Sunday, February 26, 2012

After All : Chapter 45


45 : Let’s take it slow…so SLOW..



[Queen’s POV]



Busy ako sa nalalapit na kasal nila Regine at Lance dahil ang boutique ko ang napili ni Regine na gumawa ng gown niya at ng mga kasali sa entourage.



Natural lang naman iyon dahil bukod sa kaibigan nila ako ay pinsan ko pa si Lance.



Ang sekretarya ni Lance na si Jiyeon ang katu-katulong ni Regine sa pag-aayos ng detalye sa kasal.



Ayaw niya kasing kumuha ng wedding planner eh. Mas gusto niya daw na hands down siya sa kasal niya.



Kunsabagay minsan lang naman kasi siya ikakasal eh.



Maliban na lang kung papatayin niya si Lance o hihiwalayan which is I doubt kung mangyari.





Nabalitaan ko na umalis na din pala ng Pilipinas si Madz.



Sa America na din yata sila magpapakasal ng mapapangasawa niya. Hindi na rin siguro siya makaka-attend ng wedding.



Kaya tuloy para kaming hilong talilong ng staff ko dahil isa’t kalahating buwan lang ang natitira sa aming oras.


“Yung mga abay nasukatan niyo naba? Yung mga ninang at ninong okay naba?” tarantang tanong ko sa staff ko.



Hanggat maaari sana ay ayoko silang ipressure o ipakita sa kanila na natataranta ako dahil mas lalo silang natataranta eh.



Pero kailangan ko talagang mag triple time eh.



“Ano ba? Yung tela okay naba?”



“Okay na po Mam…sinusukatan na din po ni Mitchie yung ibang ninang at ninong.”



“My God!!! Kailangan matapos iyon. At baka araw na ng kasal eh wala pang damit ang mga tao dun.”



“Ginagawa naman po namin lahat mam eh.”



“sige salamat. Pasensya na kayo. Mas kinakabahan pa yata ako kesa sa bride eh.” Nanghihinang napaupo ako sa likod ng mesa.



“mas lalo pa siguro mam kung kayo na ang ikakasal noh?”



“Sinabi mo pa”



Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng design ng wedding gown.



Wala pa kasing napipili si Regine eh.



“Mam may bisita po kayo” tawag-pansin sakin ng tauhan ko.



“Pakisabi busy ako. Bumalik na lang siya bukas o di kaya next year.” Hindi lumilingong sagot ko at ipinagpatuloy ang pagdodrowing.



Pero nagulat nalang ako ng may biglang humablot ng papel sa table ko.



“Hey!!! Ano ba yan?!” galit na sita ko sa kung sino mang gumawa nun.



Pero ganun nalang ang gulat ko ng mapansing si West ang nakatayo sa harapan ko at nakakunot ang noo.



“ikaw ba ang naghahanap sakin? Wala akong time makipagasaran sayo at busy ako. Bumalik ka nalang sa susunod. At akin na yang papel na yan at madami pa akong tatapusin.” Angal ko sa kanya at pilit inaagaw ang papel na hawak niya.



Pero itinataas niya lang ito lalo. At dahil mas matangkad siya sakin ay hindi ko talaga makuha ang papel sa kanya.



“Ano ka ba West akin na iyan!!!” tumatalon talon pa ako para lang maabot ko yung hawak niyang papel. “Madami pa akong gagawin eh”



“Sabi ng secretary mo hindi ka pa nga daw kumakain eh..papatayin mo ba ang sarili mo? Baka hindi pa kasal nila Lance eh hinimatay ka na sa sobrang pagod at gutom”



“Eh ano bang pakialam mo?” pilit ko pa ding inaabot ang papel.



“May pakialam ako dahil baka mamaya eh dun ka pa sa araw ng kasal magkalat”



“ang sama ng ugali mo ah!” dahil hindi ko talaga makuha ang papel ay hinampas ko nalang siya sa dibdib sa sobrang gigil.



Napasapo naman si West sa dibdib niya.



Mukhang masyado yatang masakit ang pagkakahampas ko dahil animo nabalian siya ng rib cage.



“Uy! West!! Ang arte mo ah..hindi naman masakit iyon eh”



“Ikaw kaya hampasin ko sa dibdib dyan tignan ko kung hindi masakit!!!” sagot nito at tumingin sag awing dibdib ko.



Agad ko namang tinakpan ng kamay ko ang dibdib ko na parang sa pagtingin niyang iyon eh makikita niya ang itinatago ko.



“Ang manyak mo ah!!!”



“Ano namang kamanyakan dun ah?! Ikaw kung makahampas ka wagas eh tapos ako para napatingin lang sa dibdib mo manyak na agad?!”



“Syempre babae ako!!! Walang malisya kahit hampas hampasin ko pa yang dibdib mo”



“Unfair kamo kayong mga babae!!! Kapag kayo ang nangyayakap samin o nanghihipo hindi naming kayo pwedeng kasuhan ng sexual harassment. Samantalang kami mapapatingin lang kami sa inyo kakasuhan na agad kami. Napakaunfair!!!” todo iling pa talaga itong si West.



“Grabe ah!!! Ang OA mo!!! Kahit hipuan o yakapin o himasin pa naming ang katawan niyo walang mawawala sa inyo..eh sa amin meron!!!”



“Anong wala?! May mawawala sa amin noh! Yung dangal namin!!!”



“Wow!!! Makadangal wagas ah!!!”



Hindi ko alam kung paano napunta ang usapan namin sa ganoong topic.



Kung paanong ang simple at inosenteng hampas ko sa kanya eh napunta sa dangal na iyon.



Ang weird.



Nakita kong hindi na nakataas ang papel na hawak ni West kaya tangka ko na sanang kukunin iyon pero agad namang naiwas ito ni West at agad na itinaas.



Hindi pa nakuntento ay ikinulong niya ako sa isang kamay niyang bakante at isinandal sa pader ng opisina ko.



Napatitig naman ako sa kanya.



Heto na naman kami. Napakalapit na naman ng mukha niya sakin.



“Kapag sinabi kong hindi pwede…wag ka ng makulit ah.” Sabi nito sa pagitan namin.



Isang pulgada lang yata ang pagitan ng mukha namin at nakalapat ang katawan ko sa pader. Nararamdaman ko ang katawan niya.



“West..anong…ginagawa mo?” pigil ang hiningang tanong ko sa kanya.



“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan Queen…anong ginagawa mo sakin.” Hindi inaalis ang tinging sabi niya sakin.



“Bakit? Ano bang ginawa ko sayo? Ikaw nga itong bigla nalang nanggulo sa mundo ko eh”



Aba?! Ako pa daw ang tanungin eh siya nga itong pupunta-punta dito sa office eh nananahimik ako.



“Bigla ka nalang bumalik ng Pilipinas….bigla mong ginulo ang takbo ng buhay ko…sorry pero hindi ko na kayang pigilin pa ang sarili ko”



With that he pressed his body against mine and kissed me.



Shocks!!!! Is it really happening?



I try to pinch myself to know that I’m not dreaming.



Ouch!!! It hurts. So it’s really true.



William “WEST” Montreal is kissing me.!!!


I cant control my feelings anymore.



I closed my eyes and wrapped my hands around his neck as I enjoy kissing him.



His hands slowly touching my face….down to my neck…down to my shoulders…slowly caressing them…while my hands are exploring his broad chest…



“Mam…eto na po yung measurements ng mga---“



Napatigil ang sekretarya ko ng makita kaming dalawa ni West in the art of kissing.



Nahihiyang agad namang kaming naghiwalay.



“Naku Mam…sorry po…promise po wala akong nakita” nakatalikod na sabi nito.



Namumula naman ang mukha kong umiwas kay West.



“It’s okay Sally..may kailangan ka ba?”



“eto po Mam” nakatalikod pa din si Sally na inabot sakin ang papel “iyan na po yung measurements nung mga ninang at ninong”



“Oh? Eh bakit sakin mo ibinibigay? Ako ba ang magtatahi?”



“Eh akala ko kasi mam kailangan niyo eh”



“dun mo na iyan ibigay sa magtatahi…at pwede ba Sally humarap ka sakin para kang sira niyan” natatawang sabi ko sa kanya.



Agad namang humarap sakin si Sally.



“Sige po Mam…ibibigay ko na po itong papel” akmang lalabas na ito ng lumingon ulit sakin “Mam..promise po wala akong nakita”



“Ewan ko sayo..sige na umalis ka na”



Naiwan naman kami ni West sa loob ng opisina. Pakiramdam ko ay ang liit ng espasyo ng office ko para saming dalawa.



Hindi ko din alam kung paano babasagin ang katahimikang dumaan samin.



Maya maya ay tumayo si West mula sa pagkakasandal sa mesa at inilapag sa table ko ang papel na hawak niya.



Tara…let’s eat” yaya nito at hinawakan bigla ang kamay ko.



I cant say a word…muli para akong naging sunod-sunuran na naman sa kung anong gustuhin niya.



Napatingin ako sa magkahumpong naming kamay.



It’s the second time we held hands. And still feel’s warm.



Lumabas na kami ng opisina ko.



Nilapitan ni West si Sally while still holding my hand.


“You’re Sally right? Hiramin ko muna ang boss niyo ah..pakakainin ko muna at nangangayayat na eh” nakangiting paalam nito.



Sally look mesmerized while seeing West smile.



Kahit sino naman yata eh matutulala kapag nakakita ng ganito kagwapong lalaki at ngingitian ka pa diba?



“Sige lang Sir…kahit wag niyo na isoli eh” biro ni Sally.



“Sally gusto mong mawalan ng trabaho?” tanong ko sa atribidang secretary ko.



“Okay lang Mam…kung ang kapalit naman nun ay mapapasakin ang boyfriend niyo”



“ambisyosa ka…feeling mo ibibigay ko?” before I know it di ko na napigilan ang sarili ko.



Nahuli ko pa tuloy ang pigil na ngiti ni West.



Gosh!! Ano ba itong nasabi ko. Sabi ko na eh…ang isda nahuhuli sa sariling bibig.



Hay!!! Kaasar aman oh!



“Sige…magpapadeliver nalang ako sa inyo ng makakain niyo..mukhang mga busy kayo eh” nakangiti pa ding sabi ni West sa mga tauhan ko.



“Sir…pwede bang ikaw nalang ang i-take-out ko?” biro ng staff kong bading na si Mitchie.


Bigla nalang akong hinila palabas ng boutique ni West.



Mukha ngang natakot siyang i-take-out ni Mitchie

.

Ang lakas tuloy ng tawa ko sa naging hitsura niya.



Daig niya pa ang hinahabol ng sampung kabayo sa sobrang pagmamadali na makaalis kami dun.



* * *



Sa isang restaurant kami nakarating ni West kung saan ang specialty ay Seafoods.



Pagkakita sa pagkain ay agd na kumalam ang sikmura ko.



Mukhang narinig yata iyon ni West kasi sumama ang tingin niya sakin.



“Sorry ha?! Bawal ba ang mag-ingay ang tyan dito?”



“hindi ka kasi kumakain eh”



Agad na tinawag ni West ang waiter para kunin ang order namin.



“Spicy Salmon with Caramelized onions, Fried creole catfish, Japanese style deep fried shrimp and miso soup…one order each…as for the drinks two lemon juice..” Sabi nito sa waiter.


Nanlalaki ang matang napatingin ako kay West.



“Bakit ang dami mong inorder ha?! Huling hapunan mo na ba ito?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.



“Anong para sakin? Para sa iyo yun noh. Kumain ka. Mukha ka ng tingting.”



“Escuseeeeeee meeeeee!!!!! Di ako payat noh!!! Ang tawag dito Slim..okay??? SLIM!!! Capital S-L-I-M”



“Makapagreact ah..kumain ka nalang…ayoko ng payat na girlfriend”



I rolled my eyeballs. Kabadtrip itong lalaking ito ah.



“Eh ano namang pakialam ko kung ayaw mo ng payat na girlfriend???”



Tinignan ako ni West na parang…..ewan…di ko alam yung tinging iyon eh...Pero parang ganun ang tingin ni Lance kapag sinasabi niyang ang tanga ko.



“Hoy!!! Di ako tanga noh!!!”



“Bakit??? Sinabi ko bang tanga ka?”



“Hindi nga..pero yung tingin mo sakin ganun ang ibig sabihin.”



“Ewan ko sayo….ang slow..


“anong sinasabi mo?”



“Wala….kumain ka na”



“Anong kakainin ko? Yung plato?”



“Try mo na ding isama yung baso at kutsara para mabusog ka”



Aba naman oh!!!! Sisipain ko na itong lalaking ito eh.



Maya-maya ay dumating na ang napakarami niyang inorder na pagkain.



“Paano natin uubusin lahat iyan?” mataray na tanong ko sa kanya.



“Try mong itapon para maubos agad para wala ka ng problema” supladong sagot nito.



“Bakit ba ang sungit mo ah?” sita ko sa kanya.



“Eh bakit ba ang manhid mo?” ganti nito.



“Ako???” tinuro ko pa talaga ang sarili ko. “ako pa ang manhid ngayon ah”



Eh mahal ko nga siya eh pero di niya naman alam…sino kaya saming dalawa ang manhid?



“Hindi ka lang manhid…slow ka pa…siguro nung nagkaroon ng buy 1 take 1 ng pagigung slow at manhid…nangunguna ka sa pumila para bumili.”


“Sumusobra ka na ah!!!”



“Ewan ko sayo.”



Tignan mo itong lalaking ito. Basta nalang ako dinedma.



Nagsimula na din akong kumain.



* * *



“ Bakit ka nag pala pumunta sa boutique?” pagkatapos kumain ay tanong ko sa kanya.



Hindi ko maintindihan kung paanong nangyaring naubos namin ang napakaraming inorder ni West na pagkain. Kaya tuloy ngayon sobrang bigat na ng tyan ko. Ngayon nalang ako ulit nakakain ng ganito karami.



“Tumawag sakin si Aya…sinabi niya ibigay ko daw sayo yung measurement niya.”



“Yun lang??? pumunta ka sa boutique para lang dun eh pwede ka na namang tumawag nalang sakin. Inistorbo mo pa ako” mataray na sabi ko sa kanya.



“matapos kitang pakainin ganyan pa ang sasabihin mo sakin?” di makapaniwalang tanong niya sakin.



“Ay sorry ah!!! Babayaran ko sayo lahat ng nagastos mo ngayon.” Irap ko.



“ hindi mo ako mababayaran noh…dahil kapag binayaran mo ako isasama ko dun pati ang interes at Vat.”


“Wow grabe ka ah…alam mo…malulugi siguro ang Banko Sentral ng Pilipinas pero hindi ang isang William Montreal”



“kailangan ko yun noh. Kailangan marami akong pera pag pinakasalan kita dahil demanding ka”



“Anong sinabi mo??? Bakit mo naman ako pakakasalan ha?”



“Pwede bang gamitin mo nga yang common sense mo!” iritableng sita niya sakin.



“Ano naman kinalaman ng Common Sense sa pinag-uusapan natin?”



Ewan ko ba kung ignorante akong talaga o sadyang tanga lang talaga ako para di maintindihan ang gustong ipahiwatig ni West.



“Hay ewan ko sayo…slow!!!”



Kanina pa itong lalaking ito na slow ng slow sakin ah.



Ano bang ka-slowan dun?





* * *



[West POV]



Bakit ba may mga taong sobrang slow???



Lahat na ng damoves ginawa ko na pero di pa din maintindihan.



Hay Ewan!!!


No comments:

Post a Comment