Thursday, February 02, 2012

After All : Chapter 24

24: Bad Premonition

[Aya’s POV]

Hinatid ako ng barkada sa airport. Si Lance lang ang wala. Hindi ko alam kung alam ba niyang aalis ako o hindi. Ayoko nalang isipin kasi ayokong magkaroon ng burden feelings sa pag-alis ko. And besides tanggap ko na kung anong nangyari. Dapat na siguro akong magmove-on. At ganon din siya.

“ui!Aya, mag-ingat ka dun ah. Wag mo kakalimutang kumain sa oras. Wag kang magpupuyat. Wag kang magpapatuyo ng pawis” at kung-anu-ano pa ang bilin sakin ni West.

I just rolled my eyeballs. Hindi na naman matatapos ang bilin na ito.


Sabagay first time ko nga lang pala malalayo sa kakambal ko kaya ganun nalang ang pag-aalala niya sakin.

“Don’t worry Kuya, I’ll take care of myself. Saka mabilis lang ang isang linggo noh.”

“ hindi ko naman pababayaan ang kapatid mo William” sabi ng advicer ko.

“Thank you po Ma’am. Kayo na po bahala sa kanya. Ngayon lang mapapalayo sakin yan kaya nag-aalala ako”

“Ok lang ako Kuya. I’m a big girl now.”

Natatawa nalang ako sa pagiging OA ng kapatid ko.

“Baby, ingat ah. Tawagan mo nalang ako kapag nasa Australia ka na.” bilin naman sakin ni Vince.

“Mahal ang pantawag. Imemessage nalang kita sa FB.”

“Okay,bahala ka. Basta inform mo ako ah. Hindi na din kita tatawagan para hindi kita maistorbo sa laban mo. Basta mag-iingat ka lagi dun. Wag kang titingin sa ibang lalaki ah”

Haay naku!! Isa pa itong OA.

Bakit ba ako napapaligiran ng mga OA na tao???

Naglalambing na niyakap ko si Vince.

“Bakit pa ako maghahanap ng iba eh nandito ka na?”

“OOHHHHHH!!!!”

Sabay-sabay na sabi ng mga barkada ko.

“Grabe ha hanggang dito ba naman balak niyong paabutin yung langgam niyo?” pang-aasar ni Jake.

“Wag na mang-inggit.” Sabi naman ni Vaughn

“Akala mo naman taon kayong hindi magkikita eh.” Sabi naman ni Lieu at pabirong sinuntok si Vince sa balikat.

“Mga Inggitero talaga kayo” natatawang sabi nalang ni Vince sa mga ito.

“Aya, kasama mo pala siya” bulong sakin ni Jake sabay tingin kay Rhapsody.

Napatingin din ako.

“Oo, sya kasi yung Vice-President eh.”ganting bulong ko bago hinarap ang mga barkada ko.

“Oh paano lapit na boarding time namin. Ingat din kayo sa Baguiopaalam ko at inisa-isang yakapin ang mga barkada ko.

“Pwede rin ba ako makiyakap?” biro ni Rhapsody

“Oo ba basta ba ako lang yayakapin mo eh”biro ni Lieu at akmang yayakapin si Rhapsody pero hinawakan ito sa balikat nila Vaughn at Jake.

“Pasensya ka na Miss ah basta babae hindi niyan pinapalampas eh.” Hinging dispensa ni Vaughn.

“Okay lang yun. Ako nga pala si Rhapsody” pagpapakilala nito at iniumang ang kamay.

Tinanggap naman ito ni Vaughn.

“Vaughn”

“Lieu” at inagaw ni Lieu ang kamay ni Rhapsody na hawak ni Vaughn.

Tumatawang hinila ko nalang sa braso si Rhapsody.

“Sige na baka maiwan na kami ng eroplano” at naglakad na
kami papasok sa boarding area.

Bago tuluyang mawala sa paningin ko ang barkada ko eh nilingon ka pa ulit sila at kinawayan.

“Ang gwapo talaga ng Papa mo” bulong sakin ni Rhapsody. “kaya dapat magstick ka na dyan. Ang swerte mo na noh..ang daming girls sa school ang naiinggit sayo kasi naging Boyfriend mo ang isa sa heartrob ng school.”

“Yeah..yeah…” I said but suddenly I felt na parang may napatid na bagay. When I looked around it was my necklace that Vince gave me on our last monthsary.

Bigla akong kinabahan.

“hey, is there something wrong?” tanong ni Rhapsody.

“my necklace…” kinakabahang sagot ko.

Dinampot naman ito ni Rhapsody.

“naman!!! Nahulog pala eh bakit hindi mo pulutin.” Nailing na sabi nito at inabot sakin ang kwintas.

“kinkabahan ako Rhaffy, baka may hindi magandang mangyari.”

Grabe. Hindi naman sa naniniwala ako sa superstitions pero para sakin kasi ang maputol ang isang bagay na mahalaga sayo at galing sa taong mahalaga sa buhay mo ay hindi magandang senyales. Just like what happens before my parents died.

“wag ka ngang nega dyan!!! Pati tuloy ako kinakabahan sayo eh.” Sabi ni Rhapsody at inakbayan na ako papasok sa loob ng eroplano.

Pilit ko nalang inalis sa isipan ko ang nangyari. Ayokong mag-isip ng masama.

Think positive.


(*.*)



[Vince POV]

There goes my Aya.

Hay!! Isang linggo ko siyang hindi makikita. How sad naman. Ngayon pa nga lang namimiss ko na siya eh. Makasurvive kaya ako ng one week???

“Guys, may nagsabi ba kay Lance na ngayon ang alis ni Aya?” narinig kong tanong ni JM habang palabas na kami ng airport.

“ang tanong.alam ba ni Lance na aalis si Aya.” Dugtong naman ni Jake.
“actually lately ah pansin ko hindi na sumasama satin si Lance at parang nagiiwasan na sila ni Aya. Ano kayang problema?” tanong naman ni Madz.

“balita ko kasi may new girl na sa life ni Lance eh.” Sagot naman ni Lieu.

Napatingin kaming lahat dito.

“hindi nga?seryoso?”

“yeah.i saw them together minsan sa mall. Kaso hindi nila ako nakita.”

“Maganda???” sabay-sabay na tanong nila.

“Hhhmmmmm…oo..koreana eh.”

“Sino mas maganda?yun o si Aya?” tanong ni JM.

“Syempre si Aya”

“Mga adik din kayo noh. Kelan pa nasukat ang kagandahan sa isang relasyon?” nailing na tanong ko sa kanila.

“Matagal na. Aminin niyo nga saan ba kayo unang tumitingin?di ba panlabas na anyo? Kailangan maganda o sexy kahit na walang laman ang utak.” Mataray na sabi ni JM.

“Bitter???” tanong ni Lieu.

“Kapag nagreact ba bitter na agad?? Hindi ba pwedeng honest muna???” Panonopla ni JM.

“Tsk!!! Taray!!! Paano kita magugustuhan niyan?” pang-aasar ni Lieu dito.

Agad namang namula si JM.

Natatawa nalang ako sa kanila.

Magmula kasi ng malaman ni Lieu na may gusto si JM sa kanya hindi na niya ito nilubayan ng asar.

“Hindi naman siguro yung girl na nakita namin ni JM nun sa ice cream parlor ang sinasabi ni Lieu na jowanez ni Lance kasi di ba pinsan niya yun.” Sabi ni Jake.

“Pinsan???” tanong ni West.

“yeah we saw him last time may kasama syang girl then nung tinanong namin pinsan daw niya.Queen yata ang name.”

“Si Queen??? Nandito na sa Pilipinas???” gulat na tanong ni West.

“kilala mo?”

“Yeah. Sya ang nag-iisang pinsan ni Lance. Naku!!! Maldita yun eh. Mortal kong kaaway yun eh.” Nailing na sabi ni West.

“Himala.Ngayon ko lang yata narinig na may kaaway ang pinakgoodboy sa barkada. At take note ah babae pa.natatawang sabi ko kay West.

“Hayyy!!! If you get to know that girl malalaman mo ang ibig kong sabihin. Wala na syang ginawa noon kundi ang gawing impyerno ang buhay ko. Ewan ko nga kung bakit close na close sila ni Aya eh napakabait ng kapatid ko. Kaya nahahawa ng pagiging maldita dahil dun kay Queen eh.Sana lang wag ko siyang makita.”

“Mukha ngang bad experience ka dun ah..”

“ Sinabi niyo pa.”

“Neweiz guys see you tomorrow at Baguio. Kita kits nalang tayo dun ah.” Singit ni Jake.

“yeah…super excited na me” hyper na sabi naman ni JM.

“Sige. Text text nalang.”

(@_@)

[Authors Note:]

Anong mangyayari ngayong nagkaroon ng bad sign si Aya?
Will the troops gonna be alright?
At anong kinalaman ni West kay Queen?
See you next chapter ^-^


No comments:

Post a Comment