Monday, January 11, 2016

Naiwan ng Jeep



Alam mo kung anong masakit kapag nagmahal at naiwanan ka? Ito yung tipong minsan kahit alam mong wala ng pag-asa na magkabalikan ulit kayong dalawa pero ipinagdarasal at umaasa ka pa din na baka sakaling meron pa. Na baka sakaling pwede pa. Yung tipong sinasabi ng utak mo tama na pero sasabihin naman ng puso mo...sige kaya pa! Yung tipong sa gabi mapapanaginipan mo siya. Ang saya saya niyo para lang magising ka kinabukasan na puro luha na ang mga mata mo with matching sipon pa dahil alam mong panaginip lang iyon. At higit sa lahat kahit na anong gawin mong paraan na makalimutan siya hindi mo parin magawa dahil sa napakasimpleng dahilan...Mahal mo parin kasi siya kahit ang sakit sakit na.

No comments:

Post a Comment