Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 35

35 : Unexpected Feelings


[Queen’s POV]

Sadyang may mga panahong hindi marunong makisama ang tadhana. Biruin mo yun nasiraan na nga ako ng sasakyan sa dami pa ng pwedeng tumulong sakin isang walang modo at ungentleman na lalaki.

Pasalamat ka pa nga Queen at si West ang nakakita sayo. Paano kung rapist yun?

Umeepal ang kunsensya ko.

Sige na nga salamat na kung salamat kaso masisira ang beauty ko dito sa lalaking ito eh. Mula ba naman kaninang tanungin niya ako kung saan ang punta ko eh hindi na ako inimik ng taong ito.


“Pwede bang magpatugtog? Nabobored na ako eh.”

Hindi ko na talaga matiis ang katahimikan. Mapapanisan ako ng laway nito eh.

“Bahala ka”

Binuksan ko ang car stereo niya. Nilipat-lipat ko ng istasyon. Naghahanap ng magandang music.

sayang bakit hindi kita niligawanngayon ako'y nanghihinayangkasi naman tatanga-tanga pa ako noon… walang humpay na paghintay sa hindi dumarating na pagkakataon

Tamang-tama..paborito ko yung kantang yun..kaya naman sinasabayan ko pa ang pagkanta.

lagi naman kitang nakakasamaewan ko kung bakit ba wala pa ring nagagawakahit na napakadali mong kausapin ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring amininmadalas naman tayong naglolokohan ..dinadaan ko nalang sa biro ang tunay kong nararamdaman..kaya siguro…hindi mo sineryoso..aking mga sinabi yan tuloy walang nangyari…Sayang…

“Pwede ba? Wag mo ng sabayan ang pagkanta” saway sakin ni West.

“Weeehhhh???? Epal talaga oh. Kitang nag-eenjoy yung tao eh.”

“Hindi ko alam na mahilig ka pala sa Parokya”

“Hello???/!!! Parokya ni Edgar iyon!!! Pambansang banda ng Pilipinas.”

“I know..it’s just that…”

“It’s just that ano? Na ang Parokya ni Edgar ay pang-masa ganun? At ako hindi ako pang masa kasi maarte ako? Ganun ba ibig mong sabihin ha?”

Nakakaasar itong lalaking ito. Bakit ganun siya? Masama bang magustuhan ko ang Parokya ni Edgar?

“That’s not what I mean.”

“yun na yun West wag ka ng mag-explain. I don’t need your explanation.”

Nakakasama talaga siya ng loob. Akala niya dyan nakakatuwa siya?!

Pinatay ko na lang ang stereo. Nabadtrip na din kasi ako. Tamang-tama naman at nandito na kami sa Hotel na pagdadausan ng fashion show.

Nagulat pa ako ng sumunod sakin si West hanggang sa loob ng Hotel.

“Okay na ako dito. Hindi mo na ako kailangang ihatid sa loob.”

“Who says na ihahatid kita? I was also invited here”

Kita niyo yun? Basag na naman ako.

Hay naku Queen sabi ko na sayo di mo na dapat pinapatulan yang lalaking iyan eh.

Naglakad nalang ako papasok sa venue. Binalewala ko na lang ang lalaking iyon. Tutal sabi naman niya invited din siya.

Nakasalubong ko ang mga kapwa ko designer na sina Nyla at ang business man na si Xander.

“Hey Queen…it’s good to see you here.” Bati sakin ni Xander sabay halik sa pisngi ko.
“Mabuti naman at naisipan mong pumunta dito” sabi naman ni Nyla.

“Yeah. Medyo maluwag kasi ang schedule ko. Hindi pa naman ako late di ba?”

“Nope. Di pa naman nag-uumpisa ang show eh.”

“That’s good to hear.”

Hay salamat naman at umabot din pala ako sa show.

Naalala kong bigla si West nasaan na kaya ang lalaking iyon?

Pasimpleng iginala ko ang paningin sa loob ng venue. Sabi niya may naginvite daw sa kanya dito. Kaya siguro sinabi ni Lieu na sumabay na ako kay West. Alam niyang dito din ang punta ni West.

Nasaan kaya yung lalaking iyon?

Bakit mo ba siya hinahanap Queen ha?! Ano bang pakialam mo dun?!”

“Hey, a penny for your thought?” nanginig bigla ang balahibo ko ng bumulong si Xander sa tenga ko. Pakiramdam ko eh nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Si Xander ang isa sa masugid kong manliligaw. Ilang beses ko na nga siyang iniiwasan mula ng una kaming magdate dahil daig pa niya ang may aircon sa katawan eh.

“You cant afford it” sabi ko at mabilis na lumayo sa kanya.

“Mayaman ako”

I just rolled my eyeballs..eto na naman kami.

Alam niyo yung pakiramdam na may nakatingin sayo? Iyon ang naramdaman ko kay bigla akong napalingon sa
paghahanap kung sino ang nagmamasid sakin. Pero wala naman akong nakita. Mukhang mga walang pakialam ang mga tao sa paligid dahil may kanya-kanya silang business.

Paranoid ka lang Queen. Sabi sayo wag kang magdidikit kay Xander eh.

Nagpaalam saglit si Nyla at iniwan kami.Naramdaman ko ang marahang paghimas ni Xander sa likod ko.

Bigla akong lumayo sa kanya. Dahil kinilabutan ako. Bakit ganun? Imbes na kiligin eh parang nandididri pa ako?

“Don’t do that again”

Kibit-balikat lang ang isinagot sakin ni Xander.

“Wag ka ngang pakipot. I know you like me too”

Aba?! Hindi lang pala mayabang at buhawi itong lalaking ito kundi manyak at bastos din eh.

“Excuse me? Sa pagkakaalam ko kasi eh binasted na kita di ba? Saka wag mo ng uulitin ang ginawa mo kung ayaw mong magalit sayo ang BOYFRIEND ko”

“Boyfriend? Wala ka namang boyfriend di ba? I know you. Hindi mo kayang magstick sa isang lalaki”

Aba?! Konting pigil pa Queen..

“well, mukhang mahina ang source mo Xander dahil may boyfriend na ako. In fact kasama ko nga siya ngayon”

God, sana naman po maniwala ang lalaking ito…

Pero mukhang tulog yata ang mga guardian angel ko..

“I don’t believe you. You’re just bluffing”

Asar!!!!

Inilapit ni Xander ang katawan niya sakin trying to kiss me.

Warning!!! Warning!!!

Danger!! Danger!!!

Wala pa naman masyadong tao sa areang ito kaya malakas ang loob ni Xander.

Pero bago pa lumapat ang labi ni Xander sakin ay naramdaman ko nalang that somebody pull me.

Napasadsad tuloy ako sa dibdib ng humila sakin.

Ang bango naman..

“Who the hell are you?!” galit na sabi ni Xander.
Napatingala ako sa savior ko mula sa galamay ni Xander. Para lang magulat kung sino ang tumulong sakin.

“West…”

“Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala”

“ahh..sorry”

“Hey! Sino ka ba?! Bakit bigla ka nalang sumisingit samin ng girlfriend ko!”

Ang kapal naman ng mukha nitong Xander na ito!

“Girlfriend? Paano mo siya magiging girlfriend eh ako ang boyfriend niya. Magkasama kaming pumunta dito. May nakita lang akong kakilala kaya nawala siya sa paningin ko sandali tapos ngayon sasabihin mo girlfriend mo siya?”

Namula naman si Xander.

Ano ka ngayon!!!!

“Sino ba yang mayabang na yan Queen?” tanong sakin ni Xander.

Yumakap muna ako sa bewang ni West bago hinarap si Xander

Patsansing muna..hehe..

Abuso ka Queen ah..Tinulungan ka na nga minamanyak mo pa yung tao.

“Xander I’d like you to meet my BOYFRIEND William Montreal.  Honey, this is Mr. Xander Maravilla”

Inilahad ni West ang kamay niya tinitigan muna ni Xander si West ng matiim bago nakipag-kamay dito. Parang may tensyon sa pagitan ng dalawa.

“You’ve got a problem with my GIRLFRIEND?”

Nakipagtitigan si West kay Xander. Di hamak naman na mas malaki ang katawan ni West kesa kay Xander kaya kung sakaling mag-away ang dalawang ito eh walang laban si Xander kay West.

Ang haba ng hair ko.hehe

Tse! Ilusyunada ka Queen!

Wag kang kontrabida minsan lang ito.

“Wala.Sige mauna na ako” sabi ni Xander at nagmamadaling lumayo.

Hindi ko napansin na nakayakap pa rin pala ako kay West.

“Pwedeng tanggalin mo na yung kamay mo sa bewang ko?”

Agad ko namang inalis ang pagkakayakap sa kanya.

Sayang.hehe.

“ahhmm…sorry”
“Halika na sa loob magsisimula na yung show.”

At nagpauna na itong lumakad.

Hmmm…may itinatagong pagiging gentleman din pala ito si West eh..Sinundan ko nalang siya papasok.

Ang ganda naman ng pwet niya..haha..

Hay naku Queen naloloka ka na talaga. Tama bang pagnasaan mo yung pwet ni West?

Ikaw na!!!

Ikaw na ang baliw.

“Bilisan mo nga maglakad”

“Bakit? May lakad ka ba?!”

Hay naku West hindi kita maintindihan. Daig mo pa ang babaeng nireregla. Paiba-iba ng mood.

Pwede din pala siyang maging mabait at gentleman pero bakit mas gusto niyang magsungit?

HoY Queen alalahanin mo na iniligtas ka niya sa galamay ng manyak na si Xander.

Sige…bati muna kami ngayon. Ceasefire..

“Sal---“

Nabitin yung pasasalamat ko sana ng bigla siyang magsalita.

“sa susunod kung makikipaglandian ka siguraduhin mong hindi ka mapapahamak”

Aba?!

“Hoy! Sinabi ko bang tulungan mo ako? Kahit wala ka kaya ko ipagtanggol ang sarili ko”

“Really? Hindi ganun ang nakita ko”

“Kung big deal pala sayo ang ginawa mo sana hindi mo na ginawa yun para di masama ang loob mo.”

Nagulat ako ng biglang humarap si West sakin at hawakan ako sa balikat.

“What’s wrong with you? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala ng mawala ka sa paningin ko at kung gaano ko kagustong sapakin yung Xander na yun nung makita kong binabastos ka niya ha?!’

Hindi ako nakapagsalita. Titig na titig lang ako kay West.

Mukha namang natauhan si West at binitawan ako.

Tara na. Nagsisimula na yung show”

Pinagmasdan ko nalang ang paglakad ni West papasok sa loob.

“Gosh.. I think I’m inlove”




No comments:

Post a Comment