Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 7

[JM’s POV]


Tahimik lang si Jake habang nasa sasakyan kami. Naiilang tuloy ako. Baka kung anu-ano na ang pinagsasabi ng pamilya ko sa kanya. Kakahiya naman.


Maya’t maya ay napapatingin ako sa kanya.


“Problema mo?” (Takte naman itong si Jake nanggugulat)


“Okay ka lang ba?” alanganing tanong ko.


“define okay.” ( ha? Ano daw? Define okay? Eh paano ko ba idedefine yun?)



Napakamot ako sa ulo.


“Okay..as in..okay..hehe..”


Napailing nalang si Jake.


“ang tino ng sagot mo ah.pero anyways okay lang naman ako.”


Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kasi galit na sakin si Jake kasi ginisa siya sa bahay.


“Ui, pare pasensya ka na ah masyadong magulo sa bahay.”


Napakunot ang noo ni Jake. (bakit parang tumatagal gumagwapo si Jake?)


Nabatukan ko bigla ang sarili ko sa naisip ko.


“Ikaw yata ang hindi okay eh. Abnormal ka yata eh.” Sita sakin ni Jake habang nagmamaneho. (See? Ako pa tuloy nagmukhang abnormal.)


Abnormal ka naman talaga Jane Marie dahil kung anu-ano ang iniisip mo.


“Ganun pala yung feeling noh?” biglang sabi ni Jake. (ayan nanggugulat na naman siya.)


“feeling ng alin?” (feeling ng gwapo?)


“yung haharap ka sa magulang o sa pamilya ng girlfriend mo.”


Napaisip ako sa sinabi niya. Napagkamalan nga pala siyang boyfriend ko nila Mama at Papa.


“eh hindi naman kita boyfriend ah.” (masyado naman akong ambisyosa kung iisipin kong boyfriend kita.)


“yun nga eh. Hindi kita Girlfriend pero kung gisahin ako sa inyo akala mo hihingin ko na yung kamay mo sa magulang mo. Mas mahirap naman yung pinagdaanan ko.” (see? Ayaw ka niyang maging girlfriend Jane Marie kaya wag kang ambisyosa.)


“Napagkamalan ka lang kasi nila. Ikaw palang kasi ang lalaking nagpunta sa bahay eh. Kaya malamang iisipin nga nun na boyfriend kita.”


“Bakit wala ka pang ibang dinadalang lalaki sa bahay niyo para ipakilala sa parents mo?” interesadong tanong ni Jake.


Hello? Obvious ba eh NBSB nga ako? Alangan namang dalhin ko si Lieu sa bahay eh hindi ko naman siya boyfriend.


Mukhang nabasa yata ni Jake ang nasa isip ko.


“Si Lieu hindi mo pa dinadala sa inyo?”


“Bakit ko naman dadalhin sa bahay si Lieu eh hindi ko naman siya boyfriend?” (kung pwede nga lang baka kinaladkad ko na siya papuntang bahay.)


“Pero if ever ba si Lieu ang gusto mong maging first boyfriend mo? Di ba NBSB ka?”


Napasimangot ako kahit kailan talaga mapang-asar itong si Jake.


“So talagang kailangang ipagduldulan mo na NBSB ako?”


“Nagsasabi lang ako ng comment ko.”


“Kaya naman ako NBSB dahil mapili ako noh!”


“Ows? Hindi ba dahil sa walang nanliligaw sayo?” pang-aasar ni Jake.


Nahampas ko tuloy siya bigla.


“oi! Umayos ka nagmamaneho ako kapag tayo nabangga kasalanan mo.!”


“mayabang ka kasi eh. Kapag ako nagkaboyfriend ibabandera ko sa harapan mo!!!”


Ang lakas ng tawa ni Jake.


“Hahaha..nagpapatawa ka ba? Joke ba yun? Kapag ikaw nagkaboyfriend ang malas ng lalaking iyon.”


“sinundo mo lang ba ako para asarin ha?! Dahil kung ang purpose mo eh sirain ang araw ko pwes nagtagumpay ka na. sira na ang araw ko.!”


“Grabe ka naman ako na nga itong nageffort na sunduin ka eh ganyan ka pa. wala kang utang na loob.”


“Huh???!!! Thank you ah!!! Kasalanan ko pa pala na sinundo mo ako?!” sarkastikong sabi ko sa kanya. (Kung alam ko lang eh di sana din a ako pumayag na sunduin niya.)


“Binilin kasi sakin ni Aya na sunduin ka daw kasi wala siya. Baka daw malate ka.”


So si Aya pala ang nagpasundo sakin dito kay Jake. Ang bait naman ng bestfriend ko. Kahit nasa Australia eh hindi ako kinakalimutan.


“Bakit hindi nalang si West ang sumundo sakin?”


“chuzy ka pa?! ikaw na nga itong sinusundo dyan.!”


“Eh para kasing labag sa loob mo eh.”


“kung labag sa loob ko ang pagsundo sayo wala ako dito ngayon sa harapan mo.”


“wala ka naman talaga sa harapan ko dahil nasa gilid kita.”


“wahahaha!!! Joke yun?” (badtrip naman itong si Jake oh minsan na nga lang ako magjoke nambabara pa.)


“Hay naku ewan ko sayo.!”


Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng sasakyan.


(+_+)



[Jake’s POV]



Si Avee nalang ang kulang nung dumating kami sa school. Well ano naman aasahan mo sa babaeng yun eh lagi ding late yon kung dumating kaya wala ng bago.


“Oi! Bakit magkasama kayo?” birong sita samin ni Lieu.


Eh ano naman dito kay Lieu kung magkasama kami ni JM?


“Sa bahay nila JM ako natulog eh.” Ganting biro ko din.
Pabirong sinapak ako sa braso ni Vaughn.


“hanep ka ‘tol ah..lumelevel up ka na ngayon?! Trip mo ba si JM ah.”


Parang di ko yata gusto yung sinabi ni Vaughn.


“Trip? Ano bang tingin mo kay JM laruan? Para pagtripan?” asar na sabi ko.


Nagtaas naman ng dalawang kamay si Vaughn.


“chillax brhaw…di ako lalaban..”


Tinitigan ako ni Lieu. Yung tipo ng tingin na nakakailang.


“may gusto ka ba kay JM, Jake?” prankang tanong niya.


Paano ko ba sasagutin yung tanong na yun? Eh kung maski nga ako sa sarili ko hindi ko alam kung may gusto ba ako kay JM eh.


“Wala.” Instead ay sagot ko. “ Magkaibigan lang kame…pare..ganun lang.”


Pare your face!!! I silently cursed myself.


Tumango-tango naman si Lieu.


“Really? Mabuti naman kung ganun. Hindi tayo matutulad kina Lance at Vince.”


Napatingin ako kay Lieu.


“What do you mean by that?”



“I’m planning to court JM..and since alam naman nating lahat na may gusto din siya sakin hindi na ako mahihirapang manligaw sa kanya.”


Nagpanting bigla yung tenga ko. Parang di ko gusto yung sinabi ni Lieu.


“liligawan mo lang si JM dahil alam mong may gusto siya sayo?! Okay ka lang ba?! Alam mo ba ang sinasabi mo?!” hinawakan ko sa kwelyo si Lieu.


Gusto ko ng hamunin ng suntukan si Lieu dahil sa sinabi niya. Mukha namang papalag din si Lieu kaya nagkaroon ng tension sa paligid naming dalawa.


Pumagitna samin si Vaughn.


“Hey mga brhaw..chillax lang okay..” awat nito samin.


Binitawan ko ang kwelyo ni Lieu at itinulak siya palayo sakin.


“Akala ko ba wala kang gusto kay JM eh bakit nakikialam ka sa gusto kong gawin?!” sigaw ni Lieu.


“Dahil gago ka!!! Kaibigan ko yung tao kaya di ako papayag na isama mo lang siya sa listahan ng mga babaeng pinaiyak at niloko mo.!!!” Ganting sigaw ko.


Nilapitan ako ni Lieu at balak sana akong sapakin pero gumitna ulit si Vaughn. Sakto din namang dumating sina Vince at West kaya napigilan kaming dalawa sa pagsusuntukan.


“Ano bang problema niyong dalawa?! Ang aga-agang away naman iyan.” Sita samin ni West.


“Pagsabihan mo yang kaibigan mo ah!! Baka mabanatan ko yan. Ayusin niya mga pinagsasabi niya.!!” Sigaw ko.


“Jake tama na nga yan.” Pati si Vince sinita na din ako.


Bakit ganun? Ako pa ba yung mali.


Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Vince. Dinampot ko ang bag ko at lumayo sa kanila.


Nakakabadtrip sila!!!


(>_<)



No comments:

Post a Comment