Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 6

[JM’s POV]


Excited much na me…


Bukas na yung punta naming Baguio. Pagkagaling sa airport kung saan hinatid namin si Aya papuntang Australia ay dumaan muna kami nina Avee at Madz sa mall kasi may gusto daw bilhin na coat si Avee.


Kaw na mayaman…hehehe..


Kaya ngayon dito sa bahay ay busy naman ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin. Actually maayos na sya gusto ko lang ayusin ulit. Wala lang para may magawa.



“Marie Jane kumain ka muna may niluto akong sopas dito.” Tawag sakin ni mama.


Ang bait naman ng nanay ko oh…


Wag ka masarap magluto yan si Mama.


At dahil super excited naman ako makakain ng luto niya agad akong bumaba.


“Wow!!! May favorite!!!”


Para sakin the best ang luto ng mama ko. Kaya nga kung papipiliin ako kung sa mamahaling resto o luto ni mama sa luto parin ako ni mama.


“The best ka talaga ‘Ma!!!”


Sarap na sarap naman ako sa luto niya diba?


“Oh pagkatapos mo kumain ikaw muna ang magbantay sa tindahan dahil may pupuntahan lang ako”


Ayun yon eh!!! Sabi ko na may kapalit ang sopas na ito eh.


Malamang makikipagtsikahan na naman yan si mama sa mga kumare niya sa paligid. Hindi ko nga maintindihan kung paano niya naging kumare lahat iyon eh.


Kung tatakbo siguro si Mama na chairman ng barangay malamang landslide ang pagkapanalo nito.


“Marie Jane naririnig mo ba ako? Ang sabi ko magbantay ka ng tindahan.”


As if naman may choice ako?


“Eh ‘Ma mag-aaral pa ako ng lesson eh.”


Try ko lang lumusot..


Pero wa epek yun kay Mama.


Aba?! Anong klaseng eskwelahan ba yang pinapasukan mo at hindi kayo tinuturuan na tumulong sa magulang?”


See??? Sabi ko na wala din akong lusot eh.


No choice talaga.


Bitbit ang magazine na hiniram ko pa kay Aya (ito yung magazine kung saan cover yung pinsan ni Lance na si Queen) dumiretso na ako sa tindahan para magbantay.


Kung may kinatatamaran man akong gawin yun ay ang magbantay ng tindahan.


Ay mali!!! Tamad nga pala ako sa lahat ng gawaing bahay..hehe.


Ang boring naman kasi eh.


“Hi Miss Prettyful, pagbilhan nga po ng pancit canton at ng isang matamis na ngiti mula sa pinakamagandang babae sa mundo”


Hay naku naman oh sa dami ba naman ng pwede kong maging unang customer eh itong lalaki pa na ito.


“Pwede ba Gideon tigilan mo ako.Wala ako sa mood makipag-asaran sayo.” Hindi tumitinging sita ko sa kanya.


Si Gideon ay kinakapatid ko na walang ibang alam kundi asarin ako.


“Bakit kasi nakasimangot ka? Bawal sa tindahan yan paano ka mabibili niyan?”


Bigla namang nagpanting at tenga ko.


Gigil na hinarap ko si Gideon.


“Anong tingin mo sakin Prosti at kailangang mabenta? Bugaw ka ba?” Naku!!! Panira talaga ito ng araw oh. Kaya ayoko naglalabas ng bahay eh dahil sa mga taong katulad nito.


Bago ko pa mabato ng hawak kong magazine si Gideon ay agad na ito nagtatakbo palayo sa tindahan.


(`_`)

ang call time kaya naman alas kwatro palang ready na ako. Hindi naman masyadong obvious na excited ako diba? Mahirap na at baka maiwan pa ako ng bus.


“Sumabay ka na sa Kuya John-John mo hanggang sa sakayan Marie Jane” sabi sakin ni Mama.


Naku naman kung sasabay ako kay Kuya baka bukas pa kami makarating sa pupuntahan namin dahil daig pa ang babae niyan kung makagalaw eh.


“Wag na ‘Ma kaya ko na” angal ko. Baka mapurnada pa yung trip ko sa Baguio kapag sumabay ako kay kuya.


Bago pa makasagot si Mama ay humahangos na nilapitan ako ni Jigger bitbit ang cellphone kong pumapailanlang ang boses ni Nicky Minaj sa kantang Super Bass.


“May tawag ka ate.” Sabay abot sakin ng cp ko.


“Sino naman kaya ito?” pagtingin ko sa caller eh pangalan ni Jake ang nakaregister.


“Oh bakit?” ano naman kayang problema nito at tumatawag. Wag niyang sabihing di siya pupunta at uupakan ko siya.


“Nasan ka na? bakit ang tagal mo sagutin yung phone nakailang dial na ako?” yun ang bungad niya sakin. (aba?! Astig di ba? Boyfriend ko ba siya?)


Napapantastikuhang tinignan ko ang hawak kong cellphone na para bang siya ang kaharap ko.


“Ay sorry po mahal na prinsipe ah nasa kapatid ko kasi yung cellphone ko. Ano po bang maipaglilingkod ko sayo?” sarkastikong sabi ko.


Sarap upakan nitong si Jake eh kung makaasta akala mo boyfriend ko eh.


“Nasaan ka nga? Sagutin mo yung tanong ko at wag ka ng sarcastic dyan.”


Naku!!! Ang aga aga matutuyuan yata ako ng dugo dito kay Jake ah.


“Dito pa ako sa bahay! Wag kang mag-alala at di kita iindyanin noh! Alam mo namang excited na nga ako.”


“Diyan ka pa? sige wag ka umalis dyan ah susunduin kita.” Sabay patay ng cellphone.


Muli akong napatingin sa cellphone ko.


“Alam mo ikaw nakakahalata na ako sayo ah. Nahahawa ka na talaga kay Lance!” parang tangang kausap ko sa cellphone ko. Imagining that it was Jake.


“Oi! JM nabaliw ka na dyan” sita sakin ni Kuya John-john sabay batok.


“So talagang may batok pang kasama?” inis na sabi ko.


“Mama si Ate nababaliw na” sigaw naman ni Jigger


“Matagal ng baliw yang ate mo. Wala ng bago dun.” Ganting sigaw naman ni Papa habang nagbabasa ng dyaryo.


Aba?! Pinagtutulungan ako? Buti nalang at mawawala ako ng tatlong araw dito sa bahay kaya mapapahinga ang utak ko sa mga pasaway.


Maya maya pa ay may narinig kaming pumaradang sasakyan sa harap at ilang sandali’y doorbell sa gate naman.


Baka si Jake na yun. Agad akong lumabas para puntahan siya kaso ang pasaway kong kapatid ay nakipagunahan pa sa akin.


Si Jake nga ang naabutan ko sa labas ng gate.


“Ready ka na?” tanong niya sakin.


Napatingin ako kay Jake. He was wearing a blue poloshirt,  maong shorts and sneakers. Simple lang naman ang suot niya but somehow pakiramdam ko ay ibang Jake ang nasa harapan ko.


Pumitik siya sa harapan ko.


“Ui! Natulala ka na sa kagwapuhan ko. Ready ka naba?”


Napatango nalang ako. Samantalang si Jigger ay titig na titig kay Jake. Kung hindi pa sumigaw si Jigger hindi pa siguro ako matatauhan.


“Papa si ate may Boyfriend na!!!!!” sigaw ni Jigger at nagtatakbo papasok ng bahay.


Balak ko sana siyang habulin kaya lang naalala ko na naghihintay nga pala si Jake.


Nagulat nalang ako ng sabay sabay bumungad sa pinto ang buong pamilya ko.


Naku Jigger masasapak kita eh!


“Magandang umaga po” bati ni Jake sa pamilya ko.


“Magandang umaga din hijo. Aba’y tuloy ka.” Ang ever-friendly na si Mama ang nagpapasok sa kanya.


“Salamat po.”


Mukhang magigisa ng wala sa oras si Jake nito ah.


Tsk! Tsk!

(>_<)



[Jake’s POV]


Tinawagan ko si JM para alamin kung nasaan na siya. Nung sinabi niyang nasa bahay pa ay pinuntahan ko nalang siya para sunduin. Pagdating ko doon ay silang dalwa ng kapatid niya yata ang nagbukas ng gate.


Titig na titig sakin yung kapatid niya marahil ay kinikilala ako.


“Papa si ate may Boyfriend na!!!!!”


Nagulat nalang ako ng bigla itong sumigaw at nagatatakbo papasok ng bahay. Ilang sandali pa’y bumungad sa pinto ang buong pamilya ni JM.


“Magandang umaga po” bati ko sa pamilya niya.


“Magandang umaga din hijo. Aba’y tuloy ka.” Mommy niya yata yun. Kamukha niya eh.


“Salamat po.”


Pumasok na ako sa loob ng bahay. Pero pakiramdam ko pinagtitinginan ako ng buong pamilya niya.


“Upo ka” nakangiting sabi ng mama ni JM. Pagupo ko ay naupo din siya sa tabi ko. “Boyfriend ka ba ng anak ko?”


Po?” gulat na tanong ko. Malamang napagkamalan siguro akong boyfriend ni JM. Napatingin ako kay JM pero wala yung babaeng yun. Nasaan na ba yun? Hahayaan ba niya akong magisa ng pamilya niya? “Kaibigan ko lang po si JM.”


“Kaibigan! Diyan naman nagsisimula ang lahat eh. Tapos liligawan mo ang anak ko. Kapag nagging kayo bubuntisin mo? Kaya mo na bang buhayin at panagutan ang anak ko?” Papa naman yata niya ang nagsalita. Grabe sobrang advance naman ng isip ng papa niya. Siguro dito nagmana si JM.


Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.


“ikaw ba’y tapos ng mag-aral?” tanong pa ng papa niya.


“graduating na po ako”


“sigurado ka bang may papasukan ka ng trabaho pag graduate mo? Mahirap ng maghanap ng maayos na trabaho ngayon.” mama niya.


“meron na po. Sa kumpanya po ng pamilya namin.”


“mayaman ka ba? Ilan ang kotse at bahay niyo?ilan kayong magkakapatid?anong trabaho ng parents mo? Baka kapag nagasawa kayo kay JM ka pa umasa.” papa niya ulit ito.


“mayaman po ang parents ko pero hindi ako. Although may sarili naman akong savings. Tatlo po kaming magkakapatid. Pangalawa ako. Yung kuya ko po namatay 4years ago. Yung bunso namin babae nagtetake ng fine arts sa Paris. Kung sakali po na magiging asawa ko si JM hindi po siya maghihirap dahil masipag naman po ako” (teka!!! Ano bang pinagsasabi ko? Eh ni hindi ko nga girlfriend si JM eh asawa agad??)


Kaso kinakabahan ako sa pamilya niya eh kaya di ako makakontra. Ganito pala ang pakiramdam kapag haharap ka sa family ng girlfriend mo. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko. Buti nalang at nakaupo ako.


JM nasaan ka na ba??? Naku naman oh!!!


Tumango-tango yung papa niya. Mukhang kuntento naman sa sagot ko.



“Very well said. Alam mo kami ng nanay niyan ni JM ay hindi naman nangingialam sa magugustuhan ng anak namin basta mahal din siya nito. Pero wag na wag naming malaman na niloloko mo ang anak namin at kahit saang lupalop ka ng mundo ay hahanapin kita.”


Napalunok naman ako. At napatango nalang. Grabeng torture ang inaabot ko.


Maya-maya pa’y nakita ko na si JM dala ang gamit niya. Mababatukan ko itong babaeng ito eh. Nagpaalam na kami na sa parents niya.


“Sigurado ba kayong sa school activity yan baka naman magtatanan na kayo!” sita ng papa niya.


“Papa naman! Hindi kami talo niyan ni Jake. Sige na at baka malate pa kami.” At nagmano na ito sa mga magulang niya. At kinurot sa pisngi yung bunso nila.


Nakatingin lang ako sa kanila. Funny but somehow nakaramdam ako ng inggit sa closeness ng pamilya ni JM.

(o.o)

No comments:

Post a Comment