Minsan may mga tao tayong
makilala…magiging parte ng buhay natin. Pwedeng maging kaaway..pwede rin namang
kaibigan. Pwedeng pangmatagalan…pwede rin namang sandali lang. Pero alam mo
kung ano ang masakit dun? Yung taong ibinigay para magkaroon ng malaking parte
sa buhay natin pero agad din namang babawiin.
“Tell
me Akira, have you ever been inlove?” usisa kay Akira ng kaibigan nyang si
Allison. Papunta sila sa opisina ngayon.
“Love?
Nakakain ba yun?”
nakatawang sabi ni Akira.
“Eto
naman ang seryoso ng tanong ko namimilosopo” sabi ni Allison at marahang hinampas
pa ang balikat niya.
“Aray
ah.. talagang may hampas factor pa?”
“Ikaw
naman kasi eh”
nakalabing sabi pa nito.
Tinawanan nalang ni Akira
ang kaibigan. Wala siyang balak na patulan ang tanong nito.
It’s been three years na
din magmula ng magtrabaho siya bilang writer dito sa Daydreamers Haven kaya
naging kabiruan na niya ang mga kasamahang writer, editor at empleyado rito. Si
Allison naman ay tulad niyang writer din doon. Actually, ito nga ang naghikayat
sa kanya na mag-apply bilang writer kahit na Psychology Graduate siya.
“Hi
Akira, magpapasa ka?”
tanong ng secretary ng Daydreamers Haven na si Mae.
“Oo
Mae…sa wakas naapruban din yung series na ginawa ko” nakangiting sabi niya rito.
“Really?
That’s good to hear”
Isa nga pala siyang writer dito
sa Daydreamers Haven. Pocketbook writer to be exact and as of now masaya naman
siya sa trabaho niya. Bata palang kasi eh hilig na niya ang magsulat, kaya
naman ng mabasa niya sa website nila na naghahanap sila ng writers eh agad
niyang hinanap sa baul ang mga ginawa niyang story nung highschool at college.
Naaalala pa niya nung time
na nagpasa siya sa kanila ng kwentong gawa niya..
“What’s
your name again?”
tanong nung nasa gitna.
“Akira
po”
Tatlo pala ang magchecheck
ng story kung makakapasa siya. Mukhang ang hirap pa naman nila i-please.
Yung nasa kanan, ang cute
niya. Smiling face pa pero pakiramdam ni Akira the way she looked at her… kakaiba.
Parang inaarok niya ang buong pagkatao mo..
Yung nasa gitna naman,
maganda nga pero hindi naman ngumingiti. Parang ang sungit sungit niya.
Yung nasa kaliwa naman
mukhang bored na bored na sa buhay niya.
Mukhang dun lang siya
makakapasa sa smiling face eh.
“Well
Akira.. actually hindi kami ang nagpoproof read ng story…pero nung medyo bored
ako eh binasa ko yung sinubmit mong kwento. And I can say that it caught my
interest”
sabi nung babaeng palangiti.
Natuwa naman si Akira sa
narinig.
“Talaga
po” tuwang
tuwang sabi niya.
“Yup.
Kaya naman sinabi ko sa dalawang co-editors ko na basahin din ang story mo and
nagustuhan din naman nila”
“Really?
Wow thank you po”
“Pero
since di ka naman pala graduate ng Mass Com or Journalism under observations ka
pa” sabi
nung babaeng mukhang masungit.
“Okay
lang po. Maraming salamat po”
“Pwede
na ba akong umuwe? Gusto ko na talagang matulog eh. Alam niyo bang 64 hours na
akong walang tulog?”
reklamo nung isang babaeng mukhang bored sa buhay.
“Sige
na nga Queen.. lumayas ka na..at pwede ba maligo ka” pagtataboy nung babaeng
masungit.
“Hindi
pa naman ako mabaho ah”
tanggi nito at inamoy pa ang sarili “Welcome
to the Company Miss” bati pa nito sakin bago umalis. “Hindi na kita iseshake hands.. mabaho daw ako sabi ni Empress eh”
“Thank
You po”
“Nagetethank
you ka kasi mabaho ako?”
nakakunot ang noong tanong nito.
“Naku
hindi po. Nagtethank you po ako kasi winelcome niyo ako”
“Ahh
mabuti na yung malinaw.. sige… ingat ka dyan kay Princess… buwakaw sa kwento
yan… kaya dapat lagi kang may ready kapag hiningan ka niya… si Empress naman
mukha lang laging menopause pero considerate naman yan sa deadline” bulong pa kay Akira nung
“Queen” bago tuluyang lumabas sa silid.
Napatingin naman siya sa
tinuro nung babae. Yung babaeng palangiti pala ang Princess. At yung masungit
ang Empress. Well mukhang mag-eenjoy siya dito. Sana tumagal siya. Mukhang mga abnormal ang
mga magiging boss niya eh.
Princess….Empress…Queen…
Mga Royalty pa pala yata
ang mga boss niya. Sa pagkakaalam nga niya itong tatlo ito rin ang may ari ng
buong kumpanyang iyon.
***
“Hoy
Akira saan na lumipad ang utak mo?” marahang hampas kay Akira ni Allison.
“Nakakarami
ka na Aly ah.. sasaktan na kita”
“Eh
kasi naman nakarating na yata sa Mars yang utak mo eh.. kanina ka pa tinatawag
ni Mae”
“Sorry
naman”
sabi ni Akira at nilapitan na si Mae para kunin ang tsekeng kabayaran sa
kwentong ipinasa niya.
“Libre
mo ako”
ungot ni Allison kay Akira. “Kape”
“Kape
na naman? Hoy Aly… ilang tasa ba ng kape ang tinitira mo sa loob ng isang araw
ah? Lima ?”
“Grabe
ka naman… tatlo lang”
“Tatlo
lang? Nila-lang mo pa yun ah. No wonder balak ng tubuan ng bubuyog yang mga
mata mo. Ang kapal na ng eyebags mo eh”
“Eh
kasi naman si Ms. Empress eh… minamadali na ako dun sa script na ginagawa ko.
Kasalanan ko ba kung wala akong inspirasyong magsulat ngayon?”
“Hindi.
Pero kasalanan mo kapag napending ang shooting ng pelikula dahil wala pang
script ang kwento”
Napili kasing maging script
writer sa isang TV network si Allison kaya naman ganun nalang ang pressure na
nararamdaman nito. Buti pa si Akira paeasy easy lang ang buhay.hehe.
“Bigyan
mo nga ako ng inspirasyon sis”
“Ako
pa talaga ang hiningan mo ng inspirasyon ah. Magkape ka nalang. Libre kita”
“Good”
***
Sa isang coffee shop
malapit sa Daydreamers Haven sila napadpad ni Allison. Madalas naman talaga
silang tumambay dito para magkape lalo na kapag bagong sweldo. Bukod sa malapit
lang sa office eh madami pang gwapo.
Katulad na lamang ng
kaharap nila ngayon.
“Hello
beautiful girls”
bati ng may-ari ng coffee shop na si Chad .
“Hi
Chad ” bati rito ni Allison. Siya
naman ay hindi ito binigyang pansin.
“Naku
mukhang may topak na naman si Aki” pang-aasar ni Chad sa kanya.
Hindi na lang niya pinansin
ang pang-aasar nito. Wala siyang balak patulan ang pang-aasar ni Chad sa kanya.
Natawa naman si Allison sa kanila.
“Huwag
mo nang asarin iyan si Akira Chad at baka magbago pa ang isip niyan ay hindi
ako ilibre.”
Nakatawang sabi ni Allison bago bumaling sa cashier. “Isang hot brewed coffee sakin saka isang slice ng blueberry
cheesecake. Si Akira magbabayad” order ni Allison sa cashier.
“Hoy!
Usapan natin kape lang ang ililibre ko sayo” reklamo ni Akira sa kaibigan.
“Kuripot
ka talaga. Isama mo na yung cheesecake”
Wala nang nagawa pa si
Akira kundi bayaran ang inorder ni Allison.
“Ang
gwapo ni Chad
noh?” sabi
ni Allison maya maya nang nakaupo na sila.
“Hmm..
pwede na”
sagot niya habang nakatingin sa laptop niya. Libre wifi naman doon sa coffee
shop eh.
“Alam
mo Akira… hindi ko alam kung bulag ka ba o sadyang walang pakialam sa lalaki.”
“Hindi
ko lang type si Chad ”
“Eh
ano ba ang type mo sa isang lalaki?”
“Matangkad,
maputi, suplado at tahimik…at syempre gwapo”
“Matangkad,
maputi at gwapo naman si Chad ah. Maganda pa ang katawan”
“Well
hindi siya suplado at tahimik kaya hindi siya pasok sa ideal guy ko”
“Abnormal
ka nga”
naiiling na sabi nalang ni Allison.
“Nagsalita
ang hindi abnormal”
nakatawang sagot niya.
“Mas
abnormal ka. Pangalawa lang ako”
Hindi nalang pinatulan ni
Akira ang pang-aasar ni Allison. Wala rin siyang mapapalang matino kapag
pinatulan niya ito.
***
No comments:
Post a Comment