Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 5

[Jake’s POV]

Present time…


Halatang umiiwas si JM na pag-usapan naming si Lieu. Ang swerte naman ng kumag na iyon at nagkagusto sa kanya si JM.


Well, I’m not saying na hindi deserving si Lieu pero para kasing hindi niya kayang suklian yung feelings ni JM for him…well siguro nga hindi sya deserving..hahaha…ang gulo ko din noh? Bakit ko ba iniinvolved ang sarili ko sa lovelife nilang dalawa?


Number one rule pa naman sa barkada na “When it comes to others people affairs, never interfere.”


So I will stick my nose out of it.


Pero hindi ko kasi talaga kayang magbulagbulagan lang eh. Kung pwede ko nga lang offeran ng ibang lalaki itong si JM ginawa ko na.



Napatingin ako sa pinto ng ice cream parlor.


Nagulat ako nang makita si Lance na may kasamang ibang babae. I don’t know the girl but I’m sure hindi si Aya yun.


Napatingin ako kay JM. Seems like napansin din pala niya si Lance. Sabay pa kaming nagkatinginan ng makahulugan.


[Queen’s POV]


“ Hay naku!! Bakit mo naman hinayaang umalis si Aya?” paninisi ko kay Lance habang papasok kami sa loob ng ice cream parlor.


If there’s one thing that I’m craving about it’s ice cream. Yan ang pagkain na never kong pinagsawaan kaya nga sa ice cream parlor agad ako nagyaya nung dumating si Lance. Sayang nga lang at umalis na si Aya.


“Busy nga sya diba?” hindi makatinging sagot sakin ni Lance.


Hay naku!!! Kahit na matagal akong nawala sa Pilipinas eh kilala ko pa rin itong pinsan ko kaya 
alam ko may itinatago ito sakin.


“Don’t give me that crap Lance. We both know well that it’s not the reason. I know you two for a very long time so I won’t accept such lame reason.” (ohhh!!! Goodluck naman sakin diba?)


Hindi ako sinagot ng pinsan ko. Well whats new? Eh isa ito sa pinakasupladong taong kilala ko.


“why are you two avoiding each other?”


“There are things better to be left that way.” (so ganun masyadong makahulugan ang sagot nito ah)


Pero alam ko na ang sagot.


Those two love each other but because of some circumstances they decided to avoid each other and throw away the feelings than to fight for it.


Ohhh stupid love.


Napailing nalang ako.


That’s why I don’t want to fall in-love again. Many people do stupid things because of being in-
love. And sad to say I was once that stupid victim of cupid.


I hurriedly brush away in my mind the image of the boy who breaks my heart.


Pumasok na kami sa loob ng ice cream parlor. I choose the seat away from other customers. 


Bigla kasi akong nakaramdam ng pagiging EMO.


After we order silence came between Lance and me.


Asa pa ako eh hindi naman talaga palaimik itong pinsan ko.


“Kumusta na kaya siya?” hindi ko na mapigilang itanong.


Pero mukhang napalakas ang pagkakasabi ko kasi napatingin sakin ang pinsan ko.


“Who?” (ngekk???patay!!!)


“ahh…si ano….si… ayun!!! Si Yaya Ena!!! Kumusta na kaya si Yaya…hehehe…” (hay!! Queen buti nalang at matalino ka at agad kang nakaisip ng sagot…kahit ganyan kasi yan si Lance eh ushuserong froggy din yan eh)


“ Si Yaya? Okay naman. Bakit kaya hindi mo sya dalawin mamaya” suggest ni Lance.


Hayy!! Salamat buti nalang at naniwala.


“You gave me an idea, Yeah puntahan ko siya mamaya I’m sure she would be trilled to see me again.” Ngiting-asong sabi ko. Pero sa isip ko Hindi naman si Yaya Ena ang gusto kong makita it was Aya’s twin brother


Si William “West” Montreal.


Bigla nalang ako natawa sa naisip ko. Kung mayroon mang naging biktima ng pagiging bully at mean ko nung kabataan ko yun ay walang iba kundi si West. Siya kasi ang favorite kong pagtripan nun eh.


Malamang kapag nalaman ni West na nandito na ako sa Pilipinas eh hindi na lumabas ng bahay yun at pagtaguan nalang ako. Malaki trauma sakin nun eh.


I wonder kung ano na kayang hitsura ngayon ni West?


Siguro gwapo pa rin yun. Dati pa naman kasing gwapo yun si kaya lang napakalamya eh. Mas astigin pa si Aya kumilos sa kanya eh.


Then Bigla nalang akong nakaramdam ng uneasiness. Alam niyo yung pakiramdam na may nagmamasid sayo?


Shit!!! Don’t tell me may nakakilala sakin dito at iniistalk ako?


Bigla akong kinabahan at pasimple akong lumingon sa paligid.


Mukha namang walang kahina-hinala ang kilos sa mga tao rito.


Pero sa left side ko may kumuha ng atensyon ko. May isang lalaki at babae kasing nakatingin samin pero agad umiwas ng tingin ng mapatingin ako.


Napatingin ako kay Lance. Mukha namang wala syang pakialam sa paligid niya.


Sa sulok ng mata ko tinignan ko ang parehang nakita ko. Nakatingin pa ulit sila samin. Kinalabit ko na si Lance.


“Oh?” ( kita mo ng reaksyon niyan?)


Pasimple kong tinuro yung parehang nakita ko.


“You see that pair on the left side kanina pa nila ako tinitignan umalis na tayo rito dahil baka stalker ko yang mga yan.” Bulong ko kay Lance.


Tinignan naman ni Lance ang tinuro ko. (Grabe pwede bang pasimple lang?)


Bigla nalang nakakalokong ngumiti si Lance.


“Sorry to break your illusion Cuz, pero hindi ikaw ang tinitignan nila kundi ako.” (At bakit ikaw???Sikat ka ba???)


Napataas ang kilay na tinignan ko si Lance.


“Serious?”



“Yeah” sabi ni Lance at kinawayan ang babae at lalakeng nakita kong tumitingin samin.


Gumanti naman ng kaway ang mga ito. Kilala nga siguro ni Lance.


“Mga barkada ko yan.” Siguro nabasa ni Lance ang iniisip ko. May lahi bang Psychic ito??


Muli akong napatingin sa pareha. Pero mas nagtagal ang tingin ko dun sa guy. He looks familiar to me.


Parang si….


“Honeybunch, what’s the name of your friends?” (Syempre friends para di naman obvious na interesado ako dun sa guy.isama ko na din yung girl.)


“the girl is JM..the boy is Jake.”


“Wala ba silang apelyido?” sarkastikong sabi ko.


“Tsk! Bakit mo ba itinatanong?” kunot-noong tanong ni Lance. (Hay naku hindi ba pwedeng sagutin nalang yung tanong ko?)


“Masama ba??” mataray na tanong ko. (dapat dito kay Lance sinisindak eh)


“Si JM Navarro. Si Jake Suarez” iritableng sagot nito.


Shit!!! Suarez???


Wait Queen…Maraming Suarez sa mundo.


“Honeybunch anong tunay na pangalan nung Jake?” medyo kinakabahan na ako.


“Nakakahalata na ako ah!!!” inis na sabi sakin ni Lance. (Naku!!! Sarap bangasan ng mukha nitong pinsan ko eh. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa kagwapuhan nito binangasan ko na ito.)


“Sagutin mo nalang ang tanong ko kung ayaw mong sapakin kita dyan.” Pananakot ko.


“Tsk!!! Alam ba ng managers mo at mga fans kung gaano ka kabayolente?” Naiiling na sabi pa nito. (nang-aasar yata ito eh.konti nalang…babangasan ko na talaga itong lalaking ito.)


“Lance!!!”


“Oo na.. James Kenneth Suarez ang buong pangalan niyan ni Jake. 22 years old Marketing Student ng CSL. Ano pang gusto mong malaman?” asar na sabi ng pinsan ko. (Magsasalita din naman pala ang dami pang che-che bureche!!)


“James Kenneth? Wala. I thought he’s…” hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Ayoko na kasing mag-isip pa ng kung anu-ano si Lance.


Nakasimangot na ipinagpatuloy nalang ni Lance ang pagkain ng ice cream.


My Gosh!!! It’s been 5years since I last saw him.


James Kenneth Suarez…


James…


I feel a silent thump in my heart when I saw him talking with that girl. Who’s that girl???!!! Is he his Girlfriend??


Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Mukha namang nagulat si Lance kaya napatingin siya sakin.


“Where are you going?” tanong nito.


“I’m gonna meet your friends” nakangiting sabi ko at lumapit sa table nila James at nung kasama niyang babae.


Agad naman akong sinundan ni Lance. Natakot yatang mageskandalo ako rito. Hehehehe.


“Why are you following me?”


“Baka sakaling may gawin kang hindi maganda eh kakaladkarin kita palabas ng tindahang ito.” Banta sakin ni Lance.


Hallleerrr??? Ako??si Queen Richelle Montealegre gagawa ng eskandalo??? Of Course……not!!! Hehehehe.




(o_*)


[JM’s POV]


Kanina pa namin tinitignan ni Jake si Lance at yung kasama niyang babae. Grabe ang tangkad at ang ganda niya. Siya ba ang bagong babae sa buhay ni Lance?


“ang ganda niya no?” sabi ko kay Jake.


“Sakto lang.” (Sakto lang??? bulag ba itong si Jake?)


“Mukha syang maarte. Saka OA” dugtong pa ni Jake. (ha? Maarte?OA? ano bang sinasabi nitong si Jake?)


“Ewan ko sayo. Hirap mong kausap.” Muli akong napatingin sa kanya. Ewan ko ba parang pamilyar sakin yung mukha nung girl na kasama ni Lance. Parang nakita ko na siya somewhere di ko lang maalala.


Nagulat ako nung bigla siyang tumayo at sumunod naman si Lance. Agad akong nag-iwas ng tingin pero sa gilid ng mata ko nakita ko na palapit sila sa amin.


“Hi” bati samin nung girl. (Don’t tell me magagalit ito kasi tinitignan ko siya?)


Napatingin naman kami ni Jake sa kanya.


“Hello.” Bati ko din. (Baka masabihan wala akong manners eh.)


“It seems your Lance friends. I just want to meet you guys. By the way I’m Queen” pagpapakilala nito. (well she seems nice)


Agad naman akong tumayo ang accept her handshake.


“Nice name. I’m JM” (well it’s not everytime I encountered a person with the name of Queen.)


“Thanks. Hindi kasi nakuntento ang mommy ko sa Princess lang eh kaya Queen ang ipinangalan niya sakin..hahahahahaha” (nakakatawa naman itong babaeng ito parang ako lang din)


“Bagay naman sayo ang name mo eh” sabi ko sa kanya.


“Ui thanks. You know what I think like you.”


“talaga? Salamat. Nga pala dito nalang kayo ni Lance sa table namin.” Alok ko sa kanila.


Agad namang naupo si Queen. Wala ng choice si Lance kundi umupo na din.


Pinalipat nalang nila sa waiter yung order nila.


“ikaw na ba ang bagong GF ni Lance?” tanong ko kay Queen (oh diba ushuserang palaka ako..hehehe)


“naku hindi!!! I’m his one and only cousin.” Tanggi niya.


Ahh… pinsan naman pala eh…


“ikaw, are you his Girlfriend?” tanong niya sakin sabay tingin kay Jake.


Speaking of Jake bakit parang bigla yatang nanahimik itong lalaking ito? Anong meron???


“why does it important to you?” supladong sagot ni Jake.


Abenemen!!! Kelan pa naging supladito itong si Jake???


Uso ba ang hawaan sa barkadang ito at nahawa na sya kay Lance sa pagiging suplado?


Agad kong siniko si Jake. Nakakahiya naman kay Queen yung inaasal niya. Mamaya isipin pa ni Queen na walang manners ang mga friendship ng pinsan niya.


“Pasensya ka na Queen ah..bad mood yata.. Hindi ko siya boyfriend. Magakaibigan lang kami. Kasi alam mo na ang kagandahang taglay ko ay para sa mga prinsipe lamang at si Jake ay isang hamak na mortal lang..hahaha..”


Natawa naman si Queen. Mukhang magkakasundo kami. Samantalang yung dalawang boys nakasimangot na.


Nakakapanibago si Jake. I never saw him like that before. Mas sanay na ako na lagi siyang nakangiti. Kaya naman seeing him like that makes me feel sad.


Napatingin ako kay Queen. Pamilyar talaga siya.


That’s it!!! Sa cover ng isang magazine ko siya nakita. Dun sa magazine na binili ni Aya. So model pala siya.


“Hey Queen, mind if I ask you kung model ka ba?” (Wala namang masamang magtanong di ba?)


Tumango si Queen.


“Yeah pero not here in the Philippines. International model ako. I doubt kung may nakakakilala sakin dito.” She answered while eating her parfait.


“sabi ko na eh. I saw you in the cover of Aya’s magazine…I think Elite yata ang name nung magazine eh..” (kaya naman pala maganda at matangkad eh model…take note!!! International pa!!!)


“Aya?”


“Yeah.. She’s my bestfriend. Barkada din namin siya.”


“You mean to say Shinaya Montreal?”


“yup! Kilala mo pala si Aya? Sabagay pinsan ka nga pala ni Lance malamang kilala mo nga yun. Eh si West kilala mo din?” (Hindi naman halatang madaldal at UZI ako diba? Hehe..well not everyday makakausap ko ang isang international model)


“Si West? Yup I know him too.” (teka parang may lambing ang pagkakasabi niya ng name ni West??? May sapak ata itong pinsan ni Lance eh…well sabagay may sapak nga din pala si Lance…nasa genes siguro nila.


Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Hindi ko na napansin na tumingin ulit si Queen kay Jake.

(>_O)

No comments:

Post a Comment