I know we promised to each
other na bawal mainlove. That if we want to become bestfriends forever
kailangan nating ingatan ang pagkakaibigang iyon and don’t make things that can
ruin our friendship…. I know I agreed…hindi ko rin naman kasi akalaing darating
ang araw that I would fall for you. Ayoko din namang tanggapin…. At ayoko ding
alamin…
Akala ko noon wala lang…na
kaya ka lang mahalaga sakin kasi bestfriend kita…until one day nung nakatitig
ako sa mga mukha mo habang natutulog ka parang may invisible force na nag-open
sa mga mata ko to see you in different ways… bigla ko nalang nasabi sa sarili
ko nun.. “Sh*t!!! naiinlove na ako”… hindi ko rin naman ginusto eh…kusa nalang
siyang nangyari…di ko napigilan.
Masakit para sa akin na itago ang nararamdaman ko… mahirap itago ang bagay na gustong-gusto mong ipagsigawan sa mundo…hindi mo lang alam kung ilang beses or kung gaano ko pinapatay itong nararamdaman ko para sayo…kasi ayokong maramdaman ito…kasi kapag sinabi ko ba makikinig ka? Hindi rin naman di ba? Baka magalit ka pa kasi di ako tumupad sa promise ko… saka may girlfriend ka…at alam kong mahal na mahal mo yung girlfriend mo… kahit na minsan naiinis ako sa kanya kasi parang binabalewala ka niya…paano niya nagagawang balewalain ang taong pinahahalagahan ko ng sobra? Napakaswerte niya.
Sabi ng mga kaibigan ko aminin ko na daw sayo kung anong nararamdaman ko… kasi nasasaktan ako…pero pag inamin ko? Anong mangyayari? Lalayo ka sakin? Ayoko namang mangyari iyon. Mas okay na sakin na mahalin ka ng palihim basta nakakasama kita kaysa aminin sayo pero lalayo ka… nawalan na ako ng taong minamahal mawawalan pa ako ng kaibigan… kaya mas mabuti ng ilihim ko nalang. Kung minsan may mga bagay na kahit gustuhin man natin ng sobra eh hindi natin pwedeng makuha… sabi naman nila paano mo malalamang di mo makukuha kung hindi mo susubukang kunin… ewan ko…takot ako magtake ng risk eh…risk na mawala ka sakin kapag sinabi kong gusto kita.
Kung minsan tinatanong mo ako kung ano bang problema ko… di ako nagsasalita kasi paano ko sasabihing ikaw ang problema ko kasi naiinlove ako sayo…. Mas minamabuti ko nalang ang magsinungaling at sabihing “Wala yun…okay lang ako” kesa aminin sayo ang nararamdaman ko.
Nung nagbakasyon ka at hindi kita nakasama sobrang miss na miss kita…dinadaan ko nalang sa biro ang lahat… nung may tumawag sa pangalan mo bigla akong napalingon kahit na alam kong wala ka naman dun…siguro nga sobrang miss lang talaga kita at gusto na kitang makita…at siguro nga iyon ang binubulong ng puso ko….hinahanap ka niya.
Pero later on narealized ko na kahit ano pang gawin ko hindi mo ako makukuhang mahalin sa paraang gusto ko…sabi mo nga sakin di ba hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal ng isang “boyfriend “ sakin kaya gusto mong magboyfriend na ako…para maging masaya ako…pero paano ba yan eh sayo ako masaya? Sana pwede kong sabihin sayong “Pwede ba ikaw nalang?” kaso hindi naman diba?...Kahit nasasaktan ako, masaya ako kapag kasama ka…ang weird talaga magmahal. Laging package deal…
“Buy love takes pain”
Huwag kang mag-alala..tanggap ko na…tanggap ko na… na ganun talaga… and finally nasabi ko na din sa sarili kong anuman ang nararamdaman kong ito para sayo eh ibabaon ko sa kasuluk-sulukang cells ng katawan ko….hindi mo na dapat pang malaman pa..dahil tapos na…kakalimutan ko ng minsan minahal kita…magcoconcentrate na lang ako sa pagiging makulit, loyal, at mapagmahal na bestfriend mo…basta alam kong masaya ka…magiging masaya na din ako para sayo…iyon naman ang role ko bilang bestfriend mo…ang pasayahin ka…at ipakita sayong mahalaga ka.
Darating din naman ang araw na mawawala din ito ng tuluyan…dahil sabi nga nila wag ko daw alagaan ang feelings ko for you…mas mabuti na siguro iyon…because even the strongest feeling expires when ignored.
But atleast for the last time masabi ko man lang sana ito… kahit hindi man sayo…
MAHAL KITA…
No comments:
Post a Comment