Thursday, February 02, 2012

After All : Chapter 23

 23: The Right Thing To Do.


[Aya’s POV]


Bukas na yung alis ko papuntang Australia pero hindi man lang ako nakapagpaalam kay Lance.

Naalala ko bigla yung eksenang naabutan ko sa bahay nila.

Siguro nga eto na yung best para saming dalawa. Habang maaga dapat ko ng pigilin ang nararamdaman ko para kay Lance.

May Vince na ako…

May Regine na siya..

Merong siya at ako..

Pero walang kami..


May mga bagay na sadyang misteryoso.

May mga bagay na sadyang hangang doon nalang. Hindi na dapat pilitin. Ang masakit lang nasira yung pagkakaibigan namin. Imposible na yatang maibalik pa iyon sa dati. Nasakytan ko siguro talaga si Lance para maging ganun yung treatment niya sakin.

Aminin ko namimiss ko yung dating kami…yung kulitan..yung asaran…yung lambingan…pero mukhang Malabo ng mangyari iyon.

“ Aya, ready ka na ba for tomorrow?” tanong sakin ni Rhapsody.

Yup. Si Rhapsody na nambasted kay Jake noon. Kasama ko kasi siya sa Australia bukas dahil bilang Vice-president ko sa school council siya ang mag-aasikaso ng ibang dapat naming intindihin. Bale tatlo kaming lilipad papuntang Australia. Ako, si Rhaffy ( Rhapsody) at yung Advicer ng student Council.

“Yeah. Okay na ready to go na nga ako eh” nakangiting sabi ko sa kanya habang binabasa ang mga suggestion at comments ng mga estudyante ng CSL.

“ Nakapagpaalam ka na ba?” tanong ni Rhaffy

“Kay West at kay Vince okay na.Dami ngang bilin eh” natatawang sabi ko sa kanya. Para isang linggo lang naman ako mawawala ng Pilipinas eh kasing haba yata ng San Juanico Bridge ang bilin sakin nung dalawang yun.

“ Ganun talaga…eh kay Lance nakapagpaalam ka na?”

Napabuntong hininga ako. Si Rhapsody kasi ang pinagsasabihan ko ng mga bagay na hindi ko masabi kay JM.

Alam ko kasing hindi magiging bias si Rhaffy dahil di naman niya close yung dalawa kaya makakapagbigay siya ng tamang advice sakin. Saka marami nadin kaming pinagsamahang dalawa dahil kami nga ang tandem dito sa school council.
“ Hindi eh. Pumunta ako sa house nila para magpaalam kaso iba yung inabutan ko dun eh.” At ikinuwento ko sa kanya yung nangyari kanina.

Mula kasi nung umalis ako sa bahay nila Lance dito na ako dumiretso sa opisina ng school council. Gusto kong madistract ang utak ko.

“ Ganun??? Eh sino ba yung Regine na yun??? Jowanez na ba yun ni Lance?”

“ IDK…pero alam mo Rhaf, kung si Regine yung magiging girlfriend ni Lance okay lang sakin kasi alam ko namang mahal siya ni Regine at maaalagaan siya nito…hindi kagaya ko” malungkot na sabi ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang pumatak yung mga luha ko. Agad namang isinara ni Rhapsody ang pinto ng opisina upang walang makakita saking umiiyak ako.

That’s why I like her. Sensitive siya sa feelings ng iba at iniisip niya kung anong tama o mali. Ang panget nga naman kung may makakakita sakin na umiiyak lalo na kung mga kapwa ko school council. Baka hindi na ako igalang ng mga yun.

Number one rule ko pa naman ay wag magpakita ng kahinaan sa iba.

Inabutan ako ng tissue ni Rhaffy.

“ wala ka namang kasalanan eh. Hindi mo naman sinabing mahalin ka ni Lance. Hindi mo hiniling sa kanya na mahalin ka niya. Kung minahal ka man niya choice niya yun. Wala syang dapat sisishin kundi sarili niya dahil magbestfriend kayo at binali niya ang mahalagang rule sa magbestfriend at yun ang bawal mainlove sa isat-isa.” Paliwanag ni Rhaffy.

Sige lang ako sa pag-iyak. Ngayon ko inilabas yung sakit na naramdaman ko sa nakita ko kanina.

“Pero nasaktan ko siya” umiiyak na sabi ko.

“ Bakit??? Ikaw ba hindi nasasaktan???”

Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon.

Nasasaktan nga din naman ako.

“ pareho lang kayong nasasaktan ni Lance at kung ipagpapatuloy niyo yan mas maraming tao kayong masasaktan.”

Tama si Rhaffy. Naisip ko bigla si Vince….at si Regine..

Kahit ayokong isipin na masasaktan si Regine naiisip ko parin siya. Naging nice naman kasi sya sakin eh. Kaya ayokong madagdag siya sa listahan ng taong nasaktan ko.

“Kelan lang ba narealize ni Lance na mahal ka niya? Di ba nung kayo na ni Vince? So wala kang kasalanan dun. Dahil kung maagang narealize ni Lance na mahal ka niya eh di sana walang Vince na namamagitan sa inyong dalawa. Eh di sana happy ending kayo…kaso tanga si Lance.” Pagpapatuloy pa ni Rhaffy.

Napangiti nalang ako..she’s so outspoken talaga but that’s one of the reason kung bakit ko siya nagustuhan..

“Okay lang umiyak pero siguraduhin mong after niyan okay ka na…just think of it positively..malay mo si Vince pala talaga ang para sayo at hindi si Lance…masyado ka kasing nafocus kay Lance eh.Halos buong buhay mo siya ang kasama mo…it’s time to face the reality of life.Hindi lang sa kanya iikot ang buhay mo at hindi lang ikaw ang pwedeng magmahal sa kanya.”

Pinahid ko ang natitirang luha sa mata ko.

“John Lloyd ikaw ba yan???”biro ko.”Newiez… Thanks Rhaffy, no wonder binasted mo si Jake…hahaha”

Napasimangot naman si Rhaffy.

“bakit naman napasok yung timawang yun sa usapan???” malditang tanong nito.

“Timawa talaga ah??? Mabait yun si Jake noh.”

Pagtatanggol ko..syempre barkada ko yun eh kaya dapat ipagtanggol.

“Pinagtripan lang ako nun hindi naman yun seryoso eh.”

“hay naku! Yan ang hirap kapag masyado kang palabiro eh hindi alam ng mga tao kung kelan ka seryoso.”

“ isang malaking check gamit ang PINK na ballpen..hahaha!!!”
“ baliw ka talaga Rhaffy…paano ka ba naging captain ng soccer team???siguro nangbribe ka lang dun o di kaya nangbalackmail” pang-aasar ko sa kanya.

Hindi kasi ako makapaniwala na player ito ng soccer nung una eh. Pero nung minsang napanood ko yung laban niya she’s one of the best player in her team..no wonder they voted her as their captain.

“ nasa karisma yan at galing. Hindi ko na kailangang mangblackmail noh!”

“ sabi mo eh. Pero hindi mo ba talaga type si Jake??? Gwapo naman yun, mabait, may sense of humor…may pagkakuripot nga lang..hehe”

“Binibuild-up mo ba si Jake o sinisiraan?”

“Pwede both?hahaha” sabay tawa ako ng malakas.

“eh baliw ka naman pala eh..Paano ka ba naging  president ng school na ito? Ipaimpeach kaya kita para ako na maging president.”

Pananakot ni Rhapsody…haller??? As if naman matatakot ako.

“ Hindi mo magagawa yan…students of CSL loves me saan ka ba naman nakakita ng napakabait at napakagandang president di ba??…and you my dear…love me too…” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Grabe lakas ng aircon dito. Tinatangay ako.Malamang okay ka na kasi nagyayabang ka na eh”
“ Yeah… IGS…thanks for everything” sinserong sabi ko at niyakap siya.

“pwede ba tumigil ka na mamaya magkaiyakan pa tayo rito eh..saka ‘teh!!! Hindi tayo talo..lalaki parin ang type ko.” Kunwari’y palag ni Rhaffy.

“ Eh di si Jake na nga lang”

“ ayoko nga dun…iba ang gusto ko.”

Napatingin ako sa kanya. Bago yata yun ah.. Ngayon ko lang narinig na may nagustuhan itong lalaki. Sa tagal na kasama ko kasi siya ang tanging maririnig ko ay soccer at pagkain. Ngayon lang ito nagmention ng boys.

“Who’s the lucky guy???or should I say UNLUCKY guy???”

Binato ako ni Rhapsody ng papel.

“ Ikaw mayabang ka porket may gwapo kang Papa eh.”

“ Ganun talaga..so sino nga?” pamimilit ko…once in a lifetime lang ito.

“ ehh kasi…” (aba??? At nagmamaganda ang lola mo teh!!! Nag-iinarte..hehehe)

“wag mo akong eh kasi eh kasi diyan…at hindi ito subject sa elementary na HEKASI!!!”

“asus!!! Wag ka maingay ah..”
“promise” at umakto akong isiniper ang bibig.

“hindi niya alam kasi na may gusto ako sa kanya. Actually siya ang dahilan kung bakit ako sumali ng soccer.”

“sino??si Coach?” kunot-noong tanong ko.

Binato ulit ako nito ng papel.

“umayos ka nga. Sayo ko lang ito sasabihin kay makinig ka.”

“sige na po quiet na me.”

“He’s name is Vaughn. Varsity Player siya ng Basketball team. First year palang ako nun nung una ko siyang mapanood na maglaro. I guess that time nagkacrush na agad ko sa kanya. Kahit na newbie palang siya marami na siyang fans sa court. Saka yung laro niya kaya niyang tapatan yung mga senior.” Nangangarap na sabi ni Rhapsody (Abenemen!!! Tama bang magpantasya sa harapan ko???)

“Ui Rhaffy punasan mo yung laway mo, tumutulo..”biro ko sa kanya.

Agad naman hinawakan ni Rhaffy ang bibig at pinunasan ang laway only to find out na wala naman at pinagtitripan ko lang siya.

Ano ka ngayon???hahaha…kaw ba naman magpantasya sa harapan ko eh..

“Siraulo ka!!! Ang gross mo!!!”
“Gross-gross!!! Spell Gross!!!”Pang-aasar ko.

“TSE!!! Ewan.”

Ang lakas ng tawa ko pero bigla akong napaisip dun sa sinabi niya.

“ Teka, by any chance itong Vaughn ba na sinasabi mo eh si Vaughn Smith? Fil-am na Varsity Player ng Basketball?”

“ yup!!! Kilala mo?”

“Hahahaha!!!! Kaklase at kabarkada ko yun Teh!!!”

Ang lakas ng tawa ko…

Si Vaughn-tot ang crush ni Rhapsody…

“Magaling ka pumili bata!!!” sabi ko sa kanya.

“ hala ka???kilala mo???” gulat na tanong niya sakin.

“yup!!!”

“May Jowa na ba yun?” interesadong tanong niya sakin.

“uy!!! Gusto niyang malaman…” pang-aasar ko.

“baliw!!!syempre curious lang ako eh. Isa kasi siya sa sikat dito sa school eh saka balita kasi na mayabang at maangas yun eh. Parang ang hirap niya iapproach…kaya nga kuntento na ako na masilayan siya sa gym kapag nagpapractice eh.”

“alam mo ito lang ang masasabi ko. Iba si Vaughntot na nakikita niyo sa totoong siya kapag kasama namin.”

Kahit na Certified Maangas at Mayabang ang image niyan sa School kaming magkakabarkada lang ang nakakaalam na Certified Torpe iyang lalaking iyan.

“ Ipakilala mo naman ako oh” paglalambing sakin ni Rhaffy. At iniyakap ang kamay niya sa braso ko.

“asus!!! Lalandiin mo lang si Vaughn-tot eh…virgin pa yun” sabi ko sabay tawa ng malakas.

“Grabe ka naman!!anong tingin mo sakin?Manyak??Di naman masyado…konti lang..hahaha..titikman ko lang”

Dinig na dinig ang malakas na tawanan naming sa loob ng opisina. Nababaliw na yata ako..kanina lang iyak ako ng iyak ngayon naman hindi ako makahinga sa kakatawa.

“Sige, papakilala kita kay Vaughntot sa isang kundisyon”

“ano yun?”

Kunwari nag-isip ako

“Hmmm…ililibre mo ako ng meryenda”

“Shoot!!!Yun lang pala eh”



No comments:

Post a Comment