lang niya at binabalewala. Sabi mo gusto mo na ding magseryoso at
makahanap ng mapapangasawa at alam kong hindi siya ang babaeng handa nang
magseryoso sa relasyon. Mas may iba siyang priority at hindi ikaw ang nasa top
priority niya.
Nagkaroon ako ng bagong boyfriend, ikinasal, nagkaanak at
iniwan ng asawa pero nanatili kang nandyan para sakin. Kahit na medyo umiwas
tayo sa isa’t isa nung nagkaboyfriend at ikinasal na ako. Isang text ko lang
sayo na kailangan ko nang kausap, sumasagot ka. Nung iwanan ako ng asawa ko
pakiramdam ko noon gumuho na ang mundo ko, pero isang text mo lang sakin at
tawag, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung nasanay ba ako na ikaw
ang tagasalo ng lahat ng reklamo ko kaya ikaw ang hinahanap ko kapag malungkot
ako. Ikaw ang taong nakakapagpangiti
sakin kahit na wala ka namang binibigay na advice. Sapat nang alam ko na
nandyan ka at nakikinig sakin.
Sa tatlong taon na magkakilala tayo, I can be myself in
front of you at ganun ka din naman sakin. Masyado na tayong kumportable sa
isa’t isa. Ultimo pagdighay at pagutot mo nasanay na ako. Sa kabila ng image na
ipinapakita mo sa ibang tao, nakilala ko ang tunay na ikaw. Para
tayong nasa “Bahay ni Kuya”. At ngayon ngang special day mo, gusto kong
magpasalamat sayo sa pagiging mabuti at totoong tao at kaibigan mo sakin. I
wish you all the best and happiness in life, family and career. Siguro yung
lovelife? Ang wish ko lang matagpuan mo yung babaeng mamahalin ka katulad ng
pagmamahal na ibinigay ko sayo. At kapag nangyare iyon, ako na siguro ang isa
sa masayang tao sa araw ng kasal mo.
Happy Birthday Bes!
No comments:
Post a Comment