[Angel on Earth]
Uma-alingawngaw ang malakas na halakhakan ng magkakaibigang sina Jen, Tintin, Trish, Sam at Mitch sa bahaging iyon ng kanilang eskwelahan.
Doon sa ilalaim ng punong mangga na nakatayo sa malapit sa main gate ng campus kung saan ay paborito nilang tambayan kapag wala silang mga klase.
Una, dahil tila pinagtagpo sila ng tadhana na magkakila-kilala noong highschool students palang sila sa isang exclusive school na lahat sila’y may nakakabit na “Angel” sa kanilang pangalan.
“Angel Jennylyn” , “Angelique Cristine”, “Angela Tricia”, “Samantha Angeline” , at “ Michelle Angelica”.
Ikalawa, naniniwala silang mga cute at intelligent sila o beauty and brains.
Iniingatan talaga nila ang kanilang friendship kaya naman kahit hanggang ngayong college na sila ay matatag padin ang kanilang barkada.
Heto nga at sama-sama sila sa iisang university na nag-aaral kahit na iba-iba man sila ng course na kinuha.
Sa campus ground na iyon sila nagsasama-sama. Iyon ang saksi kung paano sila magkasayaha, magkulitan, magkwentuhan, at kung ano-ano pang kalokohan.
Tulad na lamang ngayon.
Nagkukwentuhan na naman silang walang humpay.
JEN : Hay naku girls, basta ako ang mahihiling ko lang ay makita ko na ang right guy for me. ( at animo isang nangangarap na baliw pa siya sa ginagawa niya)
TRISH : Alin? Yung tall, dark and handsome? As in Prince Charming in the fairy tales?
JEN : yeah..Parang ganun na nga.
SAM : Jen? Hindi ba parang napakatanda mo na para maniwala pa sa mga prince charming at fairy tales na yan?
JEN : Hallleeerrrr???? FYI… I’m only 17 years old noh! Anong napakatanda ang sinasabi mo dyan ha?”
SAM : Yun na nga eh.. 17 ka na pero kung umasta ka eh akala mo daig mo pa ang 7 years old. Saka pambata lang ang fairy tales…at ang mga Prince Charming nay an hindi sila nag-eexist sa totoong buhay. Hanggang libro nalang sila.
MITCH : Depende naman yan sa tao eh. As long as you believe walang masama dun.
TINTIN : Oo nga..wala naming masama kung maniniwala man kami na may Prince Charming sa totoong buhay ah.
SAM : Ok fine! Isa lang ako apat kayo anong laban ko?
TRISH : Hindi ako kasali dyan ah..wala akong pinaniniwalaan eh. Nanay ko lang.
Dahil sa sinabing iyon ni Trish muling inulang ng tawana ang bahaging iyon ng eskwelahan.
Natigil sa pagtatawanan ang magkakaibigan ng matanawan nila ang grupo ng mga kababaihan na parang may pinagkakaguluhan.
JEN : girls, ano yun?
TINTIN : ewan ko..halika makitingin tayo (at nagpauna na siya sa paglapit sa kumpulan ng mga estudyanteng babae)
Nagsunuran na lang din silang apat kay Tintin.
Paglapit nila ay isang lalaki ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng animo hindi maihing pusa sa kilig.
Saktong napatingin ito sa kanila at saglit na nagtama ang paningin ni Jen at nung lalaki.
At hindi lang naman pala siya basta lalaki.
Dahil isang napakagwapong nilalang yata siya ng diyos na bumaba sa lupa.
Ngumiti ang lalaki kay Jen na agad naming ikinapula ng mukha ng dalaga.
Dahil sa naramdaman ay agad ng hinila ni Jen ang mga kaibigan palayo sa lugar na yon.
JEN : girls, wag na tayo dito..lalaki lang pala akala ko naman kung ano na.
SAM : Oo nga..walang kwenta.
At umalis na sila sa lugar na iyon.
Bumalik na sila sa dating kinauupuan.
Nagkukwentuhan na naman sila pero this time ang topic ng usapan ay yung lalaking nakita nila.
TINTIN : Pero girls ha!!! Infairness ang gwapo gwapo niya!!! To the highest level.
MITCH : At feel mong maging Papa!!! (agaw ni Mitch sa sasabihin pa sana ni Tintin)
TINTIN : Parang… ( at kuntodo hagikgik pa ang babaeng ito)
JEN : Wala ka namang hindi feel eh…basta nakapantalon feel mong maging Papa.
SAM : oo nga..suotan mo ng pantalon yung poste at papatusin niyan.
Si Tintin kasi ang kaibigan kong napakahilig sa lalaki. Yung tipong lahat nalang crush niya. Ganun…ewan ko nga ba kung bakit hanggang ngayon eh wala pa ding boyfriend yang babaeng iyan. Puro siya crush lang.
TINTIN : Hindi naman masyado…poste yun eh..walang feelings yun..saka sa tingin ko mas bagay si Jen dun sa lalaki kanina.
JEN : Oh? Bakit naman sakin? Eh hindi ko naman type yun.
TRISH : Bakit naman Jen? Eh parang Prince charming naman ang dating niya ah. Tall, dark and handsome.
JEN : Prince charming nga. Kaso kung siya ang magiging prince charming ko eh tiyak na luha lang aabutin ko dun.
MITCH : Bakit naman Jen?
JEN : Kasi tignan mo ah. Habulin iyon ng babae. Campus figure ika nga..tiyak na kapag nagging kami nun marami akong kaagaw sa kanya eh di kawawa naman ako di ba pag nagkataon?
TRISH : magdrama daw ba?
SAM : Alam mo girl ang lakas umandar ng imagination mo..hindi ko mareach..hindi mo pa nga nakikilala yung lalaking iyon…iniisip mo na agad kung anong mangyayari kapag nagging kayo??? Grabe ka girl ah..Yun ba ang hindi mo type???
TINTIN : Siguro type mo yun noh? Nagsisinungaling kalang na hindi mo siya type.
JEN : hindi kaya.!!! Di ko nga kilala yun eh (todo deny pa talaga ako)
MITCH : Uy!!! Si Jen nagbablush…type niya nga yung guy kanina..
Nauwi na naman sila sa tawanan. Pero this time ako ang pinagtatawanan nila.
Napatingin sa relo si Mitch. Five to ten minutes nalang magsisimula na ang klase nito kaya naman agad na siyang nagpaalam samin.
MITCH : paano girls..GTG na..may klase na ako.
SAM : Yeah..kami din ni Tintin may klase na din eh.
JEN : Sige..ingat kayo..uwi na kami ni Trish.
TRISH : Bye..bye..ingat kayo.
Nang makaalis na ang tatlo ay tumayo na din sina Jen at Trish upang umuwi na.
TRISH : Tara na Jen..uwi na tayo.
JEN : sige..para makapag-online na din ako.
TRISH : makikipagchat ka na naman.
JEN : Ganun talaga.
At nagtatawanang lumabas na sila ng eskwelahan.
No comments:
Post a Comment