Ma. Jonalyn Villar
2nd year na namin as a college students. At dalawang taon ko na din kasama ang mga kaibigan ko.
Sinong mag-aakalang makakasundo ko sila to the point na makakasama ko pa sila sa bahay? Samantalang nung una ko silang makita eh hindi ko naman sila talaga gusto.
Ngayon nga ay kasalukuyan kaming nakahilata sa sala ng bahay namin. Palibhasa ay Saturday mga walang lakad ang iba samin.
Pahinga day daw eh.
I looked at my friends whose busy watching the movie. Napagtripan kasi namin na magmovie marathon eh. At ang nakakatakot na si Sadako ang nasa TV namin ngayon.
At sa dalawang taon na nakasama ko sila nalaman ko ang ugali nila.
Si Lanie na tutok na tutok sa TV (Mahilig kasi siya sa mga ganyang palabas eh.) ang parang rakistang kikay samin. Di pa siguro siya makapagdecide kung gusto ba niyang maging rakista o kikay na lang..2n1 muna siya.
Ang ever-outspoken at malakas mantrip na si Alaine ay busy sa pagkutkot ng chichiria …siya din yung taong laging late sa usapan. Kaya pag sinabi niyang papunta na siya..asahan mong kagigising palang niya nyan.
Si Marky na kanina pa pinanggigigilan nila Roselyn at Kristalyne kapag natatakot sila ang joker sa grupo…at nag-iisang lalaki samin. Pero siya rin yung masasabi kong pinakamasipag at responsableng tao.
Si Dhez na nasa sulok at nagtatakip ng unan kapag lilitaw si Sadako ang pinakapeacemaker sa amin. Kasi siya yung pinakatahimik eh..di ba nga kapag walang maingay…peaceful ang paligid?
Si Roselyn naman ang kaibigan kong lahat nalang ng bagay pinoproblema. Ultimo bakit daw lumalabas si Sadako sa TV ay pinoproblema niya. Akala mo iyon na ang pinaka mabigat na suliraning kinakaharap ng Pilipinas.
Si Cecil naman ang mortal na kaaway ni Rose..(joke lang iyon) madalas kasi silang magtalong dalawa kahit sa simpleng bagay lang. Knowing Rose walang “simpleng” bagay diyan at si Cecil kasi may pagkamaldita din eh…ay mali!!! Maldita pala talaga siya. Kung si Rose lahat ng bagay big deal…si Cecil naman lahat ng tao kaaway niya. Tignan mo nga ngayon at ang lakas mang-asar dahil alam naman niyang natatakot na si Dhez ay tinatakot pa niya lalo.
Si Kristalyne naman o mas kilala bilang Lyne ang pinakawalang pakialam sa mundo. Yung tipong “Sige bahala kayo” pero minsan nakakainis din dahil kailangan mo pa laging piliting sumama kapag may gala.
Sila ang mga ever pasaway pero lovable kong friend...
Sa kanila ko natagpuan ang mga tunay na kaibigan. Kahit pa nag iba-iba kami ng ugali.
Kung para sa iba highschool life ang pinakamasayang parte ng life nila..para sakin naman itong college life..kasi dito ako nagkaroon ng freedom…yung malayo sa hawlang pinagkulungan ko dati.
Napansin kong ubos na yung chichiria namin kaya nagprisinta na akong kumuha sa kitchen. Kaso nag-angalan naman ang mga kaibigan ko dahil sa mismong harap ng TV ako dumaan kung saan super exciting na ng part.
Hindi naman ako pasaway diba? Hehe
“Pasukan na pala nextweek.” Sabi ni Rose nang matapos ang palabas at nagsasalang ng bago naman si Alaine.
“Yeah…new classmates kasi adik din itong si Jona eh. Lumipat ng section” sagot ni Marky
“Eh kasi naman yung dati nating section pang-umaga eh..mga tamad naman kayong gumising ng maaga kaya malamang malelate lang tayo lagi kahit malapit yung school natin dito.”
“Guys corpse bride ni Tim Burton nalang panoorin natin” singit ni Alaine.
“Nilagay mo na eh.”
“Ang layo ng sinabi ni Alaine sa pinag-uusapan natin ah” natatawang puna ni Lyne.
“Hay naku bakit kasi pinoproblema niyo yan eh..eh ano naman kung bagong classmates eh magkakaklase pa din naman tayo”
“Well..kunsabagay”
“Okay na yun new classmate”
“Oo nga..para may bagong aawayin si Cez”
At nauwi kami sa tawanan.
Sa unang lingo at buwan ng klase namin ay naninimbang pa kami sa mga bago naming kaklase since nasa block section kami…saka mas madalas kasi kaming magkakaibigan ang magkakasama kaya tuloy hindi kami masyadong nakikipag-usap sa iba.
Natapos ang first semester na halos di ko namalayan..bihira nalang kaming gumala dahil naisipan mag-working students nina Lan, Marky at Lain…maging si Cez ay nagworking student na din.
Hindi naman kasi kami mayayaman eh..tipikal na estudyante lang..ang school namin di masasabing school ng mayayaman.…maski kami ni Dhez gusto na din naming magtrabaho kaso 17 palang kami. Di pa daw pwede.
Saka mabuti na yung habang maaga pa eh matuto na kaming magtrabaho para may pandagdag gastos na din. Kaso hindi naman pwedeng lahat kami eh magtrabaho dahil walang maiiwan sa bahay.
At hanggang ngayon eh hindi ko pa din nakikilala ang kapit-bahay namin. Hindi ko kasi siya natyetyempuhan eh. Ang sabi ni Rose mababait naman daw. Saka puro pala lalaki ang nakatira dun sa katabing bahay namin dahil nakausap na din daw sila minsan ni Rose.
Hindi ko nalang ikunuwento sa mga kaibigan ko ang nakakainis na encounter ko sa isa sa lalaking nakatira dun.
2nd semester….dito nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa takbo ng buhay ko.
Since active ako sa klase namin ay madalas akong maging group leader.
Di kasi sa pagyayabang ay alam kong matalino ako kung di man genius tulad ng iba.
Ikaw na mag-aral ng mag-aral eh.
Ayun nga…ako ang leader kaya natural na kilalanin ko ang bawat member ko... kaya tuloy kahit di ko sila feel kausapin ay no choice ako.
Halos lahat ng kagrupo ko ay nakilala ko na except for this one particular guy na nagsasabing member ko daw siya.
Ang tagal ko siyang tinitigan..pilit kong inaalala sa isip ko kung kagrupo ko nga ba siya…or worse..kung kaklase ko ba siya.
Then one of my groupmate who happened to be his friend said na member nga daw siya ng grupo.
Pilit ko tuloy iniisip kung nagkamali ba ako at di ko siya naisali sa grupo ko…yun naman pala ay ni minsan hindi pa siya umatend ng group meeting namin dahil working student din pala siya…kaya pala hindi ko siya napapansin.
Honestly speaking, nung time na iyon parang di siya nag-eexist sa mundo ko. (oo..may sarili akong mundo) kung iyon ngang mga pasaway at papansin ay di ko isinasama sa mundo ko siya pa kaya na na bihirang magparamdam o magpakita man lang?
So I asked him his name.
Pero teka ah…hindi ko siya crush ah. I just want to know his name so that I can include it in my list.
Carl…that’s what he told to me. I wrote it in my notebook and reminded to myself that a guy named Carl exist in our classroom.
“ Pesteng Mark talaga yan. Tama bang nahuli kong may ibang babaeng kasama?” himutok ni Rose habang naglalakad kami pauwi ng bahay.
“Na naman? Eh pang-ilang beses mo na syang nahuhuli eh. Tapos konting sorry at suyo niya sayo pinapatawad mo agad kaya namimihasa. Tapos ngayon magrereklamo ka dyan. Adik ka din eh” sermon ko sa kanya.
“Mahal ko kasi sya eh” katwiran naman nito.
Kung diba naman talaga isa’t kalahating luka-luka eh. Harap-harapan na ngang niloloko eh balewala pa din sa kanya.
“Rose, hindi masamang magmahal..pero kung nagmumukha ka ng tanga eh tigilan mo na yan.” Payo ko.
“madaling sabihin mahirap gawin”
“Ikaw lang naman ang nagpapahirap sayo eh. Ano bang mahirap dun ha?”
“Ewan ko Jon…hindi ko na alam ang gagawin ko. Makikipagbreak naba ako?”
Batukan ko kaya itong babaeng ito para matauhan diba?
“Bahala ka. Buhay mo yan. Kahit ano namang sabihin namin sarili mo pa din ang susundin mo diba? Ayokong magsayang ng laway.”
“kainis ka naman eh”
Ayos ah??? Ako pa daw ba ang nakakainis????
Abnormal talaga.
Sa pagliko namin sa kanto ay may nakita akong pamilyar na tao sakin.
It was Carl.
Anong ginagawa niya dito sa lugar namin?
“Klasmeyt natin yun diba?” napansin din pala ito ni Rose
“Yeah. Close kayo?”
“Hindi. Tahimik yan eh. Ang hirap kausapin”
Mukha namang hindi niya kami napansin dahil dirediretso lang ang lakad niya.
Hindi namin namamalayan ay sinusundan na pala namin siya ng tingin. Ganun nalang ang gulat namin ng pumasok siya sa katabing bahay namin.
“Dun siya nakatira???” gulat na tanong ko kay Rose.
“malamang siguro. Pumasok siya eh. Alangan namang akyat bahay siya eh may sarili siyang susi” pamimilosopo ni Rose.
“Adik ka sipain kita dyan eh. Wag mo sabihing broken-hearted ka”
Nagpout nalang ng lips ang luka-luka.
Wow ah.. I cant believe na kapit-bahay ko lang pala siya. Bakit kaya hindi ko siya napapansin?
Halleeerrrr??? As if naman kilala mo lahat ng tao dyan sa katabing bahay niyo eh yung mayabang na lalaki lang nga ang nakikita mo palang.
Kaanu-ano niya kaya yun?
“Hoy Lola! Baka gusto mo ng pumasok diba?”
Hindi ko napansin nasa tapat na pala kami ng bahay at nakapasok na sa loob ng gate si Rose kakaisip ko dun sa kaklase ko at kapit-bahay pala.
Naiiling na pumasok nalang din ako.
“Uy!!!! Si Lola…may crush dun kay klasmeyt!!!” tukso ni Rose.
“Crush ka dyan! Adik!” sita ko sa kanya.
“Eh bakit namumula ka?”
“Hindi ako namumula noh!” tanggi ko kahit na ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko sa pang-aasar niya.
“Weehhh…si Lola inlove!!!”
“Grabeng utak meron ka Rose ah..kanina crush lang ngayon inlove na”
“Syempre ganun talaga!!! Bright ako eh”
“Ewan ko sayo.! Epekto lang yan ng pagiging BH mo.” Bale-wala ko at umakyat na ako ng kwarto.
Dinig ko pa ang pang-aasar na tawa ni Rose sa salas.
Mga nagagawa nga naman ng broken-hearted oh.
Nababaliw.
No comments:
Post a Comment