Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 38

38: Boring Night Turns to a Memorable Night


[Rhapsody’s POV]

Hay!!! Ang hirap talaga kapag summer walang masyadong customer dito sa shop. Siguro dapat ko ng dagdagan ang business ko.

Ako nga pala si Rhapsody…sa mga nakakakilala sakin..thank you..sa mga hindi wala akong pakialam sa inyo..hehe..joke lang..medyo sisingit lang ako sa kwentong ito. Ang lagay ba eh sila lang? syempre ako din.


Again…I’m Rhapsody Rivera..Raffy for short. Ako yung vice-president ng student council kung saan president noon si Aya…at ako din yung bumasted noon kay Jake.

After graduation ay nagtrabaho ako sa isang opisina kaso hindi ko talaga feel ang office hours…yung 8am-5pm na pasok..tinatamad ako kaya naman ipinursue ko ang hilig ko.

Ang pagnenegosyo. Saka idagdag pang nakaaway ko ang boss ko dahil tinangka ba naman akong manyakin?

Ayun matapos ko siyang bigyan ng isang malupit na uppercut ay binirahan ko siya ng resignation. Oh diba? Ang saya?

Nanghiram muna ako ng puhunan sa parents ko para magtayo ng sarili kong negosyo.
Last three years ago ay nabayaran ko na naman ito ng buo. Isang computer shop ang itinayo kong business since mahilig naman talaga ako sa computer. Punung-puno na nga yata siguro ng radiation ang utak ko eh..hahaha..

Atleast dito sa business ko wala akong amo. Ako pa ang boss dito.

May isa akong tauhang kasama sa pagbabantay yung binatilyong tambay samin. Mukha naman kasing may utak hindi nga lang talaga kayang pag-aralin ng magulang kaya ako na ang nagpapaaral sa kanya.

Hindi naman ako masyadong mabait nun diba? Medyo lang kasi baka kunin ako agad ni Lord eh.

Malapit sa isang school ang computer shop ko. Malakas ang kita kapag may pasok ang mga estudyante pero mahina kapag summer katulad nalang ngayon.

Dalawa lang ang customers ko. Kaya pinatay ko nalang ang ibang computer para tipid sa kuryente. Mahal na ang singil ng Meralco ngayon.

At dahil bored na bored ako ay tinitigan ko nalang ang larawang nakapaskil sa computer ko. At yun ay walang iba kundi ang pinakasikat at gwapong basketball player ng Pilipinas.

Si Vaughn Smith.

Nung isang gabi lang ay nakita ko ulit siya ng personal.

Thanks to Aya na nagkataong kaibigan pala ni Vaughn.

After kasi ng concert ay nagcelebrate sila dahil nadin sa proposal ni Vince kay Aya na talaga namang nakakakilig to the bones. Kahit sinong babae ay kikiligin sa malafairy tale na lovestory nung dalawa. After many heartaches ay naging happy ending din sila sa wakas. And since close kami ni Aya nung college syempre invited ako dun sa party.

Sa isang kilalang bar sa Quezon kami nagpunta. Courtesy of Jake. Hindi ko talaga maimagine na niligawan ako nung taong iyon nung college kami. Hindi ko alam kung anong nakita nun sakin. Pero atleast ngayon mukhang happy siya sa lovelife niya.

At sa party na iyon ko ulit nasilayan ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko. Kahit na nga dedma lang ako sa kanya at mukhang di naman niya ako matatandaan pa. ang mahalaga nakita ko ulit siya sa personal.

Aba?! Hindi yata lahat ng babae sa Pilipinas ay nabibigyan ng pagkakataong masilayan siya..lalo na ngayong super sikat talaga si Vaughn. Idagdag pang habulin siya ng mga babae.

Pero dahil wala naman akong nababalitaang nalilink sa kanya at sabi ni Aya wala naman daw siyang girlfriend…libre ang pagpantasyan siya. Walang magagalit.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong tumama sakin at bakit patay na patay ako sa lalaking iyon. Oo nga at gwapo siya at magaling maglaro ng basketball pero still hindi naman ako ganun kadaling maakit sa lalaki. Pero sa kanya? Unang kita ko palang ay nabighani na talaga ako…love at first site talaga…imagine? Since first year college crush ko na siya?

Kaya naman hanggang ngayon ay sinusubaybayan ko ang lahat ng laban niya., may scrapbook na nga ako na puro tungkol sa kanya eh. Sapat na sakin na makita siya minsan. Masaya na ako dun.

“ate bayad ko” sabi nung isang customer na bata. Masyadong malalim yata ang iniisip ko at hindi ko tuloy siya namalayan.

Hayyy!!! Ang tumal talaga. Makapagsara na nga lang ng maaga. Matutulog nalang ako sa bahay.

Nagulat ako nung biglang tumunog yung bell sa pinto. Ibig sabihin ay may customer na dumating.

“Good evening…sa PC 4 ka nalang..ilang oras?” hindi tumitinging sabi ko sa bagong dating na customer.

Pero imbes na pumunta sa sinabi kong lugar ay lumapit pa ito sa counter area kung saan ako nakapwesto.

“Miss itago mo muna ako sandali ah” sabi nung lalaki.

“bakit? Magnanakaw ka ba?” wala pa ring ganang tanong ko. Hindi ko pa din siya tinitignan.

“hindi ako magnanakaw Miss don’t worry…may mga humahabol lang talaga sakin”

“Siguro nga magnanakaw ka..hahabulin ka ba kung hindi” (Adik ka din Rhaffy..kung magnanakaw yan eh diba dapat tumatawag ka na ng pulis???)

Ayoko tinatamad ako eh…

“miss sige na naman oh” pagmamakaawa pa nung lalaki…”hindi ako masamang tao  promise”

Teka??? Bakit parang pamilyar ang boses na yun sakin???

Nag-angat ako ng paningin para lang magulat sa lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.

Nanlaki bigla ang mga mata ko at napanganga nalang ako…dahil ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi si Vaughn Smith…ang ultimate crush ko!!!

Sumilip si Vaughn sa labas ng bintana.

“Sh*t...ang kukulit talaga!!!”

“Dito ka nalang magtago” ng makabawi ay hinila ko siya papasok sa loob ng counter. Mataas naman yun kaya hindi agad makikita kung titingin ka sa labas.

Agad naman siyang pumasok. Sakto namang pagpasok ng mga taong may dalang camera. Sa tingin ko ay mga media men ang mga ito at balak sigurong i-ambush interview si Vaughn.

Pwes hindi ako makakapayag!!!!

“Goodevening…ano pong kailangan nila?” magalang na bati ko sa mga media men. (todo ngiti pa ako)

“nakita mo ba si Vaughn Smith? Dito kasi siya sa banda rito tumakbo eh?”

“Vaughn Smith??? Talaga??? Nanadito siya??? Nasaan?? Magpapaauthograph ako”

Aba?! Magaling yata akong artista noh?...Para saan pa ang sinalihan kong drama class nung college kung di ko iyon magagamit ngayon?

“Mukhang hindi siya napadpad dito tara boys...hanapin natin sa banda dun...masyadong madulas iyang si Vaughn Smith” sabi nung pinakalider yata nila.

Salamat naman at lumabas din sila. Siniguro ko munang nakalayo sila bago ko sinara ang pinto ng shop.

Binalingan ko ang lalaking nagtatago sa ilalaim ng counter ko.

“Pwede ka ng lumabas wala na sila.”

Lumabas naman ito. Natulala na naman ako dahil sobrang tangkad niya talaga..hanggang balikat lang niya kahit na 5”4 na ang height ko.

“hay salamat naman...pwede ba akong maupo?” (so? Hindi pa siya aalis???masaya yun!!!)

“Sige lang..pasensya ka na sa shop ko”

“Okay lang yun..ako nga ang dapat humingi ng pasensya sayo eh” at ngumiti siya sakin.

OHEMJI!!!! Kinikilig ako!!!! Syet!!! Ibang level na ito.

“Sus! Wala yun...”

Tinitigan akong maigi ni Vaughn…nemen!!! Nagbabush ako wag mo naman akong titigan ng ganyan.

“Ahhh…bakit? May dumi ba ako sa mukha?”

“Wala…you look familiar lang..have we met before?”

So sasabihin ko bang friend ako ng friend niya o hindi???

“Ahh…right!!! Sa party ni Aya…Ikaw si Raffy diba?” (My gosh!!! Natatandaan niya ako!!! Alam niya ang pangalan ko..pwede na akong mamatay!!!!)

Adik!!! Wag muna…masayang moment ito kamatayan ang iniisip mo.!!

“Ako nga iyon…friend ko si Aya”

“Talaga? What a coincidence naman pala…again thank you ah…” (Syet!!! Nginitian na naman niya ako!!!)

Sobrang ieenjoy ko n asana ang moment ko kaso may biglang asungot.

“Ate!!! Extend pa po sa number 5!!!” (Peste kang bata ka!!!!)
Wala na sarado na ako!!” ( Panira ka eh...)

“Ate naman eh...maglelevel-up na ako dito sa nilalaro ko” angal nung bata (pakialam ko ba sayo?!)

“Busy ka yata” sabi ni Vaughn.

“Naku wag mo intindihin iyon.” (dodoblehin ko ang bayad sayong bata ka eh)

“Sige na customer yan…paopen na din ako dito sa PC 4” (hindi pa siya aalis??? Ang saya naman)

“Sure ka?” (nag-iinarte ka pa ba??? Hindi nga siya aalis diba?”)

“yup. Namiss ko din ito eh”

“Sige wait lang ah” at nagmamadali na akong bumalik sa counter para iopen ang PC na gagamitin ni Vaughn at iextend na din ang pesteng bata.

Pinagmamasdan ko si Vaughn habang nagcocomputer. Ang gwapo gwapo niya talaga...at hindi pala totoo ang napapabalitang suplado at mayabang siya.

“Kuya laban tayo!!” aya nung bata kay Vaughn

“Oo ba!!” (Aber??? Close na agad sila ah)

Ang sarap pagmasdan ni Vaughn habang concentrated siya sa laban nila nung pasaway na bata na akal mo eh campionship na ang pinaglalabanan nila.

Kahit siguro magdamag kong titigan si Vaughn ay okay lang...solve na ako dahil nandito si Vaughn sa loob ng shop ko...naaamoy ko ang hanging naaamoy niya...hayyy!!!!

Kaso may isa na namang panira ng moment.

Tunog ng telepono ang pumutol sa pagtitig ko kay Vaughn.

“Hello!!! Alam mo bang nakakaistorbo ka?!” bungad ko sa kabilang linya.

“nakakaistorbo ka dyan eh malamang nakatunganga ka lang dyan sa shop mo eh” mataray na sagot din ng kabilang linya.

“Aya naman eh!!! Di ba busy ka? Bakit ka tumatawag??”

Sa ibang pagkakataon siguro matutuwa ako na tumawag si Aya pero hindi ngayon.

“Aya naman eh..alam mo bang it’s a matter of life and death??” pabulong na sabi ko sa kanya baka kasi marinig ako ni Vaughn.

Pero mukhang Malabo dahil concentrated pa din siya.

“Life and death ka dyan! Hoy! Pumunta ka sa bahay bukas ah…babalik na kasi ako sa Japan sa makalawa kaya magkakaroon ng barbeque party sa bahay..night swimming yun sa Tagaytay tayo”

“Akala ko ba sa bahay niyo? Bakit sa Tagaytay ang swimming?” (gulo kausap nitong si Aya)

“Sa Tagaytay nga…sa resthouse namin dun…kaya sa bahay ka pumunta kasi malamang hindi mo naman alam papuntang Tagaytay eh” (pansin ko lang ah mas nagging makulit yata si Aya? Dahil ba hindi na sya brokenhearted?? Pag-ibig nga naman)

“Oo na…nang-aaway ka pa eh..what time ba?”

“punta ka dito ng 7am..kasi 9am tayo aalis”

“bakit 7am ako pupunta eh 9am pa pala ang alis?”

“dahil isa ka ding tamad na tao at di kumikilala ng tamang oras eh..okay??? sige na babu na..ingat ka dyan sa life and death matter mo okay”

“bye..” at ibinaba ko na ang telepono.

Babalik na pala si Aya sa Japan.

Paano na kaya ang sitwasyon nilang dalawa ni Vince?

Hayy!!! Bahala sila sa buhay nila malaki na sila.

Ako naman ieenjoy ko muna ang buhay ko ngayong gabi at nakapangalumbabang tinitigan ko ang lalaking dati ay sa malayo ko lang tinatanaw.




No comments:

Post a Comment