Thursday, February 02, 2012

After All : Chapter 25

25: Ang Pagkawala ng Minamahal

[Aya’s POV]

May mga bagay na sadyang hindi mo inaasahang darating.
Pangyayaring hindi mo inaasahang mangyayari. Kung minsan ang mga sign na darating satin ay hindi simpleng coincidence lang. minsan ito ay may iniiwang kahulugan at palaisipan.

Pangatlong araw namin sa Australia ng makatanggap ako ng tawag kay West na naaksidente sina Vince at Lieu. Humiwalay pala sila ng lakad at nahulog ang sinasakyan nilang kotse sa bangin. Sumabog ang sasakyan ng mahulog sa bangin.


Dali-dali akong nagbook ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Hindi na mahalaga kung hindi matapos ang competition sa Australia. Mas mahalaga sakin ang boyfriend ko. Agad naman akong sinamahan ni Rhapsody at nung advicer ko sa airport.

Sa ospital agad ako dumiretso pagkagaling sa airport. Sinalubong naman ako ng barkada at agad dinala sa labas ng ICU kung saan nakaconfine si Lieu.

“Nasaan si Vince?” tanong ko sa kanila.

Walang isa man ang nagtangkang sumagot.

Lahat sila nakayuko lang.

“NASAAN SI VINCE???!!!!”

Pakiramdam ko any minute from now sasabog na ako. Bakit ayaw nila magsalita??? Nasaan ang boyfriend ko???

Niyugyog ko ang balikat ni West.

“NASAAN SI VINCE KUYA???” nararamdaman kong pumapatak na ang luha ko.

“Hindi pa natatagpuan yung katawan ni Vince.” Hindi makatinging sabi sakin ni West.

Pakiramdam ko biglang nanghina ang mga tuhod ko. Agad naman akong inalalayan ni Jake para hindi ako bumagsak.

“Malaki ang posibility na patay na si Vince. Bangin ang binagsakan ng sasakyan at masyadong malalim ang dagat sa ibaba. Imposible ng may makasurvive doon. Himala na nga lamang na nakatalon pa si Lieu sa sasakyan bago ito sumabog. Pero natamaan naman siya ng salamin ng sasakyan kaya kailangan niyang operahan.” Kwento pa ni West.

Hindi ako makapaniwala. Ito ba yung sign na naramdaman ko bago ako umalis papuntang Australia?

“It cant be…” nanghihinang sabi ko. “Hindi patay si Vince!!! HINDI PA SIYA PATAY!!! WALA KANG KARAPATANG SABIHIN IYAN!!!”

Unti-unti na akong naghihisterikal katulad ng malaman kong patay na ang parents ko. Iyak na din ako ng iyak at sigaw ng sigaw.

How could this thing happen?

Masaya pa kami bago ako umalis. Sana pala hindi nalang ako pumunta ng Australia baka sakaling hindi nangyari ito.

Kinakailangan pa tuloy tumawag ng doctor ng mga kaibigan ko upang mapakalma ako.

Agad akong tinarakan ng pampatulog dahil sa pagwawala ko.

At pagkatapos noon wala na akong maalala pa.

($_$)


[Lance POV]

Tinawagan ako ni Jake para sabihin ang nagyari kina Lieu at Vince. Kaya naman agad akong sumugod sa ospital kung saan sila nakaconfine. Sinamahan naman ako ni Regine.

 Pagdating ko doon saka ko lang nalaman na hindi pa natatagpuan ang katawan ni Vince.

“May mga rescuers na bang naghahanap?” tanong ko sa kanila.

“Oo. Iyak nga ng iyak yung mommy ni Vince eh. Kaso yung mga rescuers parang suko na kasi imposible daw may makasurvive doon. Baka daw kinain na ng pating  yung katawan kaya hindi na matagpuan.” Sagot naman ni Vaughn.

“Eh si Lieu?”

“Nasa ICU pa siya. Marami kasing fragments ang tumusok sa katawan niya kaya kailanagn niyang operahan.”

“Uuwi from America ang parents ni Lieu para bantayan siya.”

Nanghihinang napaupo nalang ako. Ganun ba ako katagal nawala sa grupo at parang ang dami ng ngyari?

“Does Aya know about it?” mahinang sabi ko.

“Yeah and all the way to Australia lumipad siya rito when she found out what happened.”

Australia?”

Ano namang ginagawa ni Aya sa Australia?

“yeah. May laban kasi siya doon kaso nung nalaman niya hindi na niya tinapos yung laban at umuwi na sya agad dito.”

So nagpunta pala si Aya sa Australia hindi ko pa alam.

“Eh nasaan na siya?”

Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita.

“kinuha siya ng kwarto ni West kasi nung nalaman niya yung nangyari kay Vince bigla nalang siyang naghisterikal at nag-iiyak.”

“just like what happened when their parents died.” Malungkot na sabi ko.

How stupid I am. Hindi ko man lang madamayan si Aya. Naitakip ko nalang yung mga kamay ko sa mukha ko. I feel such a fool.

Agad naman akong inalo ni Regine. Napatingin samin ang mga kaibigan ko. Nagtatanong ang mga mata.

Obligado akong ipakilala si Regine sa kanila.

“Guys this is Regine. Redj, this are my friends Jake, Vaughn, Madz and Avee.” Isa-isa ko silang pinakilala.

Agad namang nakipagkamay si Regine sa mga ito.

“May dalawa pa kaming friends sina JM At West kaso nagbabantay sila kay Aya.Friend din namin.” Paliwanag ni Madz.

“Ahh ganun ba? Ahm..si Aya nakilala ko na.Ikinalulungkot ko yung nangyari.”

Kiming ngiti lang ang iginanti ni Madz.

“Girlfriend mo?” biglang tanong ni Jake

Agad naman itong siniko ni Avee.
“Hindi na dapat tinatanong yun.obvious naman siguro noh?” Mataray na saway nito.

“Ahm…we’re just exclusively dating.” Alanganing sagot ko sa kanila.

Bakit ba hindi ko yata masabi yun ng maayos sa kanila?

Umismid naman si Avee.

“Tsk! Showbiz..ako lang ang showbiz dito noh?!”

Hindi ko nalang sila pinansin.

Ang tumatakbo sa utak ko ay ang sitwasyon ni Aya.

(O_O)


[Aya’s POV]

Kulay puting kisame ang nasilayan ko ng magmulat ako ng mga mata. Pilit kong inaalala ang nangyari at kung bakit ako nandito.

Si Vince..

Bigla na naman sumama ang pakiramdam ko at nagsimula na naman pumatak ang luha ko.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni JM.
“Bhest tama na..wag ka ng umiyak.” Pero nararamdaman kong umiiyak na din siya.

“Bakit nagkaganun?ang lakas lakas pa niya diba? Ang saya saya pa namin pero bakit nagkaganun?”

Para tuloy gusto kong itanong kung bakit parang ang unfair ni God kasi parang lahat nalang ng mahalaga sakin kinukuha niya.

Gusto ba niya ako mag-isa?

Una sina mommy at daddy..

Ngayon naman si Vince.

Hindi ko nga alam kung ano na nangyari sa kanya eh. Pero hanggat hindi nakikita ang katawan niya hindi ako maniniwalang patay na siya. Hindi ako titigil sa pagaantay na babalik siya.

Even it takes forever.

No comments:

Post a Comment