Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 37

37 : The Night to Remember

[Vince POV]

Ito na siguro ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. I asked aya to marry me and she agreed. What else could be?

After ng successful at masayang concert (isama na din ang romantic) ay napagdesisyunan ng barkada na magcelebrate.
Sa bar na pag-aari ni Jake kami nagpunta. Ipinasara ni Jake ang bar para sa amin ng araw na yun.

Kaming buong barkada lang ang nandoon pero nagpunta din sina Queen, Regine, Rhapsody at Ching na naging bahagi ng buhay namin.

“Kampai!!!!” sigaw ko at itinaas ang bote ng alak.

“Kampai!!!!!”


Ang lahat ay masaya. Ngayon nalang ulit nagcelebrate ang barkada na kumpleto kaya naman sobrang ingay namin.

“Grabe ka Vince kaloka yung ginawa mo ah” sabi ni Avee.

“Oo nga sobrang romantic nun”

“Well malaki ang utang na loob ko sa mga boys na tumulong sakin saka syempre sa manager ni Babydoll na si Gia”

Nagpalakpakan naman ang lahat.

“Narinig ko na naman ulit yang babydoll na yan. Naalala ko tuloy ang college days natin. Para tuloy gusto kong kumanta ng Highschool Life” biro ni Jake.

“Adik ka na naman. Highschool life mo mukha mo!!!” at binato ni Vaughn ng mani si Jake.

“Guys kanta tayo highschool life!!!!”

“mag-isa ka!!!”

“ang gugulo niyo” sita ni Lance

“hoy wag kayong magulo natutulog si Lance”

“Regine iwan mo na yan. Antukin yan” sabi ni Lieu. “Ako nalang mahalin mo” dagdag pa nito.

“Lol! Mukha mo” sagot ni Lance at biglang niyakap si Regine.

Nagtawanan naman kaming lahat.

“Brhaw, easy lang, hindi mawawala yan si Regine” sabi ni West

“Oo nga kung makayakap ka wagas eh” dugtong naman ni JM.

“Takot kasi yan si Lance naka magbago bigla ang isip ni Regine at di siya pakasalan” biro ni Jake.

“Ewan ko sa inyo inggit lang kayo.”
“I’m happy for you two” bati ko kina Lance at Regine “At syempre I’m happy for myself too” at niyakap ko si Aya.

“Cheezy!!!!”

“Nakakaumay kayo!!!!”

“Inaantik na kayo sa tamis!!!!”

“Waiter alak pa nga!!!”

Ang gugulo namin. Para kaming mga bata.

Pero nakakatuwa ang bonding naming magkakabarkada.

“Restroom lang ako” biglang sabi ni Queen. “Aya, samahan mo ako”

“Hindi mo ba kaya ng mag-isa ka?” kontra ko.

Pinanlakihan naman ako ng mata ni Queen.

“Hindi ko naman aagawin sayo ang babydoll mo hihiramin ko lang!”

“Isoli mo ah”

“Hmfpt!!!”

“Sama din ako” sabi naman ni Regine at sumunod kina Queen at Aya sa restroom.

“Bakit kaya ang mga babae kailangan may kasama pag pupuntang Restroom ano bang ginagawa nila doon?” kunot-noong tanong ko sa kanila.

“Ano ka ba meeting place nila ang CR sa tsismisan eh”

“Ang pangit naman kung lalaki ang magpapasama sa restroom diba?” kontra ni Rhapsody.

“Oo nga Brhaw…Vince, samahan mo nga ako sa CR….panget nga..hahaha!!!!” pang-aasar ni Jake.

“Mga sira-ulo talaga kayo.”




[Queen’s POV]

Kanina pa ako may nahahalata kaso ayoko lang magsalita and I don’t want to jump into conclusions. Mula pa ng papunta kami dito sa Bar eh pansin ko na ang sweetness ni West dun sa friend nilang si Madz yata ang name nun. Kaya naman naintriga na ako.

Hanggang dito sa Bar eh magkatabi pa silang dalawa at sobrang sweet nila pero mukhang balewala lang naman iyon sa iba naming kasama. Parang hindi big deal sa kanila ang pagiging sweet nila West at Madz.

Kaya naman niyaya ko si Aya sa restroom I just want to confirm something.

“So what’s the big deal Ate Queen?” Aya asked.

“I just want to ask.. Close si Madz saka si West noh?”

“Tagal na”

“Ahm…magbestfriend ba sila?”

“Bestfriend? Hindi noh! Girlfriend ni Kuya si Maddy.”

“What????”

“Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?”

“Kelan pa niya naging girlfriend yun?”

Inilabas muna ni Aya ang make-up kit nito at nagretouch.

“Hey! I’m asking you. Kelan niya pa naging girlfriend iyon?” pangungulit ko sa kanya.

“Tagal na. College palang yata kami nun.”

College? May girlfriend na si West???

“Bakit hindi halata?”

“Hindi halatang ano?”

“Na maggirlfriend-boyfriend sila.”

“Ahh..busy kasi sila pareho. Saka nung college kasi kami hindi allowed si Maddy na magboyfriend kaya palihim lang sila . Minsan nga ako pa ang tumutulong sa kanila para makalabas eh”

May girlfriend na si West???

Pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko.

Peste naman oh!

Kaya ba napakasungit niya sakin? Kasi dedma lang ako sa kanya kasi may girlfriend na siya?

That idea made me feel pain.

Saklap naman oh. Minsan na nga lang maiinlove eh.

“Why are you asking Ate Queen?”

“Wala naman”

Tinitigan ako ni Aya at Regine.

“Could it be you’re inlove with West Queen?” tanong ni Regine.

Ampotek ka Regine!!! Wag mo ng ipaalala sakin at naninikip ang dibdib ko.

“Ako? Inlove? Kay West? Hindi noh!” sinabayan ko pa yun ng tawa at todo iling para effective.

“You can lie to us but not to yourself”

Sabunutan ko kaya itong dalawang ito? Haller??? As if?!

Ako, si Queen Montealegre aamin na inlove dun kay West? No way!!! Lalo pa ngayong may Girlfriend naman pala ang epal na lalaking iyon.

Kasing taas ng Mount everest ang pride ko kaya nunkang aamin ako noh?!

“Masama na bang magtanong?!” Mataray na sabi ko sa kanilang dalawa.

“Masama kung may iba kang gustong malaman”

“Sipain kita dyan Regine eh!”

Hay naku Regine hayyan nalng natin iyang si Ate Queen sa pagsisinungaling niya. Siya din naman ang mahihirapan eh.”

“Oo nga balik na tayo dun sa loob at namimiss ko na si Lance”

“Ako din miss ko na din agad si Vince”

Parang nang-aasar yung dalawa na tinignan ako ng nakakaloko bago lumabas ng Restroom.

GggRRRR!!! Kaasar naman oh!!!

Sipain ko kaya yung dalawang iyon!!! Palibasa maganda ang lovelife nila eh mang-aasar at mang-iinggit na sila.

Bokya naman talaga ang lovelife mo eh.
Tse!!! Isa ka pa ipapatanggal kita sa katawan ko eh.

Minsan na nga lang ako mainlove may sabit pa.

Ang saklap!!!!

Busy ako sa pag-eemote ko sa loob ng restroom ng makarinig ako ng katok mula sa labas.

Sino namang tanga ang kakatok pa sa labas ng restroom kung gagamit? Pwede namang pumasok nalang agad.

“Queen buhay ka pa ba dyan?”

Sh*t! Boses ni West yun ah?

Anong ginagawa ni West sa labas ng CR ng babae?

“Ba-bakit?”

Peste ka Queen! Bakit nauutal ka dyan.

“Sabi kasi ni Aya at Regine hindi daw maganda ang pakiramdam mo eh”

Hhhuuuwwwaaattt???

Anong hindi maganda ang pakiramdam?

Adik yung dalawang iyon ah.

“O-okay lang ako”

“Mukhang hindi ka okay eh. Kanina ko pa nahahalatang nauutal ka”

Naman oh!!! Sabi na sayo Queen itigil mo yang pagkautal mo eh.

“Okay lang ako  sige na baka hinahanap ka na ng GIRLFRIEND mo”

Hindi naman obvious na bitter ako diba?

“Girlfriend???”

“hay naku West ilan ba ang girlfriend mo diba? Sige na baka hinahanap ka na ni Madz at magselos pa yun.”

“Ahh…si Maddy..yeah right..pero okay ka na ba?”

Utang na loob West umalis ka na.

“okay na ako. Sige na.”

Nanahimik na sa labas kaya siguro nakaalis na si West. Hay ang sakit naman oh.

Inis na pinahid ko ang luhang balak sanang tumulo sa mga mata ko.

“Sige subukan mo pumatak at lagot ka sakin!”

Natakot naman yata ang luha ko dahil hindi na siya lumabas.

Inayos ko muna ang make-up ko para di naman obvious na  nagbabantang magwelga ang mga luha ko.

Pero nagulat ako dahil paglabas ko eh nandun pa din si West sa labas ng Restroom.

“Oh? Bakit nandyan ka pa?”

Kibit-balikat lang ang isinagot sakin ni West.

“Sige mauna na ako.”

Iniwan ko na siya sa labas ng restroom baka kasi hindi ko makayanang humarap sa kanya after knowing na may girlfriend na pala siya.

Nagulat nalang ako ng biglang may jacket na napunta sa balikat ko. Paglingon ko si West ang naglagay ng jacket sakin.

Aalisin ko sana ang jacket pero pinigilan niya ako.

“Bakit ba? I dont need this” inis na sabi ko.

Pero lumapit lang si West sakin at hinawakan ako sa balikat sabay bulong sa tenga ko.

“I’m sure you’re going to need it”

Yun lang at iniwan na ako ni West.

Sakto namang nakasalubong ko sina Aya at Regine. Mukhang nagtatago lang ang dalawa.

Inis na hinubad ko ang jacket ni West at ibinigay it okay Aya.

“Bigay mo sa kakambal mo. Pakisabi hindi ko kailangan ito.”

At iniwan ko na silang dalawa. Hinabol naman ako nila Aya at Regine. Hinawakan pa ako ni Regine. Isinuot naman ulit sakin ni Aya ang jacket.

“What do you think you’re doing? Diba sabi ko nga di ko kailangan iyan.”

Tinangka kong tanggalin ang jacket pero mas malakas si Aya.

Nakalimutan ko blackbelter nga pala sa Karate itong babaeng ito.

“at anong balak mong gawin ha? Rumampa ng may tagos ang dress mo?!” mataray na sita sakin ni Aya.

“What?!” sinilip ko ang likuran ng dress ko.

Sh*t may tagos nga ako!!!

“Hindi mo ba alam na may period ka ngayon?” tanong ni Regine.

“Nawala sa isip ko eh”

At iniyakap ko pa ang jacket sa katawan ko dahil ito ang savior ko.

“You should be thankful kay Kuya dahil ipinahiram niya yang jacket niya sayo dahil nakita niyang may tagos ka”

My Gosh!!!! Nakakahiya!!!

Bakit ba sa tuwing magkakaroon ako ng kahihiyan sa buhay ko si West ang nakakasaksi sakin?

“Pero infairness ah ang gentleman ni West. Kasi wala siyang sinabi basta binigay nalang niya sayo yung jacket para hindi ka mapahiya.” Humahangang sabi ni Regine.

“Syempre naman noh! Sobrang bait ng kuya ko”

Tama…I should be thankful to West dahil sa jacket na ito.

Ang bango naman nitong Jacket na ito.

“Uy!!! Inaamoy niya yung Jacket ni West!!!” pang-aasar nung dalawa.

“Teka nga!!! Bakit nandito pa kayo? Akala ko ba babalikan niyo na yung mga Boyfriend niyo???!!!”

“Tinawagan muna namin si West para sabihing masama pakiramdam mo then nag-antay kami ni Regine dito..baka kasi gumawa kayo ng milagro eh” pang-aasar ni Aya.

“Oo nga…para makuhanan namin kayo ng video tapos ibebenta namin..Magkano ka yang kikitain natin dun Aya kapag binenta natin ang scandal ni Queen at West?”

“baka 100 lang”
“ay! Mura lang pala..wag na sayang ang battery ng cam ko”

“Oo nga”

Sarap talagang sipain ng dalawang ito!!!

“Hindi ba kayo titigil ha?!” sabi ko at bigla kong hinabol yung dalawa.

Bigla din namang tumakbo ang mga ito kaya mistula kaming mga bata na naghabulan sa loob ng Bar ni Jake.

Take note!!!

Nakadress at killer heels pa kami nun.

Saan ka pa?!

Kami na mga pasaway.

“Hoy!!! Baka madapa kayo!!!” sita samin ni Lance.

“Oo nga masira pa mga gamit ko dito” biro ni Jake.

“Ui habulan masaya yun Sali ako”

“si Lieu taya!!!”

“Bakit ako? Hala…nandyan na ako..takbo!!!”

Hayyyy!!!! What a day..ay night pala..


No comments:

Post a Comment